SAGRADONG AKLAT 9
Sa Sagradong Aklat na ito bibigyan tayo ng
kaunting kaalaman kung bakit at paano nakaka-apecto ang bawat letra ng iyong
pangalan pati na ang araw ng iyong kapanganakan sa iyong karakter, personalidad
at kapalaran. Pag-aralan ang masuwerteng araw sa bawat numero na prominente sa
iyong buhay. Alamin ang numerong magbibigay ng magandang kaginhawaan sa iyo.
Matutong mag-analyze ng mga pangalan.
Tilad-tilarin ang bawat letra. At matutuklasan mo kung saan itinuturo ang
tamang daan para maging matagumpay.
Ang buhay ng isang tao ay parang libro na
may maraming kabanata. Marami na ang nangyari sa buhay natin ang hindi natin
inaakalang mangyayari. Mula sa kawalan ay may biglang kaligayahan ngunit
pag-minsan ay kalungkutan. Maging ang iyong mga panaginip ay konektado sa
pagka-panalo mo sa anumang sugal.
Ito ang isa sa ,mga susi upang malaman mo
ang maraming bagay tungkol sa iyong buhay. Ang combinasyon ng iyong pangalan,
apilyedo at ang araw ng iyong kapanganakan ay maghihiwalay sa iyo upang
makilala mula sa ibang tao. Ang nakatagong kapangyarihan at mga solution sa mga
problema ay maiaayos kung makukuha ang tamang kasagutan.
Ang pangalan mo ay binigay ng iyong mga
magulang. Ngunit sino ang nagbigay sa kanila? Ano ang naka-inpluensiya sa
kanila upang ito ang idikit sa katawang lupa mo? Ang aspelyido mo ay pinamana
ng iyong Ama sa Laman. Ang kaarawan ng iyong kapanganakan ay itinakda ng Great
Mathematician sa lahat ang Dios Ama.
Diyan nakadikit ang iba’t ibang
nangyayaring kapangyarihan sa bawat kabanata ng iyong buhay. Importante ang mga
numero sa araw ng iyong kapanganakan maging ang kombinasyon ng bawat letra sa
iyong pangalan at apelyido.
Ang sinasabing “Know Thyself” na mula sa
matatalinong tao ay dapat sundan sa pamamagitan ng pagbukas ng susi sa pangalan
mo at sa araw ng iyong kapanganakan. Daan ito para sa mas matatag na
pagmamahalan, kulusugan, kaligayahn at maging sa material na kalayaan pati na
rin sa katalinuhan.
Manalanging ng taimtim. Alaming mabuti kung
ikaw ay pinapayagan ng Tatlong Persona, ni Mama Mary at ng lahat ng mga Angel
na sumali sa ganitong operasyon. Humingi at humiling ng Divine Permission.
Bago sumali, sumama at pumasok sa ganitong
pagsusugal ay ipinapayong nasunod na at nagawa na lahat ang iba’t ibang
kaalaman at paraan na ginagawa ng miyembro ng DTEF (Divino Third Eye
Fellowship) upang siguradong maiwasan ang anumang mis-interpretation o
pagkalulong at magkaroon ng ispiritwal na bira na magiging sanhi ng kahirapan.
Paalaala
at Tagubilin: Nararapat na nabasa at naka-Panalangin gamit ang Divino Third Eye
Fellowship Prayer HandBook bago sumali sa Treasure Hunting Operation.
Babala:
Ang hindi pag-sunod sa Divinong paalaala ay nangangahulugang walang pananagutan
ang DTEF sa anomang kahihinatnan ng sasama saganitong gawain.
Palakasin
ang aura at pananampalataya pati ang katawang Lupa bago gumalaw sa mundo ng
Gambling o pagsusugal sa pamamagitan ng pag-gamit ng Biblia, Divino Third Eye
Fellowship Prayer Handbook, Mga Makapangyarihang Dasal, DTEF Capsules, Kabal,
Atardar, Mga Efod (Mahal na Panturo, Mahal na Kwintas, Third Eye, Third Ear, Second Mind, Mahal na Baston, at mga bahagi ng kamay) sa mga Pagtatanong,
paggamot, at sa pagtupad ng Divinong Hustisya. Gamitin ang iba’t ibang paraan,
kagamitan at iba’t ibang sandata upang magamit ng tama ang lahat ng Regalong
ipinagkaloob ng Tatlong Persona, Mga Divinos at ni Mama Mary.
Sundin ang lahat ng Do’s and Don’t ng
inyong regalo upang maiwasan ang anuman pagkalulong at maging matagumpay sa
gagawing operasyon.
Gamitin ang iba’t ibang regalo at iba’t
ibang gamit upang malaman at matanggap ang kanilang pagsang-ayon. Huwag
tangkaing baguhin ang kanilang kasagutan. Isang palatandaan ng kahit maliit na
hindi pagsang-ayon ay nangangahulugang hindi ka nila pinapayagan. Tandaang
nauuna nilang nakikita ang susunod na kabanata ng iyong buhay na maaaring
mag-resulta sa hindi kanais-nais na pangyayari sa oras na ikaw ay sumuway sa
kanilang kagustuhan. Mag-shield at mag-charge.
Bago pumasok sa mundo ng pagsusugal sapagkat
ang buhay naman ng tao ay para na ring sugal ipinapayong kilalanin munang mabuti
ang sarili. At magkaroon ng kahit konting kaalaman sa mystico ng mga susi ng numerology.
Bago mo kasi madesisyonan kung saan ka tutungo alamin mo muna kung nasaan ka sa
ngayon.
May kapangyarihan at magic sa pangalan ng
isang tao. May katalinuhang nakatago sa bawat pangalan. Halos nakatakda ang
inpluensiya ng kapalaran, sa suwerte o malas para maging destinasyon ang
pangalan at araw ng iyong kapanganakan.
Ang pagtatagumpay at ang kaligayahan ay
mapapasa iyo kung alam mo sa buhay mo ang mga kaibigang kapangyarihan na
naka-harmonize sa iyong pinagmulan o pinanggalingan at least 100 years bago ka
isilang sa lupa. Maalis ka sa pagkakakulong at lalawak pa ang capabilidad.
Panuntunan
sa pag-alam ng importanteng numero
Ang pagtuklas ng numerong suwerte sa iyo
ay susi sa pagtatagumpay at kaligayahan. Ang numero ya mahalagang bahagi ng
iyong buhay. Unibersal ang kapangyarihan ng numero. Sa pamamagitan ng mysticong
numerology malalaman mo ang karacter ng isang tao.
Bawat isang tao ay may apat na importanteng
numero: una, ay ang kanyang pangalan, pangalawa, ang kanyang apelyido, pangatlo
ay ang kanyang kaarawan, pang-apat ay ang kanyang dapat na maging trabaho o
vocation.
Meroong siyam na importanteng numero sa
Mysticong Numerology: 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9. Bawat numerong ito ay puwedeng
gawing simple at maging pinaka-importanteng numero. Halimbawa; kunin ang mga
numerong 1-8-7-4-6, iadd mo itong lahat, ang kabuuan ay 27. I-add mo uli ang 2
at 7, at lalabas ang importanteng numerong 9.
Ano
ang mga numerong mahalaga sa iyo?
Sa mysticong numerology bawat halaga ng
letra ay dapat nakatapat sa ganitong destination na dapat niyang pag-mulan.
1 2
3 4 5
6 7 8
9
A B
C D E
F G H I
J K
L M N
O P Q R
S T U
V W X
Y Z
Jan=1
Feb=2 Mar=3 Apr=4
May=5 June=6
July 7 Aug=8
Sept=9
Oct=10 Nov=11 Dec=12
Hanapin natin halimbawa ang importanteng
numero na nakaka-apecto kay John Mores, pinanganak noong Aug. 15, 1897.
Unahin ang kanyang pangalan: (J)1, (O)6,
(H)8, (N)5; i-add ang mga numero ang kabuuaan ay 20, 2+0= 2 kaya ang
pinaka-importanteng numero sa pangalan nya ay 2.
Pangalawa, kunin ang kanyang family name o
apelyido: (M)4, (O)6, (R)9, (E05, (S)1; i-add ang mga numero ang kabuuan ay 25.
Ang numerong 2 at 5 ay i-add kaya ang pinaka-importanteng numero sa apelyido
niya ay 7.
Pangatlo, ang kanyang kaarawan ng
kapanganakan, Aug. 15, 1897. sa numero ito ay lalabas na 8-15-1897. August
bilang ika-8 na buwan sa bawat taon.
I-add ang mga numerong 8-1-5-1-8-9-7= 39. Ang numerong 3 at 9 ay i-add kaya
ang total ay 12. I-add muli 1 at 2 kaya ang pinaka-importanteng numero sa
kaarawan niya ay 3.
Nakarating tayo sa pang-apat ang kanyang
dapat na career, trabaho o vocation. Sa pamamagitan ng pag-a-add ng
importanteng numero mula sa pangalan niya, sa apelyido niya at ng birthday niya
na 2-7-3= 12. I-add muli ang 1 at 2 kaya ang vocation numero niya ay 3.
Para mabasa ang mysticong numerology ni
John Mores babasahin ito sa susunod na mga pahina. Pangalan 2; Apelyido 7;
birthday 3, vocation ay 3.
Mga numerong
scientifico na sinama sa lakas ng mysticong numerology.
Swerte
at mga hindi swerteng araw ayon sa matatandang guro ng makalumang panahon.
Ihalo ang formulas ng metragrammatism, ang sining ng pag-compute ng swerteng
kapalaran sa araw at oras ng iyong pag-silang at ang bilang ng bawat letra at
kahulugan ng iyong pangalan.
METRAGRAMMATISM
Isang
artistikong paraan ng mga bumabasa sa pamamagitan ng paikot-ikot na enerhiya at
vibrations sa letra ng mga pangalan ng tao.
Pinatutunayan at nalalaman ng mga sinaunang
sangkatauhan na ang pangalang ibinibigay sa isang bata matapos siyang isilang
at idinugtong sa kanilang apelyido ay siya ring pangalan niya hanggang
kamatayan maaari lamang itong madadagan kung ang bata ay isang babae.
Sa ibinigay na pangalan ng kanyang magulang
magkakaroon ng nakatakdang destinasyon, pangyayari at kapalaran ang isang tao.
Maaaring napasuwerte niya sa anumang bagay na kanyang pasukin o napakamalas
niya sa anuman niyang pasukin dito dapat na marunong siya sa pagbabasa ng oras,
araw na mababago ng kanyang kapalaran vis a vis sa kanyang pangalan.
Kaya ipinapayong pag-aralang mabuti ang
ibibigay na pangalan sa isang bata. Maglaan ng mahabang pagsasaliksik sa
kahulugan nito. Pag-aralan ang astrological divination upang maiwasan ang hindi
magandang kapalaran
Dapat
mapili nila ang pangalang ma-swerte ang diskripsyon lalo na pagka-idinugtong
ito sa kanilang apilyedo.
Nararapat pag-aralan ang sikretong
inpluwensiya ng mga bituin, maging ang mga kometang darating na kumikinang sa
panahon ng kanyang kapanganakan at ang lakas ng enerhiya maging ang vibrations
ng pangalang ibibigay para makita agad ang magiging takbo ng kanyang buhay.
Sa pangalang ibinigay makikita agad kung
siya’y magiging matalino o magiging isang dakilang tao. Ito’y pinatutunayan ng
mga astrologers at maging ng mga sinaunang manunulat.
Mahalaga ang mistikong kahulugan ng isang
pangalan. Ang iyong pangalan ay may koneksiyon sa iyong magiging kapalaran.
Tuklasin ang kahulugan nito.
Pag-aralan ang pag-gamit ng ibat-ibang
kombinasyon ng bawat araw sa iyong pangalan at sa iyong kapanganakan upang
matuklasan kung suwerte ka sa araw na ito upang tumaya, magnegosyo o ma-involve
sa Treasure hunting. At kung ito naman ay may kamalasan para sa itinakda sa
iyong pangalan paano mo ito makokontra.
Ayon sa matatandang
astrologers :
Ang isang batang ipinanganak sa araw ng Linggo ay magkakaroon ng
mahabang buhay at madali para sa kanya ang yumaman.
Ang isang batang
ipinanganak ng Lunes ay magiging mahina at kulang sa lakas. Kaya dapat niya
itong makontra sa pamamagitan ng ehersisyo at pagkain ng masustansiyang mga
pagkain.
Kung siya naman ay ipinanganak ng Martes
masasabing hindi siya ganoon ka-swerte ngunit sa pamamagitan ng hindi
ordinaryong pagtitiyaga ay mapagtatagumpayan niya ang kanyang mga pagnanasa na
kung saan siya susubukan. Subalit kung hindi siya magiging maingat may panganib
na mamatay siya sa isang bayolenteng insidente.
Ang batang ipinanganak ng Miyerkoles ay
tinakdaan na maging pala-aral sa pamumuhay at aani siya ng magandang buhay kung
gagawin ito. At posibleng maghirap siya kung hindi magkokoncentrate sa kanyang
pag-aaral.
Ang isang batang ipinanganak ng Huwebes ay
mag-aani ng dakilang karangalan at dignidad.
Ang bata namang ipinanganak ng Biyernes ay
may malakas at matibay na pagkatao ngunit siya masyadong magmahal at matinding
umibig.
Pag-isinilang ka sa araw ng Sabado, ikaw ay
may mabigat, nakakainip at napakabagal na disposition.
Nasusulat din sa mga matatandang record ng
kasaysayan na maaari mong ma-inpluwensiyahan kung ang araw ay malas para sa iyo
at gawin itong swerte. Magagawa mong suwerte ang iyong araw kung tataya ka sa
numerong nasa gitna ng iyong kaarawan at kasalukuyang panahon ngunit dapat
bilog ang buwan sa gabi.
Maging sa ikakasal magandang date ang 7th,
9th, at 12th ngunit dapat nakatapat sa araw ng lunes,
miyerkoles, huwebes at biyernes. At sa panahong ito dapat papalinaw ang sinag
ng buwan.
Marso ang swerteng buwan sa pagpapatayo ng
bagong bahay ngunit hindi magandang
magpa-blessing nito kasabay ng kaarawan ng may-ari nito.
Huwag na huwag mong ikukwento ang numerong
ilang beses mong napapanaginipan bago ka pa mag-almusal nakokontra ang
dala-dala nitong swerte kahit na sa pinakamatalik mong kaibigan.
Kung may ipinakikitang numero sa iyo at
napapanaginipan mo ito ng tatlong beses sa gitna ng alas dos at alas kuwatro ng
madaling araw napakagandang payo ito mula sa isang matinding malasakit kaya
dapat mong ilista ito at tayaan na.
Marami na ang nagtagumpay sa sugal sa
pamamagitan ng pag-gamit ng kaalamang Engkanto De Dios sila ang matinding
nakinig, nag-aral, nagcompute upang marating ang kanilang sikretong
pagtatagumpay.
Ito naman ang listahan ng mga
napaka-swerteng oras sa pagtaya. Ikonekta ito sa oras at araw ng iyong
kapanganakan maging ng numero sa bawat letra ng iyong pangalan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento