Linggo, Abril 13, 2014

ANG KAPANGYARIHAN NG PAG-DIDIVINO Part 2 (GREAT WHITE DIVINO FELLOWSHIP)



ANG KAPANGYARIHAN
NG PAG-DIDIVINO Part 2
(GREAT WHITE DIVINO FELLOWSHIP)
Ang daan ng buhay Divino:
            Narito ang pag-aaral tungkol sa mga nakatagong kaalaman at sikretong karunungang itinago sa maraming panahon, maging sa mga ordinaryong sangkatauhan. Matutunan ang makapangyarihang pang-gagamot, ang pinansyal na kaginhawahan, ang matibay na pag-mamahal sa pamilya man at mga kaibigan.
            Matutunan ang paggamit ng “Kapangyarihan ng mas mataas na antas ng sarili, at ang mas mataas na antas ng kamalayan, na mayroon sa bawat nabubuhay na nilalang kung saan binibigyang daan sila upang mamuhay ng perpekto.”
            Sa pamamagitan ng patuloy na pananalangin at pagsasagawa ng mga disiplinang ito, makakabuo tayo ng isang kapansin pansing walang hanggang kapangyarihan.
            Isang kapangyarihang higit pa sa ating kamalayan at katawan, maging ang kakayahang at kapangyarihan mas mataas upang mapasunod ang ibang tao para sa kanyang ikabubuti. Gamit ang kapangyarihang ito mailalagay natin ang ating sarili at ang ibang tao sa estado kung saan magkakaroon tayo ng perpektong husay, kalusugan, pagkakasunduan, kaligayahan at kapayapaan sa ibang at alagaan ang mga katangiang ito na sa panahon ngayon ay tinatawag nating “tagumpay.”


 Layunin, Plano, Prayoridad
Sinabi ng mga DTEF Masters na ang layunin ay katulad ng isang mangingingisda na nagpaplano sa pamamagitan ng pag-aaral sa kundisyon ng mga isda at tubig, at nagbibigay prayoridad sa pagkukumpuni ng kanyang bangka at lambat.
Layunin
Ang ating layunin ay ang dahilan natin kung bakit tayo nabubuhay. Ito ay ang ating Dharma(enlightenment) o ang batas ng kalikasan, isang salitang patuloy pa ring ginagamit sa panahon ngayon na nakapaloob sa sinaunang salita ng mga Indiano, ang Sanskrit. Ang ibig sabihin nito ay “kalinisang-puri”, responsibilidad, o “ang tamang aksyon” na kung saan ito ay ang tamang pagsisikap sa tamang direksyon. Ito ay ang pag-gawa nang alinsunod sa ating tungkulin. Ito ay sumusunod sa ating paghatol o pagpapasya kung sa paanong paraan nating pipiliing mabuhay, ang ating paghahayag, konsensya at ang tuntunin ng ating pag-uugali.  Ang tatlong poste na sumusuporta sa Dharma ay ang nararapat na pinakamataas na pamamaraan na ating gawin habang sinusunod natin ang kagyat na pangangailangan ng ating kaluluwa, at isaalang-alang ang pangangailangan nito upang pahusayin pa ito sa susunod na pinakamataas nitong pagbabago.
Hanapin at sundan ang iyong layunin. Sundin kung saan ka tunay na tinatawag ng iyong buhay, ito ay isang uri ng espirituwal na pagpupunyagi. Ito ang iyong kapalaran, ang iyong Dharma – ang pundasyon na sumusuporta, nagpapatibay, at nagbibigay sustansya sa buhay.
Ang bawat isa sa atin, ano man ang ating posisyon o trabaho sa buhay, ay mayroong Dharma.  Ang atin ay maaring iba o kabaliktaran kumpara sa iba.  Ang isang manggagamot na nagbabalik ng buhay ay kabaliktaran sa isang sundalong pinagkakatiwalaang idepensa ang kanyang bansa sa pamamagitan ng pagbubuwis ng kanyang sariling buhay.
Sa pamamagitan ng pagtukoy sa ating Dharma, ang ating kapangyarihan ay mas lumalakas. Tayo ay nagtatagumpay kapag tayo ay nakatuon, may dedikasyon, totoo, may sinseridad at tapat sa ating tungkulin kung saan tayo tinawag upang gumanap, kahit na ang tungkuling iyon ay hindi kaaya-aya, importante o makahulugan sa isang partikular na bahagi ng ating buhay. Ang mismong pagtanggap o pag-ganap dito sa pinakamahusay nating abilidad, sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng lahat ng ating makakaya para sa isang tungkulin, ay isang mabuting Dharma.
Gaya ng isang mangingisda, na sumusuko sa natural na pwersa na nakapaligid sa atin at tinuturuan tayo mula sa maraming aral ng buhay. Ang pinakamagandang kaluguran at kasiyahan na matatanggap natin mula sa ating pagiging masikap at hindi makasariling pagpapagod ang magpapaunlad sa ating buong buhay, at kapalit nito ay ang paghahanda sa atin na tanggapin ang higit na tagumpay at pagkamit ng mga hangarin.
Ang natural na kapaligiran ng Dharma, ay ang espirituwal na ebolusyon na gumagamit ng buong pwersa.  Ang bawat kaluluwa ay nabubuo sa pamamagitan ng mga karanasan mula sa kahapon habang naglalatag ng isang pundasyon para sa kinabukasan. At kung ikaw ay maniniwala sa muling pagkabuhay, maari kang sumang-ayon kay Yogi Ramacharaka na ang buhay ay hindi lamang ang pananatili nang ilang taon sa pisikal na katawan, kundi ang kaluluwa ay mayroong hindi mabilang na kahapon ng pamumuhay at kasama nito ang kabuuan ng walang hanggan, ang kaluluwa ay nasa patuloy na paglalakbay sa walang katapusang pataas at paikot-ikot na daan.

Ang ating Dharma ang tumutukoy kung nasaang bahagi na tayo ng ating ebolusyon. Binibigyan tayo nito ng bagay na ating magagamit para sa isang ulirang paraan ng pag-uugali habang tayo ay dumaraan sa landas ng ating buhay, upang tulungan tayo makapunta sa daan patungo sa pinakamataas na bahagi ng ating pag-unlad at pagsulong.
Ang ating layunin, ang ating Dharma, ay ang ilaw ng ating landas. Ito ang nagiging lakas upang tulungan tayong manatili sa ating dinaraanan at matamo ang ating nilalayon.
Pagpaplano
Kung sa gayon ang mangingisda ay nagpaplano sa pamamagitan ng pag-aaral sa kundisyon ng tubig at isda.
Makikita natin sa ating paligid ang kakulangan sa direksyon.  Ang isang indibiduwal, matanda man at bata, ay nakakaranas nito, gayon din ang ilang mga negosyo, gobyerno at iba pang organisasyon.  Sa masusing pagsisiyasat, nadiskubre naming na ang pagpaplano ay laging nawawala. Isiping mabuti na ang pag-unlad ay hindi magagawa, maging ang tagumpay ay hindi matatamo, kung hindi ka maglalaan ng oras sa pagdidisenyo ng iyong landas. Upang magkaroon ng mataas na pagtalon, magtakda ng mahihirap na layunin at aksyonan ito kaagad; ang pagtatakda ng mahihirap na layunin ay hahatak sa iyo sa mga makabagong paraan ng pag-iisip at pagawa, at hihikayat patungo sa tugatog nang mahusay na paganap.
Mag-isip ng malalim tungkol sa iyong plano, idokumento ang mga hakbang na dapat gawin, sa pinaka-tamang pagkakasunod-sunod. Siyasating mabuti at muling suriin ang iyong plano hanapin ang mga kamalian, asahan na ang mga problemang maaring lumitaw, at isama na rin ang mga bagong ideya na makakatulong upang pagandahin pa ang plano. Ang mga sumusunod ay ang labing tatlong hakbang na dapat isaalang-alang kapag nagsusulat ng plano:
1.      Magtakda at tukuyin ang isang malinaw na layunin.
2.      Hatiin ito sa sunod-sunod at maliliit na hakbangin na maaring makamit.
3.      Idokumento at inbestigahan ang mga pamamaraan o aksyon na kailangan upang makuha ang bawat hakbang.
4.      Alamin na ang mga maaring maging kalalabasan nito.
5.      Piliin ang pinakamagandang ruta.
6.      Magpokus lamang sa mga positibo; baliwalain o pigilin ang mga negatibong aksyon.
7.      Maglaan ng dapat magawa sa bawat petsa ng buwan, oras at hangganan, sa bawat hakbang.
8.      Tulugan ito.  Importanteng itabi muna ang iyong plano, upang bigyan ang iyong sarili ng oras para pag-aralan itong mabuti at maisaisip ang plano bago ito isagawa.
9.      Sa pagsasagawa nito hayaang maghari ang iyong mga enerhiya.
10.   Bantayan ang pagsulong nito.  Busisiin ang bawat metodohiya o aksyon at gumawa pa ng kinakailangang pagpapa-igi rito.
11.   Manindigan. Upang makuha mo ang pinili mong pupuntahan, ikaw ay dapat ang mismong maging plano, upang ang buong pokus mo ay nakalaan upang maging matagumpay ang iyong plano.
12.   Tanggapin ang maaring kahinatnan. Ang pagsisisi ay para lamang sa mangmang.
13.  Pag-aralang muli ang kinahinatnan.

Upang makuha ang pinakamagandang benepisyo sa paggamit ng kapangyarihan ng intensyonal na pagpopokus sa pagpaplano, maging ang pakay mo man ay ang pataasin ang iyong kasanayan sa araw-araw na pamumuhay o ang pagkakamit ng iyong mga pang-matagalang layunin, kailangan mong gawing parte ng iyong buhay ang pagpaplano. Kailangan mong isabuhay ito sa bawat sandali.
Maglaan ng tahimik na oras sa pagpaplano nang maaga para maihanda ang iyong sarili ng buong-buo. Idetalye maigi ang iyong plano at programa sa pamamagitan ng pag-gamit ng enerhiya gaya ng pag-iisip, imahinasyon, pakiramdam at kakayahang malaman ang mga maaring mangyari. Pagsamahin ang iyong mga layunin doon sa mga taong maapektuhan ng maaring kalabasan nito.  Itugma ang iyong mga plano sa mga plano nila. Minsang sinabi ni Abraham Lincoln na kung mayroon siyang anim na oras upang putulin ang isang puno, gagamitin niya ang unang apat na oras upang patalimin ang palakol. Ang mga sinaunang Intsik na mga maestro ng martial arts ay alam na kapag sila ay nasa matandang edad na, ang mas pinahusay na paghatol at matalim na isipan ay kinakailangan upang mapanatili ang lebel ng kanilang kasanayan.
Alam din nila na ang emosyonal na kakalmahan kaysa sa husay pangpisikal at lakas, ang kanilang magiging tagapagligtas sa situwasyon ng buhay o kamatayan.
Magkaroon ng malinaw na mapa ng daang tatahakin. Suriin ang iyong kasalukuyang posisyon kasunod ng iyong mga layunin. Tingnan ang mga magiging pagsubok na maaring nasa iyong daraanan at intindihin ang pagsisikap at sakripisyo na kakailanganin gawin upang makuha ang bawat ambisyon o layunin.  Panatilihing maikli at risonable ang oras na ilalaan rito, sapagkat ang pangmatagalang ambisyon o layunin ay maaring hind imaging makatotohanan at nakakababa ng inspirasyon o motibasyon.
Ang pag-alam sa mga maaring mangyari sa plano ay tumutulong sa isang tao na mas makapagplano ng mas maaga sa kanyang pinopokus. Kung alam mo na ang iyong gagawin at kung bakit, kailan at paano at mayroon kang magagandang ideya kung ano ang dapat asahan sa iyo, sa gayon masisigurado mo na magagawa mo ito sa paraang makakapag bigay inspirasyon ka sa tamang reaksyon at inaasahan ng ibang tao mula sa iyo. Kung ang reaksyon at ang inaasahan sa iyo ng iba ay hindi malinaw, ang isang taong pokus ay inaalam na kung ano ang maaring reaksyon at aasahan sa kanya kapag dumating ang oras at siya ay handang handa para rito. Ang pagiging pokus ay ang pag-alam rin kung ano ang reaksyon na inaasahan mo mula sa iyong sarili.
Prayoridad
Gaya ng isang mangingisda na nagbibigay prayoridad sa pagkukumpuni ng kanilang bangka at lambat, dapat mong gawin at unahin ang pinakamahalagang bagay.
Hatiin ang iyong mga layunin sa maliliit na bahagi, sa pirasong mapapangasiwaan at matatamo. Magbigay prayoridad dito sa pamamagitan ng pag-aayos sa kanila nang may lohikal na pagkakasunod-sunod. Magbigay ng tamang ayos o pagkakasunod-sunod sa bawat yugto ng iyong plano at ito ang iyong magiging struktura. Kalkulahin ang iyong kakailanganin upang magawa ang bawat yugto, at alamin kung paano mo gagawin ang bawat tungkulin.  Ang isang hakbang sa bawat isa ang iyong tuntunin, at ipokus ang bawat isang hakbang.
Gamitin ang iyong mga enerhiya upang ito ay gumalaw.  Hayaang ang aksyon ng iyong pisikal na organo ang maghari.  Magsimula sa pinakaunang tungkulin. Sa buong hakbang na ito, panatilihin ang mga mata sa buong larawan ng plano at sa dulo nito. Gamitin ang anumang magagamit hakbang isinasagawa ang iyong plano. Magtiwala sa iyong mga madaraanan, ang karunungan ng silanganan ay nagtuturo na ang lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan. Ihanay ang iyong sarili sa natural na batas.
Pangasiwaan ang bawat bahagi ng pagsasagawa nito. Suriin ang bawat hakbang kung ito ay nagawa at nakumpleto na at ikalugod ang iyong pagsisikap. Magpasalamat sa iyong sarili at sa iyong mas mataas na antas ng sarili sa pagbibigay sa iyo ng kapangyarihang papangyarihin ang mga bagay. Ito ay magpapataas sa iyong pagtitiwala, gigisingin nito ang iyong motibasyon at palalakasin ang iyong loob upang makuha ang ninanais. Ang pananatiling tapat sa iyong sarili sa positibong paraan ay tutulong sa iyo upang matuto mula sa iyong pagkakamali at pipigilan ka nitong lumihis sa tamang daan. Pag-aralang muli ang bawat hakbang upang palakasin pa nito ang iyong pokus, at ang kapangyarihan ng iyong kalooban ay manatili.
Ang buong larawan
Tingnan ang buong larawan kapag ikaw ay nag-iisip ng isang layuning inaasahan mong makamit. Sundan ang daang iyon.  Suriin ang iyong sarili, ilipat ang iyong enerhiya kung kinakailangan at ikunsidera ang lahat ng posibilidad at pagpipilian na makikita mo habang tinatahak ang daan.
Magpanukala ng malinaw at tumpak sa layuning nais makamit. Ito ay dapat mapanatili ng tapat sa iyong isip sa lahat daraanang bahagi ng pagsasagawa mo nito, na kadalasan ay mahaba at pasikut-sikot na proseso. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagdedesisyon kung ano ba talaga ang iyong nilalayon, ito ay ang pagpili ng isang kagustuhan para sa iyong layunin na sa tingin mo ay ang pinaka kapaki-pakinabang, at magdesisyon upang itaguyod ito. Iwasan ang mapusok na aksyon na kadalasan ay nagkakamali at ikunsidera ang lahat ng anggulo bago ang iyong pinal na desisyon. Pagkatapos ay itabi ito at tulugan ng ilang araw. Kapag buo na ang loob mo sa iyong desisyon, magkaroon ng lakas ng loob na talikuran o ipagpaliban ang ibang posibilidad.
Inererekomenda naming ang araw-araw na manatiling totoo sa iyong sarili, gaya lamang ng araw-araw ninyong pagdarasal, sa pamamagitan ng pagtanggap sa iyong sarili ng mga opinion, idea o paniniwala, ito ay magsisilbing paalala upang gawing aktibo at siguruhin ang patuloy na pagbabago o pag-unlad ng malikhaing enerhiyang kinakailangan upang masiguro ang pagkakamit ng layunin.
Ang pagiging tunay sa sarili sa araw-araw ay tutulong sa iyo upang magkaroon ng malinaw na pagtingin sa iyong layunin.  Ang pagdedeklara ng mga idea o suhestiyon ay dapat nasa anyo ng pagiging tiwala sa iyong mga sinasabi, at ang mga salitang gagamitin ay dapat personal at dapat nasa anyong pangkasalukuyan, gaya ng, “Ako ay mahusay sa aking trabaho”.ang pinaka epektibong mga resulta ay makukuha kapag ang layunin mo ay inuulit mo sa paraang ikaw ay may intensyong makamit ito, gaya ng tiwalang pagpapahayag natin tungkol sa ibang tao, gaya rin ng pagdarasal ng ibang tao. 
Ang pagdedesisyon ay may kasamang pagpapakawala ng ating mga kagustuhan o target. Ang isang pagsasantabi ay dapat gawin, ito ay ang pagtanggal ng ibang bagay sa ating daraanan.  Upang makakuha ng isang bagay, kailangang handa tayong pakawalan ang ibang bagay. Gaya ng kung gusto mong magkaroon ng balingkinitang katawan, kailangan mong pakawalan ang mga pagkaing matataba o tigilan ang pagkain ng sobra. Kung gusto mo ng magandang pigura ng katawan kailangan mong bitawan ang komportableng pag-upo mo sa iyong magandang upuan.
Ang taga-pulot ng basahan
Mahalagang iwasan ang pagtatakda ng layuning hindi kayang abutin ng ating abilidad. Sa ibang salita, magtakda ng layuning makatotohanan at maaring makamit. Ito ay tinatawag na teknik ng limitasyon at ginagamit mo ito sa pamamagitan ng pagtatakda ng tiyak na limitasyon.
Ang istorya ng taga-pulot ng basahan, ay minsang kinewento sa akin ng isang dating kaibigan.
Sa Makati, may isang taga-pulot ng basahan, isang batang lalaki, na nagpupulot ng tumpok ng basura upang mabuhay.  Ang layunin nya ay makakuha ng maliit na piraso ng tela upang ilagay sa kanyang paa sa kanyang higaan upang hindi ito lamigin sa batong sahig. Dahil sa sobrang kagustuhang magkaroon nito, isinalarawan niya sa kanyang isipan at humiling siya nang tatlong beses sa isang araw, sa araw-araw. Gaya ng isang himala, nakakuha siya ng piraso ng tela bago pa man ang tag-ulan.
Sa kabilang bahagi ng Makati, isa pang batang lalaki, na baguhan sa kanyang trabaho sa isang malaking department store. Sa pamamagitan ng risonableng edukasyon at suporta ng pamilya, ginagamit nya ang parehong teknik na ginamit ng taga-pulot ng basahan at humiling siya na makuha ang posisyong mataas sa kaniyang kumpanya. Makalipas ang tatlumpung taon siya na ang naging managing director ng department store.
Ang istoria ay nagtuturo na ang parehong kalalakihan na handa para sa mga bagay na gusto nila. Importanteng tandaan na ang kapangyarihang ng pagsasalarawan sa isipan ng isang bagay na ninanais ay maaring nakapagbigay sa isang taga-pulot ng basahan ng mataas na posisyon sa isang department store ngunit malamang na hindi nya magampanan ng maayos ang kanyang trabaho, at malamang na mawala sa kanya ang lahat. Gayon din, ang baguhang empleyado na may magandang edukasyon ay hindi magtatagal bilang isang taga-pulot ng basahan. Kung kaya’t karapat dapat lamang na tanggapin ang ilang bagay na gusto mong makuha ay hindi mo pa nakakamit sa ngayon, maging sa hinaharap o maging sa buong buhay mo. Huwag kang humingi ng sobra-sobra para sa iyong sarili.  Ang matalinong pagsusuri sa iyong kasalukuyang situwasyon ay mahalaga. Magsikap para sa susunod na bagay na posibleng maabot mo na iyong nais o inaasam-asam. Ang iyong kagyat na pagnanais ay ang pag-abot sa unang hakbang papunta sa solusyon na hinahanap o para sa iyong pangarap, sa huli, ang hagdan upang mas umunlad ay akyatin ng dahan dahan, isang hakbang sa isang pagkakataon.
Makikita mo na ang pagtatakda ng tiyak na limitasyon, ginagamit natin ang ating pangloob na pwersa, ang pangloob nating kapangyarihan.  Bagamat, kapag kaya na natin gamitin ang kapangyarihang ito, maaring magkaroon ng tukso upang ikonsidera ang hindi makatotohanang mga posibilidad, kung kaya tayo ay dapat maging listo sa pagamit ng mga teknik ng limitasyon. Ang teknik na ito ay napakahalaga. Pinipigilan tayo nito upang sumobra at magkaroon ng hindi makatotohanang mga layunin, ito ay magpapanatili sa atin sa tamang daan papunta sa nararapat nating puntahan, at tutulong din ito upang maiwasan ang mga negatibong resulta.
Emosyon
Habang patungo ka sa pagkakamit ng iyong mga layunin, ikaw ay maiimpluwensyahan o maaepektohan ng iba’t ibang klase ng emosyon. Ang matitinding emosyon ay maiaalis o masusugpo sa pamamagitan ng pag-uugali, isipan o aksyon.
Sa umpisa, sa pamamagitan ng iyong kagustuhan, mabubuo mo ang lakas ng iyong kalooban sa pagkokontrol ng malumanay na pagkabagabag ng emosyon.
Mahalagang kilalanin kung anong mga emosyon ang nakakaapekto sa iyo. Maglaan ng ilang sandal upang making at makiramdam kung ano ang nangyayari sa loob mo. Ang matutong huwag mag-alala sa mga walang halagang emosyon ay isang magandang simula.  Sa pamamagitan ng pagkontrol sa iyong sarili matututunan mong buwagin ang pag-aalala, takot at galit. Napag-alaman kong ang pag-gunita  sa kadahilanan ng emosyon ay nakakatulong sa atin upang harapin ang mismong emosyon.
Ang mga emosyon ay enerhiya na gumagalaw, ito ay pagpapahayag ng mga enerhiya.  Bagamat, tinatawag ito ng mga sinaunang Intsik na “inner evils”, sila rin ay itinuturing na “driving forces”.  Sumasalamin ito sa pagpapalakad ng ating isipan at katawan at kasama ng iba pang mahiwagang enerhiya na gumagawa para mapanatili ang ating balanse.  Dumadaloy sa atin at nagdadala sa atin upang gawin ang kung anumang kinakailangan upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng ating isipan at ng pisikal na kalusugan, ang emosyon ay pamamaraan upang ihayag ang ating mga sarili. Ang pagpigil sa ating emoyson ay maaring magdulot ng pagbabara ng ating Chi ang mahalagang enerhiya, at maaring magresulta ng pagkakaroon ng sakit.
Ang salitang “emotion” ay nag-ugat sa salitang “motion”.  Kung kaya’t ang emosyon ay isang enerhiya na buhay na buhay na nagpapahayag, at kasalukuyang nararamdaman ngayon, sa halip na sa kasalukuyan. Wala tayong pangkasalukuyang emosyon. Bagaman, hindi natin ito alam, iniisip na natin ang ating magiging emosyon bago pa man natin ito maranasan, kung kaya’t mababago mo at makokontrol mo ang iyong emosyon sa pamamagitan ng pag-sasaayos ng iyong isipan. Ang musika ay ginagamit rin upang itama at ituon sa ibang bagay ang iyong emosyon. Ang dramatikong tugtugin galing sa partikular na instrumento gaya ng trumpeta, ay nakakaapekto sa ating pisikal, ang malakas na tunog nito ay nakakapagpataas ng ating espirito. Ang malumanay na musika ay nakakapag palambing sa mga taong nalulugod rito.
Kahit na ang emosyon ay ang pwersang nagmamaneho sa atin, mahalagang walang emosyon ang ating isip at katawan kapag tayo ay nagpopokus, upang masiguro na walang hahadlang sa atin. Ito ay isang paraan upang maging posible ang pagtingen natin sa lahat ng bagay, sa buong larawan, sa kung paano ito, at hindi natatabunan ng ulap na madilim dahil sa ating mga emosyon.
Kapag pinapanatili mo ang iyon layunin sa iyong isipan, mahalagang pakawalan at alisin ang lahat ng emosyon.
Ang linaw ng isip at paghatol ay nasisira ng matitinding emosyon gaya ng takot, galit, pagkasabik o kahit ang pagsabog at di makontrol na emsoyon. Ang emosyon ay kailangan bilang parte ng ating pagkatao; ito ang tunay na ikaw. Ngunit, ang ating pagiging klaro ay naaapektohan kapag hinayaan nating masakop tayo ng ating emosyon. Sa gayon ang pagiging maestro ng ating emosyon at ang pagkakaroon ng kontrol sa sarili ang pinakamahalaga. Ang pagbaklas sa matitinding emosyon ay importante dahil hindi tayo makakapag-isip ng malinaw, nang lohikal o nang tama kung ang estado ng ating emosyon gaya ng galit at kalungkutan ay naririyan. Ang sidhi ng ating emosyon ang pumipigil sa atin upang makapag-isip ng mahinahon at napipigilan rin nito ang pagkontrol sa ating pisikal na katawan, upang tayo ay makaganap sa ating pinakamahusay.  Maliban rito, makinig tayo sa ating puso at kaluluwa, magpokus tayo sa katangiang ating nararamdaman kaysa sa aktuwal na gusto mong makita. Hayaang ang mataas na antas ng iyong sarili ang gumawa ng huling anyo. Maging malinaw, maging sigurado at huwag maging pabago-bago. Huwag magpalit ng isipan ng madalas. Sa halip hayaang ang mga enerhiya ang magpalit sa iba’t ibang anyong pinili nila.
Mayroong magagandang emosyon na nagbibigay sa atin ng gantimpala. Itong emosyong ito ay nagbibigay ng pakiramdam ng kaligayahan, kaluguran at nakakapag bigay ng pakiramdam na ikaw mismo ang may kontrol. Gayundin, may mga emosyon na binabalaan tayo  upang makinig sa ating isip at sa ating katawan at magsagawa ng tamang aksyon, kung hindi, mawawala tayo sa kontrol at hindi tayo magiging produktibo o tayo’y hindi magiging mabisa. Ang sumusunod ay ilan sa mga halimbawa.  Ang sakit ay tiyak na mabubuo mula sa mga emosyon na hindi balanse o kinokontrol.
Ang mabubuti at magagandang emosyon o damdamin na ginagantimpalaan ay ang mga sumusunod: pag-ibig, pagmamalasakit, lubos na kaligayahan, pakikiramay, kahabagan, pagkasabik, pagtitiwala, pag-uusisa, at determinasyon.
Ang emosyon o damdamin na nagbababala sa atin ay ang: pagkabalisa, takot, pagkabigo, kakulangan, tensyon, galit, pagkamuhi, pagkakasala, inggit, at kalungkutan.

Ang Emosyon o damdamin ay maaaring mag-ligtas ng ating buhay. Halimbawa ang emosyon ng pagkatakot, lalo kung may banta sa ating buhay ay maaaring magpatakbo sa atin nang mas mabilis at mas malakas kaysa sa normal na kaya nating gawin.
Ngunit, ang emosyon ay maaari ring magkaroon ng negatibong epekto, tulad ng kapag nasa sports, ang iyong paglalaro at pakikipagtunggali ay pumapangit at nagbabago kapag tayo ay galit at may pakiramdam ng pagka-bigo.
Sa kanlurang medisina, ang proseso ng damdamin at kaisipan ay iniuugnay sa utak. Sa tradisyonal na silangang medisina, kinikilala ang damdamin at kaisipan bilang bahagi na bumubuo sa operasyon o pagpapatakbong mekanismo ng lamang panloob na bahagi ng katawan.

Ang mga sinaunang mangagamot ay nagsasabing ang mga emosyon ay masasamang kalooban o masasamang damdamin, na nangangahulugang kailangan nating kontrolin at balansehin ang mga ito.
Ito ay isang sanhi ng kawalan ng balanse kapag ito ay labis, pangmatagal na o kulang at sobra. Ang Tradisyunal na  pang-gagamot, ay nakabatay sa mga batas ng kalikasan, na nagtuturo na ang enerhiya sa iba't-ibang bahagi ng katawan ay apektado kung masyadong mahina o masyadong malakas ang isang uri
ng damdamin.
Ika nga ang masakit na bahagi ng katawan ay sanhi ng nauugnay na damdamin nito na nahahayag sa di pag-kontrol ng emosyon. Samakatuwid, ang estado o kalagayan  ng isang bahagi ng katawan ay makaka-apekto sa damdamin, at ang mga emosyon ay makakaapekto sa estado ng mga bahagi ng katawan ng isang tao.
Ang Puso ay kaugnay sa kagalakan at hilig sa mga kalugurang pangkatawan, ang lapay ay sa pag-aalala, pakikiramay, pagugunita at depresyon. Ang baga ay sa kalungkutan, ang mga bato ay konektado sa takot at sorpresa, at ang atay ay sa galit, pagkabigo at pagkamayamutin. Kapag ginamit nang tama, ang emosyonal na sistema ay isang napaka-kapaki-pakinabang na kasangkapan . Nasa ibaba ang maikling mga halimbawa ng epekto ng mga emosyon sa ilang bahagi ng ating katawan.
Ang Puso; Nag aapoy na enerhiya (Kagalakan, hilig sa mga kalugurang pangkatawan)
Kagalakan, ang natural na enerhiya ng puso, ito ay hindi isang sanhi ng sakit. Kagalakan ang gumagawa sa ating kaisipan upang maging mapayapa at relaks. Ito ay konektado sa pagtawa.
Hilig sa mga kalugurang pangkatawan, ito, ay hindi katulad ng sekswal na pwersa. Ito ay ang mas mataas na kamalayan ng ating katawan sa pamamagitan ng pakiramdam o paghipo, na nagbibigay ng mga kaaya-ayang pakiramdam.
Ang Labis na kagalakan (tulad ng labis na pagtawa o katuwaan) at hilig sa mga kalugurang pangkatawan na humahantong sa labis na enerhiya ng puso, kung saan humahantong ang isang kawalan ng kagalakan sa kulang na enerhiya ng puso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento