Martes, Abril 8, 2014

SAGRADONG AKLAT 11 PART 1 PRINSIPYO AT PRAKTIS NG PANGGAGAMOT SA PAMAMAGITAN NG ENGKANTO DE DIOS NA MAY PATNUBAY NG MGA HEALTH ANGELS



SAGRADONG AKLAT 11
PART 1

PRINSIPYO AT PRAKTIS NG PANGGAGAMOT SA PAMAMAGITAN NG ENGKANTO DE DIOS NA MAY PATNUBAY NG MGA HEALTH ANGELS


3John 1:2  Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.


Ang panggagamot sa tulong ng engkanto de dios ay isang paraan ng paglulunas na naglalayong alisin ang karaniwang sanhi ng karamdaman sa pamamagitan ng tamang pagamit ng mga elementong matatagpuan sa ating kalikasan.

Ecclesiastico 38:

4 Ang Panginoon ang nagpatubo ng mga halamang naigagamot,
kaya't ang mga ito'y di kinaliligtaang gamitin ng matalinong tao.

5 Hindi ba't minsan ang tubig na mapait ay naging tubig na inumin
sa pamamagitan ng isang pirasong kahoy
upang makilala ang kapangyarihan ng Panginoon.

6 May mga taong pinagkalooban ng tanging karunungan,
upang magamit nila ang mga kahanga-hangang bagay na nilikha ng Diyos.
Sa gayo'y papupurihan siya ng lahat ng tao.

7-8 Sa mga bagay na iyan kinukuha ng parmaseutiko ang mga gamot,
na ginagamit ng manggagamot sa pagpapagaling ng sakit
at pagpapanauli ng kalusugan.
Anupa't hindi natitigil ang paggawa ng Panginoon,
na siyang nangangalaga sa kalusugan ng tao sa buong daigdig.

9 Anak, kapag nagkasakit ka, huwag mo itong ikabalisa,
dumalangin ka sa Panginoon at pagagalingin ka niya.

10 Pagsisihan mo ang iyong mga kamalian at magbagong-buhay ka;
linisin mo ang iyong puso sa lahat ng bahid ng kasalanan.

11 Mag-alay ka ng insenso at ng handog na pagkain,
at buhusan mo ng langis ang iyong handog sa abot ng iyong makakaya.

 Hindi lamang ito isang sistema ng pangagamot, isa rin itong paraan ng pamumuhay Kung saan nakikiayon ka sa mahahalagang pwersa ng kalikasan o mga natural na elemento ng ating katawan.  Ito ay isang kompletong rebolusyon sa sining at siyensya.

Ang pamamaraang sa aklat na ito ay isinasagawa ng mga sinaunang tao sa Ehipto, Greece at Roma.  Si Hippocrates, ang ama ng medisina (460-357 B.C.) ay lubos na sumusuporta sa ganitong pamamaraan ng pangagamot. 

Ang India ay nangunguna sa makabagong pamamaraan ng pangagamot kumpara sa ibang bansa sa mundo.  May mga sagradong aklat sa India na naglalaman ng malawak na kaalaman ukol sa pagamit ng iba’t ibang mahuhusay na elemento ng pangagamot tulad ng hangin, lupa, tubig at araw. 

Ang tinatawag na “The Great Baths” sa sibilisasyon ng Indus Valley ay nadiskubre na gumagamit sila ng tubig upang mangamot.

Ang modernong pamamaraan ng pangagamot gamit ang kapangyarihan ng engkanto de dios sa Germany noong 1822 ay naitatag ang unang establishimento ng hydropathic.  Nagkaroon ng isang matagumpay na pangagamot gamit ang tubig, ang idea sa pagamit ng natural na paraan ng pangagamot ay kumalat sa kaalaman ng buong sibilisasyon ng mundo at madaming mangagamot mula sa Amerika at iba pang bansa ay naging masugid nyang estudyante at disipolo. 

Ang mga estudyanteng ito ay patuloy na dumami at gumawa ng iba’t ibang paraan ng natural na pangagamot sa kani-kanilang pamamaraan. 

Ang pangagamot sa tulong ng engkanto de dios ay base sa realisasyon na ang tao ay pinanganak na malusog at malakas at kaya niyang panatilihin ito sa pamamagitan ng batas ng kalikasan. 

Kahit na ipanganak na mayroong konting depekto, kaya niya itong alisin sa pamamagitan ng pagamit ng pinakamahusay na natural na paraan ng pangagamot.  Ang sariwang hangin, sikat ng araw, tamang pagkain, ehersisyo, pag rerelaks, maayos na pag-iisip at pagiging positibo, kasama ng pagdarasal at meditasyon ay bahagi ng buong katawan upang mapanatili itong maayos at balanse.

"The doctor of the future will give no medicine, but will involve the patient in the proper use of food, fresh air and exercise."   Thomas Edison


Ang karamdaman ay pinaniniwalaan na isang abnormal na kundisyon ng katawan na nagmula sa paglabag sa batas ng kalikasan.  Ang bawat paglabag ay may epekto sa katawang laman at nagiging mababa ang resistensya, at gayon din naiipon ang mga toxins sa dugo at sa mga ugat.

Sa isang maling pagdidiet hindi lang ang ating tiyan ang naapektohan, kapag ang mga toxins ay naipon maapektohan nito ang iba pang organ sa ating katawan tulad ng ating bituka, bato, balat at baga sila ay mapipilitang magtrabaho ng higit sa normal upang maalis sa ating sistema ang mga toxins na maaring makasama sa ating kalusugan.

Bukod pa dito, nagkakaroon din ito ng epekto maging mental o emosyonal nagdudulot ito ng hindi balanseng metabolismo sa loob ng ating mga cells.  Kapag nasa maayos na kundisyon ang ating dugo at mga cells ang mga mikrobyo ay napipigilan magparami at napupuksa ito kaagad ng mga depensa sa ating katawan.

A man too busy to take care of his health is like a mechanic too busy to take care of his tools.

The only way for a rich man to be healthy is by exercise and abstinence, to live as if he were poor.

Luk 21:34  Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo:

2Co 4:18  Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.

Jer 30:15  Bakit ka humihiyaw ng dahil sa iyong sakit? ang iyong hirap ay walang kagamutan: dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami, aking ginawa ang mga bagay na ito sa iyo.
Jer 30:17  Sapagka't pagiginhawahin kita, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon;


MAY TATLONG PRINSIPYO ANG PANGAGAMOT SA TULONG NG ENGKANTO DE DIOS

Una, ang prinsipyo ng paraang ito ay nagsasabi na lahat ng karamdaman ay sanhi ng pag-iipon ng maruruming elemento sa ating katawan na nagiging dahilan para magloko ang ating pisikal na katawan.  Ang ating katawan ay may kakayahan na alisin ang naiipong dumi at toxins na maaring makalason sa dugo at organs.

Ngunit sa paglipas ng panahon ang tao ay mayroong ugali sa maling pagkain, maling pag-aalaga ng katawan na nagsasanhi ng nerbyos, sobrang pagpapagod at lahat ng bagay na sobra at abuso sa katawan.  Ang sinasabi ng prinsipyong ito ay nararapat na tulungan natin ang ating katawan upang maalis ang mga toxins na naiipon sa sistema natin at gamitin ang natural na paraan ng pangagamot.

MANGANGARAL 6:7 Nagpapagal ang tao para sa kanyang tiyan ngunit kailanma’y di siya nagkakaroon ng kasiyahan. 8 Ano ang kahigtan ng matalino sa mangmang? Ano ang mapapala ng isang mahirap kahit malaman niya ang pasikot-sikot ng buhay? 9 Wala ring kabuluhan,para lamang hanging nagdaan. Kaya mabuti pa ay masiyahan sa anumang kalagayan kaysa mangarap nang di naman makakamtan.12 Sino ang nakakaalam kung ano ang mabuti sa taong nabubuhay sa maikling panahon at pagkatapos ay mawawalang tulad ng anino? Sino ang makakapagsabi kung ano ang mangyayari pagkamatay niya?

Pangalawa, sinasabing ang lahat ng karamdaman katulad ng lagnat, sipon, pamamaga, anu mang sakit ng tiyan at hindi maayos na panunaw at mga sakit sa balat ay paraan ng ating katawan upang mailabas ang mga naipong lason o toxins sa dugo. 

Ang sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes, rayuma, hika, sakit sa bato ay resulta ng hindi paglabas ng toxins sa katawan at nadaragdagan pa ang mga toxins na ito dahil sa madalas na pag-inom ng iba’t ibang sintetik na gamot, bakuna, narcotics at iba pang gamot na gawa sa hindi natural na paraan.

Pangatlo, ang katawan ay nilikha na may sariling paran upang gamutin ang anumang disorder sa loob nito at ibalik ang lahat sa normal na kundisyon, sa pagtulong natin sa ating katawan sa tamang pamamaraan makakaya nitong ibalik sa tama at normal ang lahat. 

Ang pagaling sa karamdaman ay tunay na nakasalalay sa ating sariling katawan at hindi sa kamay ng doktor.




ANG PANGAGAMOT SA TULONG NG ENGKANTO DE DIOS AT ANG PANGAGAMOT GAMIT ANG MODERNONG SISTEMA

Ang modernong medisina ay gumagamot ng sintomas at pumipigil sa karamdaman ngunit maliit lamang ang epekto nito sa tunay na sanhi ng karamdaman. 

Ang mga modernong medisina ay naglalaman ng mga sangkap na makakatulong sa pagpigil o pagbawas ng karamdaman ngunit ang lahat ng ito ay karaniwang may masamang side-effects sa ating katawan. 

Ang mga gamot na ito ay karaniwang pinipigilan ang katawan sa kusa at natural niyang paraan ng paghilom o paggaling at mas pinapahirap pa nito ang pagrekober ng katawan mula sa sakit.

Sinasabi na kapag gumamit ng modernong gamot sa isang pasyente, siya ay napipilitang magrekober ng dalawang beses – una siya ay magrerekober mula sa kanyang sakit at pangalawa mula sa mga gamot na pinaiinom sa kanya.

Ang mga modernong gamot ay hindi direktang gumagamot ng sakit; ang sakit ay nagpapatuloy; binabago lang ng mga gamot na ito ang pattern ng karamdaman.  Ang mga gamot na ito ay sumisira din sa mga nutrients dahil ginagamit nila ito at pinipigilan ang absorption sa ating katawan.

Bukod pa dito, ang lason na inilalabas ng mga gamot na ito ay nangyayari lalo na sa panahon na mahina ang depensa ng ating katawan. 

Ang kapangyarihan na maibalik ang kalusugan ng katawan ay nakasalalay sa natural na paraan at hindi sa iba’t ibang klase ng gamot.

Ang paraan ng modernong medisina ay naglalayong kontrahin ang sakit na nasa katawan na samantalang ang pangagamot gamit ang kapangyarihan ng engkanto de dios ay naglalayong maiwasan at tulungan ang katawan na maka adopt sa natural na paraan upang panatilihin ang kalusugan at ibalik ang balanse sa loob ng buong katawan.

Ang pangagamot gamit ang kapangyarihan ng engkanto de dios ay naglalayong ibalik muli ang ating katawang laman mula sa abnormal patungo sa normal na kundisyon at function at nag aadopt ito sa mga paraan ng pagpapagaling na kung saan ay umaayon sa paraan na natural at galing sa tulong ng engkanto de dios.

 Ang paraang ito ay nag aalis sa sistema ng naipong toxins at lason na hindi nakakasama sa mga vital organs ng ating katawan.  Tinutulungan din nito ang ating organs upang mailabas ang mga maruruming toxins sa ating dugo at nililinis nito ang ating sistema upang maging maganda ang function nito.

Upang magamot ang karamdaman, ang una at mahalagang dapat gawin ay ayusin ang tamang pagkain at pagdidiet. 

Ito ay pinakamabisang paraan upang maalis at maiwasan ang pagdami ng naiipong dumi at toxins sa ating katawan at pinapanatili nito ang balanse ng ating sistema, mas magandang iwasan kumain ng mga pagkain na nakakapagprodyus ng acido sa katawan, bawasan ang masyadong pagkonsumo ng mga pagkaing masyadong mataas ang protina, preservatives at fats, sa isang buong linggo o mas marami pang araw, mas makabubuting lumipat tayo sa pagkain katulad ng sariwang prutas na makakapag linis ng ating bituka. 

Kung ang katawan ay puno ng pagkaing hindi nakakapagbigay ng magandang epekto sa katawan, katulad sa isang taong my sakit, ang kumpletong paraan ng tamang pagdidiet at pagkain ng tama sa loob ng isang linggo ay kailangan upang mailabas ang toxins sa katawan. 

Ang mga prutas at juices ay lubos na makakatulong, tandaan na kapag tayo ay may sakit, iwasan ang lubos na pagkain ng sobra, kumain lamang ng magagaan sa panunaw tulad ng mga prutas.  Hintayin lamang ang pagbalik ng karaniwang gana sa pagkain sa ating paggaling.  

Ang pagkawala ng gana sa pagkain ay signal ng ating katawan na huwag natin pwersahin ang ating panunaw na kumonsumo ng sobrang dami ng pagkain. 

Pagkatapos ng isang linggong pagdidiet at pagkain ng prutas lamang ay saka lang pwede kumain ng gulay at cereals. 

Ang isa pang paraan upang gumaling ang karamdaman sa natural na paraan ay ang pag pukaw natin sa ating katawan sa pamamagitan ng paggamit ng tubig katulad ng pagamit ng hot o cold packs o pagligo gamit ang maligamgam na tubig. 

Ang pagpatong ng malamig na tubig o cold pack sa ating tiyan ay nakakatulong sa maraming karamdaman gayundin ang pag upo natin sa malamig na tubig ay nakakapagpababa ng ating temperatura at ginigising nito ang ating nervous system o ang ating utak. 

Ang pagpupunas ng basang bimpo sa panahon ng may lagnat ay nakakatulong sa pagpababa ng temperatura ng katawan at nakakatulong sa pagbabawas ng sakit at pamamaga ng walang masamang side-effects. 

Ang pag aaply naman ng maligamgam na tubig ay nakakapagparelax sa pakiramdam.   Ang ibang paraan tulad ng tinatawag na air at sunbaths, ehersisyo at masahe ay lubos na nakakatulong lalo na sa muling pagbuhay ng dead skin at panatilihin ito sa normal na kundisyon. 

Ang mga ehersisyo tulad ng yoga ay nag bibigay din ng magandang kalusugan at nagbabawas ng tension maging ito ay physical, emotional o mental. 

Ang masahe naman ay nagpapaganda ng daloy ng dugo sa ating nervous system at inaayos ang ating metabolismo.  Ang balanse ng padidiet at sapat na ehersisyo, ang paglanghap ng sariwang hangin, tamang pagbibilad sa sikat na araw, paginom ng malinis na tubig, kalinisan sa pangangatawan, sapat na pahinga at positibong pag iisip ay siguradong makakapgbigay ng maayos na kalusugan at pag iwas sa karamdaman.

ANG PAG FAFASTING

Ang tinatawag na pagfafasting ay tumutukoy sa hindi pagkain sa loob ng maikling panahon o mahabang panahon para sa isang layunin. 

Ang pag fafasting ay pinakamatandang paraan at pinakamabisa at hindi kailangang gastusan ng malaking halaga upang magamot ang karamdaman.  Ang pagfafasting ay ginagawa ng karamihan  ng mga ibat ibang relihiyon kasama na ang mga Mohammedan, mga Buddhists at mga Hindus.

Kahit ang mga santo noong  unang panahon ay nagsasagawa rin nito.  Sila Hippocrates, Galen, Paracelsus at ibang awtoridad sa medisina ay inererekomenda din ang paraang ito. 

Kahit sa modernong panahon ginagamit na rin ito ng mga doctor sa iba’t ibang karamdaman.

Nakasulat din ito sa banal na aklat:

Exo 34:28  At siya'y natira doong kasama ng Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi man lamang siya kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig. At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang sangpung utos.

Deu 9:18  At ako'y nagpatirapa sa harap ng Panginoon, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig; dahil sa inyong buong kasalanan na inyong ipinagkasala sa paggawa ninyo ng masama sa paningin ng Panginoon na minungkahi ninyo siya sa galit;

2Sa 12:16  Ipinanalangin nga ni David sa Dios ang bata; at si David ay nagaayuno, at pumapasok, at humihiga buong gabi sa lupa.
2Sa 12:17  At bumabangon ang mga matanda sa kaniyang bahay, at tumatayo sa siping niya, upang itindig siya sa lupa; nguni't siya'y ayaw kahit kumain ng tinapay na kasalo nila.

Neh 1:4  At nangyari, nang marinig ko ang mga salitang ito, na ako'y naupo at umiyak, at nanangis na ilang araw; at ako'y nagayuno, at dumalangin sa harap ng Dios ng langit.

Ezr 8:21  Nang magkagayo'y nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo'y magpakababa sa harap ng ating Dios, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan, sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pag-aari.

Ezr 8:22  Sapagka't ako'y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo, at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan: sapagka't aming sinalita sa hari, na sinasabi, Ang kamay ng ating Dios ay sumasa kanilang lahat na humahanap sa kaniya, sa ikabubuti; nguni't ang kaniyang kapangyarihan at ang pagiinit ay laban sa kanilang lahat na nagpapabaya sa kaniya.

Ezr 8:23  Sa gayo'y nangagayuno tayo at nagsidalangin sa ating Dios dahil dito: at dininig niya tayo.

Ezr 10:6  Nang magkagayo'y tumindig si Ezra mula sa harap ng bahay ng Dios, at naparoon sa silid ni Johanan na anak ni Eliasib: at nang siya'y dumating doon, siya'y hindi kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig: sapagka't siya'y nanangis dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag.

Est 4:16  Ikaw ay yumaon, pisanin mo ang lahat na Judio, na nangakaharap sa Susan, at ipagayuno ninyo ako, at huwag kayong magsikain o magsiinom man na tatlong araw, gabi o araw; ako naman at ang aking mga dalaga ay mangagaayuno ng gayon ding paraan; at sa gayo'y papasukin ko ang hari, na hindi ayon sa kautusan: at kung ako'y mamatay ay mamatay.

Dan 9:3  At aking itiningin ang aking mukha sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng panalangin at ng mga samo, ng pagaayuno, at pananamit ng magaspang, at ng mga abo.

Dan 10:3  Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo.

Joe 2:15  Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan;

Mat 4:2  At nang siya'y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya.

Luk 4:2  Sa loob ng apat na pung araw na tinutukso ng diablo. At hindi siya kumain ng anoman nang mga araw na yaon; at nang maganap ang mga yaon ay nagutom siya.

Mat 6:16  Bukod dito, pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.

Act 13:3  Nang magkagayon, nang sila'y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila.

Act 14:23  At nang makapaglagay na sa kanila ng mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.

2Co 6:5  Sa mga latay, sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat, sa mga pagaayuno;

2Co 11:27  Sa pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw, mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran.

Ang karaniwang sanhi ng karamihan sa mga karamdaman ay pag-iipon ng ating katawan ng toxins at lason na dulot ng sobrang pagkain.




 Karamihan ng taong kumakain ng sobra ay yung mga taong hindi aktibo sa pag ehersisyo at kumakain pa ng sobra. 

Ito ay nakakapagpahirap sa ating panunaw o digestive system at mga organs na magiging sanhi ng pagbabara sa mga ugat at lason sa ating dugo.  Ang pagtunaw at paglabas ng mga toxins ay nagiging mabagal at nakakapekto sa tamang pag function ng ating buong sistema.

Ang sanhi ng karamdaman ay sumasabay sa panahong mahina ang ating depensa dahil sa mga lasong ito, ang tanging solusyon sa bawat karamdaman ay kontrahin ang sanhi ng karamdamang ito sa pamamagitan ng pagbabawas sa sobrang pagkain o pag fafasting.

Sa panahong ginugutom o binabawasan natin ang sobrang pagkain tinutulungan nito ang ating mga organs katulad ng bituka, bato, ang ating balat at baga para magkaroon ng pagkakataon na mailabas at mabawasan ang naipong lason o toxins sa katawan at sistema. 
Ang pagfafasting ay isang proseso nag paglilinis ng sistema ng katawan at ito ay mabilis at epektibong paraan. 

Ang patuloy na paglilinis at pagbabawas ng mga lason at mga toxins na na nagiging sanhi ng sakit, ay tumutulong upang itama ang maling pagkain at pamumuhay. 

Ito ay magdudulot ng regeneration sa dugo at irerepair nito ang iba’t ibang tissues sa ating katawan.

Ang duration o haba ng pagfafasting ay depende sa edad ng pasyente, sa klase ng karamdaman at sa dami ng gamot na nainom sa paggagamot ng karamdaman. 

Ang duration o haba ng pagfafasting ay mahalaga sapagkat ang sobrang tagal o haba ng pagfafasting ay delikado.  Mas inererekomenda na sumailalim sa dalawa hanggang tatlong araw na pagfafasting hanggang sa makadjust ang katawan at maari itong habaan sa bawat araw ngunit hindi ito dapat sumobra sa isang buong lingo.

Ito ay makakaktulong sa may sakit na unti unting makarecover at mailabas ang mga toxic waste na hindi magkakaroon ng masamang epekto sa kanyang katawan.  Pagkatapos ng pagfafasting, mahalaga ang tamang pamumuhay at balanseng pagdidiet upang tuloy tuloy na bumalik ang sigla ng katawan.

Malaking tulong ang pagfafasting sa mga sakit sa tiyan at bituka gayon din sa iba pang condition ng bato at atay. 

Nakakatulong din ito sa pagamot ng mga sakit sa balat tulad ng eczema.  Kahit sa mga sakit sa nervous system o sa utak lubos din nakakatulong ang paraang ito.

Ang fasting ay hindi rin ginagamit sa lahat ng uri ng sakit, sa mga kaso ng diabetes, tuberculosis at iba pang disorder sa utak katulad ng neurasthenia, ang mahabang pagfafasting ay nakakasama. 

Ngunit ito ay hindi naman nakakasama basta’t sapat ang pahinga ng pasyente at may tamang monitoring at pag-aalaga.

Dan 1:12  Ipinamamanhik ko sa iyo, na subukin mo ang iyong mga lingkod, na sangpung araw; at bigyan kami ng mga gulay na makain, at tubig na mainom.
Dan 1:13  Kung magkagayo'y masdan mo ang aming mga mukha sa harap mo, at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng hari; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod.
Dan 1:14  Sa gayo'y dininig niya sila sa bagay na ito, at sinubok niya sila na sangpung araw.
Dan 1:15  At sa katapusan ng sangpung araw ay napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha, at sila'y lalong mataba sa laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari.
Dan 1:16  Sa gayo'y inalis ng katiwala ang kanilang pagkain, at ang alak na kanilang inumin, at binigyan sila ng mga gulay.
Dan 1:17  Tungkol nga sa apat na binatang ito, pinagkalooban sila ng Dios ng kaalaman at katalinuhan sa lahat ng turo at karunungan: at si Daniel ay may pagkaunawa sa lahat na pangitain at mga panaginip.


MGA PARAAN NG PAGFAFASTING

Ang pinakamabisang paraan, pinakaligtas at epektibong paraan ng pag fafasting ay tinatawag na “juice fasting”. 

Kung dati ay tubig lamang ang ginagamit upang magfasting napag alaman na mas maganda ang epekto ng juice kaysa sa tubig lamang. 

Sa oras na tayo ay nagfafasting ang ating katawan ay naglalabas ng malalaking bahagi ng naipong dumi at lason sa katawan.  Matutulungan natin ang katawan sa prosesong ito sa pamamagitan ng paginom ng juices kaysa a tubig.  Ang pag eliminate ng uric acid at iba pang inorganic acids ay mas mapapabilis. 

Ang asukal na nangagaling sa mga juices ay nagpapaplakas ng puso, ito ay pinakamagandang paraan upang mag fasting.

Ang mga bitamina, minerals at iba pang elemento ay matatagpuan sa sariwang gulay at fruit juices, malaki ang naitutulong nito sa pagbabalik sa normal na proseso ng ating katawan. 

Nagsusuplay sila ng kinakailangang elemento para sa paggaling ng sariling katawan at sa pagbabago ng cell ng sa ganun ay mapabilis ang paggaling.  Lahat ng juice o katas ay dapat ihanda galing sa sariwang prutas bago inumin.  Ang mga de lata o mga preparadong juices ay hindi dapat gamitin o inumin.

Ang pag-iingat ay kailangang isagawa sa lahat ng uri ng pagfafasting o hindi pagkain.  Ang kumpletong pag-aalis ng laman o dumi ng bituka sa simula ng pagfafasting gamit ang paglalabatiba ay makakatulong upang ang  pasyente ay hindi maabala ng kabag o anumang dumi na hindi nailalabas ng katawan.

Ang paglalabatiba ay kailangang isagawa o gamitin tuwing makalawang araw habang nag fafasting.

 Ang pasyente ay nararapat na makalanghap ng sariwang hangin hanggat maari at uminom ng maligamgam na tubig sa tuwing nauuhaw. 

Ang sariwang juice ay maaring ihalo sa malinis na tubig.  Ang pangkalahatang tubig na iinumin ay dapat umabot sa 6 hanggang 8 baso sa loob ng isang araw. 

Madaming enerhiya ang nauubos habang nagfafasting sa paraan ng paglalabas ng naipong lason o toxins. 
Samakatuwid, napakahalaga na magkaroon ng sapat na pahinga ang katawan at isipan habang nagfafasting. 

Sa mga kaso ng pagfafasting kung saan ginagamit lamang ang fruit juices lalo na ang katas ng ubas at oranges, ang lason ay mabilis na pumapasok sa ating sirkulasyon at nagreresulta ng sobrang pagdami ng toxins na makakapekto sa normal na pag function ng katawan. 

Ito ay karaniwang nag reresulta sa pagkahilo, na sinusundan ng pagtatae at pagsusuka. 

Kung ang mga sintomas ay nag papatuloy mas makakainam na itigil ang pagfafasting at kumain ng gulay na fiber tulad ng spinach at iba pang madadahong gulay hanggang ang pag function ng katawan ay bumalik sa normal.

Ang mga taong sobra sa timbang ay mas madaling maka adjust kahit walang kinakain. 

Ang pagbaba ng timbang ay hindi nila pinag aalala at ikinatutuwa pa nila ang pagfafasting. 

Ang unang araw ng pagkagutom ay pinakahirap na parte na pagdadaanan.  Ang pagkasabik sa pagkain ay unti-unting mababawasan habang pinagpapatuloy ang pag fafasting. 

Ang mga taong may malubhang karamdaman ay walang gana sa pagkain at ang pagfafasting ay nagiging natural na sa kanila. 

Ang simpleng paraan ay itigil ang pagkain hanggang ang gana ay bumalik o hanggang gumanda ang pakiramdam.

Tanging ang mga simpleng ehersisyo lamang tulad ng maikling paglalakad ay maaring isagawa habang nag fafasting.

 Ang maligamgam na tubig ay pwedeng ipaligo sa panahong ito.  Ang ang malamig na tubig sa paliligo ay hindi nararapat. 

Ang paglabas o pagpaparaw at pagpapahangin ay dapat gawin araw-araw.  Minsan ang paraan ng pagfafasting ay nag reresulta ng hindi agad pagkatulog na masusulusyonan naman ng pagligo ng maligamgam na tubig, paglalagay ng mainit na tubig sa bote at ipatong sa paa at ang pag-inom ng 1 hanggang 2 baso ng mainit na tubig.

MGA PAKINABANG   

Madaming pakinabang ang pagfafasting. Sa panahong ng mahabang pagfafasting kinukunsumo ng katawan ang reserbang enerhiya nito. 

Habang nagkukulang ang katawan sa kinakailangang sustansya, lalo na ang protina at fats, ang katawan ay tutunawin ang sariling tissues sa paraan ng autolysis o self-digestion subalit hindi naman ito lubhang nakakasama. 

Unang tutunawin at gagamitin ng katawan ang cells at tissues na sira na, mahina na o hindi na kinakailangan ng katawan.  Ito ang sikreto ng pagiging epektibo ng fasting bilang solusyon sa paraan ng panggagamot at pagrejuvenate. 

Habang nagfafasting, ang pagbubuo ng bago at malusog na cells ay napapabilis sa pamamagitan ng amino acids na nilalabas ng cells na sira. 

Ang kapasidad na maglabas ng dumi ng mga organs gaya ng baga, atay, bato at ng balat ay lubhang bumibilis sapagkat sila ay natutulungan sa pagtunaw ng pagkain at maglabas ng sobrang toxins.  Samakatuwid, mabilis na nailalabas ang mga namuong dumi o toxins sa loob ng katawan.
Tinutulungan ng pagfafasting ang ating internal organs sa pagtunaw, pag absorb at pagprotekta. 

Bilang resulta, ang pagtunaw ng pagkain at paggamit ng sustansya ay napag iibayo pagkatapos ng pagfafasting.

 Ito rin ay nakakatulong sa pagpapanormal, pagpapatibay at pag rejuvenate ng lahat ng importanteng physiological, nervous and mental functions.

PAGHINTO SA PAGFAFASTING

Ang magandang resulta ng pagfafasting ay depende kung paano ito ititigil.  Ito ang pinakamahalagang parte. 

Ang tamang paraan ng pagtigil ng pagfafasting ay ang mga susunod: Iwasan ang labis o sobrang pagkain, nguyain ng mabuti ang pagkain bago lunukin.

 Maglaan ng ilang araw kung magbabago sa nakasanyanng uri ng pagkain.  Kung pagpaplanuhan ng mabuti ang paglipat sa matitigas na pagkain ay hindi ito magdudulot ng discomfort o pinsala. 

Nararapat din na magkaroon ng sapat na pahinga o agwat sa panahon ng pagpapalit ng pagkain.  Ang pagpili ng angkop na uri ng pagkain ay mahalaga sa magiging bunga ng pagfafasting.
                                                                                                            



Natural na Panlunas

Therapeutic Baths

Ang tubig ay matagal ng ginagamit bilang mahalagang sangkap na panlunas noon pa mang lumang sibilisasyon, ang paliligo ay isang mahalang paraan para mapanatili ang wastong kalusugan at pag iwas sa mga sakit.

Ang lumang literaturang Vedic mula sa bansang India ang naglalaman ng madaming paraan sa mabisang pagamit sa tubig bilang panlunas sa sakit.

Malaki ang naitutulong ng tubig sa sistema ng ating katawan.

Napapanatili nito ang magandang sirkulasyon ng ating dugo, napapalakas ang mga kalamnan at napapaganda ang panunaw at nutrisyon.

Napapalakas din nito ang aktibidad ng perspiratory gland o glandula na naglalabas ng pawis at sa pagaalis sa katawan ng sirang cells at sobrang toxins sa ating sistema.

Ang karaniwang temperatura ng tubig ay malamig 10°C hanggang 18°C., katamtaman 32°C hanggang 36°C at mainit kapag 40°C hanggang 45°C, Humihina ang magandang epekto kapag ang temperatura ng tubig ay humigit sa 45°C.

Iba pang paraan ng pagamit sa tubig bilang natural panlunas.


 ENEMA O LABATIBA:

Ang labatiba o enema ay paglalagay ng malinis at maligamgam na tubig sa tumbong o rectum upang malinis at ilabas ang dumi ng ating bituka.

Ang wastong paraan ng paglalabatiba ay humiga ng patagilid ilapat ang dibdib sa kaliwa at nakaunat ang kaliwang hita habang nakabaluktot ang kanang hita.



Lagyan ng pampadulas gaya ng langis o KY-Jelly ang dulo na bahagi ng labatiba bago ito isuot sa tumbong o rectum.

Kalimitan 1 hanggang 2 litro ng malinis at maligamgam na tubig ang ginamit at dahan dahan itong ibinibigay. Maaring humiga o maglakad sandali pagkatapos mailagay ang tubig sa rectum.

 Pagkaraan ng 5 hanggang 10 minuto ang tubig ay lalabas kasama ng madaming dumi galing sa bituka.

Ang pagamit ng maligamgam na tubig sa paglalabatiba ay nakakatulong sa pagpapalabas ng namuo at nanigas na dumi sa ating bituka, ito rin ang pinakaligtas na paraan ng paglilinis ng dumi at nakakapag paganda ng pagalaw ng ating bituka sa gayon naiiwasan ang constipation o hindi pagkakaron ng normal na pagdumi.

Ang pagamit naman ng malamig na tubig ay nakakatulong sa namamagang bituka lalu na sa dysenterya, diarrhea, ulcerative colitis, hemorrhoids at fever. Ang pagamit ng mainit na labatiba ay nakakatulong sa pagpapagaan ng pakiramdam sa mga may masasakit na tumbong at may almoranas.



COLD COMPRESS

Ito ay pagpapatong sa katawan ng malamig na tubig o yelo na nakabalot sa tela.  Ang cold compress ay karaniwang inilalagay o ginagamit sa masasakit na ulo, leeg, dibdib, tiyan at likod.

 Ito ay isang mabisang paraan para makontrol ang mga pamamaga ng atay, lapay, tiyan, bato, bituka, baga, utak at mga organ na nasa loob ng balakang at iba pa.  Ito rin ay mabisang gamitin sa lagnat at sa mga sakit sa puso.  Napapakalma rin nito ang mga ilang uri ng sakit sa balat at pamamaga sa labas na bahagi ng mata.  Kapag ang bola ng mata ay apektado, isigawa lang ang cold compress sa maikling oras lamang.





HOT COMPRESS

Ito ay paraan upang magbigay ng init at ito ay ginagamit sa paraan na paglulubog ng sapat na kapal ng tela sa mainit na tubig at pagkatapos ay binabalutan ng tuyong tela upang hindi madaling mawala ang init. 



Ito ay ginagamit sa mahabang oras.  Ang tagal ng pagamit nito ay depende sa laki, lokasyon, uri at kapal ng gagamitin na tela at sa init ng tubig. 

Pagkatapos alisin ang compress sa lugar na pinaglagyan nito ay kailangang kuskusin ng basang tela at tuyuin ng tuwalya. 

Maari itong ilagay sa lalamunan, dibdib, tiyan at kasukasuan.  Ito rin ay nakakatulong upang mabawasan ang pananakit mula sa pamamaga ng lalamunan, pamamaos at masakit na paglunok. 

Ang pagamit nito sa tiyan ay nakatutulong sa mga may gastritis, hyperacidity, empacho, paninilaw, hindi pagdumi, pagtatae, disenterya at iba pang sakit na may kinalaman sa organs sa tiyan.  Tinatawag din chest pack ang paglalagay nito sa dibdib ay nakakaginhawa sa may sipon, bronchitis, pulmunya, lagnat, ubo at iba pang problema sa baga, habang ang paggamit nito sa kasukasuan ay nakakatulong sa pamamaga, rayuma at pulikat.



HIP BATHS

Ito ay uri ng therapy kung saan binababad ang balakang at mababang bahagi ng tiyan sa malamig, mainit o katamtamang temperatura ng tubig.  Maglagay ng 4 hanggang 6 na gallon ng tubig sa isang lagayan kung saan pwedeng ibabad ang balakang.

COLD HIP BATH

Ang temperatura ng tubig ay dapat nasa 10°C hanggang 18°C. 

Ang tagal ng pagbababad ay karaniwang tumatagal ng 10 minuto, ngunit sa ibang kundisyon ito ay tumatagal ng 30 minuto.  Kung makaramdam ng panlalamig o panghina ilubog ang paa sa maligamgam na tubig kasabay ng cold hip bath. 

Kuskusin ng magaspang na tela ang tiyan mula sa pusod pababa sa baywang. 

Ang hita, binti at taas na bahagi ng katawan ay kailangang tuyo habang nagbababad hanggang sa matapos.  Magagaang uri ng ehersisyo lamang gaya ng yoga ang pwedeng gawin pagkatapos upang mapanatili ang init ng katawan.

Ang cold hip bath ay nakatutulong sa panggagamot ng ilang sakit gaya ng hindi pagdumi, empacho, labis na katabaan at nakakatulong sa wastong paglalabas ng toxins ng ating organ. 

Ito rin ay nakakatulong sa mga may irregular na menstruation, uterine infections, pelvic inflammation, piles, problema sa atay, sa prostate, sa pagtatalik, mahinang semilya, pagkabaog, pagtatae at iba pa. 
Ang cold hip bath ay hindi naangkop sa mga may biglaang pananakit sa loob ng balakang, tiyan, obaryo at sumasakit na pantog, tumbong at pwerta.


HOT HIP BATH

Ang uri ng pagbababad na ito ay karaniwang tumatagal ng 8 hanggang 10 minuto sa tubig na may temperatura na 40°C hanggang 45°C ito ay dapat magsimula sa init na 40°C at dahan dahang itaas sa 45°C. 

Huwag kuskusin ang parteng ibababad.  Bago magbabad, uminom ng isang baso ng malamig na tubig.  Maglagay ng cold compress sa ulo. 

Ang hot hip bath ay nakakapagpakalma sa masasakit na menstruation, masasakit na organs sa loob ng balakang, masakit na pag-ihi, namamagang tumbong o pantog at sa iba pang masakit sa parteng ito. 

Ito rin ay nagbibigay ng ginhawa sa malalaking prostate, mga sakit sa pantog, ugat at obaryo. 

Maligo ng malamig na tubig matapos ang hot hip bath.

Mag-ingat upang maiwasan ang panginginig pagkatapos maligo.  Itigil ang paliligo kung makaramdam ng paninigas o matinding pananakit.

NEUTRAL HIP BATH

Ang temperatura ng tubig ay nararapat na nasa 32°C hanggang 36°C.  Ang masyadong pagkuskos sa tiyan ay dapat iwasan. 




Ito ay tumatagal ng 20 minuto hanggang 1 oras.  Ito ay nakakapagpakalma sa masasakit at namamagang kalagayan ng pantog, at daanan ng ihi, pamamaga ng bahay-bata, obaryo at mga tubo nito.  Nakakatulong din ito sa masakit na bahagi ng ari ng babae at lalaki pati na rin ang tumbong.

HOT FOOT BATH

Ang paraang ito ay pagbababad ng paa o binti sa tubig na may temperatura na 40 °C hanggang 45 °C. 

Bago magbabad uminom ng 1 basong tubig at balutan ang katawan ng blanket upang hindi mawala ang init mula sa foot bath.



Ang ulo ay dapat protektahan gamit ang cold compress. Ang tagal ng pagbabad ay tumatagal ng 5 hanggang 20 minuto.

Maligo ng malamig na tubig pagkatapos ng foot bath. Pinapaganda ng foot bath ang muscle sa bahay bata, bituka, pantog at iba pang organ sa loob ng tiyan. Nakaka alis din ito ng pananakit sa kasukasuan, sakit ng ulo at sipon. Sa mga babae ito ay nagpapaganda sa buwanang dalaw at daloy ng dugo sa obaryo at bahay bata.



COLD FOOT BATH

Ibabad ang paa sa malamig na tubig na may temperaturang 7.2°C hanggang 12.7°C na lalim na 3 hanggang 4 ng pulgada.Ibabad ng husto ang paa sa loob ng 1 hanggang 5 minuto. Kuskusin ang paa habang ito ay nakababad.

Ang cold foot bath ay nakatutulong sa pag alis ng pagbabara ng mga ugat at masasakit at namamagang kasukasuan habang tumatgal.  Hindi ito dapat gawin ng mga may namamagang kundisyon ng ari, atay at bato.



ALTERNATE HIP BATH

Ang paraang ito ay isinasagawa katulad din ng ibang hip bath, ang kaibahan lang ay nilulubog ang balakang o ibabang bahagi ng katawan sa mainit na tubig na nasa 40°C hanggang 45 °C at sa malamig na tubig na nasa 10°C at 18°C. 

Nararapat na umupo sa mainit na tubig sa loob ng 5 minuto at pagkatapos ay sa malamig na tubig naman sa loob ng 3 minuto.  Ang tagal ng paliligo ay karaniwang nasa 10 hanggang 20 minuto.

Ang ulo at leeg ay nararapat na lagyan ng cold compress.  Pagkatapos ng paraang ito dapat na basain ng malamig na tubig ang balakang.

Ito ay nakakapagpaginhawa sa mga sakit sa ating balakang at iba pang situwasyon kung saan namamaga ang mga organ nakakatulong ito sa mga sakit tulad ng salpingitis, ovaritis, cellulitis, sciatica at lumbago.

SPINAL BATH

Ang paraang ito naman ay ginagamit upang guminhawa ang ating spinal column o ang buto sa ating gulugod at sa paraang ito nakakatulong din ito sa ating nervous system o utak. 

Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paghiga sa isang paliguan na tamang tama lamang upang maipwesto ng maayos ang likuran at ulo.  Maari na malamig, mainit o katamtaman lamang ang gamiting temperatura ng tubig.  Tumatagal lamang ng 10 minuto ang pagbababad sa paraang ito.



Ang cold spinal bath ay nakakapagpaginhawa ng iritasyon, sobrang pagod at nakakatulong sa may mataas na presyon ng dugo. 

Lubos itong nakakatulong sa mga disorder sa utak tulad ng hysteria, pagkawala ng memorya at tension.  Ito ay nakakapagpakalma at nakakantok lalo na sa mga taong iritable at hindi mapakali.

 Malaki ang naitutulong nito sa mga taong my insomnia o mga taong nahihirapang makatulog. 

Tumatagal ng 20 hanggang 30 minuto ang paraang ito.

Ang hot spinal bath naman ay nakakatulong upang pasiglahin ang ating utak o nervous system lalo na sa mga panahong tayo ay matamlay o depress. 

Pinapaginhawa rin nito ang mga sakit sa ating vertebral column o buto sa ating gulugod lalo na sa mga may sakit na spondylitis o pamamaga ng buto sa gulugod at iba pang masasakit sa ating likod.



FULL WET SHEET PACK

Ang paraang ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbabalot ng buong katawan sa isang basang tela o blanket upang lumabas ang init ng ating katawan. 

Maari din itong gawin sa pamamagitan ng pahiga sa isang basang kobre kama o kumot at ito ay ibinabalot ng mahigpit sa may sakit. 

Nararapat din balutan ng malamig na tela ang ulo upang manatili ang lamig sa kanyang katawan. 

to ay tumatagal ng 30 minuto hanggang ang may sakit ay pinagpapawisan na at maaari siyang painumin ng malamig o mainit na tubig. 

Ginagamit ito sa mga kaso na may mataas na lagnat dulot ng typhoid o tipus at sa mga lagnat na tuloy tuloy, maari din ito makatulong sa mga taong may insomnia, epilepsy at konbulsyon. 

May naidudulot din itong benepisyo sa rayuma, sipon, bronchitis at labis na katabaan.



STEAM BATH

Ito ay isa sa pinakamahalagang paraan upang manggamot sapagkat ito ay nakakatulong upang lumabas ang ating pawis sa natural na paraan. 

Isinasagawa ito sa loob ng isang espesyal na kabinet kung saan nakapang ilalim na kasuotan lang o light cloth para sa mas magandang epekto sa katawan ng steam bath.
Uminom ng 1 hanggang 2 baso na tubig na malamig bago magpasingaw at lagyan ng basang tuwalya ang ulo bilang proteksyon. Magpasingaw lang sa loob ng 10 hanggang 20 minuto o hanggang sa pagpawisan at pagkatapos ay maligo agad ng malamig na tubig.

Ang mga mahihinang pasyente, buntis, may sakit sa puso at tumataas ang blood pressure ay hindi naangkop sa uring ito.

Ang steam bath ay nakakatulong sa pag alis ng magagaspang sa ating balat. Nagbibigay ginhawa sa mga may rayuma, nanakit at namamagang kasukasuan at sobrang katabaan.

Kung makaranas ng di kanais.nais ihinto ito agad, uminom ng malamig na tubig at mghilamos ng mukha.




EPSOM SALT BATH

Ang tubig na pagbababaran ay nararapat na nasa 135 litro ng mainit na tubig na nasa temperaturang 140°C. 



Ito ay nilalagyan ng 1-1/2 kg. ng Epsom salt at tinutunaw sa tubig.  Nararapat na uminom muna ng isang baso ng malamig na tubig at takpan ang ulo ng malamig na tuwalya at pagkatapos ay maaari ng humiga sa paliguan na nakalubog ang hita at katawan sa loob ng 15 to 20 minutos.  Ang pinakamagandang oras para isagawa ang paraang ito ay bago matulog, ito ay magandang gawin sa mga may sakit tulad ng sciatica, lumbago o masasakit na gulugod, rayuma, diabetes, neuritis, sipon, mga sakit sa bato, matataas na uric acid at mga sakit sa balat.


MGA DAPAT ISA-ALANG ALANG:

Nararapat lamang na mayroong sapat na pag-iingat sa pagsasagawa ng mga therapeutic baths na ito. 

Dapat itong iwasan gawin kung kakatapos lang kumain sa loob ng 3 oras at 1 bago kumain. 

Maari lang gawin ang foot bath o hip bath, ngunit dapat ay nakaraan na ang 2 oras pagkatapos kumain bago isagawa ang mga paraang ito.

 Malinis at malinaw na tubig ang dapat gamitin sa mga therapeutic baths na ito at hindi na dapat gamitin muli ang mga tubig na nagamit na.

Habang naliligo, ang temperatura at haba ng oras ng pagbababad ay dapat bantayan mabuti upang makuha ang gustong epekto. 

Laging maghanda ng thermometer sa pagsukat ng temperatura ng katawan.  Hindi dapat ito gawin ng mga babaeng kasalukuyan ay may buwanang dalaw.

Maari lamang nila gawin ay ang hip baths habang nagbubuntis pagkatapos lamang ng pangatlong buwan ng pagbubuntis.







MGA KAPANGYARIHANG MAKAPANGGAMOT MULA SA LUPA

Ang mga paraan upang makagamot gamit ang kapangyarihan ng lupa ay matagal ng ginagamit noong unang panahon, at kahit ngayong modernong panahon ito pa rin ay pinapahalagahan.

 Napatunayan na ang pwersa mula sa lupa ay nagkakaroon ng hindi pangkaraniwang epekto sa katawan ng tao lalo na sa gabi. 

Ang mga epekto nito ay sinasabing nakakapagpabata, nakakapagpasigla at nakakapagpabuhay ng pakiramdam.  Sinasabi rin na ang pag aaply ng clay sa mga sakit sa balat at sugat ay lubos na nakakatulong.
 Ang paghiga rin sa lupa habang natutulog ay pinapaniwalaan na nakakapag bigay ginhawa sa mga nerbyos at panginginig, ito ay bumubuhay sa buong katawan at nagtatangal ng mga lumang pakiramdam at nagbibigay ng sigla, bagong kalusugan at bagong buhay. 

Katulad din ng paglalakad ng nakapaa sa lupa sa isang maayos na temperatura ay nagbibigay ng lakas at kaligayahan na nagmumula sa lupa.  Katulad ng panginoong Jesus na nagbibigay importansya sa nakasanayang paglalakad ng naka paa o nakayapak sa lupa. 

Maganda ang maglakad ng nakayapak sa lupa hanggat may pagkakataon maliban lamang sa mga sahig na may pintura na nagbibigay ng masamang epekto sa ating katawan.  Hinahangaan na noon pa ang kapangyarihan magpagaling gamit ang mga dahon, herbs, at hangin, ngunit hindi maikakaila na isa rin sa makapangyarihang panggamot ang enerhiyang nagmumula sa lupa.


MUD PACKS

Sa paraang ito ginagamit ang basang putik sa pagamot ng mga karamdaman. 

Ang pagamit ng mud packs ay napakalaking tulong sa mga sakit na matagal na, na sanhi ng mga sakit sa ating mga lamang loob o organs, mga pasa, pamamaga ng mga kasukasuan, mga pigsa at sugat. 

Ang mga basang putik na ito o mud packs ay makakayahan na panatilihin ang lamig at basa sa mahabang oras at ito ay nagpaparelax ng mga pores o butas ng balat, pinapaganda ang daloy ng dugo, nagtatangal ng mga bara at pananakit, nagbibigay din ng tulong upang mailabas ang mga dumi na naipon na sa ating katawan.
Ang putik na ito ay dapat na puro mula sa lupa walang kahalong kahit ano tulad ng bato o buhangin, ito ay nilalagay sa mainit na tubig hanggang maging parang pandikit. 

Pagkatapos ito ay palalamigin at ibabalot sa tela, ang laki ng tela ay depende sa parte ng katawan na paglalagyan. 

Ito ay lubos na nakakatulong sa mga nanghihinang katawan, mga may nerbyos, nakakapagpababa din ito ng lagnat, nakakagamot sa tigdas at trangkaso. 

Ginagamit din ito sa mga parteng namamaga, sa mga may problema sa mata sa tenga, gout, rayuma, sakit ng tiyan, bato at atay, diptheria, neuralgia at problemang pangsexual, sakit ng ulo, sakit ng ngipin at sa iba pang pananakit ng katawan. 

Ang mud bandage pagkatpos ilagay sa katawan ay dapat balutan ng malambot na tela upang ito ay maprotektahan at patagalin ng 10 hanggang 30 minuto.  Ang tiyan ang karaniwang ginagamitan ng mud pack sapagkat narito ang karamihan sa karamdaman tulad ng mahinang panunaw na nakakaapekto sa tiyan at bituka. 

Ito rin ay lubos na nakkatulong sa pagpapababa ng temperatura at pagpapalabas ng dumi sa katawan.  Ito rin ay nakakatulong sa mga pananakit sa panganganak at kung gagamitin ito nararapat na palitan ito bawat 1 hanggang 2 oras.

Ito ay lubos na nakakatulong sa pagpapaginhawa sa pananakit ng likod at tiyan gayundin sa kabag, mga bara sa bituka, amoebiasis, at iba pang pamamaga sa bituka.



MUD BATH

Ang paraang ito ay inaaply din katulad ng mud packs ngunit ginagamit lamang sa buong katawan. 

Ito ay nakakapag paganda ng kutis, sirkulasyon at bumubuhay sa tissues.  Pinapaganda rin nito ang kuklay ng balat, pinapakinis ang kutis at pinapagaling ang mga peklat galing sa bulutong tubig.  Nakakatulong din ito sa may mga psoriasis, leucoderma at ketong.

Ang mud bath ay nakakapagpaginhawa din sa mga may rayuma at kasukasuan.  Isinasagawa ito sa loob ng 30 minuto hanggang 1 oras.  Iwasan ang pagamit nito kung giniginaw habang ginagawa ito.







EPEKTO NG EHERSISYO SA KALUSUGAN AT SA SAKIT

Ang ehersisyo ay mahalaga sa pagpapanatili ng normal na kundisyon ng buhay.  Ang kakulangan nito ay nagbubunga ng panghihina at sakit. 

Ang pag-eehersisyo ay ginagamit na rin sa modernong medisina upang mapabalik sa normal ang laman at mga ugat na naapektohan ng sakit o aksidente.

Ang ehersisyo at aktibidad ay ginagawa gamit ang buong katawan upang mapanatili ang lakas ng mga musles, kasukasuan at mga ugat para sa mas mgandang pagalaw.



BENEPISYO:

Ang regular na ehersisyo ay nakakatulong upang magamit ang enerhiya ng katawan na tumutulong sa wastong kalusugan at sa magandang pangangatawan.

Ito rin ay nakakapagpaganda ng ating mga senses at pagkilos, naiiwasan din ang paglaylay ng ilang parte sa ating katawan, napapaganda rin nito ang daloy ng dugo sa lahat ng parte ng ating katawan na nagbubunga ng mas matibay na pangagatawan, nakakapagpalakas din ito ng baga at puso, pinipgilan din nito ang pagbabara sa baga at mga daluyan ng dugo, nailalabas din nito ang mga kabag na naipon sa ating tiyan, nagbibigay din ito ng mas malakas na baga na nakakatulong upang gumanda ang paghinga, ang pagpapawis ay tumutulong din sa ating bato upang mailabas ang mga toxins sa ating katawan, at ito ay nakakapagpaganda ng daloy ng dugo.

Napatunayan din na ang pag-eehersisyo ay nakakapagpahaba ng buhay.  Nakakatulong upang mabawasan ang taba at bumaba ang kolesterol.  Nagpapababa din ito ng timbang sa mga taong sobrang taba.

Malaki rin ang naitutulong nito laban sa stress.  Nakapagbibigay ito ng pahinga sa ating kaisipan habang pinapanatiling malusog ang ating katawan at matalas ang isipan. 

MGA PARAAN NG PAG-EEHERSISYO

Isa sa maraming paraan ng pag-eehersisyo ay tinatawag na yoga, paglangoy, paglalakad, pagbibisikleta, pagtakbo, pagbubuhat at iba pang sports.  Anumang paraan ang inyong piliin nararapat lamang itong gawin ng may sistema, palagian at may tamang pamantayan.




MGA DAPAT ISA-ALANG ALANG:

Anu mang uri ng mabibigat na ehersisyo ay hindi dapat isagawa pagkatapos kumain. 

Ang mga taong may malulubhang sakit gaya ng cancer, sakit sa puso, tuberkulosis at hika ay hindi dapat sumailalim sa mabibigat na ehersisyo. 

Kung sobrang napapagod itigil ang pag-eehersisyo, ang layunin ng ehersisyo ay mapaganda ang pakiramdam, mapakalma at hindi ang pakiramdam ng sobrang pagod.  Magsimula lamang sa magagaang na ehersisyo habang nag aadjust ang katawan at sa pagtagal ay maaring itaas ang antas ng pag-eehersisyo.

ANG KAHALAGAHAN NG MASAHE

Ang pagpapamasahe ay isa ring paraan ng ehersisyo.  Sinabi rin ni Hippocrates, ama ng medisina, na ginagamit ang pagmamasahe sa pagpapagaling ng sakit ng mga pasyenteng nanghihina at tinutulong na maibalik ang kalakasan ng mga ito.



1Ti 4:8  Sapagka't sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni't ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.

1Co 6:19  O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili;

1Co 6:20  Sapagka't kayo'y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios.


BENEPISYO:

Lubos na nakakatulong ang pagmamasahe sa ating utak o nervous system, nagpapaganda ng paghinga, nagpapabilis ng paglabas ng mga lason sa ating katawan, at tumutulong ito malinis ang ating dugo.  Isa rin itong magandang paraan upang maging maayos ang sirkulasyon ng ating dugo at gumanda ang ating metabolismo.  Nakakawala rin ito ng mga kulubot sa balat, napapaganda ang humpak na pisngi at tinatanggal ang paninigas ng leeg.  Nakakapagpaginhawa ng mga nanakit at namamandhid na kalamnan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento