Sabado, Abril 19, 2014

Ang nakaraan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap ay mga katangian ng kamalayan. Ang nakaraan ay gunita, memorya; ang hinaharap ay ang pag-asa; ang kasalukuyan ay kamalayan. Samakatuwid ang oras ay ang pag-galaw ng pag-iisip.



Ang nakaraan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap ay mga katangian ng kamalayan. Ang nakaraan ay gunita, memorya; ang hinaharap ay ang pag-asa; ang kasalukuyan ay kamalayan. Samakatuwid ang oras ay ang pag-galaw ng pag-iisip. Ang parehong nakaraan at hinaharap ay ipinanganak sa imahinasyon; ang kasalukuyan lamang,  ang kamalayan, ang tunay at walang hanggan.
Ito ay ang nakatagong lakas para sa espasyo,oras, bagay, at lakas. Ito ay isang walang hanggan lugar ng mga posibilidad nakakaranas ng sarili nito bilang pwersang mahirap unawain, kahit ang mga ito ay liwanag, init, kuryente, magnetismo, o grabidad. Ang mga pwersa ay hindi rin sa nakaraan o sa hinaharap. Sila ay kung ano sila.
Ang ating interpretasyon sa mga pwersang mahirap unawain ang magbibigay sa atin ng karanasan sa kongkretong hindi pangkaraniwang bagay at porma. Tandaang ang ating interpretasyon sa pwersang mahirap unawain ang lilikha ng ating karanasan ng nakaraan, ang naunang interpretasyon ay parehong pwersang mahirap unawain ang lilikha ng hinaharap. Ang mga ito ay ang mga katangian ng atensyon sa kamalayan. Kapag ang mga katangian ay napalaya mula sa pasanin ng nakaraan, pagkatapos ang aksyon sa kasalukuyan ay nagiging mayabong na lupa para sa paglikha ng hinaharap.
Ang intensyon, grawnded sa nakahiwalay na kalayaan  sa kasalukuyan, ay nagsisilbing katalista para sa tamang halo ng mga bagay, enerhiya, espasyo at oras ng mga kaganapan upang lumikha ng kahit anong ating ninanais.
Kung mayroon tayong buhay na naka-sentro, sa kasalukuyang sandali ng kamalayan, pagkatapos ay ang haka-hakang balakid, na kung saan ay higit sa siyamnapung porsiyento ng pinaghihinalaang balakid ay guguho at mamawala. Ang Natitirang lima hanggang sampung porsiyento ng pinaghihinalaang balakid ay maaaring magbago ng mga oportunidad sa pamamagitan ng nakatutok na intensyon.
Ang nakatutok na intensyon ay ang kalidad ng atensyon na may matigas na kalooban sa pagsaayos ng layunin.
Ang nakatutok na intensyon ay nangangahulugang hinahawakan natin ang ating atensyon sa nilalayong kakalabasan na may matigas na kalooban at hindi tayo pumapayag maharangan ng mga balakid para matalo at mapawi ang nakatuong kalidad ng ating atensyon. Mayroong isang kabuuan at kumpletong pagbubukod ng lahat ng balakid mula sa ang ating kamalayan. Magagawa nating mapanatili ang isang hindi matinag na kagandahan ng katahimikan habang nakatuon sa ating layunin ng may matinding silakbo ng damdamin.
Ito ang kapangyarihan ng paghihiwalay ng kamalayan at sa nakatutok, nakatuon na intensyon nang sabay-sabay.
Matutong pakinabangan ang lakas ng intensyon, at maaari tayong lumikha ng anumang bagay na gusto natin. Maaari  tayong makakuha ng resulta sa pamamagitan ng pagsusumikap at sa pamamagitan ng pagsubok, ngunit  may gastos. Ang  gastos ay ang istress, atake sa puso, at pag-kompromiso ng pag-andar ng ating immune system. Mas mabuting gawin ang sumusunod na limang mga hakbang sa Batas ng intensyon at pagnanais. Kapag sinunod natin ang limang mga hakbang para sa pagtupad ang ating mga kagustuhan, ang intensyon ay bumubuo ng kanyang sariling kapangyarihan:
(1) Pumasok tayo sa puwang. Nangangahulugan ito na ang ating sarili ay nasa sentro ng  tahimik na espasyo sa pagitan ng mga diwa, upang pumunta sa katahimikan. Ang antas ng ating pagiging nilikha kung saan ito ang mahalagang estado.

(2) Magtatag sa estadong iyun ng pagiging nilikha, ilabas ang ating intensyon at mga ninanais.
Kapag tayo ay talagang nasa puwang, doon ay walang pag-iisip, doon ay walang intensyon, pero habang lumalabas sa puwang. Sa kantong iyun sa pagitan ng mga puwang at sa isang pag-iisip. Mapapakilala ang ating intensyon.
Kung mayroon tayong serye ng mga layunin, maaari nating isulat ang mga iyon, at itutok ang ating intensyon ng nakatuon sa mga ito bago tayo pumunta sa  puwang. Kung nais natin ang isang matagumpay na karera, Halimbawa, pumunta tayo sa puwang ng may intensyon, at ang intensyon ay nan- doon bilang isang malabong kisap ng ating kamalayan.
Ilabas ang ating intensyon at ninanais sa puwang nangangahulugang nagtatanim tayo noon sa mayabong na lupa ng purong nakatagong lakas, at umaasa sa kanilang pamumulaklak kapag tama na ang panahon. Hindi na kailangang hukayin ang mga binhi ng ating ninanais upang makita kung ang mga ito ay lumalaki, o mahigpit na nakakabit  sa mga paraan na kung saan sila ay magbukadkad.
Gusto nating palabasin ang mga ito.
(3)  Mananatili sa estado ng pagsangguni sa sarili. Ito ay nangangahulugan mananatiling itinatag ang kamalayan  sa iyong totoong  sarili. sa iyong espiritu, ang iyong koneksyon sa larangan ng purong nakatagong lakas. Nangangahulugang din itong hindi tayo titingin sa ating sarili sa mata ng mundo, o payagan ang ating sarili na maimpluwensyahan ng mga opinyon at pagpintas ng iba. Ang isang kapaki-pakinabang  paraan upang panatilihin ang estado ng pagsangguni sa sarili ay  panatilihin ang iyong mga kagustuhan sa ating sarili; huwag ibahagi ang mga ito sa sinuman maliban kung ang babahaginan ay eksaktong pareho ang kagustuhan na mayroon tayo at malapit sa atin.
 (4) Talikuran natin ang ating pakakakabit sa kahihinatnan. Ito ay nangangahulugan na pakakawalan natin ang ating matibay na pagkakakabit sa isang tukoy na resulta at mabubuhay sa karunungan ng kawalang  katiyakan. Ito ay nangangahulugan na malulugod tayo sa bawat sandali ng paglalakbay ng ating buhay, kahit na hindi natin alam ang ating kahihinatnan.
 (5) Hayaan natin ang uniberso ang siyang mangasiwa ng mga detalye. Ang ating intensyon at ninanais, kapag inilabas sa puwang, ay may walang hangganang pag-aayos ng kapangyarihan. Magtiwala sa walang katapusang  pag-aayos ng lakas ng intensyon para mamigay ng lahat ng mga detalye  sa atin.
Tandaan na ang ating tunay na kalikasan ay kaisa  ng purong espiritu. Taglayin ang kamalayan ng ating espiritu saan  man tayo pumunta, malumanay na ilabas ang ating kagustuhan, at ang uniberso ang mangangasiwa ng mga detalye para sa iyo.
Ang pag-gamit sa batas ng intensyon at pagnanais
Ilagay natin ang Batas ng intensyon at pagnanais para  magkabisa sa pamamagitan ng paggawa ng isang pangako upang gawin ang mga sumusunod na hakbang na ito:
(1)  Gumawa tayo ng isang listahan ng lahat ng ating mga gusto.  Dalhin natin ang listahang ito   saan man tayo magpunta.  Titingnan natin ang  listahang ito bago tayo pumunta sa ating katahimikan, meditasyon at pagmumuni-muni.  Titingnan natin ito bago tayo matulog sa gabi. Titingnan natin ito pagkagising  sa umaga.
(2)  Ilalabas natin ang listahan ng ating mga kagustuhan at isusuko ito sa sinapupunan ng paglikha, nagtitiwala na kapag ang mga bagay ay mukhang hindi pumupunta ang ating ninanais na landas, ay dahil mayroong dahilan, at  ang  kosmikong plano ay may mga disenyo para sa atin na mas maganda kaysa sa ating naisip.
(3)  ipaalala natin sa ating sarili na magsanay sa kasalukuyan-sandali ng kamalayan sa lahat ng ating mga aksyon. Hindi natin papayagan ang mga balakid upang ubusin at pawiin ang kalidad ng ating atensyon sa kasalukuyang sandali. Tatanggapin natin ang kasalukuyan bilang ngayon, at mag-manipesto ang hinaharap sa pamamagitan ng ating pinakamalalim, pinaka-tanging intensyon at ang ating mga gusto.

ANG BATAS ng pagwawalang-bahala
Sa pagwawalang-bahala namamalagi ang karunungan ng kawalan ng katiyakan, sa karunungan ng kawalan ng katiyakan ay namamalagi ang kalayaan mula sa  ating nakaraan, galing sa ating nalalaman, kung saan ito ay  kulungan ng nakaraan kalagayan.
Sa ating kagustuhang humakbang sa hindi natin nalalaman, ang patlang ng lahat ng mga posibilidad, isinusuko  natin ang ating sarili sa malikhaing pag-iisip na nagbibigay ng sayaw ng uniberso.
Tulad ng dalawang gintong ibon na tumutuka sa puno ng aratiles, matalik na mag-kaibigan, ang pagkamakasarili at ang sarili na nakatira sa parehong katawan. Ang makasarili ay kumakain ng matamis at maasim na bunga ng punong kahoy ng buhay, habang ang huli ay tumitingin sa pagwawalang-bahala.

Mateo 6:


25 "Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin d upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? 27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
               28 "At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. 29 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. 30 Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buhay ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!
               31 "Kaya't huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 33 Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos e at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.
               34 "Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw."
Ang ikaanim sa espirituwal na batas ng tagumpay ay ang Batas ng pagwawalang bahala. Ang Batas ng pagwawalang bahala ay nagsasabi na upang makakuha ng anumang bagay sa pisikal na uniberso, kailangan nating iwan ang ating pagkakatali rito. Palakasin ang pananampalataya sa Dios na pinakamayaman sa lahat. Hindi ibig sabihin na isuko natin ang intensyon upang lumikha ng ating ninanais. Hindi natin isusuko ang intensyon, at hindi natin isusuko ang pagnanais. Isusuko natin ang pagkakakabit sa mga resulta.
Ito ay isa sa napaka-makapangyarihang bagay na dapat gawin. Sa sandaling talikdan natin ang ating pagkakakabit sa resulta, pagsasama-samahin ang isang-nakatutok na intensyon sa pagwawalang-bahala sa parehong oras, makukuha natin anuman ang ating ninanais. Anumang bagay na ating gusto ay maaaring nating makuha sa pamamagitan ng pagwawalang-bahala, dahil sa pagwawalang-bahala ay batay sa mga walang tanong na paniniwala sa kapangyarihan ng ating tunay na sarili, ang pananampalataya sa Makapangyarihang Lumikha.
Ang pagkakakabit sa mga bagay ng mundo, sa kabilang banda, ay batay sa takot at kawalan ng kapanatagan. at ang pangangailangan para sa seguridad ay batay sa hindi natin pagkakilala ng ating tunay na Sarili. Ang pinagmulan ng kayamanan, ng kasaganaan, o anumang bagay sa pisikal na mundo ay ang ating sarili; ito ay ang kamalayan na nakakaalam kung paano matupad ang bawat pangangailangan.
Lahat ng iba pang bagay ay isang simbolo: ang mga kotse, mga bahay, mga pera sa bangko, mga damit, mga eroplano. Ang simbolo ay pansamantala lamang; sila ay dumarating at umaalis. Ang paghahabol sa mga simbolo ay tulad ng pagtira sa mapa sa halip na sa teritoryo. Lumilikha ito ng pagkabalisa; nagtatapos ito upang gawin tayong walang halaga at walang saysay sa ating kaloob looban, dahil pinagpalit natin ang ating sarili para sa mga simbolo ng ating sarili.
Ang pagkakakabit sa mga bagay ay mula sa kahirapan ng kamalayan, dahil ang pagkakakabit ay laging nasa mga simbolo.
Ang Pagwawalang-bahala ay kasingkahulugan ng kayamanan ng kamalayan, dahil sa pagwawalang-bahala ay mayroong kalayaan upang makalikha. Sa pamamagitan lamang ng pagwawalang bahala ang paglahok ay maaaring magkaroon ng kagalakan at kasiyahan. Pagkatapos ang simbolo ng kayamanan ay patuloy na malilikha at walang kahirap-hirap. Kapag mayroong pagkakakabit tayo ay bilanggo ng kahinaan, kawalan ng pag-asa, pangmundo ang mga pangangailangan, walang kuwenta, alalahanin, tahimik na pagkawalang-taros, at kabigatan. Ang mga natatanging katangian ng mga araw-araw na pag-iral at kahirapan ng kamalayan.
Ang tunay na kayamanan ng kamalayan ay ang kakayahang magkaroon ng anumang ninanais natin, kahit anong oras na gusto natin, at may kakaunting  pagsisikap. Upang ma-tali sa karanasang ito mayroon tayong tali sa karunungan ng kawalan ng katiyakan. Sa kawalan ng katiyakang  ito ay makikita natin ang kalayaan upang lumikha ng anumang ninanais natin.
Ang mga tao ay palaging naghahanap ng seguridad, at makikita natin na ang naghahanap ng seguridad ay talagang isang napaka panandalian bagay. Kahit na ang pagkakakabit sa pera ay tanda ng kawalan ng kapanatagan.
Sa mga naghahanap ng seguridad hinahabol ito habang nabubuhay ay hindi kailanman mahahanap  ito. Mananatili itong madulas at panandalian, dahil ang seguridad ay hindi kailanman mangyayari mula sa pera lamang. Ang pagkakakabit sa pera ay palaging lilikha ng kawalan ng kapanatagan kahit gaano karaming pera na mayroon tayo sa bangko. Sa katunayan, ang ilan sa mga mga taong may pinaka-pera ay mabuway at laging nag-aalala.
Ang paghahanap para sa seguridad ay isang ilusyon. Sa sinaunang tradisyon ng karunungan, ang solusyon sa problemang ito ay namamalagi sa karunungan ng kawalan ng kapanatagan, o ng karunungan ng kawalan ng katiyakan. Nangangahulugan ito na ang paghahanap para sa seguridad at sa katiyakan ay talagang isang pagkakakabit sa mga alam. At ano ang alam?  Ang alam ay ang ating nakaraan. Ang kaalaman ay walang iba kung hindi ang bilangguan ng mga nakaraang kondisyon.
Walang ebolusyon sa ganoon, talagang wala. At kapag walang ebolusyon, may pagwawalang-kilos, walang pag-galaw, kaguluhan, at pagkabulok.
Ang Kawalan ng katiyakan, sa kabilang banda, ay ang mayabong lupa ng purong pagkamalikhain at kalayaan. Ang kawalang-katiyakan ay nangangahulugan ng pagtapak sa hindi natin alam  sa bawat sandali ng ating buhay. Ang hindi alam ay ang lugar ng lahat ng mga posibilidad, laging sariwa, laging bago, laging bukas sa paglikha ng bagong manipestasyon.
Kapag walang pag-aalinlangan at walang nalalaman, ang buhay ay isa lamang gumaganang pag-uulit ng mga lumang alaala. Tayo ay magiging biktima ng nakaraan, at ang ating tagapagpahirap ngayon ay ang ating sarili na naiwan  mula kahapon.
Bitawan natin ang ating mga pagkakakabitt sa mga kaalaman, humakbang tayo sa hindi nalalaman, at tayo ay makakalakad papunta sa lugar ng lahat ng mga posibilidad. Sa ating pagpayag sa hakbang sa hindi nalalaman, magkakaroon tayo ng karunungan ng kawalan ng katiyakan. Ito ay nangangahulugan na sa bawat sandali ng ating buhay, magkakaroon tayo ng kasiglahan, pakikipagsapalaran, misteryo. Tayo ay makararanas ng kasiyahan ng buhay. ang mahiwaga, sa pagdiriwang, ang kagalakan, at ang malaking kasayahan ng ating sariling espiritu.
Araw-araw maaari nating hanapin ang kagalakan ng kung ano ang maaaring mangyari sa larangan ng lahat ng mga posibilidad.
Kapag nakakaranas tayo ng kawalan ng katiyakan, tayo ay nasa tamang landas. kaya huwag sumuko. Hindi natin kailangang magkaroon ng isang kumpleto at matibay na ideya ng kung ano ang gagawin natin sa susunod na linggo o sa susunod na taon, dahil kung mayroon tayong isang napaka-malinaw na ideya ng kung ano ang mangyayari at matibay tayong nakakabit rito, pagkatapos ay isarado natin ang buong saklaw ng mga posibilidad.
Isang katangian ng lugar ng lahat ng mga posibilidad ay ang walang hanggan ugnayan. Ang lugar na maaaring mamigay ng walang hangganang espasyo ng oras ng mga kaganapan upang dalhin ang kalalabasan na ating inaasahan. Pero kapag tayo ay nakakabit, ang ating mga intensyon ay masasarado sa isang matibay kaisipan at mawawala sa atin ang pagkalikido, ang pagkamalikhain, at ang agos na likas sa lugar na iyun.
Kapag Tayo ay nakakabit, nanlalamig ang ating pagnanais mula na walang katapusang  pagkalikido at ang kakayahang umangkop sa isang matibay na balangkas ay humahadlang sa buong proseso ng paglikha.
Ang Batas ng hindi pagkakakabit ay hindi makakagambala sa Batas ng intensyon at pagnanais. May layunin-nakahanda. Mayroon  pa rin tayong balak na makapunta sa isang tiyak na direksyon, tayo ay may isang layunin pa rin.
Gayunpaman, sa pagitan ng punto A at point B mayroong walang katapusang  posibilidad. Sa pamamagitan ng kawalang  katiyakan na isinasali , maaari nating baguhin ang direksyon sa anumang sandali kung makakita tayo ng mas mataas na kaisipan, o kung makahanap tayo ng isang bagay na mas kapana-panabik. Tayo ay mas malamang na puwersahin ang mga solusyon sa mga problema, na nagbibigay-daan sa atin upang manatiling alerto sa mga oportunidad.
Ang Batas ng hindi pagkakakabit ay ang buong proseso ng ebolusyon. Kapag nauunawaan natin ang batas na ito, hindi natin mararamdaman pilitin at puwersahin ang solusyon. Kapag pinipilit ang solusyon sa mga problema, lumikha lamang tayo ng bagong problema. Ngunit kapag inilagay natin ang ating atensyon sa kawalan ng katiyakan, at saksihan ang kawalan ng katiyakan habang maghintay para sa mga solusyon na lumabas galing sa  ganap na kaguluhan at ang pagkalito, pagkatapos ang lalabas ay isang bagay na lubhang hindi kapani-paniwala at kapana-panabik.
Ang estado ng pagiging maagap. Ang ating paghahanda sa kasalukuyan, sa lugar ng kawalan ng katiyakan.
Ang makakatugon sa ating mga layunin at sa ating intensyon at magbibigay-daan sa atin upang sakupin ng pagkakataon. Ano ang pagkakataon? Ito ang nilalaman sa loob ng bawat problema na mayroon tayo sa ating buhay. Ang bawat solong problema na nasa ating buhay ay ang binhi ng isang pagkakataon para sa mas malaking pakinabang.
Sa sandaling Mayroon tayong ganoong pang-unawa, magbubukas tayo ng isang buong saklaw ng mga posibilidad. at ito ang magpapanatili ng misteryo, ang kababalagyan, ang pagpukaw, ang pakikipagsapalaran sa buhay.
Maaari tayong tumingin sa bawat problema na mayroon tayo sa ating buhay bilang isang oportunidad para sa mas mataas na pakinabang. Maaari tayong manatiling alerto sa mga pagkakataon sa pamamagitan ng pag-grawnded sa karunungan ng kawalang  katiyakan.
Kapag ang ating paghahanda ay makakakilala ng pagkakataon, ang solusyon ay patuloy na lumilitaw.
Ang lumalabas mula diyan ay tinatawag swerte. Ang swerte ay walang iba kundi ang kahandaan at ang oportunidad na nagsasama. Kapag ang dalawa ay naghalo ng may isang alertong nakakasaksi ng malaking kaguluhan, ang isang solusyon ay lumilitaw sa gitna ng ebolusyon ng pakinabang sa atin at sa lahat ng mga taong dumarating sa atin. Ito ay ang perpektong resipe para sa tagumpay, at ito ay batay sa Batas ng Pagwawalang-bahala.
Ang pag-gamit sa batas ng hindi pagkakakabit sa mga bagay
Gagamitin natin ang Batas ng hindi pagkakakabit sa mga bagay para magkaroon ng epekto sa pamamagitan ng pag-gawa ng isang pangako upang gawin ang mga sumusunod hakbang na ito:
(1) Ngayon tayo ay mangangako sa ating sarili sa hindi pagkakakabit sa mga bagay sa mundo. Papahintulutan natin ang  ating sarili at sa mga nasa paligid natin ang kalayaan upang maging kung ano sila. Hindi natin ipipilit ang ating ideya ng kung paano dapat ang mga bagay. Hindi natin pupuwersahin ang solusyon sa mga problema, na makakalikha ng mga bagong problema. Tayo ay lalahok sa lahat ng bagay na may hindi nakakabit na paglahok.
 (2) Ngayon ay isasama natin ang kawalan ng katiyakan bilang isang mahalagang sahog ng ating karanasan. Sa ating pagpayag na tanggapin ang kawalan ng katiyakan, ang mga solusyon ay patuloy na susulpot sa labas ng problema, sa labas ng kalituhan, diperensiya, at kaguluhan. Habang mas maraming mga bagay ang mukhang hindi sigurado, mas tiyak ang aking pakiramdam, dahil ang kawalan ng katiyakan ang ating landas sa kalayaan. Sa pamamagitan ng karunungan ng kawalan ng katiyakan,  mahahanap natin ang ating seguridad.
(3) Tayo ay hahakbang sa lugar ng lahat ng mga posibilidad at asahan ang kaguluhan na maaaring mangyari kapag tayo ay mananatiling bukas sa impinidad ng mga pagpipilian. Kapag humakbang tayo sa lugar ng lahat ng mga posibilidad, tayo ay makakaranas ng lahat ng kasiyahan, pakikipagsapalaran, salamangka, at misteryo ng buhay.
Ang batas ng  dharma. O hangarin sa buhay.
Ang bawat tao'y may isang hangarin sa buhay ... isang natatanging regalo o espesyal na talento para ibigay sa iba.
At kapag nagtimpla tayo ng natatanging talent na may serbisyo sa iba, nararanasan natin ng lubos ang kagalakan at ang malaking katuwaan ng ating sariling espiritu, kung saan ito ang tunay na hangarin ng lahat ng mga hangarin.
Ang ikapitong espirituwal na batas ng tagumpay ay ang Batas ng Dharma. Ang Dharma ay isang salitang sanskrit na nangangahulugan hangarin sa buhay.  Sinasabi ng Batas ng Dharma na nagagawa natin ang manipestasyon sa pisikal na paraan upang matupad ang isang hangarin. Ang lugar ng purong nakatagong lakas ay pagka-sagrado sa kakanyahang ito, at ang banal na nagiging anyo ng tao upang matupad ang isang layunin.
Ayon sa batas na ito, mayroon tayong isang natatanging talento at isang natatanging paraan ng pagpapahayag nito. Mayroon tayong mga bagay na maaaring gawing mas mahusay kaysa sa sinumang iba pa sa buong mundo. at para sa bawat natatanging talento at natatanging ekpresyon  ng talento, mayroon ding mga natatanging mga pangangailangan.
Kapag ang mga pangangailangan ay tumugma sa malikhaing ekspresyon ng ating mga talento, iyon  ang kislap na lumilikha ng kasaganaan.
Ang pagpapahayag ng ating mga talento upang matupad ang mga pangangailangan ay lumilikha ng walang limitasyong yaman at kasaganaan.
May dahilan kung bakit tayo ay narito sa mundo, at kinailangan nating malaman kung ano ang dahilan na iyon ay para sa ating sarili.
Tanungin natin ang ating sarili kung paano tayo makakapag-silbi sa sangkatauhan, at itanong sa ating sarili kung ano ang ating natatanging talento. Dahil mayroon tayong isang natatanging talento na wala sa iba, at mayroon tayong isang espesyal na paraan ng pagpapahayag na talento, at walang iba ang meron nito . Ang mga ito ay natatangi ang mga nagiging sagana, mga bastante ay dahil sila ay nakatuon sa ano ang kaya nilang ibigay. Ito ang Batas ng Dharma.
May tatlong mga sangkap ang Batas ng Dharma. Ang unang sangkap ay nagsasabing ang bawat isa sa atin ay nandito upang matuklasan ang ating tunay na sarili, upang malaman ng ating sarili na ang ating tunay na sarili ay espirituwal, na talagang tayo ay espirituwal tayo'y kinuha sa pisikal na anyo. Hindi tayo tao na may paminsan-minsang mga espirituwal na karanasan. Sa kabaligtaran tayo ay espirituwal na tao na may paminsan-minsang mga karanasan ng tao.
Ang bawat isa sa atin ay nandito upang matuklasan ang ating mga mas mataas sa sarili o sa ating sariling espirituwal. Iyan ang unang katuparan ng Batas ng Dharma. Kailangan nating malaman tayo mismo na nasa loob natin ang embrayo ng Diyos na gustong ipanganak upang maaari nating ipahayag ang ating pagka-divino.
Ang ikalawang bahagi ng Batas ng Dharma ay upang ipahayag ang ating natatanging talento. Ang Batas ng Dharma ay nag sasabi na ang bawat tao ay may natatanging talento. Mayroon tayong isang talento na  natatangi sa kanyang sariling ekpresyon, natatangi na walang sinumang nilalang sa mundong ito na mayroon ng talentong iyon , o ekpresyon  ng talento na iyan. Nangangahulugan ito na may isang bagay na maaari nating gawin, at isang paraan ng paggawa nito, iyon ay mas mahusay kaysa sa kahit sinuman sa buong planeta. Kapag ginagawa natin ang isang bagay na iyun,  nawawala ang pagsubaybay sa oras.
Kapag ating pinapahayag ang isa sa natatanging talento na taglay natin. o higit pa sa isang natatanging talento sa maraming mga kaso. Ang expresyon ng talento ay magdadala sa atin sa walang hanggang oras ng kamalayan.
Ang ikatlong bahagi ng Batas ng Dharma ay serbisyo sa sangkatauhan. Upang maglingkod sa kapwa tao at upang tanungin ang ating sarili sa mga katanungang,. Paano tayo tutulong? Paano tayo maaaring makatulong sa lahat ng mga nakakasama natin?
Kapag pinagsama natin ang kakayahan upang ipahayag ang ating natatanging talento sa serbisyo sa sangkatauhan, pagkatapos ay gumagawa tayo ng ganap sa paggamit ng Batas ng Dharma. At isama ang mga karanasan ang ating sariling kabanalan, sa larangan ng purong nakatagong lakas, walang paraang hindi tayo magkakaroon ng daanan sa walang limitasyong kasaganaan, dahil ito ang tunay nadaanan sa kasaganaan, ang paraan para makamit ito.

Ito ay hindi isang pansamantalang kasaganaan; ito ay permanente, dahil sa ating natatanging talento, ang ating paraan ng pagpapahayag ng mga ito, at ang ating mga serbisyo at dedikasyon sa ating kapwa tao, na ating natuklasan sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga tanong,. Paano tayo makaka tulong? Sa halip na, ano ang para sa akin?
Ang tanong,. Ano para sa akin? Ay ang panloob na dialogo ng pagkamaka-sarili. Nagtatanong. Paano tayo makakatulong?. Ay ang panloob na dialogo ng  espiritu. Ang espiritu ay ang tirahan ng ating kamalayan na kung saan nararanasan natin ang ating pagiging pandaigdigan. Sa paglilipat ng ating panloob na dialogo mula sa. Ano ang para  sa akin?. sa. Paano ko makakatulong?. Awtomatiko nating malalagpasan ang pagkamaka-sarili sa tirahan ng ating espiritu.
Habang ang pag-meditasyon ay ang pinaka-kapaki-pakinabang na paraan ng pagpasok sa tirahan ng espiritu, simpleng paglilipat ng ating panloob na dialogo sa. Paano tayo makakatulong?. Ay magkakaroon din ng daanan papunta sa tirahan ng ating kamalayan na kung saan nakakaranas tayo ng ating pagiging pandaigdigan.
Kung nais nating gumawa ng pinakamataas na paggamit ng Batas ng Dharma, pagkatapos ay mayroon tayong dapat gawin na mga pangako:
Ang unang pangako ay: Tayo ay hihingi at maghahanap sa ating mas mataas na sarili, na kung saan ay lagpas sa pagka-makasarili , sa pamamagitan ng espirituwal na pagsasanay.
Ang ikalawang pangako ay: Tayo ay tutuklas sa ating natatanging talento, at hahanapin ang ating natatanging mga talento, tayo ay magsasaya, dahil ang proseso ng kasiyahan ay nangyayari kapag pumunta tayo sa walang tiyak na oras ng kamalayan. Kapag tayo ay nasa isang estado ng lubos na kaligayahan.
Ang ikatlong pangako ay: Tatanungin natin ang ating sarili  kung paano ang pinakamahusay na tayo ay maka-angkop upang mag-silbi sa sangkatauhan.
Sasagutin natin ang tanong na iyan at pagkatapos ay ilagay ito sa ating kasanayan. Gagamitin natin ang ating natatanging talento upang maghatid ng mga pangangailangan ng ating mga kapwa tao. Tayo ay tutugma sa mga pangangailangan sa ating pagnanais na tumulong at maglingkod sa iba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento