Linggo, Abril 27, 2014

Tumingin ka sa labas makikita mo ang magandang araw mabuti man ang mood mo o masama.



Tumingin ka sa labas makikita mo ang magandang araw mabuti man ang mood mo o masama.  Tumingin ka sa sa kalye tumingin ka sa mga tao at sa iba pa pagkatapos ay mag-isip ka mapapansin mo may iba pang esensiya ang buhay. Ang buhay ay hindi lamang isang Lunes hanggang linggo o simpleng tag-init o tag-araw, ito ay isang pare-parehong ikot mayroong ibang bagay sa likod ng mga eksena ito. Ang tinatawag nating katutubong kaalaman.

Na mayroong pang-ibang bagay na mas higit pa sa buhay marahil nang galing ka na doon mula noong bata ka pa marahil nagkaroon ka ilang mga karanasan na nagpaisip sa iyo  na mayroon pang-higit sa buhay na hindi mo pa natutuklasan. Mayroong higit pa sa buhay na karamihan sa mga tao ay walang kamalayan.

Napakalaking bilang ng sangkatauhan ang nabubuhay pero nabubuhay na nangangarap. sila ay nag-aalala sa kanilang mga bahay, sa kanilang relasyon, sa kanilang mga kotse o sa iba’t ibang bagay ngunit para sa ilan sa atin alam natin na mayroon pang mas mahalaga kaysa sa mga iyun na parang ibinubulong sa atin na kailangan natin tuklasin halos tulad ng isang palaisipan na kailangan nating masagot at makuha.

Ang paghahanap para sa espirituwal na landas at ang paghahanap para sa panloob na pagbabago ay mula sa loob ng isang tao mula sa banal na kislap na dinadala nating lahat sa loob natin sa totoo tayong lahat ay katulad ng isang patak na kinuha mula sa isang malaki at dakilang karagatan o marahil kung iisipin ito, tayo ay tulad ng isang maliit na butil ng buhangin na kinuha mula sa isang malaking dalampasigan.

Mayroong isang bahagi ng isang bagay na mas dakila na makitkita natin sa loob ng lahat ng tao na tinatawag natin kaluluwa. Isang bahagi ng pinagmulan ng lahat ng bagay na tinatawag nating Diyos. Mayroong isang pinagmulan ng lahat ng bagay, pinagmulan ng lahat ng enerhiya sa uniberso at tayo ay bahagi niya.

Tayo ay naging bahagi ng dakilang karagatan o bahagi ng dakilang dalampasigan at nasa loob natin ang isang piraso na nagnanais na makabalik sa kabuuan, isang piraso na nasa atin na nananabik sumanib pabalik sa pinagmulan ng lahat ng bagay at ang bawat pangunahing relihiyon o espirituwal na landas ay nagpapahayag ng parehong prinsipyo na nakapaloob sa atin isang bahagi ng isang bagay na mas dakila at ang proseso ng buhay at kamatayan ay isa lamang paglalakbay sa piraso ng banal na kislap at may pagtatangkang bumalik pabalik sa pinagmulan.

Ang isa pang kontrobersyal na tanong,
tayo ba ang may kontrol ng ating mga buhay? Harangan mo ang sinumang taong na makikita mo sa lansangan at tanungin mo, ikaw ba ang may kontrol ng iyong buhay? Siyempre ako ang may kontrol ng buhay ko, ang sagot niya.

Malaki na akong tao, Mayroon akong trabaho, mayroon akong mapagkukunan, may bahay at kotse, may relasyon. Kahit sinong may edad na tao ang tanungin mo: ikaw ba ang may kontrol ng buhay mo? Makakakuha ka ng umaalingawngaw na sagot: oo siyempre hindi ako laging masaya sa lahat ng ito ngunit ako ay siguradong may kontrol sa karamihan ng mga aspeto ng aking buhay.

Mabuti, ang gusto nating imungkahi dito ay ang eksaktong kabaligtaran Kung tunay nating nakikita sa mga bagay kung titingin tayo sa buong kurso ng ating buhay matutuklasan natin na tayo ay katulad ng isang maliit na bangka na inihagis sa malaking bumabagyong karagatan isang maliit na bangka na ibinato sa malaking bumabagyong karagatan.

Na kung saan sa katapusan hindi ang bangka ang naglalayag sa sarili nitong kurso kung hindi ang hangin at ang mga alon habang sinusubukan naming i-layag ang bangka ng ating mga buhay ang makikita natin na maraming beses na tayo ay minamaneho sa kurso ng ating buhay sa pamamagitan ng mga panlabas na kadahilanan tulad lamang ng isang bangka na gustong maglayag mula sa isang isla sa kabilang isla at ang
hangin at ang mga alon ay patuloy na kumikilos sa bangka kaya sa halip na papuntang tuwid sa isang linya ang bangka ay nadadala sa kung saan saang lupalop.

Iyan ang talagang natatagpuan natin sa maraming mga aspeto ng ating buhay tayo ay ipinanganak na may isang layunin isang tadhana ng isang bagay upang makamit ang dapat lang nating gawin ay pumunta mula sa punto A hanggang punto B pero minsan tayo ay naililihis palayo sa ating kurso na kapag sinusubukan nating makabalik sa ating kurso napupunta tayo sa ibang
direksyon kung minsan hindi na tayo kailanman makabalik sa kurso natin dito
minsan nauubos natin ang ating buong buhay sa pagsubok na hanapin kung ano ang orihinal nating kurso.

Tayo ay katulad ng isang maliit na bangka na inihagis sa isang binabagyong karagatan sa huli ang hawak lang natin ay ang ilusyon na tayo ang may kontrol ngunit sa katotohanan ang hangin at ang mga alon ang mga panlabas na kadahilanan sa ating mga buhay mga bagay tulad ng mga emosyon at mga saloobin na nanggaling mula sa iba't ibang mga lugar na sa huli tayo ay walang kontrol sa pwedeng kalalabasan ng ating buhay.

Lucas 15:

Ang Nawala at Natagpuang Anak
               11 Sinabi pa ni Jesus, "May isang tao na may dalawang anak na lalaki. 12 Sinabi sa kanya ng bunso, 'Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.' At hinati nga ng ama ang kanyang ari-arian. 13 Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang kaparte at nagpunta siya sa malayong lupain. Nilustay niya roon sa pamamagitan ng mga bisyo ang lahat niyang kayamanan. 14 Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang maghirap. 15 Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya'y pinagtrabaho nito sa isang babuyan. 16 Sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa kanya ng pagkain, halos kainin na niya ang mga bungangkahoy na kinakain ng mga baboy. 17 Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili, 'Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa gutom! 18 Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko sa kanya, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. 19 Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila."' 20 At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila.
               "Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, 'Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.' 22 Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, 'Madali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya. Suotan ninyo siya ng singsing at bigyan ninyo siya ng sandalyas. 23 Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y magdiwang. 24 Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.' At sila nga'y nagdiwang."
               25 "Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi ito at malapit na sa bahay, narinig nito ang tugtugan at sayawan. 26 Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, 'Bakit? Ano'ng mayroon sa atin?' 27 'Dumating po ang inyong kapatid!' sagot ng alila. 'Ipinapatay po ng inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang buhay at walang sakit.' 28 Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng kanyang ama at pinakiusapan. 29 Ngunit sumagot siya, 'Pinaglilingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang maliit na kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. 30 Subalit nang dumating ang anak ninyong ito, na lumustay ng inyong kayamanan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang guya!' 31 Sumagot ang ama, 'Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. 32 Nararapat lang na tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.'"

Tayo ay naging reaktibong nilikha simple tayong nagkakaroon ng reaksyon sa mga pangyayari sa ating buhay at kapag pinag-isipan natin nagsisimula tayong kumilos at sinisimulan nating pag-aralan ang ating sikolohiya kung ano ang nangyayari para sa susunod na ilang linggo tayo ay kumikilos sa maraming aspeto tulad ng mga robot-na naka-programa kaysa sa isang indibidwal at iyon ang isang kasindak-sindak.

Ngunit sa ngayon kung gusto kong gumanda ang iyong pakiramdam pupurihin kita tulad ng maganda ang suot mong damit gusto ko ang iyong buhok para kang bumabata
at iyun ay magpapaganda sa iyong pakiramdam iyon ay magbibigay sa iyo ng pakiramdam ng pagmamataas ngunit maaari ko ring gawin ang kabaligtaran kung gusto kong pasamain ang iyong  pakiramdam maaari kitang insultuhin puwede kitang asarin, pagtawanan, o magsabi ng mga  negatibong bagay sa iyo para makalikha ng isang reaksyon kahit mayroon kang magandang araw ngayon o masamang araw.

Ngayon marahil naka-depende tayo sa kung sino ang lagi nating nakakasama o marahil sa ilang mga taong  nakasalamuha natin kung masaya tayong kasama ang ilang tao na talagang gusto nating nakakasama  masaya ang reaksyon sa sitwasyon na nagiging isang positibong reaksyon ngunit marahil kung tayo ay nakukulitan sa isang ahente o nagkaka problema sa isang katrabaho o sa management ng ating kumpanya o isang bagay na nangyari sa  trabaho o hindi talaga tayo nagkakaayos sa isang tao

Iyan ay makakalikha ng ibang reaksyon marahil galit, pagkainis, pagkabigo o takot na mawalan ng trabaho o ang isang bagay tulad niyan kaya maging mabuti o masama ang ating mood ay naka- depende sa kung sino ang ating nakakasama kung hahanapin ang kahulugan kapag pinindot ng isang tao ang pindutan doon nagmumula kung okay tayo kahit mabuti o masama ang ating mood nakaka apekto sila.

Sa ngayon maaaring naka-depende ka sa iyong asawa o kasintahan kung nasa mabuting mood o masamang mood ka dahil kung sila  ay nasa masamang mood na nakadirekta sa iyo at naka-impluensiya sa iyo sa masamang mood at pagkatapos ay naidirekta mo ito sa isang kaibigan sa telepono.




Ito ay isang uri ng isang naka-gapos na reaksyon ito ay patuloy na impluwensya ng mga tao sa paligid natin madalas itong mangyari hindi lamang ibang tao ang nakaka-impluwensiya at kumokontrol ng mga pangyayari sa ating mga buhay pati mismo ang mga nangyayari sa ating kapaligiran mga bagay tulad ng ating kotse kapag nagmamadali tayong umalis tapos flat ang gulong naiinis tayo at nagagalit.

Ganyang mga bagay kung biglang nag crash ang ating ginagamit na computer sa opisina nakakainis iyan. Maging kung biglang may kailangang bayarang hindi kasama sa badget mo.

 Kaya kung titingnan mo ang tipikal mong araw kahit maganda o masamang araw ang mga kaganapan, ang iyong damdamin o pananaw na nagaganap sa araw na iyun  ay naka-depende sa mga panlabas na kadahilanan halimbawa ng mga tao na nalulumbay walang sinuman ang nais na nalulumbay  ngunit kung sakaling nakaranas ka ng depresyon hindi mo maaaring basta basta lamang itigil ito. At basta sabihin hindi na ako nalulungkot ang damdamin na iyan ay isang reaksyon na nanggagaling mula sa iba pang pinag-mulan.

Kaya kapag tumingin ka pabalik sa iba't ibang mga estado ng ating mga buhay maraming beses tayo ay mainam.
Ang paggawa ng mga bagay sa ating buhay mula sa ating mga saloobin, sa ating mga aksyon, sa ating mga emosyon
ay isa lamang na reaksyon sa isang bagay na panlabas at kung hindi iyon ang kaso sana ang lahat ng tao ay nagiging masaya sa lahat ng oras hindi ba? Siyempre ikalulugod natin na maging masaya 24/7 dahil ayaw nating kontrahin ang kasiyahan ngunit dahil sa mga panlabas na kadahilanan.

Natatagpuan natin ang ating saloobin, ang ating mga emosyon at ang ating mga aksyon ay halos katulad ng isang roller coaster tayong lahat ay nasa isang sitwasyon na kung saan nag-rereact tayo sa isang tao ng may galit at natagpuan natin ang ating sarili na kinakailangang humihingi ng tawad at sinasabi na ang mga bagay na ito ay nangyayari ng hindi mo kagustuhan.

Patawad hindi ko alam kung ano ang iniisip ko hindi ko alam kung ano ang dumating sa akin kaya sa sitwasyong iyon ang galit na iyon ay isang reaksyon mula sa ibang bagay na dumating ang ating pisikal na organismo ang kumuha ng kontrol sa ating mga saloobin, sa ating mga emosyon at sa ating mga aksyon subalit nag-iiwan ito sa ating mag-isang nakaupo napahiya at nahihiya.

Sa ating mga aksyon kailangan nating humihingi ng paumanhin at sinusubukang baguhin ang pinsalang nagawa at sa isang karagdagang hakbang iminumungkahi natin na hindi tayo ang may kontrol sa ating sariling isip sa kung ano ang ating iniisip at iyon ang isang bagay na madali nating ma-ilarawan sa ngayon.

Sa ngayon dapat tayong magsagawa ng meditasyon ang gagawin lang natin ay umupo isara ang ating mga mata at
walang ibang iisipin kundi isang kalmadong asul na lawa.  

Ang mabilis nating matatagpuan ay magagawa nating makuha ang imahe ng kalmadong asul na lawa sa ilang segundo siguro bago pumasok ang ibang kasipian sa ating diwa. Naku anong oras na? Ano ang aking bibilhin bago umuwi ng bahay? O kaya may deadline nga pala akong dapat tapusin o kaya malapit na ang pasko. 

Ang susunod na bagay na ma-didiskubre mo ay ang constant na estado ng isang walang katapusang daloy ng mga kaisipan na pumapasok sa ating diwa sa isang naibigay na panahon

Sinasabi ng modernong sikolohiya na karaniwang 30-40,000 na mga kaisipan sa isang araw ang pumapasok sa ating diwa kaya nakikipag usap tayo ng maramihang mga saloobin bawat Segundo at ito’y umaagos sa pamamagitan ng ating kamalayan iyun ang nangyayari.

Iyan ang mga hangin at mga alon na umaakay sa kurso ng ating mga buhay at hindi natin maaaring ihinto ang mga kaisipang iyon kaya ang buong layunin ng meditasyon ay upang ma-kontrol ang intelektwal na proseso at upang wakasan na ang walang katapusang serye ng mga kaisipan upang matuklasan kung ano pa ang iba pang nasa likuran nito.

Samakatuwid, dahil sa resulta ng walang katapusang daloy ng mga kaisipan bilang resulta ng lahat ng mga reaksyon sa mga tao at sa ating kapaligiran malalaman natin na tayo ay hindi kailanman nasa kasalukuyan sandali ang kabalintunaan ng pagiging tao na tayo ay maaaring nabubuhay ng 85 taong ng hindi nararamdaman ito at nalalagpasan dahil lagi tayong wala sa kasalukuyang sandali.

Ikaw ay palaging nasa hinaharap
o ikaw ay palaging nasa nakaraan ikaw ay pisikal na andito ngayon ngunit dalawang segundong nakalipas ikaw ay wala ang iyong kaisipan ay nag-iisip ng ibang bagay.

Naiisip mo ang aklat na iyong nabasa, o naiisip mo ang palabas sa tv na napanuod mo, o naiisip mo ang katapusan ng linggo kung gaano kasaya ang party, o naiisip mo ang susunod na pasko at bagong taon.

Ito ang ideya na ikaw ay wala sa kasalukuyan sandali.  Ikaw ay palaging nasa iba pang lugar ang pagiging tao ay nangangahulugang ng walang hanggang paglalakbay sa bawat oras.

Tayo ay lumilipad sa pagitan ng mga nakaraan at ng hinaharap ngunit hindi sa kasalukuyan sandali na tinatawag nating
walang hanggang kalikasan.

Bilang resulta isa sa mga bagay na nangyayari ay hindi tayo kailanman may kamalayan sa anumang naibigay na sandali ngunit nabubuhay sa walang tigil na estado ng nangangarap ng gising. Natatagpuan natin ang ating sarili na patuloy nagpapantansiya habang nagngangarap ng gising. Tayo ay nag-aalala, pagpaplano, nagbabalak anuman ang gusto mong itawag rito.

At lahat tayo ay nahuhuling gumagawa nito, tayo ay hindi nagbibigay ng atensyon kaya minsan nagkakaroon ng aksidente, tayo ay nabunggo sa poste habang naglalakad.

Mayroon kasi tayong iniisip. Minsan habang tayo ay nagmamaneho nagugulat pa tayo kapag nakarating agad sa ating destinasyon ni hindi natin natandaan kung ano nangyari noong tayo ay nagmamaneho.

At sa kasamaang-palad iyun ang dahilan kung bakit nangyayari ang malawak na bilang ng mga aksidente sa kotse na ang
 taong nagmamaneho ay pisikal na may hawak ng manibela ngunit ang kanilang mga isip ay wala at nasa ibang lugay kaya nagkakaroon ng aksidente at maging sa ilang mga bagay na ginagawa natin sa ating buhay ay ang resulta ng katotohanang iyon na tayo ay patuloy sa daydreaming nangangarap ng gising sa ating kamalayan.

Ang kamalayan ay wala sa kasalukuyang sandali nito namumuhay sa nakaraan binubuhay ang mga alaala at lahat ng mga karanasan o umuusli sa hinaharap ng isang pagpa-plano.

At ang resulta ang ating nasasabi ay mula sa kamalayang natutulog at iyun ang kakaiba sa pagiging tao na tayo ay tulog ngunit matatag na naniniwala na tayo ay gising.

Kapag tayo ay natutulog sa gabi ang bawat sa ay nananaginip at nararanasan ito ngunit kapag gising na tayo andoon pa rin ang ating panaginip nasa ibang lebels lang ito kaya ang kakaiba, ang ironiya sa pagiging isang tao ay tayo ay tulog ngunit matatag na naniniwala na tayo ay gising.

At iyon ang dahilan kung bakit sa iba't ibang mga espirituwal na paaralan o sa isang espirituwal na pastor ay nagsasabi tungkol dito ang pag-gising ng kamalayan ang awakening of the consciousness dahil kapag ito ay tulog para maging deboto sa pagdarasal kailangang baguhin ang estado kailangang gisingin ang kamalayan.

Iyon ay palaging nahuhuli na nasa nakaraan o nasa hinaharap at hindi kailanman narito sa kasalukuyan sandali; ito ay hindi kailanman nasa walang hanggan kalikasan, tayo ay palaging nasa ibang lugar sa ating mga buhay kaya ang isang bagay na dapat nating hangarin ay hanapin ang daan sa pag-gising at linangin ang ating kamalayan.

Iyang banal na kislap na nasa loob natin. Iyan ay bahagi ng dakilang kabuuan iyan ay tulad ng isang binhi na gusto nating ima-transform para maging isang makapangyarihang puno.

Ngunit ang problema ay kung hindi kailanman nasa kasalukuyan sandali nakakalimutan natin ang lahat ng tungkol sa binhi at hindi natin naaalagaan at napapalago ang binhi.

Hindi natin ito napapakain, hindi nabibigyan ng anumang tubig, hindi nabibigyan ng anumang liwanag kaya ang binhi kailanman ay hindi lumalaki kaya tayo ay ipinanganak at namatay na sa buong panahon ng ating buhay dala dala natin ang binhi ang potensyal para sa mas dakilang bagay na nasa loob natin.
Ngunit dahil tayo ay hindi kailanman nasa kasalukuyang sandali dahil wala tayo kailanman nandito ngayon dahil palaging nahuhuli sa pag-iisip sa hinaharap at sa nakaraang mga taon at sa isang walang katapusang daloy ng mga kaisipan at mga reaksyon at distraksyon nakakalimutan natin ang lahat tungkol sa binhi na dinadala natin sa ating loob ngunit maaari nating baguhin iyan sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa iba't-ibang mga aspeto ng ating sikolohiya.

 Matututo tayong mabuhay sa kasalukuyan sandali ikaw ay magiging nasa ngayon na kung saan ito ang buong konsepto dahil nabubuhay tayo sa ngayon na kung saan ang kamalayan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pag-unawa sa iba't ibang mga elemento ng ating sikolohiya at pagtatrabaho sa iba't ibang mga praktikal na diskarte matututo tayong maka-buo ng kamalayan.

Matututo tayong kunin ang binhi at
diligan ito at pakainin ito at bigyan ito ng liwanag upang ang binhi ay magsimulang lumago upang mabuo ang kamalayan iyan ang espirituwal na aspeto, ang banal na kislap na dinadala nating lahat sa loob.

Ano ang sagradong kaalaman? Ang sagradong kaalaman ay nagbibigay sa atin ng landas, ng karunungan at ng mga kasanayan na kinakailangan upang magising ang kamalayan ngayon sa kasalukuyan sandali kaya ito ay isang landas sa isang tiyak na lawak ng kaalaman  ngunit mas mahalaga ang kasanayan nito.

Dahil sa dulo ang kaalaman sa pamamagitan ng karanasan na makaranas ay kailangan natin i-praktis ang iba't ibang mga diskarte na magagamit natin mula sa meditasyon sa iba't ibang mga paraan upang suriin ang ating sariling sikolohiya ang buong layunin ay upang gisingin ang kamalayan.

Upang ma-paunlad ang espirituwal na bahagi ng ating sarili para mapalaki ang  banal na kislap na matatagpuan sa bawat isa sa atin.

Sa sagradong kaalaman din magsisimulang magsama sa kanyang sariling sikolohiya.

Magbibigay sa atin ng gamit para maalis ang mga negatibong aspeto ng ating sarili
at ang paghihirap na ating nalilikha, malalaman natin na nasasayang ang maraming oras ang maraming enerhiya sa mga bagay tulad ng takot, ng depresyon, ng galit at ng pagkakasala.

Ito ay nagiging kadena upang mapanatiling nakatali sa pisikal na kalagayan, ito ay mga pabigat na kakaladkad sa paligid ng lahat ng dako sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga gamit na ginagamit natin sa sagradong kaalaman.

Partikular ang ilan sa mga kasanayan at ang mga karanasan na kinaka-hantungan
at ang karanasan na nagbibigay sa atin ng isang buong paraan upang puksain ang ilan sa mga negatibong mga bagay-bagay upang maputol ang mga tanikala upang maputol ang mga pagkakatali sa atin sa pisikal na kalagayan.  

Kapag tiningnan natin kung saan nagmula ang sagradong kaalaman ito ay hindi isang relihiyon ito ay isang mahusay na paraan ng pag-iisip ito ay ang paglilinis ng kaalaman mula sa lahat ng mga mahuhusay na sibilisasyon.

Kung iisipin ang lahat ng mga dakilang sibilisasyon tulad ng mga Egyptian, tibetians, nordic, mayans, indians, aztec, persians at iba pa, ito ang sagradong kaalaman. Ang karunungan ay ang ugat sa likod ng sagradong kaalaman ang simpleng karunungan.

At kung titingnan natin ang buong relihiyon ng mundo tulad ng buddhist, hindu, christian, jewish, muslim o anumang relihiyon. Kung ilalagay natin ang lahat ng relihiyon sa mundo, ang lahat ng kultura sa sibilisasyon ng mundo. Isipin na inilagay mo ito sa isang blender at hinalo mong lahat ang mga ito ng sama-sama at distilahin mo, ang makakakuha mo ay ang malinis na sagradong kaalaman.

Ang orihinal na karunungan dahil kapag pinag-aralan natin ang lahat ng mga relihiyon sa mundo ang makikita natin ay ang pare-parehong mga kuwentona  sinabi ng paulit-ulit at muli sa lahat ng mga iba't ibang mga relihiyon

At ang sagradong kaalaman ang orihinal na karunungan na ipinahayag sa isang iba't ibang mga paraan ng relihiyon ay isang pagpapahayag ng karunungan upang umangkop sa isang partikular na kultura sa isang partikular na lokasyon heograpikal sa isang partikular na tagal ng panahon

Ang mga prinsipyo sa pundasyon ng sagradong kaalaman ay maaaring matagpuan at maging isang karaniwang sinulid sa likod ng libu-libong taon
ng sibilisasyon at ang relihiyon ang sagradong kaalaman ay nangangahulugang karunungan.

Ang orihinal na karunungan ay palaging nandiyan lamang nagbabago ito nagbabago ito upang umangkop sa isang partikular na tao, sa isang partikular na panahon, sa isang partikular na lokasyon ito ay nagbabago upang umangkop sa kultura ngunit ito ay sagradong kaalaman.

Ang karunungan iyan ay hindi kailanman nawawala ito ay laging naroon. Ito ay nasa ilalim ng sa lahat ng mga dakilang relihiyon sa mundo ito ang karaniwang mga sinulid na nakikita natin sa likod ng libu-libong taon sa sibilisasyon at relihiyon kaya pag-aralan natin ang sagradong kaalaman ito ay halos isang paghambing sa relihiyosong pag-aaral sa isang tiyak na lawak at ating makikta na may maraming aspeto.

Sa mga oras ng programang ito habang tayo ay gumagalugad sa iba't ibang mga konsepto ng sagradong kaalaman na kung saan kung ang kailangan nating gawin ay tumingin sa isang bagay na alam mong nangyari sa mga alamat ng Griyego at makikita mo ang na nasa mga bagay ng Kristiyanismo na katulad ng isang bagay sa Hudaismo at pagkatapos ay makikita natin ang replesyon ang isang salamin ng nangyayari ngayon madalas kapag nag-aaral tayo ng sagradong kaalaman.



1 komento: