Ang meditasyon ay
instrumento
na nagbibigay-daan sa
atin upang
tumagos sa mga mas
mataas na
dimensyon at maka- punta
sa superiyor na
mundo.
.
Kaya
ating dadalhin ang prosesong pang-kaisipan
na iyon
sa isang sandali
ng pagtigil kapag
sa wakas ay nakuha nating mapatigil ang
pag-iisip iyon na ang punto kung
saan
ang
esensiya ay makakawala at makakalaya.
Kapag ito ay
nakawala
at
nakalaya iyon na ang estado na
kilala bilang
banal na nasa lubos na kaligayahan, ang mistical na estado,
ang sagradong
kupita ng
meditasyon. Iyon ang lugar na kung
saan
ang
esensiya ay lubhang tumatagos ng mataas sa superiyor na dimensyon upang mapuntahan
natin
lampas
ang mundo ng astral, lampas sa
mundo ng
kaisipan
at makapunta sa talagang
mataas na estado
ng pag-iral.
2 Corinto 4:
18 Kaya't
ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga
bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita,
ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita.
Alam natin na
maraming mga
mas mataas na dimensyon na umiiral sa
itaas
natin.
Ang
kaisipan
ay isang bilangguan ng esensiya at ng kamalayan. Ito
ay isang
bilangguan na nilikha
ng ating mga sarili.
Sa pamamagitan ng
pag-kontrol sa kaisipan ng intelektwal
na proseso at sa
pamamagitan ng
meditasyon ay maaari
mong
mabuwag ang bilangguan, maaaring
maputol ang pagkakatali,
alisin ang mga tanikala, putulin ang mga pabigat
na nagpapanatili
sa atin pababa
sa pisikal
na dimensyon at
hanapin
ang ating mga sarili na tumatagos
sa mas
mataas na
mga dimensyon.
Sa pamamagitan ng meditasyon idagdag
pa ang
pag-gising sa
esensiya
matututo kang
kontrolin
ang iyong kaisipan. Kaya ang
meditasyon
ay isang paraan
para sa atin
upang
gisingin ang esensiya
o diwa,
iyun ang
dahilan kung bakit
ang meditasyon ay
ang araw-araw
na tinapay ng matatalino. Ang araw-araw na meditasyon o ang regular
na meditasyon ay nagbibigay-daan
sa atin upang
lumago
at mabuo ang esensiya.
Iyon ang susi
ng
karanasan na
sinusubukang makamit ng mga tao
talaga lang na kakaiba itong deskribihin
ngunit
tulad ito
ng isang
maliit na patak
ng tubig na inilagay
pabalik sa
dakilang karagatan. Ito
ay tulad
ng pagbubuklod pabalik
sa dakilang karagatan at maging bahagi muli ng
puwersang iyon.
O kaya nakita naman natin ang
ating
sarili
tulad ng maliit na butil ng buhangin na
inilagay
pabalik sa dakilang
dalampasigan.
Kaya maaari na nating maramdaman
ang lahat ng bagay sa ating paligid.
Maaari tayong maging isa na pinag-sama
sama sa
buong
sansinukob. Ito
ay isang
kakaibang karanasan; ito
ay parang
tulad
ng kaisa ang
lahat ng bagay,
at
tulad ng ang Diyos
ay nasa
lahat ng dako.
At sa pamamagitan ng lubos
na kaligayahan sa pananampalataya
maaari nating maranasan
ang tulad
nito.
Ang buhay na pinagsasamasamang pabalik
sa pinagmulan
ng lahat
ng bagay.
Maaari nating gamitin
ang meditasyon bilang
isang
pinto
para tuklasin ang mas
mataas na
mga dimensyon tulad
ng astral projeksyon ngunit
maaari
rin tayong pumunta
sa banal
na kopita ng meditasyon kung
saan ito ang
directang karanasan sa katotohanan.
Sila ay simpleng tumatagos sa talagang mataas patungo sa mas
mataas na
mga dimensyon na
tinatawag na
lampas sa astral lampas
sa kaisipan
lampas sa kaustikong kalagayan
ganap na tumatagos ng malalim sa mas
mataas na
mga dimensyon.
Tanging kapag ang prodyektor, sa
ibang salita
ang
"ako" ay ganap
na wala saka mangyayari ang katahimikan na hindi
isang
produkto ng kaisipan. Ang katahimikan ay walang
pagkaubos,
hindi ito oras, ito ay hindi
masusukat.
Saka lamang darating ang karapat-dapat.
Ang prodjector ay
ang ego na
responsable para sa mga
walang katapusang kadena ng pag-iisip,
ng mga imahe
at
ng mga bagay na sumisiklab sa
pamamagitan ng
ating
walang tigil na kaisipan.
Sa karamihan ng mga
pag-aaral
na kaugnay ng "ako" sa ego. Kapag ang ego ay
maaaring
lumiban saka lamang sasapitin ang
ibang
estado
ng
kamalayan, ang katahimikan na
hindi produkto
ng
kaisipan.
Ang katahimikan ay walang
pagkaubos,
ito ay hindi oras, ito ay hindi
masusukat.
Tanging pagkatapos
noon saka darating ang karapat dapat.
Na maaari
natin
tawaging persepsyon ng katotohanan o maaari
natin
tawaging realidad.
Ang ating kaisipan ay
tulad ng isang
kuwarto na
puno ng
mga taong sumisigaw para
sa ating
atensyon
merong ilang libong mga
tao sa
silid
at
sa isang sulok ng kuwarto ay mayroong
isang
maliit na bata.
Iyong maliit
na bata
ay kumakatawan sa kamalayan at normal na hindi
natin
naririnig ang maliit
na bata
dahil
ang mga tao ay sumisigaw. Gamit ang
proseso
ng
meditasyon maaari
nating
isarado ang bawat isang tao sa
kuwarto at
maaari tayong tumuon
sa kung
ano ang
gustong sabihin ng maliit na bata. Iyang Katahimikan ang magiging tinig
ng mas
mataas na
sarili.
Sa sagradong Aklat na ito ang pag
aaralan naman natin ay tungkol sa meditasyon, astral projection at premonisyon.
2 Corinto 12:
Mga Pangitain at mga Pahayag
1 Kailangan
kong magmalaki, kahit na wala akong mapapala sa paggawa nito. Ang sasabihin ko
naman ngayo'y ang mga pangitain at mga pahayag mula sa Panginoon. 2 May kilala akong isang Cristiano na dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na
ang nakakalipas. Hindi ko lang matiyak kung iyo'y isang pangitain lamang, o tunay na pangyayari; ang Diyos lamang ang
nakakaalam. 3 Inuulit ko, siya'y dinala sa Paraiso.
At tulad ng sabi ko, ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ito nga'y isang
pangitain o tunay na pangyayari. 4 Nakarinig siya roon ng mga bagay na di
kayang ilarawan ng salita at di dapat bigkasin ninuman. 5
Ipagmamalaki ko ang taong iyon, at hindi ang aking sarili, maliban sa aking mga
kahinaan. 6 At kung ako'y magmalaki man, hindi ako
lalabas na hangal, sapagkat totoo ang sasabihin ko. Ngunit hindi ko ito
gagawin, sapagkat ayaw kong mag-isip ang sinuman nang higit tungkol sa akin
kaysa kanyang nakita o narinig sa akin.
Ano
ang layunin ng meditasyon? Ang meditasyon ay ang araw-araw na tinapay ng
matalino. Tulad ng Panalangin ng Panginoon maaari nating makita ito bilang
isang bagay na simple ngunit ito ay talagang mahirap unawaing panalangin.
Bigyan kami sa araw na ito ng aming mga pang-araw-araw na tinapay.
Isa pang paraan
ng pagtingin
sa ating pang-araw-araw na tinapay sa sagradong kaalaman ay tumitingin
tayo na ang meditasyon ay tulad
ng pisikal
na pagpapakain upang
panatilihin ang lakas ng
katawan kailangan
natin ang
iba't ibang mga uri ng pagpapakain upang
panatilihing kumakain ang esensiya
ng
kamalayan. At ang
pagpapakain
ng pagkain sa esensiya at sa kamalayan
ay ang meditasyon.
Ang meditasyon ay
may lahat
ng uri ng
mga layunin at mga
benepisyo
mula sa isang
pisikal na
punto,
ito
ay kapaki-pakinabang sa pisikal
at mental na
pagpapahinga.
Makikita rin natin na ang
meditasyon ay
ginagamit bilang isang pinto upang
galugarin
ang mas mataas na mga
dimensyon
na kung saan maaari
nating
ma-puntahan ang iba't
ibang
mga estado ng kamalayan at makamit ang
mas mataas na
dimensyon.
Ito ay napaka-interesante dahil ngayon maraming ng sikologo at
ang ilang mga
medikal na propesyonal ang
halos
nag-rereseta ng meditasyon para
sa iba't ibang
mga sakit tulad ng
stress
at
mataas na presyon ng dugo.
Pinapayagan
tayo ng meditasyon na makakuha ng mas malawak na kamalayan para sa ating mga
sarili at pag-aralan ang ating mga sarili ng higit pang matindi, na
nagbibigay-daan sa atin upang pag-aralan pati na rin ang ating mga ego.
Sa proseso ng meditasyon pinapayagan tayong
isara
ang
ego
at makipag-komunikasyon ng
higit pang mas mataas sa
ating
sarili.
Pinapayagan tayong makarating sa isang iba't
ibang mga
pananaw na nasa
loob ng
ating sarili.
Maaari rin
nating gamitin ang
meditasyon upang makarating sa mas
malalim na
pag-unawa sa mga
aral
sa pamamagitan ng pagdadala ng kaalaman mula
sa diwa sa kamalayan
na kung
saan
maiintindihan natin ang totoong
kahulugan.
Kapag binabasa
mo ang bibliya at iba
pang dakilang
mga libro sa
mundo
hindi
sila isinulat
para sa
isang tiyak na ayos, hindi sila
sinadyang
literal na maintindihan.
Maraming mga
problema
sa daigdig dahil may
mga taong
nagtatakang kunin
ang dakilang mga
aral
sa
bibliya at
pagkatapos
ay magbibigay sila ng pansariling
literal na interpretasyon. Kukumbinsihin ang mga nakikinig na ang paliwanag
niya kasama ang paglipat lipat sa mga kabanata ang pinaka-tama.
Ang paraan ng pagkakasulat ng mga dakilang aklat
na ito ay para sadyang
lagpasan ang intelektwal at makipag-usap ng direkta sa kamalayan.
Sa pamamagitan ng pag-meditate sa
iba't-ibang
berso
o
mga kabanata o
seksyon ng mga
dakilang aklat
sa mundo makakayang
sipsipin ng ating kamalayan sa
paraan
ng
pagkakasulat ng mga impormasyon sa
libro
at
marating ang iba't
ibang mga
kahulugan ng makarating
sa mas malalim na pang-unawa.
Karamihan ng mga
pinakadakilang
aklat sa mundo ay
simpleng
hindi ginawa upang mabasa ng tulad
ng nobela, sila
ay nakalaan
lamang upang imeditasyon.
Sila ay nakalaan
lamang para basahin,
ang mga berso o ang mga kabanata sa
isang pagkakataon
at pagkatapos ay magpapalipas
ng oras
ng pagmumuni-muni, imemeditasyon upang
makarating sa
totoong kahulugan at
kukunin ang
kaalaman at isasama
ito sa
ating
kamalayan sa
pamamagitan ng
paglagos sa intelek at magbibigay-daan sa
aklat
upang direktang makipag-usap
sa ating kamalayan .
Habang ang ating ego ay
aktibo
ang mangyayari kapag
binabasa natin ang isang
aklat tulad
ng bibliya. Itong ego ang
nagbibigay-kahulugan
kaya ang resulta ay ang sariling isip
natin ang nagbibigay ng kahulugan.
Ang gusto
nating
mangyari ay
lampasan ang mga
intelek at
dalhin
ang kaalaman direkta sa kamalayan. Ang kaalaman
ay maging bahagi ng iba't
ibang mga antas.
Ang meditasyon ay isang kapaki-pakinabang na
kasangkapan para doon.
Isa
sa mahalagang bagay na sinusubukan ng mga tao na makamit sa pamamagitan ng
meditasyon ay maranasan ang relihiyosong kaligayahan, o ang karanasan ng
katotohanan.
Maaari nating gamitin
ang meditasyon
bilang isang
pinto
para tuklasin ang mas
mataas na
mga dimensyon tulad
ng astral projeksyon ngunit
maaari
rin tayong pumunta sa banal
na kupita ng meditasyon
kung saan ito ang
direct
karanasan ng katotohanan. Sila ay simpleng tumatagos ng mataas sa mas
mataas na
mga dimensyon na
tinatawag na
lagpas sa astral, lagpas
sa kaisipan, lagpas sa kaustik
na antas
tumatagos ng malalim sa mas
mataas na
mga dimensyon.
Ezekiel
1: 1-28
Ang
Pangitain Tungkol sa Kaluwalhatian ng Diyos
1 Akong si Ezekiel ay isa sa mga dinalang-bihag sa baybay ng Ilog Kebar. Noong
ikalimang araw ng ikaapat na buwan ng ikatatlumpung taon, nabuksan ang langit
at isang pangitain mula sa Diyos ang aking nakita. 2 Ikalimang araw noon ng
ikaapat na buwan ng ikalimang taon ng pagkatapon kay Haring Jehoiakin. 3 Ako na
isang pari at anak ni Buzi ay nasa Babilonia sa baybayin ng Ilog Kebar nang
magpahayag sa akin si Yahweh.
4 Nang ako'y tumingala, naramdaman ko ang malakas na hanging nagmumula sa
hilaga at nakita ko ang makapal na ulap na naliligid ng liwanag. Tuwing
kikidlat, may isang bagay na kumikislap, parang makinang na tanso. 5 Sa sentro
ng bagyong ito, may apat na nilalang na buhay na anyong tao. 6 Sila'y may
tig-aapat na mukha at pakpak. 7 Tuwid ang kanilang mga binti. Ang mga paa
nila'y parang paa ng guya at tila makinang na tanso. 8 Nasa ilalim ng kanilang
mga pakpak ang kanilang mga kamay na parang kamay ng tao. 9 Magkakadikit ang
kanilang mga pakpak. Hindi na sila kailangang pumihit saanman nila gustong
pumunta sapagkat nakaharap sila kahit saan. 10 Sa harap, mukha silang tao. Sa
kanang tagiliran, mukhang leon. Sa kaliwa naman ay mukha silang toro at mukhang
agila sa likuran. 11 Ang tig-dalawa nilang pakpak ay nakabukang pataas at
magkaabot ang dulo. Ang tig-dalawa naman ay nakatakip sa kanilang katawan. 12
Hindi na nga sila kailangang pumihit saanman nila gustong pumunta sapagkat
nakaharap sila sa lahat ng dako. 13 Sa gitna nila ay may naglalagablab na apoy
na parang sulo, at nagpapalipat-lipat sa apat na nilalang na buhay. Maningning
ang liwanag niyon at pinagmumulan ng kidlat. 14 Ang apat na nilalang ay
nagpaparoo't paritong simbilis ng kidlat.
15 Nang tingnan kong muli ang apat na nilalang, may nakita akong tig-isang
gulong sa tabi nila. 16 Ang mga ito ay kumikislap na parang topaz. Iisa ang
ayos nila at parang ang isa'y nakapaloob sa isa. 17 Ang mga ito'y hindi na
kailangang ipihit saanman ito gustong pagulungin pagkat nakaharap kahit saan.
18 Ang bawat gulong ay puno ng mga mata sa palibot. 19 Paglakad ng apat na
nilalang, kasunod ang mga gulong. Kapag sila'y tumaas, tumataas din ang mga
gulong. 20 Saanman gumawi ang apat na nilalang ay kasunod ang apat na gulong
pagkat ang apat na nilalang ang nagpapagalaw sa apat na gulong. 21 Kaya
paglakad ng apat na nilalang, lakad din ang mga gulong. Pagtigil naman, tigil
din sila. Pagtaas, taas din sila. Anuman ang gawin ng apat na nilalang ay
ginagawa ng apat na gulong.
22 Sa ulunan ng apat na nilalang, naroon ang isang bubungang tila kristal. 23
Sa ilalim nito'y magkakaabot na nakabuka ang tigalawang pakpak ng apat na
nilalang, at ang tigalawa'y nakatakip sa kanilang katawan. 24 Nang sila'y
lumipad, parang lagaslas ng malaking baha ang dinig ko sa pagaspas ng kanilang
mga pakpak; parang ugong ng tinig ng Diyos na Makapangyarihan, parang ragasa ng
isang malaking hukbo. Nang sila'y tumigil, ibinaba nila ang kanilang mga
pakpak. 25 At mula sa ibabaw ng bubungan, narinig ang isang malakas na tinig.
Nang tumigil nga ng paglipad ang apat na nilalang, binayaan nilang nakalaylay
ang kanilang mga pakpak.
26 Sa ibabaw ng bubungan, naroon ang tila tronong yari sa safiro at may
nakaupong parang isang tao. 27 Mula sa baywang nito pataas ay may nagniningning
na tila makinis na tanso. Sa ibaba naman ay may nakapalibot na apoy na
nakakasilaw, 28 na ang kulay ay parang bahaghari.
Ganyan ang katulad ng kaluwalhatian ni Yahweh. Nang makita ko ito, ako'y
nagpatirapa, at may narinig akong tinig.
Iyan ang susi
ng
karanasan na
tinatangka ng mga tao
na makamit. Ito ay kakaibang bagay upang
ilarawan
ngunit
ito ay
tulad ng isang maliit
na patak nainilagay sa
dakilang karagatan.
Ito ay tulad pagbubuklod pabalik
sa napakalawak
na karagatan at maging bahagi muli ng
puwersang
iyon.
O kaya naman nakita
natin
ang ating sarili na katulad
ng maliit na butil ng buhangin na idedepositong pabalik sa isang
kahanga hangang dalampasigan. Kaya maaaring
maramdaman ang
lahat ng bagay
sa paligid natin. Maaari
tayong
maging
isang
isinama sa
buong
uniberso.
Ito ay isang kakaibang karanasan, ito ay maaaring itulad
na ang isa ay nasa
lahat ng
bagay tulad ng Diyos
ay nasa
lahat ng dako
at
nasa lahat ng bagay. At
sa pamamagitan ng
relihiyon sa lubos na pagkalugod maaari
nating
maranasan ng kung
ano ang katulad.
Ang buhay
na isinama pabalik sa pinagmulan
ng lahat
ng bagay.
Ezekiel 8: 1-18
Ang Pangitain Tungkol sa Kasuklam-suklam na Gawain ng Israel
1 Ikalimang araw ng ikaanim na buwan ng ikaanim na taon. Kaharap ko noon sa aming bahay ang pinuno ng Juda nang ako'y lukuban ng kapangyarihan ng Panginoong Yahweh. 2 Nagkaroon ako ng pangitain. May nakita akong parang tao. Ang ibaba ng kanyang baywang ay parang apoy at sa itaas ay maningning na parang makinis na tanso. 3 Nakita kong iniunat ang tila kamay. Hinawakan ako nito sa buhok at itinaas sa kalagitnaan ng langit at ng lupa. Dinala ako sa Jerusalem, sa pagpasok sa patyo, sa gawing hilaga, sa may kinalalagyan ng rebulto na naging dahilan ng paninibugho ni Yahweh. 4 At naroon ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel, tulad ng nakita ko sa pangitain sa kapatagan.5 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Ezekiel, anak ng tao, tumingin ka sa gawing hilaga." Tumingin nga ako at sa pagpasok sa altar ay nakita ko ang diyus-diyosang sanhi ng kanyang paninibugho. 6 Sinabi niya sa akin, "Nakita mo na ang kasuklam-suklam na bagay na ginagawa ng bayang Israel upang ako'y palayasin sa aking santuwaryo? Higit pa riyan ang ipapakita ko sa iyo."
7 At dinala niya ako sa may pinto ng patyo. Ang nakita ko'y isang butas sa pader. 8 Sinabi niya sa akin, "Lakihan mo ang butas ng pader." Gayon nga ang ginawa ko at may nakita akong pinto. 9 Sinabi niya sa akin, "Pumasok ka at tingnan mo ang kasuklam-suklam nilang gawain." 10 Pumasok nga ako at sa palibot ng pader ay nakita ko ang larawan ng lahat ng hayop na gumagapang, nakakapandiring mga halimaw, at ang iba't ibang diyus-diyosan ng Israel. 11 Sa harap ng mga ito, nakatayo ang pitumpung matatanda ng Israel sa pangunguna ni Jaazanias na anak ni Safan. Bawat isa'y nagsusunog ng insenso. 12 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Ezekiel, anak ng tao, nakita mo ang ginagawa nila sa madilim na silid na ito? Sinasabi pa nilang hindi ko sila makikita roon sapagkat wala ako roon. 13 Masahol pa riyan ang makikita mo."
14 Dinala niya ako sa pintuan sa hilaga ng pagpasok sa Templo, at doo'y may mga babaing nananangis para kay Tamuz. 15 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Nakikita mo ba iyan? Masahol pa riyan ang makikita mo."
16 Dinala niya ako sa patyo sa loob ng Templo. Sa pagitan ng balkonahe at ng altar ay may nakita akong mga dalawampu't limang tao. Nakatalikod sila sa Templo, nakaharap sa silangan at sumasamba sa araw. 17 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Nakikita mo ba iyan? Maliit na bagay ba ang ginagawa ng sambahayan ng Juda na punuin ng karahasan ang buong lupain? Lalo lang nila akong ginagalit sa ginagawa nilang iyan. 18 Kaya nga, paparusahan ko sila. Wala akong patatawarin ni isa man sa kanila. Dumaing man sila sa akin, hindi ko sila diringgin."
Ano ang layunin
ng meditasyon?
Ang meditasyon sa isang pangunahing antas ay nagsisilbing magpatahimik ng panloob na pakikipagdaldalan na sanhi ng ego at iyon ang iyong pinakamalaking hamon. Ang meditasyon ay simpleng pagpapatahimik ng kaisipan. Hindi mo maaaring mapatahimik ang iyong kaisipan hanggang sa hindi mo aktwal na subukang gawin ito.
Ang meditasyon sa isang pangunahing antas ay nagsisilbing magpatahimik ng panloob na pakikipagdaldalan na sanhi ng ego at iyon ang iyong pinakamalaking hamon. Ang meditasyon ay simpleng pagpapatahimik ng kaisipan. Hindi mo maaaring mapatahimik ang iyong kaisipan hanggang sa hindi mo aktwal na subukang gawin ito.
At gamit ang mga
diskarte sa
meditasyon, ito ay
talagang
isang instrumento para lamang sa konsentrasyon. Ang
buong
layunin ng konsentrasyon ay gumawa
ng kontrol
sa intelektwal
na proseso. Upang mapatahimik
ang walang
katapusang
tren ng mga
pag-iisip na
dumadating sa
isang
iba't ibang mga estado ng
diwa,
at
ng ibang mga
estado
ng
kamalayan.
Kapag pinatahimik
natin ang ating kalooban
parehas iyan sa hindi pagkilala sa mga
pag-iisip
ng
ego
magagawa nating
hindi
manatili sa na-aantok na estado. Tinalakay natin ang 3 mga
proseso ng
estado
ang
pagkakakilanlan, pagkahalina at pagkatapos
ay ang pagtulog.
Ang ego ay
nagpapasok
ng
mga iisipin o ng mga imahe sa
ating
kaisipan
at nakikilala
natin
sila na nagiging
isang
distraksyon pagkatapos magsisimula tayong mahalina kaya nag-iisip
tayo tungkol dito,
magpapantasya tayo, mangangarap
tayo,
magpaplano tayo ng
buong
oras
ang proseso ay nangyayari
ang kamalayan ay
mahihimbing na at nakakatulog.
Ang pagkilala, pagkahalina, at ang pagtulog. Ang
lahat ng
mga
pag-iisip ang
mga imahe na
nakikita ay
hindi pinipili
ng iyong kaisipan sila ay kumikilos bilang
isang
distraksyon.
Nakipagkilala ka
sa kanila
na
magdudulot sa iyong mahalina sa
kanila.
Kapag nahalina ka sa
kanila
ikaw ay tinanggal
mula sa
kasalukuyan sandali. Ikaw
ay tinanggal
palabas mula sa
walang hanggang sandali. Makikita
mo ang
iyong sarili pabalik sa nakaraan, binubuhay
ang iyong
memorya
at nakalipas na karanasan o nakita
mo ang
iyong sarili
nalubak sa
hinaharap.
Tumatanggi, nangangarap, nagpaplano
at nagmumuni-muni sa
parehong
bagay
na
maaaring mangyari. Ang
buong
panahon na nagaganap iyon ang iyong
kamalayan ay mahimbing na natutulog.
At ang buong landas patungo
sa pag-gising ng kamalayan ay
nagsisimula
sa pamamagitan ng pag-unawa
sa kung
paano
i-sarado ang ego.
Ang hindi pagtulog ay
katumbas ng
estado
ng
gising na kamalayan at iyon
ang sinusubukan nating
makamit.
Upang
gisingin ang kamalayan kailangan nating alisin
ang tinatawag nating walang pagtulog na estado ang ego ang hindi
totoong sarili.
Ang
kamalayan ay
kumakatawan sa tunay na
sarili,
ang
mas mataas na sarili. Kailangan
nating isara
ang
ego
upang direktang gumana sa
ating
kamalayan.
Kaya sa kabalintunaan ang
meditasyon
kahit na ito ay payapa at nakakarelaks sa pisikal
na katawan minsan sa
ilang sandali
tayo ay bumababa sa estado ng pagtulog. Tayo
ay talagang gumigising ng kamalayan sa pamamagitan ng meditasyon.
Ang tatlong hakbang
na proseso, pagkilala, pagkahalina at pagtulog. Ang
karapat-dapat
sa panahon ng meditasyon ay
hindi tayo dapat makipagkilala sa ating naiisip at sa mga imahe na inilalabas
ng ating iniisip.
Gusto nating makita
ang mga iniisip at
mga imahe
tulad ng mga
sasakyan
sa kalye, sila ay simpleng lumalampas sa
atin
hindi tayo nakikipagkilala sa
kanila.
Tulad ng ulap na naaanod ng kalangitan.
Karaniwan ang
nangyayari
habang nakikita nating dumadaan ang mga kotse sa
isang
normal na estado ng
pag-iisip
ay upang kilalanin ang
isa sa
mga
kotse
buksan ito sumakay
sa loob at
pumayag tayong isama sa biyahe. Hayaan ang ego ang
magdala
sa atin sa
isang lugar
sa nakaraan o sa
hinaharap
ngunit
aalisin tayo mula sa
kasalukuyan
sandali.
Ang
gusto nating gawin ay simpleng pabayaang dumaan ang kotse ng walang pagkilala
sa kanila. Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng ating konsentrasyon sa pamamagitan
ng pagpapanatili sa ating pocus sa anumang mga kasanayan ito ay kusang mangyayari
at makukuha nating makarating sa mataas nating pagkakalikha.
Sinabi ng isang Dtef master na ang pinaka-mataas na paraan ng pag-iisip ay ang hindi pag-iisip. Ang pinaka-mataas na porma ng pag-iisip ay ang walang iniisip. At ito ay tunay na isang kakaibang bagay upang ilarawan dahil marami tayong iniisip na pumupunta sa ating kaisipan. Maaaring ipagpalagay natin ang mga emosyon at mga imahe na lumilipad sa ating mga isip sa isang ibinigay na oras na talagang mahirap na isipin kung ano itong walang iniisip.
Mateo 6:
31 "Kaya't huwag kayong mag-isip baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 33 Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos e at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.34 "Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw."
Pahayag 19:
9 At sinabi sa akin ng anghel, "Isulat mo ito: mapalad ang mga inanyayahan sa kasalan ng Kordero." Idinugtong pa niya, "Ito ay tunay na mga salita ng Diyos."10 Nagpatirapa ako sa kanyang paanan upang sambahin siya, ngunit sinabi niya sa akin, "Huwag! Ako ma'y alipin ding tulad mo at tulad ng ibang mga mananampalatayang nagpatotoo tungkol kay Jesus. Ang Diyos ang sambahin mo, sapagkat ang katotohanang ipinahayag ni Jesus ay siyang diwa ng lahat ng ipinahayag ng mga propeta!"
Ang Nakasakay sa Kabayong Puti
11 Pagkaraan nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. 12 Parang nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata, at napuputungan siya ng maraming korona. Nakasulat sa kanyang katawan ang pangalan niya, ngunit siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan niyon. 13 Puno ng dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay "Salita ng Diyos." 14 Sumusunod sa kanya ang mga hukbo ng langit, na nakadamit ng malinis at puting lino at nakasakay rin sa mga kabayong puti. 15 May matalim na tabak na lumabas sa kanyang bibig upang gamitin niyang panlupig sa mga bansa. Mamamahala siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. 16 Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: "Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon."17 Nakita ko naman ang isang anghel na nakatayo sa araw. Tinawag niya ang mga ibon sa himpapawid, "Halikayo, at magkatipon sa malaking handaan ng Diyos! 18 Kainin ninyo ang laman ng mga hari, ng mga kapitan, ng mga kawal, ng mga kabayo at ng kanilang mga sakay. Kainin din ninyo ang laman ng lahat ng tao, alipin at malaya, hamak at dakila!"
19 At nakita kong nagkatipon ang halimaw at ang mga hari sa lupa, kasama ang kanilang mga hukbo upang kalabanin ang nakasakay sa kabayo at ang hukbo nito. 20 Nabihag ang halimaw, gayundin ang huwad na propeta na gumawa ng mga kababalaghan sa harap ng halimaw upang dayain ang mga taong may tanda ng halimaw at sumamba sa larawan nito. Ang halimaw at ang huwad na propeta ay inihagis nang buhay sa lawa ng apoy na nagliliyab sa asupre. 21 Ang kanilang mga hukbo ay pinatay sa pamamagitan ng tabak na lumabas sa bibig ng nakasakay sa kabayo. Nabusog nang husto ang mga ibon sa pagkain ng kanilang mga bangkay.
Nakatatawa kung
ating iisipin
ang
isang
estado
ng
walang iniisip. Parang
nakakainip doon. Parang walang mangyayari doon. Pero
sa totoo
ito
ay eksaktong kabaligtaran, kapag nagagawa
nating
isara
ang proseso ng pag-iisip maaari
nating
matuklasan ang ibang
bagay
na
matagal ng nandoon sa likuran na
hindi
natin napapansin.
Ito ay isang higit
na mas
mataas
na estado
ng pag-iral o pagkakalikha. Ito
ay higit
na mas
mataas na estado ng kamalayan. Ang
pinaka-mataas
na estado
ng
bagay
ay nangyayari kapag
sinarado
natin ang intelektwal
na sentro.
Kapag sinarado natin
ang ego na
patuloy na
nagpapadala ng
lahat ng
mga
iniisip at
mga imahe
sa tabing ng
ating mga
kaisipan. Kapag maaari
nating
isara
ang mga ito maaari
nating
maranasan ang
mas mataas na
estado
ng
ating pagkatao, ang
mas mataas na
porma ng kamalayan.
Mayroong koneksyon sa pagitan ng meditasyon at ng ego na ating galugarin. Kapag nakamit natin ang
hindi pag-iisip
at
katahimikan ng kaisipan doon
ang ego ay nagiging wala. Kapag pinatahimik
natin ang
kaisipan
talagang ang sinasabi ay
isarado ang
pang-labas ng ego, patahimikin ang ego o
payagan
ang
kamalayan na
kumuha ng
kontrol sa intelektwal
na sentro.
Karaniwan ang kaisipan ang intelektwal
na sentro
ay isang kasangkapan ng ego na
lumilikha ng halos
sa
30-40,000 na mga
pag-iisip
ng isang karaniwang tao na
nararanasan sa
loob ng isang araw.
Ang gusto nating
gawin ay
maibalik ang kontrol
sa intelektwal
na sentro
at ibigay
ito
sa kamalayan upang
makamit ang iba't ibang mga
estado
ng
kamalayan.
Kapag makamit natin
ang hindi pag-galaw
at
katahimikan ng kaisipan na
ang ibig sabihin
kapag
hininto natin ang pagkilala
sa
ego
at ating isa-aktibo ang
kamalayan
doon
makakamit natin
ang iba't
ibang mga
estado
na
kung ano ang
sinusubukan nating
gawin
sa
meditasyon.
Tanging sa kawalan ng ego makakayang makaranas ng
lubos na kaligayahan at
ng tunay na kapayapaan. Tanging sa kawalan ng ego lamang
maaaring
nating
maranasan ang tunay at totoo. Tanging sa kawalan ng ego lamang
maaaring
nating
maranasan ang
katotohanan.
Iyon ang isang
bagay
na dapat nating marating sa loob
ng ating sariling
kamalayan.
Iyon ang
dahilan kung bakit
hindi natin makokontrol kung
ano ang
katotohanan, iyon ang
dahilan kung bakit
hindi natin maaaring
makita
kung paano makarating sa
katotohanan
ito
ay isang bagay na kailangan
nating gawin
sa ating sarili dahil
ang ego ay kailangang
maging
wala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento