http://www.youtube.com/watch?v=UCrqRKMUMi4
REAL OR IMAGINE
PUT ASIDE SCIENCE BREAK THE SPELLS AND WITCHCRAFT
SCIENCE CANNOT CONQUER THE SUPERNATURAL
Kinukulam ka ba? Importanteng basahin mo
ito ng malaman mo.
|
||
Tumataas ang nag
aaral ng Pangkukulam at maging ang mga biktima ng kulam. Noong makalipas na
mga taon maraming reseach ang ginawa sa Stony Brook Medical College sa New
York, USA at naging conclusyon nila na ang pangkukulam ay totoong nakakamatay
ito man ay pinatunayan sa biblia.
Ang mga nakukulam ay nasa panganib at maaaring sirain nito ang kalusugan at kalagayan ng kabuuan ng isang tao, maaari din itong mapatay o gawin ng mga indibidwal na magpakamatay sa labis-labis na paghihirap na nararamdaman. Nagiging suicidal mahina ang shield ng aura o proteksyon. Ang mga walang-salang kaluluwa ng tao ay bihirang malaman na siya pala ay kinukulam na. Ito ay ginagawa nila upang makasakit at makapatay ng isang tao. At bawat taong mapapatay nila tumatataas ang kanilang kapangyarihan at ranggo. Ang mga personal na gamit ng isang bibiktimahin tulad ng baro, picture, kuko minsan pangalan at date of birth lang ay ginagamit para gumawa ng manika na malalagyan ng koneksyon sa isang tao. Ang pinaka dibdib ng manika ay iniiwang bukas para sa pinakahuling rituals. Ang ritual ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng puso ng isang hayop na buhay at ito ang inilalagay para maging puso ng manika at sa puntong ito'y magsisindi ng kandila para ma infused ang buhay ng bibiktimahin papunta sa manika na ginamitan ng invisible psychic chord. Upang mabuhay ang koneksyon ng biktima at manikang gagamitin. Kapag ang lifeforce ng manika at ng taong kukulamin ay konektado na, gumagamit na ang mangkukulam ng karayom tinutulak ito sa isang specific acupuncture points para ma break ang energy system ng biktima. Habang tinutusok ang karayom mararamdaman ng bitima ang bawat pag baon ng karayom sa loob ng kanyang katawan. Ang biktima na kahit ilang libong milya ang layo ay makakaranas ng sunod sunod na atake. Lalo na kung ang biktima ay napakain, napainom ng pagkain o inuming nahaluan ng abo ng isang patay na tao na nakakapag infused ng negatively charged na energies. Nakakapagbigay ito ng unlimited control sa mangkukulam sa pag-iisip at katawan ng bibiktimahin. Ang pinaka-focus ng mangkukulam ay sirain ang immune system ng biktima. Eze 13:19 At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at dahil sa mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan. Eze 13:20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin. Kung sa tingin mo na ikaw ay binibiktima na ng masamang salamangka/pangkukulam eto ang mga indikasyon na tutulong sa iyo upang maintindihan mo ang inyong kalagayan. Mga palatandaan o signs kung ikaw ay kinukulam na o may ibang masamang ispiritu ang nakikielam sa iyo. • Ang iyong pagtulog ay balisa, laging na iistorbo. Hindi ka mapagkatulog at laging nagigising ng alanganing oras. • Madaling mapagod at kinukulangan ang lakas upang mabuhay ng maayos sa araw-araw na gawain. • Mayroon kang kinatakutan na hindi maintindihin kung sino o ano. • Nawaawalan ng interes sa buhay. • Nawawalan ng pag –asa. • Ikaw ay madaling mapagalit kahit walang dahilan •Nakakaramdam ng sakit sa puso o parang inaatake pero pag napa- consulta sa mga medical doctors ay walang makumpirmang karamdaman. • Nakakaramdam ng matinding depression. • Pagkatuyo ng labi o bibig sa gabi na parang nauuhaw parati. • Madaling tumaba minsan naman madaling pumayat. • Bigla-biglang nagkakaroon ng panginginig at pangingilabot sa buong katawan. • Parang humihigpit o sumisikip ang mga ilang bahagi ng katawan at kalamnan. • Nagiging lutang ang pag-iisip biglang naging malilimutin at nararanasan ang paghina ng memorya. • Ang mga payo at pangitain na dapat dumaan sa iyong panaginip ay hinaharang, Kaya wala kang maala-alang panaginip tuwing gumigising. • Ang iyong mga propesyonal na karera o trabaho ay na- aapektuhan laging wala sa kondisyon o gana. • Hindi makatwiran para sa iyo ang pag-uugali ng mga tao kaya laging may nakakaaway. • Minamalas, mahirap kumita ng pera nawawalan ng paraan mag- isip kumita. Maraming mga sintomas ang maaaring makita sa taong kinukulam ang lahat ng ito ay depende sa estado ng conciousness ng isang biktima at ang mga uri ng masamang Espiritu na umi- impluwensiya sa kanya na nakaka-apekto sa biktima. Mga sumusunod na palatandaang may aktibidad ng kulam o may masamang ispiritung nakikielam sa isang tao. • Nanaginip ka ng patay na taong hindi mo kakilala at nananaginip ka ng kakila-kilabot na mga hitsura ng tao na gusto kang patayin habang ikaw ay natutulog at nananaginip kaya para kang hindi makahinga at binabangungot. • Madalas kang managinip ng mga ahas at ng mga maruruming lugar na may kasamang umaalingasaw na mabahong amoy. • Biglang magigising sa takot mula sa malalim na pagkakatulog na hinahabol ang paghinga. • Nananaginip na bumabagsak mula sa isang napakataas na pinanggalingan. • Nananaginip ng mga ahas, alakdan at malalaking maitim na gagamba. • Nakakakita ng maiitim na parang tuldok o usok na lumulutang sa iyung kapaligiran lalo na pag matutulog pa lamang o pag kagising. • Lumalaki ang iyong tiyan tulad ng isang buntis na babae ang itaas ng iyung pusod ay parang sumisikip at kung ito'y hihipuin para bang may bolang matigas na nasa loob ng tiyan. • Paninikip at mabigat na pakiramdam lalo na sa may balikat at dibdib. • Matinding kagutuman sa mga biktima lalo na kung nasasaniban o nabaunan na ang iyong katawan. • Palaging sumasakit ang ulo. • Minsan ay nangingitim ang kulay ng iyung balat. • Pangangati, parang may pumapaso at tumutusok sa iba't- ibang bahagi ng katawan. • Sa mga malubhang kaso ng salamangka o pangkukulam na meron talagang gustong pumatay sa iyo, makakakita ka ng masasamang pangitain. Mga aksidenteng karumal-dumal, mga patayan sa iyung harapan maging hayop o tao ito. Nasa gitna ka na ng cross over ng pagkabuhay at malapit nang mahigup sa kamatayan. Huling yugto ng biktimang kinukulam at sinasaniban ng masamang ispiritu na mahirap ng iligtas at kakaunti na lang ang oras para mabuhay o mananatili sa mahirap na kalagayan. • Kanser sa ibat –ibang parte ng katawan lalo sa dugo pag ito'y contaminated na. • Pag-urong, pag liit o hindi na pag gana ng atay at pantog. • Sobrang hindi maipaliwanag na panghihina. • Gumagamit na ng ibat ibang droga. • Inaatake na sa puso. • Mga gamot na nirereseta ay hindi na gumagana na pinagtatakhan ng mga medical practitioner: na nagreresulta sa mga doktor na gumamit ng mas malakas na gamot . • Nagtataka ng magpakamatay o laging nag iisip ng kanyang ikakamamatay. Karagdagang mga sintomas ng nakukulam o may nakikielam na masamang ispiritu na nauukol sa mga babae lamang. • gasgas marka sa paligid ng hita o maselang bahagi ng katawan. • Madalas managinip na may gumagahasa sa kanyang mga masasamang ispiritu at ito'y parang totoong totoo. • Pangangati sa maseselang bahagi ng katawan. • Paghinto ng buwanang menstruation, nagiging irregular ang menstruation minsan ay napakasakit at minsan may napakaitim na dugong lumalabas. • Hindi mabuntis buntis dahil may ibinira o ibinaong kulam sa kanyang fallopian tubes kaya ma buntis man nagreresulta lang ito ng pagkalaglag ng sanggol. Kaya nananatiling baog habang buhay. • Hindi matagalan ang pagbubuntis na nagreresulta sa pagkamatay niya o ng sanggol. • Hindi maipaliwanag na convulsions. Karagdagang mga sintomas nauukol sa Espirituwal na mga tao • Ang iyong interes sa ispiritual ay bumabagsak, ayaw mo ng manalangin, wala ka ng pananampalataya sa Dios Ama, Dios Anak at Dios Ispiritu Santo maging kay Mama Mary at sa ibat ibang angel na pinadadala sa iyo upang tulungan ka. • Biglang nag iiba ang pakiramdam sumasama kapag sinusubukang manalangin. • Madaling matuksong gumawa ng malalaswa at masasamang bagay at mga bisyo. Sa mga malubhang kaso kung saan na ang demonyo na ang sumasanib , ang biktima ay maaaring biglang magpakamatay o maging mamamatay tao. Ang pagiging marahas na pag-uugali ay lubos na makikita sa mga ganitong tao. Solusyon: Mag pacheck up sa mga magagaling (authorities) laban sa kulam at exorcism. Magpagamot, mag aral ng mga Sagradong Aklat matutong maglagay ng Divine Shield at proteksyon maging spiritual warrior pag aralan ang combatis spiritual upang huwag ma biktima at katakutan ng mga mangkukulam at masasamang ispiritu. Mga Lihim Na Kaalaman tungkol sa mga Mangkukulam At mga Engkanto Diaboliko At mga paraan upang sila’y malabanan sa pamamagitan ng puting kaalaman ng Engkanto de Dios at ng mga Divino.
Inilathala ang Forbidden
knowledge na ito hindi upang gamitin sa kapwa tao o kaninuman kundi para
makontra at malabanan ang mga nilikhang ito.
Ipapanalangin namimg huwag
kayong matuksong gamitin ang itim na kaalaman kundi alamin lamang upang
magamit sa kabutihan at malabanan ang kasamaan.
Exo 22:18 Any woman using unnatural
powers or secret arts is to be put to death.
Exo 22:18 Death is the punishment for witchcraft.
Exo 22:18 "Never let a witch
live.
Exo 22:18 Thou shalt not suffer a witch to live.
(TAB) Exo 22:18
Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway.
Eze 13:13 Now this is what the
Sovereign LORD says: "In my anger I will send a strong wind, pouring
rain, and hailstones to destroy the wall.
Eze 13:14 I intend to break down the
wall they whitewashed, to shatter it, and to leave the foundation stones
bare. It will collapse and kill you all. Then everyone will know that I am
the LORD.
Eze 13:15 "The wall and those who
covered it with whitewash will feel the force of my anger. Then I will tell
you that the wall is gone and so are those who whitewashed it---
Eze 13:16 those prophets who assured Jerusalem that all was
well, when all was not well!" The Sovereign LORD has spoken.
Eze 13:17 The LORD said, "Now,
mortal man, look at the women among your people who make up predictions.
Denounce them
Eze 13:18 and tell them what the
Sovereign LORD is saying to them: "You women are doomed! You sew magic
wristbands for everyone and make magic scarves for everyone to wear on their
heads, so that they can have power over other people's lives. You want to
possess the power of life and death over my people and to use it for your own
benefit.
Eze 13:19 You dishonor me in front of
my people in order to get a few handfuls of barley and a few pieces of bread.
You kill people who don't deserve to die, and you keep people alive who don't
deserve to live. So you tell lies to my people, and they believe you."
Eze 13:20 Now this is what the
Sovereign LORD says: "I hate the wristbands that you use in your attempt
to control life and death. I will rip them off your arms and set free the
people that you were controlling.
Eze 13:21 I will rip off your scarves
and let my people escape from your power once and for all. Then you will know
that I am the LORD.
Eze 13:22 "By your lies you
discourage good people, whom I do not wish to hurt. You prevent evil people
from giving up evil and saving their lives.
Eze 13:23 So now your false visions
and misleading predictions are over. I am rescuing my people from your power,
so that you will know that I am the LORD."
Eze 13:13 Kaya't ganito ang sabi ng
Panginoong Dios, Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan;
at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit, at malalaking mga
granizo sa kapusukan upang tunawin.
Eze 13:14 Gayon ko ibabagsak ang kuta
na inyong tinapalan ng masamang argamasa, at aking ilalagpak sa lupa, na
anopa't ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw: at mababagsak, at kayo'y
malilipol sa gitna niyaon; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
Eze 13:15 Ganito ko wawakasan ang
aking kapusukan sa kuta, at sa nangagtapal ng masamang argamasa; at sasabihin
ko sa iyo, Ang kuta ay wala na, o ang nangagtatapal man;
Eze 13:16 Sa makatuwid baga'y ang mga
propeta ng Israel, na
nanganghuhula tungkol sa Jerusalem,
at nangakakakita ng pangitaing kapayapaan para sa bayan, at walang
kapayapaan, sabi ng Panginoong Dios.
Eze 13:17 At ikaw, anak ng tao,
itingin mo ang iyong mukha laban sa mga anak na babae ng iyong bayan, na
nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso; at manghula ka laban sa
kanila,
Eze 13:18 At iyong sabihin, ganito ang
sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga babae na nangananahi ng mga unan sa
lahat ng siko, at nagsisigawa ng mga lambong na ukol sa ulo ng iba't ibang
sukat upang manghuli ng mga kaluluwa! Hahanapin baga ninyo ang mga kaluluwa
ng aking bayan, at mangagliligtas na buhay ng mga kaluluwa sa ganang inyong
sarili?
Eze 13:19 At inyong nilapastangan ako
sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at dahil sa mga putol
ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at
upang iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa
pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga
kasinungalingan.
Eze 13:20 Kaya't ganito ang sabi ng
Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa inyong mga unan, na inyong
ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa
inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y
ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin.
Eze 13:21 Ang inyo namang mga lambong
ay aking lalabnutin, at ililigtas ko ang aking bayan sa inyong kamay, at
hindi na sila mangapapasa inyong kamay na mahanap; at inyong malalaman na ako
ang Panginoon.
Eze 13:22 Sapagka't sa pamamagitan ng
kasinungalingan ay inyong pinighati ang puso ng matuwid, na hindi ko
pinalungkot, at inyong pinalakas ang kamay ng masama, upang huwag humiwalay
sa kaniyang masamang lakad, at maligtas na buhay;
Eze 13:23 Kaya't hindi na kayo
mangakakakita ng walang kabuluhang pangitain o manganghuhula man ng mga
panghuhula: at aking ililigtas ang aking bayan mula sa inyong kamay; at
inyong malalaman na ako ang Panginoon.
Case no. 1
Kung
ang isang babae ay biglang dinugo , kakaiba ang amoy nito at malakas ang
pagtagas nanghihina na siya maaaring nilagay ng mangkukulam ang double soul
ng babae sa katawan ng isang pusang itim at ito,y itinali at hiniwaan upang
patuloy ang pagtagas ng dugo. Ang dugo ng pusang itim ay konektado sa dugo ng
babaeng kinukulam.
Upang malabanan ito maglagay ng palayok
sa ilalim ng ulan sa oras ng alas dose ng gabi. Maghanda ng anim na itlog.
Ang tatlo sa mga itlog na ito ay tuturukan ng asukal habang ang natitirang
tatlo ay turukan ng dugo ng baboy.
Pagka-puno na ang palayok ng tubig
bawasan ito at ilagay na ang anim na itlog. Pakuluan ito. Palamigin
pagkatapos ay maghanap ng bahay ng langgam na itim ipakain ang tatlong itlog
na tinurukan ng asukal pagka ito’y kinakain na ng mga langgam makakaranas
agad ng kaginhawahan ang babae. Pero kung di pa rin tumitigil ang pagdurugo
pakainin na sa kanya ang tatlong itlog na tinurukan ng dugo ng baboy. Gawin
ito bago sumikat ang araw sa umaga.
Matapos nito ay tawagin ang gumawa sa kanya
nito at talian ng edeus at palosanto. Tanungin ang mga warrior angels at mga
engkanto de dios warriors kung ito’y parurusahan lang o buburahin. Kung
buburahin tanungin kung anong combatis spiritual ang gagamitin. Basahin ang
Sagradong Aklat 4, 5 at 6.
Case
no.2
Kung pinalalaki ang tiyan ng isang tao na
para bang siya’y busog na busog kahit walang kinakain na para bang ito’y
sasabog at ito’y nangyayari lamang tuwing nag hihigh tide ang dagat.
Ang remedyo diyan ay baligtarin ang suot
na damit pang-itaas at pang- ibaba. Pumutol ng tatlong sanga ng bakawan,
idikit ito sa tiyan ng tatlong araw at itanim itong patiwarik sa loob ng
kuwarto ng pasyente makalipas ang tatlong araw ay gagaling na ang taong
pinalaki ang tiyan.
Matapos
nito ay tawagin ang gumawa sa kanya nito at talian ng edeus at palosanto.
Tanungin ang mga warrior angels at mga engkanto de dios warriors kung ito’y
parurusahan lang o buburahin. Kung buburahin tanungin kung anong combatis
spiritual ang gagamitin. Basahin ang Sagradong Aklat 4,5 at 6
Case
no. 3
Kung nilagyan ng uod ang iyong pagkain ng
iyong kusinera o kusinero upang pumasok ito sa loob ng iyong katawan at
mag-ritual naman ang mangkukulam para ito’y paramihan at kainin ka ng buhay
magmula sa loob ng iyong tiyan. Magkasabuwat ang dalawa upang ika’y
magkasakit at ito ang iyong ikamatay.
Kumuha
ng buto ng bangkay sa cementeryo ibabad ito sa sukang paumbong ng tatlong
araw, buhayin ito ng pater at uminom ng isang baso nito. Sundan din ng
pag-inom ng tatlong basong kabal at
tatlong capsules ng Dtef sa loob lang ng isang lingo tanggal lahat ang uod sa
loob ng katawan. Matapos nito ay
tawagin ang gumawa sa kanya nito at talian ng edeus at palosanto. Tanungin ang
mga warrior angels at mga engkanto de dios warriors kung ito’y parurusahan
lang o buburahin. Kung buburahin tanungin kung anong combatis spiritual ang
gagamitin. Basahin ang Sagradong Aklat 4 5 at 6
Case
no. 4
Kung na kuhanan ang isang tao ng personal
na gamit pati na ng litrato nya kaya nagagawa siyang hypnotismohin ng isang
marunong sa witchcraft o black magic kaya sinusunod nya lahat ng iniuutos ng
taong may hawak ng kanyang mga gamit.
Patayin ang koneksyon ng gamit mo sa
iyong pagkatao at consagrahin ito
Ang CONSAGRACION na ibubulong sa gamit
na nakuha sa iyo, ay ang mga sumusunod: nasa sagradong aklat 8
PANG
CONSAGRA O PANG PATAY NG GAMIT
_________________ ____________________ ____
PANGALAN APILYEDO AGE
+
+ + +
+
Gawin ito sa
loob ng simbahan at ibulong na maputol na ang koneksyon ng iyong gamit sa
iyong pagkatao at maglagay sa aura ng EDEUS na may 1 milyon times na pagbalik
sa gumagawa ng masama sa iyo o ng black magic at sa kanya babalik ito ng
milyong beses.
Case no. 5
Kung binarang ang isang tao at nilagyan ng ipis, alupihan,
uang at iba pang insekto sa loob ng katawan.
Bunutin ito sa pamamagitan ng Tatlong Kruz
KRUS SA KALAWAKAN
KRUS
SA KAITAASA
KRUS
SA KALUPAAN
Maglagay sa aura ng EDEUS na may 1 milyon times na
pagbalik sa gumagawa ng masama sa iyo o ng black magic at sa kanya babalik
ito ng milyong beses.
Case
no.6
Kung nilagyan ng maliliit na grabang bato
ang tiyan ng isang tao kaya ang pakiramdam niya ay parang lagi siyang busog
kaya’t ayaw niyang kumain sapagkat isinusuka nya lang ang anumang kanyang
makain.
Kumuha ng palayok na gawa sa putik na may
taklob, igiban ito ng tubig na galing sa ilog na may mga graba sa ilalim ng
tubig habang ibinubulong ang
Ng
paulit-ulit hanggang sa malapit ng mapuno ang palayok. Dalhin ito sa bahay mo
at pakuluan ng may kasamang sanga ng narra at lagyan ng isang basong cabal.
Pagdating ng alas sais ng gabi ay ipainom ito sa taong nilagyan ng maliliit
na graba sa loob ng tiyan isang baso sa bawat anim na oras. Matutunaw ang
graba at ilalabas ang iba sa pagdumi. Gawin ito hanggang maubos ang tubig na
nasa palayok.
Case
no. 7
Kung nararamdaman mong may bumabato sa
iyo mula sa himpapawid ng mga tinik at pako kaya parang nararamdaman mo ang
mga tusok sa iba’t-ibang bahagi ng katawan mo at nagkakaroon ka ng maliiit na
butas.
Bunutin
ang mga baon sa pamamagitan ng 3 Kruz at gamitin ang sumusunod na paraan ng
pang-gagamot.
Ano ang mga pamamaraan para manggamot?
a) Tiyakin
muna kung gawa ng dayabs o gawa ng mga masasamang elemento ang taong
may
karamdaman.
b) Kung ito’y
gawa nga ng masamang espirito…tawagin ang angelic forces sa tabi mo…
c) Gamitin
ang dasal na --------------- para mahanap ang mga espirito at dalhin sa iyong
lugar sa pamamagitan ng dasal na ali adoy…
d) Buksan ang
hinlalaki sa paa ng may sakit (counter clockwise) sa pamamagitan ng dasal na
sexiem…at utusang umalis ang mga masasamang espirito sa katawan ng
maysakit. (Ang maysakit ay
makakaramdam ng malamig o mainit na hangin na lalabas sa hinlalaki sa kanyang
paa…
e) Magtanong sa panturo kada oras kung naalis na ang mga
sakit na dulot ng masasamang espirito…
f) Kung
sakaling mayroon pang hindi naalis na sakit sa katawan… gamitin ang dasal na
Tatlong Krus para maalis…
g) Matapos
mapagaling, itali ang masamang
espirito sa isang lugar, gamitin ang dasal na Edeus…
h) Kung
kailan ang sakit ay wala na, isara na ang hinlalaki sa paa at gamitin ang
dasal Sexiem (clockwise)…
i) Itanong sa
Panturo kung buburahin o palalayain ang masamang espirito…
j)
Ipairal ang desisyon ng mga Divinos…
k) At
magpasalamat sa banal na tatlong persona…
No
place to hide
Pantawag
Pangbukas
SUSING
SPIRITUAL
(KEY TO SPIRITUALITY)
KRUS
SA KALAWAKAN
KRUS
SA KAITAASAN
PANGBAKOD
O PANGWASAK
KRUS
SA KALUPAAN
Palakasin
ang aura, gumamit ng Dtef prayer handbook mag-shield at pataasin ang evolving
positive energies. Dahil sa hindi lahat ay pwedeng makahawak ng nakatagong
kaalaman mag message lang kay brod nest for complete secrets
Case
no. 8
Kung ikaw ay nabaunan ng gayuma sa
pamamagitan ng iyong kinakain o iniinom. O kaya’y nakuhanan ka ng iyong
litrato o anumang personal na gamit.
Gumamit ng-------- espada ni arkanghel
San Miguel upang putulin ito. Humingi muna ng pahintulot na maputol na ito at
gamitin ng pangputol magpa-guide sa taong may third eye panturo o sa Efod.
Case
no. 9
Kung may nagri-ritual sa isang babae kaya
hindi siya mabuntis. Ibulong ito sa langis ng niyog buhayin ng Pater at
ibulong uli ang --- habang ipinapahid sa tiyan ng babaeng gustong manganak.
HAGOD
SA GUSTONG MAGKA BABY
Case.
No 10
Kung ang dahilan ng iyong pagka-kalbo ay
may ginawang manika at ito’y unti-unting binubunutan ng buhok.
Putulin ng----- ang koneksiyon ng
vibrations ng manika sa iyong pagkatao.
Gumamit ng ------ espada ni arkanghel San
Miguel upang putulin ito. Humingi muna ng pahintulot na maputol na ito at
gamitin ng pangputol magpa-guide sa taong may third eye o sa Efod.
Kumuha ng buhok ng kabayo at ibabad ito
sa maitim na langis mula sa makina ng sasakyan lalagyan din ito ng sulfur
powder, maglagay ng edeus sa sariling aura at baunan ng automatic charges
mula sa mga warrior angels at irequest na ang bawat binubunot na buhok mula
sa iyo ay mapupunta sa gumagawa nito sapagkat inilipat mo na ang energia ng
iyong buhok sa buhok ng kabayo kaya ito na ang kanyang binubunutan kaya
magningitim ang kamay ng gumagawa ng ritual sa iyo at masusunog ang kanyang
kamay ng unti-unti.
Nasa sagradong aklat 8 ang kumpletong sikreto.
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento