Biyernes, Agosto 2, 2013

2 Hari 20: 1-21Upang maiwasan ang nakatakdang kamatayan



2 Hari 20: 1-21Upang maiwasan ang nakatakdang kamatayan
               1 Nang panahong iyon, nagkasakit nang malubha si Haring Ezequias. Dinalaw siya ng propetang si Isaias na anak ni Amoz at sinabi sa kanya, "Ipinapasabi ni Yahweh na ayusin mo na ang iyong kaharian sapagkat malapit ka nang mamatay. Hindi ka na gagaling sa sakit mong iyan."
               2 Humarap si Haring Ezequias sa dingding at nanalangin kay Yahweh, 3 "Alalahanin po sana ninyo, Yahweh, na namuhay akong tapat sa inyo. Buong puso ko pong ginawa ang lahat ng bagay ayon sa iyong kagustuhan." At buong kapaitang umiyak si Ezequias.
               4 Hindi pa nakakalayo si Isaias sa gitnang bulwagan ng palasyo nang sabihin sa kanya ni Yahweh, 5 "Bumalik ka. Sabihin mo kay Ezequias, ang hari ng aking bayan, 'Narinig ko ang iyong panalangin at nakita ko ang iyong pagluha. Kaya, pagagalingin kita. Sa ikatlong araw, makakapasok ka na sa Templo. 6 Mabubuhay ka pa ng labinlimang taon. Hindi lamang iyan, ililigtas pa kita at ang lunsod na ito sa kamay ng hari ng Asiria. Ipagtatanggol ko ang lunsod na ito alang-alang sa aking karangalan at sa aking pangako kay David na aking lingkod.'"
               7 Pagbalik ni Isaias kay Ezequias, iniutos niya sa mga katulong ng hari na tapalan ng katas ng igos ang bukol ng hari upang ito'y gumaling. Ginawa nga nila iyon at siya'y gumaling.
               8 Itinanong ni Ezequias kay Isaias, "Ano ang palatandaan na pagagalingin ako ni Yahweh at makakapasok na ako sa Templo pagkalipas ng tatlong araw?"
               9 Sumagot si Isaias, "Alin ang mas gusto mong palatandaang ibibigay sa iyo ni Yahweh: ang aninong bumababa o umaakyat ng sampung baytang?"
               10 Sumagot si Ezequias, "Madali sa anino ang umakyat kaysa bumaba ng sampung baytang. Pababain mo ito ng sampung baytang."
               11 Nanalangin si Isaias kay Yahweh at ang anino'y bumabang sampung baytang sa hagdanang inilagay ni Ahaz.
Ito ang awit na isinulat ni Haring Hezekias ng Juda, matapos na siya'y gumaling:
10 "Minsa'y nasabi kong sa katanghalian ng buhay, ako ay papanaw!
Sa daigdig ng mga patay ako masasadlak,
upang manatili doon sa buong panahon ng aking buhay.
11 At nasabi ko ring hindi ko na makikita si Yahweh
at sinumang nabubuhay sa lupa.
12 Katulad ng toldang tirahan ng pastol,
inalis na sa akin ang aking tahanan.
Ang abang buhay ko'y pinuputol mo
tulad ng tela sa isang tahian;
ang aking akala'y wawakasan na ng Diyos ang aking buhay.
13 Ako'y lumuluha sa buong magdamag, hindi makatulog, parang nilalansag,
parang nilalamon ng leon ang aking buong katawan,
ang aking akala'y wawakasan na ng Diyos ang aking buhay.
14 Tumataghoy ako dahil sa hirap,
parang isang kalapating nakakaawa.
Ang mga mata ko ay pagod na rin dahil sa pagtitig doon sa itaas.
O Panginoon, sa kahirapang ito ako'y iyong iligtas.
15 Ano pa ang aking masasabi? Ang may gawa nito ay ikaw,
ngunit masakit ang aking kalooban, at hindi ako makatulog.
16 "O Panginoon, ang mga nilikha ay nabubuhay dahil sa iyo,
ako'y pagalingin at ang aking lakas sana'y ibalik mo.
17 Ang hirap na ito'y aking nalalaman, na tanging ako rin ang makikinabang.
Iyong iniligtas a ang buhay na ito, hindi mo hinayaang mahulog sa hukay,
at pinatawad mo ako sa aking mga kasalanan.
18 Ang patay ay hindi na makakapagpuri sa iyo,
o makakaasa sa iyong katapatan.
19 Mga buhay lamang ang makakapagpuri sa iyo,
tulad ng ginagawa ko ngayon,
at tulad din ng ama na itinuturo sa mga anak ang katapatan.
20 Si Yahweh ang magliligtas sa akin,
kaya sa saliw ng tugtog siya'y ating awitan.
Sa banal na Templo ni Yahweh, tayo ay umawit habang nabubuhay."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento