Sabado, Agosto 3, 2013

Ang meditasyon ay isang paglalakbay



Ang meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili. Para magawa ang meditasyon dapat tayong lumampas sa ating katawan at kaisipan. Kapag nalagpasan natin ang ating katawan at kaisipan maaabot natin ang ating sarili. Saka natin matatangap ang masaganang enerhiyang kosmiko.  Kapag mas marami ang ginagawang meditasyon ang ating kaalamang sa sarili ay mas lumalawak. Ngayon, subukan natin at unawain kung ano ang kaalaman? Ang meditasyon ay magdadala sa iyo sa daigdig ng mas mataas na kaalaman.     Ang Kaalaman ay walang iba kung hindi ang karanasan. Ang Karanasan ay walang iba kung hindi ang kinasasangkutan at nararanasan ng iyong sarili. Sa pamamagitan ng madalas na  pagsasanay at pagsasagawa ng  meditasyon tumatanggap tayo ng mas mataas na enerhiya.Kapag tayo ay merong mas mataas na enerhiya ang mas mataas na paglahok ay ating nakakamit sa bawat aspeto ng ating buhay na humahantong sa mas mataas na kaalaman. Sa pamamagitan ng kaalaman makakakuha tayo ng mas mataas na-pang-unawa at karunungan. Sa ganitong pag-unawa mauunawaan natin na hindi lamang tayo nabubuo ng katawan at kaisipan.
            Nauunawaan natin na tayo ay isang mahimalang nilalang. Nauunawaan natin na ang lahat ng mga sitwasyon na dumating sa atin at ang lahat ng ating mga problema na ating nalalagpasan ay dahil sa mas mataas na pang-unawa. Ang mas mataas na enerhiya at ang mas mataas na kaalaman ay nagpapalawak ng ating kamalayan. Ang pagpapalawak ng ating kamalayan ay ang pinaka-layunin ng ating sarili.  Ang mas mataas na kaalaman ay nakukuha lamang sa pamamagitan ng mas mataas na mga pandama tulad ng Third Eye at katawang astral. Ang ikatlong mata ay isang napakalakas na kasangkapan ng kaluluwa upang makakita, makadama at makarinig ng mas mataas na prikwensiya ng mga realidad at katotohanan. Ang tatlong kasangkapan ng kaluluwa ay kilala bilang "ikatlong mata".
            Sa pamamagitan ng pagsasanay at pagsasagawa pa ng higit pang meditasyon mas maraming enerhiya ang dumadaloy kapag mas maraming enerhiya ang dumadaloy nagiging aktibo ang ikatlong mata. Ito ay isang napaka-gandang karanasan sa panahon ng meditasyon sa oras ng aktibasyon ng ikatlong mata makakaramdam tayo ng sensasyon ng pangangati o o sensasyon ng panlalamig sa rehiyon ng noo. Unti-unti tayong makakakita ng iba't ibang mga kulay na umiikot sa ating paligid. Makakarinig tayo ng tumutunog na mga bulong, maririnig natin ang tunog ng paglalakad. Nararamdaman natin na parang naglalakbay tayo sa isang madilim na lagusan. Kapag ang ating katawang eteriko ay nakakatanggap ng sapat na energhiyang kosmiko sa pamamagitan ng mas madalas na meditasyon ang third eye natin ay nagiging perpekto. Rito ay makikita natin ng mas malinaw ang mga pangitain. Kapag perpekto na ang thirdeye makikita natin ang mas maraming bagay ng mas malinaw pa sa pisikal na mga pangitain. Makikita natin ang realidad ng ibang tao, makikita natin ang mga bagay na hindi makikita sa mundo ng limang pakiramdam.

Nakakaramdaman tayo ng maraming mga bagay na hindi natin maaaring ipahayag sa mga salita. Nakakarinig tayo ng mga panloob na boses, tunog o tunog ng mga instrumento mula sa iba pang mga prikwensiya. Nakikita natin ang mga Masters kahit wala ang kanilang pisikal na katawan. Nakikita natin ang mga Masters sa isang pisikal na kaanyuang ayon sa ating pagkakaalam. Pagkatapos ng mas maraming meditasyon, unti-unti nating makikita ang mga masters na tulad ng "Maliwanag na ilaw", kahit na sa pamamagitan ng nakikita nating maliwanag na ilaw alam nating ito ang pagkakakilanlan ng ating mga masters. Maririnig natin ang mga mensahe mula sa mga Masters. Nararamdaman natin ang pagpunta natin sa isang lagusan at sa wakas ay sumasama na tayo sa liwanag.
Ang Ilaw ng Katawan
(Lucas 11:34-36)
               22 "Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong paningin, maliliwanagan ang iyong buong katawan. 23 Ngunit kung malabo ang iyong paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At kung ang liwanag mo'y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman."
Ang Ilaw ng Katawan
(Mateo 5:15)(Mateo 6:22-23)
               33 "Walang nagsisindi ng ilaw upang itago lamang iyon, o kaya'y ilagay sa ilalim ng malaking takalan. b Inilalagay ang ilaw sa talagang patungan upang matanglawan ang mga pumapasok sa bahay. 34 Ang iyong mata ang ilawan ng iyong katawan. Kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, ang buo mong katawan ay mapupuno ng kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala. 36 Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo."

            Sa pamamagitan ng karanasan sa third eye o ikatlong mata  alam natin na maaari tayong makakuha ng mga kasagutan para sa lahat ng ating mga problema sa pamamagitan ng mga mensahe mula sa Masters, o sa pamamagitan ng pagtingin sa iba pang prikwensiya ng realidad ng katotohanan o pamamagitan ng  pakiramdam. Sa pamamagitan nito, ang ating mga pagkilos ay magbabago. Ang ating mga paniniwala ay magbabago, ang ating pang-unawa ay magbabago. Pagkatapos ng ating karanasan tungkol sa ikatlong mata makikita natin ang mga pagbabago sa ating pagkaunawa ng mga pisikal na kalagayan. Ngayon, atin naming alamin ang iba pang kasangkapan ng ating sarili iyan ang katawang astral.
Hebreo 2: 1-4
Ang Dakilang Kaligtasan
               1 Kaya nga, dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin upang hindi tayo maligaw. 2 Ang mensaheng ipinahayag ng mga anghel ay napatunayang totoo, at sinumang lumabag o hindi sumunod dito ay tumanggap ng kaukulang parusa. 3 Gayundin naman, paano tayo makakaiwas sa parusa kung hindi natin pahahalagahan ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at ang mga nakarinig sa kanya ang nagpatunay sa atin na ito'y totoo. 4 Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda at ng iba't ibang himala, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu Santo na ipinamahagi niya ayon sa kanyang sariling kalooban.
to awaken the sixth sense (intuition, instinct, etc)

Ano ang Pagkakaiba ng 3rd EYE sa MATANG LAMPASAN?...
Ang 3rd Eye ay isang espiritwal na enerhiya na ginagamitan ng meditasyon upang makabuo ng iluminasyon upang makapasok sa ikatlong dimension kung saan ay maaaring makita ang hindi nakikita ng pangkaraniwang tao, nakakabuo at napapasok ang ikatlong mundo ng sinomang nagsanay upang magkaroon ng ika anim na pandama at paningin ang nagtataglay ng 3rd Eye... Ang Matang Lampasan ay isang uri ng Kakayanang Makita ang Aktuwal na kondisyon ng Katawan ng isang Tao, makikita niya ang mga Lamang Loob nito kagaya ng bituka, puso, atay, baga, bituka at iba pa... Makikita rin ang daloy ng mga ugat. nerves at mas malilit ng bahagi ng mga organ at bumubuo dito at maging ang komposiyon ng dugo ng isang tao ay makikita kapag ang Matang Lamasan ay nasa kanya... Makikita rin niya ang Kaluluwa ng Tao sa loob ng Katawang Materyal nito ng Aktuwal at sa Realidad, kapag ang isang tao ay may sangkap ng ibang espiritu o ginagawan ng ibang tao ay makikita rin niya sa loob mismo ng katawan ng may karamdaman... Kung kaya madali niyang matutukoy ang sanhi ng Karamdaman ng isang tao at madali niyang mahahanap at mauunawaan ang lunas para dito... ngunit papano magkakaroon ng Matang Lampasan... Ang unang dapat gawin ng isang Manggagamot o nais manggamot ay Maipasok niya ang mahahalang elemento sa kanyang katawan, kailangan malampasan niya ang bawat sakripisyo at kahandaan ng Pagtanggap sa mga ito... Kapag natanggap na niya ang mga Elemento at maaari na siyang Manggamot, at kung nanaisain naman niya na magkaroon ng Matang Lampasan ay ito ang dapat niyang gawin... Kailangang mapagisa niya sa kanyang dibdib ang lahat ng mga elemento at ang pag iisa nito ang dadaloy sa kanyang Optical Nerves na siyang magpapalampas ng kayang paningin sa balat ng isang tao na tatagos sa loob ng katawan nito... Upang maging perpekto ang Matang Lampas.... ito ang excercises na dapat gawin upang masanay gamaitin ang Matang Lampasan, kukumuha kayo ng kumpol na pakapal ng kandila at baryang pisetas... sindihan ninyo ang mga kanila hanggang sa ang apoy ay maging isa, ilagay niyo ang pisetas sa likuran ng kandila... titigan niyo ang apoy nito at kapag napalampas ninyo ang inyong paningin sa apoy at nakita niyo ang pisetas sa kabila ng apoy ay meron na kayong Matang Lampasan at subukan ninyong tumingin sa katawan ng tao at makikita ninto ang kanyang mga organs, mag u umpisa ito sa pagdilim ng inyog paningin at parang isang xray hanggang sa makita ninyo ng Actual ang Loob ng Kanyang Katawan...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento