Mateo 18: 1 Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.
Sino
ang Pinakadakila?
1 Nang mga
sandaling iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, "Sino po
ang pinakadakila sa kaharian ng langit?" 2
Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa harap nila 3
at sinabi, "Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng
mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. 4 Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay
siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. 5 Ang
sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito alang-alang sa akin, ako ang
kanyang tinatanggap."
Pag aralan na natin ang proseso. Ang
pagharap sa isang
inosente, saan ako nanggaling?
Saan mo ako nakuha? Tanong ng sanggol sa kanyang ina. Sumagot ang kanyang ina habang naluluha at
ngumingiti habang inilalapit ang sanggol sa kanyang dibdib
nakatago ka sa aking puso bilang kagustuhan aking sinta ikaw ay nasa
mga manika sa aking mga pambatang laruan at kapag ako’y
naglalaro gumagawa ako ng imahe mo sa aking baraha tuwing umaga. Ginagawa kita
at hindi kita ginagawa. Ikaw ay kinang na nasa altar ng Diyos at sa aking
panalangin ipinapanalangin din kita sa aking pag-asa at sa aking pag-mamahal sa
buhay. Sa buhay ng aking ina ay nabuhay ka sa kandungan ng hindi namamatay na
espiritu na nagangasiwa sa aming tahanan.
Ikaw ay
inalagaan ng ilang panahon at noong ako’y nagdadalaga ang aking puso ay
nagbubukas ng talulot at ikaw ay umaaligid isang samyong nag
aabang.
Ang iyong malambot na kahinaan ay namulaklak sa aking batang biyas tulad ng isang kislap sa kalangitan bago pa man ang pagsikat ng araw.
Ang iyong malambot na kahinaan ay namulaklak sa aking batang biyas tulad ng isang kislap sa kalangitan bago pa man ang pagsikat ng araw.
Langit
muna aking sinta kakambal mong ipinanganak ang liwanag
ng umaga at lumutang kang pababa sa agos ng mundo ng buhay at sa wakas na
istranded ka sa aking puso habang pinag-mamasdan ko ang iyong mukha ang
misteryo ay pumuspos sa akin.
Ikaw na pag-aari ng lahat ay naging
akin at sa takot na mawala ka hinawakan kita ng mahigpit sa aking dibdib anong
mahika ang humuli sa kayamanan ng mundo.
Sa malambot na brasong ito bigla natin mararanasan ang isang bagay na banal at dalisay na magdadala sa atin sa mundo ng pagka-inosente at maaari nating maranasan iyan anumang oras sa ating sarili.
Sa malambot na brasong ito bigla natin mararanasan ang isang bagay na banal at dalisay na magdadala sa atin sa mundo ng pagka-inosente at maaari nating maranasan iyan anumang oras sa ating sarili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento