Lunes, Agosto 5, 2013

SAGRADONG AKLAT 33 ANG PAGTATAGUMPAY AT ANG KASAGANAHAN.



SAGRADONG AKLAT 33
ANG PAGTATAGUMPAY AT ANG KASAGANAHAN.
8 Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. 9 Tulad ng nasusulat,
"Siya'y nagbibigay nang libre sa mga dukha;
ang kanyang katuwiran ay walang hanggan."
               10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11 Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila. 12 Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat nila sa Diyos. 13 Ang bukas-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos. 14 Kaya't buong pagmamahal nila kayong ipapanalangin, dahil sa dakilang kaloob ng Diyos sa inyo. 15 Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!
Ang paglikha ng kasaganaan upang makatulong sa mga nangangailangan at pag-tupad sa mas mataas na layunin sa buhay.
Ano ang estado ng kamalayan ang impormasyon sa estado ng enerhiya na nagbigay, sa karanasan ng kayamanan sa ating buhay?
Ano ang mga hakbang sa paglikha ng kasaganaan?

Roma 11:


Papuri sa Diyos
               33 Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan? Gaya ng nasusulat,
34 "Sino ang nakakaalam sa pag-iisip ng Panginoon?
Sino ang maaaring maging tagapayo niya?
35 Sino ang nakapagbigay ng anuman sa kanya na dapat niyang bayaran?"
               36 Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.
2 Corinto 8:
Sinasabi ko lamang sa inyo ang ginagawang pagtulong ng iba upang masubok ang katapatan ng inyong pag-ibig. 9 Hindi kaila sa inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo, kahit na mayaman, naging mahirap siya upang mapayaman kayo sa pamamagitan ng kanyang pagiging mahirap.
               10 Kaya ito ang payo ko, ipagpatuloy ninyo ang inyong pag-iipon ng kaloob na sinimulan ninyo noon pang isang taon. Kayo ang nanguna, hindi lamang sa pagsasagawa nito kundi maging sa pagpapanukala. 11 Kaya't ituloy na ninyo ito! Ang kasigasigang ipinakita ninyo noon ay ipagpatuloy ninyo hanggang sa matapos; magbigay kayo ayon sa inyong makakaya. 12 Sapagkat kung bukal sa kalooban ang pagbibigay, tatanggapin ng Diyos ang inyong nakayanan; hindi niya hinihintay na magbigay kayo nang hindi ninyo kaya.
               13 Hindi sa ibig kong guminhawa ang iba at mabigatan naman kayo, kundi upang matulungan ninyo ang isa't isa. 14 Masagana kayo ngayon; marapat lamang na tulungan ninyo ang mga nangangailangan. Kung kayo naman ang mangailangan at sila'y sumagana, sila naman ang tutulong sa inyo. Sa gayon, pareho kayong nakatulong sa isa't isa. 15 Tulad ng nasusulat,
"Ang kumuha ng marami ay hindi lumabis,
at ang kumuha ng kaunti ay hindi naman kinulang."

Kawikaan 11:

24 Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman,ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay.
25 Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.
26 Sinusumpa ng lahat ang nagkakait ng butil, ngunit pinupuri ang nagbibigay ng pagkain.
28 Malalantang tila dahon ang nagtitiwala sa kanyang yaman, ngunit ang matuwid ay giginhawa, tulad ng sariwang halaman.

Job 29:

12 Sapagkat tinulungan ko ang dukha sa kanilang pangangailangan,
dinamayan ko ang mga ulilang wala nang mapuntahan.
16 Nagsilbi akong ama ng mga mahihirap,kahit di ko kilala ay aking nililingap.

Job 30:

25 Di ba ako ay dumamay sa mga nangangailangan, at nagmalasakit din sa mahirap ang kabuhayan?
Upang matupad ang kayamanan,  hindi kinakailangan na sinasadyang pagsanayan ang mga saloobin na ating tinatalakay sa sagradong aklat na ito.
Ang paggamit ng pagpipilit maisagawa ang isang saloobin o ang linangin ang isang kondisyon ay hindi kinakailangan.Dahil maaari itong maging sanhi ng stress at pagod. Ang mahalaga lamang ay malaman natin kung ano ang saloobin, kuro-kuro at orasyon na kinakailanagan para sa kasaganahan. Na alam natin kung ano-ano ang mga hakbang para magkaroon ng kasaganahan.
Upang mabatid natin ang nakatagong kaalaman. Habang natutunan at nababatid natin ang mga sikretong kaalaman sa kasaganahan. Mas maraming estruktura ng kaalamang ito ang makukuha ng nakaayos sa ating katauhan at kamalayan.
At pagkatapos ay mas malamang na ang ating mga saloobin at pag-uugali ay kusang-loob na mabago nang walang anumang pagsisikap sa ating panig.

Deuteronomio 8: 1-20

Ang Masaganang Lupain
               1 "Sundin ninyong mabuti ang mga batas na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon upang humaba ang inyong buhay, dumami ang inyong lahi, at kayo'y makarating sa lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno. 2 Alalahanin ninyo kung paano niya kayo pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon upang matuto kayong magpakumbaba. Sinubok niya kayo kung susundin ninyo siya. 3 Tinuruan nga kayong magpakumbaba; ginutom niya kayo bago binigyan ng manna, isang pagkaing hindi ninyo kilala ni ng inyong mga ninuno. Ginawa niya ito upang ipaunawa sa inyo na ang tao'y hindi lamang sa tinapay nabubuhay kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ni Yahweh. 4 Sa loob ng apatnapung taon, hindi nasira ang inyong kasuotan ni hindi namaga ang inyong mga paa sa kalalakad. 5 Itanim ninyo sa inyong isipan na kayo'y dinidisiplina ni Yahweh na inyong Diyos gaya ng pagdidisiplina ng isang ama sa kanyang anak. 6 Kaya, matakot kayo sa kanya at sundin ang kanyang mga utos, 7 sapagkat kayo'y dadalhin niya sa isang mainam na lupain, lupaing sagana sa tubig, maraming batis at bukal na umaagos sa mga burol at mga kapatagan. 8 Sagana rin doon sa trigo, sebada, ubas, igos, bunga ng punong granada, olibo at pulot. 9 Doon ay hindi kayo magkukulang ng pagkain o anumang pangangailangan. Ang mga bato roon ay makukunan ng bakal at makukunan ng mga tanso ang mga burol. 10 Mabubusog kayo roon at pupurihin ninyo si Yahweh na inyong Diyos dahil sa masaganang lupaing ibinigay niya sa inyo.
Babala Laban sa Pagtalikod kay Yahweh
              11 "Huwag ninyong kalilimutan si Yahweh na inyong Diyos. Sundin ninyo ang kanyang mga utos at mga tuntunin. 12 Kung kayo'y namumuhay na nang sagana, nakatira na sa magagandang bahay, 13 at marami nang alagang hayop, at marami nang naipong pilak at ginto, 14 huwag kayong magmamalaki. Huwag ninyong kalilimutan si Yahweh na nagpalaya sa inyo mula sa pagkaalipin sa bansang Egipto. 15 Siya ang pumatnubay sa inyo sa inyong paglalakbay sa malawak at nakakatakot na ilang na puno ng makamandag na mga ahas at alakdan. Nang wala kayong mainom, nagpabukal siya ng tubig mula sa isang malaking bato. 16 Kayo'y pinakain niya roon ng manna, isang pagkaing hindi ninyo kilala. Pinaranas niya kayo ng hirap para kayo'y subukin, at turuang magpakumbaba; ang lahat ng iyo'y sa ikabubuti rin ninyo. 17 Kaya, huwag na huwag ninyong iisipin na ang kayamanan ninyo'y bunga ng sariling lakas at kakayahan. 18 Subalit alalahanin ninyong si Yahweh na inyong Diyos ang nagbibigay sa inyo ng lakas upang yumaman kayo. Ginagawa niya ito bilang pagtupad niya sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno. 19 Kapag siya'y tinalikuran ninyo at sumamba kayo sa diyus-diyosan, ngayon pa'y binabalaan ko na kayo na malilipol kayo. 20 Kung hindi ninyo papakinggan ang kanyang tinig, malilipol kayo tulad ng nangyari sa mga bansang ipinalipol sa inyo ni Yahweh.
Ang kaalaman ay bumubuo ng matatag na kapangyarihan. Likas na taglay nya ang mga ito. Sapat at simpleng malaman ito, upang malaman ang mga prinsipyo.
Ang Kaalaman ay mapo-proseso at nanamnamin ng ating mga kaisipan at ang mga resulta ay likas at kusang-loob.
Ang mga resulta ay hindi mangyayari  ng magdamag lamang ngunit magsisimulang magkaroon ng manipesto dahan-dahan sa loob ng ilang panahon at ng ilang oras.
Kung magtatanong ka sa mga taong nagtagumpay kung paano nila nakuha ang kanilang nakuhang tagumpay laging sinasabi nila na sinuwerte lang ako o nangyari lang sa tamang lugar at sa tamang oras, o Pinagpala kasi ako ng Diyos ay sa o nagkataon lang na sinuwerte.

1 Hari 10:

Ang mga Kayamanan ni Solomon
(2 Cronica 9:13-29)
               14 Ang gintong dumarating kay Solomon taun-taon ay umaabot sa 23,310 kilo. 15 Hindi pa kabilang dito ang buwis na galing sa mgamangangalakal, ang tubo sa pangangalakal mula sa labas ng bansa, at ang buwis b na galing sa mga hari ng Arabia at sa mga gobernador ng mga lalawigan.
               16 Nagpagawa si Haring Solomon ng 200 malalaking kalasag na balot ng ginto. Umabot sa labinlimang librang ginto ang nagamit na pambalot sa bawat isa. 17 Nagpagawa pa siya ng 300 maliliit na kalasag na may balot ding ginto. Halos apat na librang ginto ang nagamit na pambalot sa bawat isa. Ipinalagay ng hari ang mga nasabing kalasag sa palasyo, sa bulwagang tinatawag na Gubat ng Lebanon.
               18 Nagpagawa rin siya ng isang malaking tronong yari sa garing ng elepante na may mga balot ding gintong lantay. 19 Anim na baytang ang paakyat sa trono. May ulo ng bisirong baka ang ulunan ng trono, at may patungan ng bisig sa dalawang tagiliran. May dalawang leon na nakatayo sa tabi nito, 20 at labindalawa naman sa magkabilang dulo ng mga baytang. Kailanma'y wala pang ginawang trono na tulad nito sa alinmang kaharian.
               21 Gintong lahat ang mga inuman ng Haring Solomon, at gayundin ang mga kasangkapan sa bulwagang tinatawag na Gubat ng Lebanon. Walang kagamitang pilak dahil hindi pa ito pinahahalagahan noong panahon ni Solomon. 22 May mga malalaking barko siya sa karagatan, kasama ng mga barko ni Hiram, at tuwing ikatlong taon ay dumarating ang mga barkong ito na may dalang ginto, pilak, garing, mga unggoy at pabo real.
               23 Si Haring Solomon ang pinakamarunong at pinakamayaman sa lahat ng mga hari sa buong mundo. 24 Dinadayo siya ng mga tao mula sa lahat ng panig ng daigdig upang marinig ang karunungang ibinigay sa kanya ng Diyos. 25 At ang bawat isa'y may dalang regalo sa kanya: mga sisidlang ginto at pilak, mga damit at mga sandata, mga pabango, mga kabayo, at mola. At nagpatuloy ito sa loob ng maraming taon.
Mga Sasakyan ni Solomon
               26 Nagtatag si Haring Solomon ng isang malaking hukbo na binubuo ng 1,400 karwahe at 12,000 mangangabayo. Ang mga ito'y inilagay niya sa mga bayang himpilan ng mga karwahe at sa Jerusalem upang bantayan ang hari. 27 Sa Jerusalem, ang pilak ay naging parang bato sa dami, at ang sedaray naging kasindami ng sikamoro sa kapatagan. 28 Galing pa sa Musri at Cilicia ang mga kabayo ni Solomon. May mga mangangalakal siyang tagapamili doon sa tiyak na halaga. 29 Bumibili din sila ng mga karwahe sa Egipto sa halagang 600 pirasong pilak bawat isa at sa 150 piraso naman ang bawat kabayo. Ang mga ito'y ipinagbibili ng mga mangangalakal ni Solomon sa mga haring Heteo at Arameo.
Sa bawat sandali ng ating buhay, mayroon tayong kakayahang umangkop, makibagay at maging malikhain.
At ang mga taong tinatawag nating masuwerte ay ang mga taong nakaka-alam pag ito na ang tamang pagkakataon at siya ay nakapag-handa na, iyan ang taong swerte.
Ang tradisyon ng mga relihiyon ay tinatawag itong estado ng biyaya na kung saan tila ikaw ay konektado sa ilang malikhaing kapangyarihan na bumubuhay sa iyong intensyon o ang likas na pagkakaroon ng katuparan ng iyong mga pangarap. At alam mo na nakikinig ang Diyos sa iyong mga intensyon at umaalalay sa katuparan ng mga ito.
Pananalig sa Diyos
(Mateo 6:25-34)

 Lucas 12:29-31 - Kaya't huwag kayong labis na mag-isip kung saan kayo kukuha ng kakainin at iinumin. Huwag na kayong mangamba. Ang mga bagay na ito ang pinagkakaabalahan ng mga taong di nananalig sa Diyos. Alam ng inyong Ama na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. Subalit, pagsikapan muna nang higit sa lahat na kayo'y pagharian ng Diyos, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan."
               22 Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong pagkain para mabuhay o tungkol sa damit na ibibihis sa inyong katawan, 23 sapagkat ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit. 24 Tingnan ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang bodega o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa mga ibon! 25 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng pangangamba? 26 Kung hindi ninyo magawa ang ganoong kaliit na bagay, bakit kayo nangangamba tungkol sa ibang mga bagay? 27 Tingnan ninyo ang mga bulaklak sa parang at unawain kung paano sila lumalago. Hindi sila nagtatrabaho ni humahabi man. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon, sa kabila ng kanyang kayamanan, ay hindi nakapagdamit ng kasingganda ng isa sa kanila. 28 Kung dinaramtan ng Diyos ang mga damo sa parang na buhay ngayon at kinabukasa'y iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! 29 Kaya't huwag kayong labis na mag-isip kung saan kayo kukuha ng kakainin at iinumin. Huwag na kayong mangamba. 30 Ang mga bagay na ito ang pinagkakaabalahan ng mga taong di nananalig sa Diyos. Alam ng inyong Ama na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 31 Subalit, pagsikapan muna nang higit sa lahat na kayo'y pagharian ng Diyos, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan."
Mas madalas itong nangyayari sa ilang mga tao dahil ito ay depende sa iyong kamalayan o ang iyong pagkabukas sa posibilidad.
kung ikaw ay isang uri ng tao na napaka kitid ng kamalayan palaging nababahala at laging nag-aalala tungkol sa kung ano ang maaaring magkamali o umaasa lamang sa mga tugon o sobrang magtrabaho habang nagpaplano.
Kung malayo ang isip sa kasalukuyang panahon at palaging nag-aalala tungkol sa kinabukasan o sa nakaraan. kung gayon malamang na mahirapan kang maabot ang kasaganahan dahil hindi mo mapapansin kung ano ang nangyayari sa paligid mo. Ang kasaganahan ay nangangailangan ng isang uri ng kasalukuyang kamalayan.
Pangalawa, ito ay nangangailangan ng pakikipag-ugnay sa iyong kaluluwa.
Ang iyong kaluluwa ay na bahagi ng iyong sarili. At ito ay konektado sa lahat ng bagay.
Iyan ang bahagi na nasa ating lahat na tinatawag nating kaluluwa ay talagang napaka maalam tungkol sa lahat ng umiiral. Ito ay ang tunay at kataas-taasang henyo at ang salamin ng karunungan ng uniberso.
Ito ay ginagawa nya dahil  alam nya kung paano ito gawin.

2 Corinto 9: 1-15

Tulong sa mga Kapatid na Nangangailangan
              2 Alam kong handa na kayong tumulong, kaya't, at dahil dito'y lalo silang sumigla sa pagtulong. 3 Kaya't pinauna ko riyan ang mga kapatid na ito upang hindi kami mapahiya sa aming pagmamalaki tungkol sa inyo, at nang maihanda na ninyo ang inyong tulong, gaya ng sinabi ko. 4 Baka kami mapahiya, huwag nang sabihing pati kayo, at makita nilang hindi pala kayo handa. 5 Kaya't pinakiusapan ko ang mga kapatid na mauna riyan, upang maihanda ang tulong na ipinangako ninyo. Sa gayon, makikita na talagang kusang-loob ang pagbibigay ninyo at hindi sapilitan.
               6 Tandaan ninyo ito: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim naman ng marami ay aani ng marami. 7 Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan. 8 Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. 9 Tulad ng nasusulat,
"Siya'y nagbibigay nang libre sa mga dukha;
ang kanyang katuwiran ay walang hanggan."
               10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11 Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila. 12 Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat nila sa Diyos. 13 Ang bukas-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos. 14 Kaya't buong pagmamahal nila kayong ipapanalangin, dahil sa dakilang kaloob ng Diyos sa inyo. 15 Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!
Ang katunayan na ang karamihan sa atin ay naka-kandado sa panlabas na kaalaman na hindi tayo nakikipag-ugnay sa ating sariling intuwisyon, ang malikhaing bahagi ng ating sarili.
Lahat ng ating mga pananaw, ang ating intensyon, ang ating imahinasyon, ang ating inspirasyon, ang ating pagkamalikhain, ang ating kahulugan, ang ating mga layunin, ang ating pagkakaunawa, ang ating paggawa ng desisyon, ang ating malayang kalooban ay mga aspeto ng isang mas malalim na bahagi ng ating sarili ito ay hindi lamang ang kaisipan na mas malalim at masiglang lakas ng buhay na nag-aayos ng ating buhay higit pa sa alam natin.
Ang ating mga kaisipan at mga pananaw ay bahagi ng mga magkakakabit sa uniberso. Ang ating mga kaisipan ay hindi lamang nasa loob ng ating ulo. Ang mga ito ay ang ating mga intensyon. Ito ay bahagi ng mga  magkakapulupot at hindi kayang paghiwa-hiwalayin ng lahat ng mga bagay na umiiral.
Ngayon, maaari tayong masarado kapag sinimulan natin mag- alala, kapag ang ating sariling personalidad ay nasa daraanan, at ang ating galit o init ng ulo. Kapag tayo ay galit naisa-sarado natin ang ating kaisipan.
Itutuloy…….

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento