Lunes, Marso 30, 2015

Sa pamamagitan ng katahimikan, sa pamamagitan ng meditasyon, at sa pamamagitan ng di-paghatol, magkakaroon ka ng daan para sa Batas ng Purong posibilidad.



Sa pamamagitan ng katahimikan, sa pamamagitan ng meditasyon, at sa pamamagitan ng di-paghatol, magkakaroon ka ng daan para sa Batas ng Purong posibilidad. Sa sandaling simulan mo ang pag-gawa niyan, maaari kang magdagdag ng isang ika-apat na bahagi sa kasanayan na ito, at iyan ang regular na pagpapalipas ng oras sa directang komunyon sa kalikasan at sa Divino.
Ang pagpapalipas ng oras sa Divino at kalikasan ay magpapagana sa iyo upang pahalagahan ang inter-aksyon ng pagkakatugma ng mga elemento at ng mga puwersa ng buhay, at magbibigay sa iyo ng isang pakiramdam ng pagkakaisa sa lahat ng buhay. Maging ito ay batis, gubat, bundok, isang lawa, o dalampasigan, ang koneksyon sa kalikasan at katalinuhan ay makakatulong sa iyo para makadaan sa batawan ng purong posibilidad o sa nakatagong lakas.

Kailangan mong mahipo ang pinakaloob at pinaka- diwa ng iyong pagkatao. Sa pamamagitan ng Divino. Ito ang tunay mong kakanyahan lagpas sa tunay mong sarili. Ito ay walang takot, ito ay malaya, ito ay hindi tinatablan ng mga kapintasan, at hindi ito natatakot sa anumang hamon.
Ito ay hindi pumapailalim kaninuman, hindi ito mataas kaninuman, at puno nito ng magika, misteryo, at pang-akit. Pumasok sa iyong tunay na diwa upang magkaroon ng pananaw sa salamin ng iyung relasyon, dahil lahat ng relasyon ay isang salamin ng iyong relasyon sa iyong sarili. Halimbawa, kung mayroon kang
pagkakasala, takot, at kawalan ng kapanatagan sa pera, o kawalan ng kapanatagan sa tagumpay, at sa iba pang- bagay, ito ang magiging paglalarawan ng iyong sarili ang pagkakasala, takot, at kawalan ng kapanatagan sa pera at kawalan ng kapanatagan sa tagumpay  ang magiging pangunahing mga aspeto ng iyong pagkatao.
Walang makakatumbas na pera o tagumpay ang makalulutas ng mga pangunahing problema sa buhay; ang pagiging malapit lamang sa Divino at sa Sarili ang magdadala sa iyo sa tunay na lunas at pagpapagaling. At kapag ikaw ay nakasalig sa kaalaman ng iyong tunay na sarili. Kapag talagang naunawaan mo ang iyong tunay na sarili at tunay na kalikasan nito. hindi mo mararamdaman na ikaw ay makasalanan, matatakutin, o walang kapanatagan tungkol sa pera, o walang kapanatagan tungkol sa kasaganaan, o na walang katuparan ang iyong mga kagustuhan, dahil mapapagtanto mo  na ang kakanyahan ng lahat ng kayamanang material ay ang enerhiya ng buhay, ito ang purong posibilidad. Ang purong posibilidad ay ang iyong tunay na kalikasan.

Habang naaabot mo ang tamang daanan ng iyong tunay na kalikasan, kusa mong matatanggap ang malikhain mong kaisipan at mga saloobin, dahil ang batawan ng purong posibilidad ay batawan din ng walang hangganang pagkamalikhain at
purong kaalaman.
Ang kasaganaan ng sandaigdigan ng uniberso ay labis-labis  na bukas ang palad at ang kasaganaan ng uniberso ay isang pagpapahayag ng mga malikhaing  kaisipan ng kalikasan. Kapag ikaw ay mas naka- tono sa kaisipan ng kalikasan, mas mayroon kang daanan sa walang katapusan, walang hanggan pagkamalikhain. Ngunit una, dapat kang makalagpas sa pagkakagulo ng iyong panloob na dyalogo upang kumonekta sa masagana, mayaman, walang katapusang malikhaing kaisipan.

Ecclesiastico 5: 1-15

Ang Labis na Pagtitiwala sa Sarili
1 Huwag kang manalig sa iyong kayamanan
at huwag mong sabihing, "Wala na akong kailangan."

2 Huwag kang padadala sa labis na hangarin,
na makamtan lamang ang gusto'y gagawin ang lahat.

3 Huwag mong sabihing wala kang kinikilalang kapangyarihan,
sapagkat darating ang panahong paparusahan ka ng Panginoon.

4 Huwag mo ring sabihin,
"Wala namang nangyari sa akin, matapos akong magkasala!"
Dahil ang Panginoon ay hindi madaling magalit.

5 Huwag kang masanay sa paggawa ng kasalanan
dahil sa pag-asang lagi ka niyang patatawarin.

6 Huwag mong sabihin, "Walang katapusan ang kanyang habag.
Patatawarin niya ako, gaano man karami ang aking kasalanan."
Sapagkat kung siya'y marunong maawa, marunong din siyang magalit,
at ang kanyang galit ay nakatuon sa mga makasalanan.

7 Magbalik-loob ka na agad sa Panginoon;
huwag mong ipagpabukas ang pakikipagkasundo sa kanya,
sapagkat biglang darating ang araw ng paghihiganti,
at mamamatay ka sa kanyang pagpaparusa.

8 Huwag kang manalig sa kinamkam mong kayamanan,
sapagkat hindi mo ito papakinabangan sa araw ng kapighatian.

Katapatan at Pagpipigil sa Sarili
9 Huwag mong basta-bastang pagbigyan ang lahat,
at huwag kang sumang-ayon sa bawat sabihin ninuman.
Ganyan ang gawa ng mga taong sinungaling.

10 Magpakatatag ka sa iyong mga patakaran,
at panindigan mo ang iyong sinabi.

11 Lagi kang manabik sa pakikinig,
at maging maingat ka sa pagsagot.

12 Kung nauunawaan mo ang pinag-uusapan, sumagot ka;
ngunit kung hindi, itikom mo ang iyong bibig.

13 Ang pananalita'y maaaring ikarangal o ikapahiya;
ang dila ng isang tao'y maaaring ikapahamak niya.

14 Huwag kang pabalitang isang tsismoso,
at huwag kang magkakalat ng balitang makakapinsala sa sinuman.
Kung paanong ang mga magnanakaw ay mapapahiya,
ang sinungaling naman ay kamumuhian.

15 Pag-ingatan mong huwag magkulang sa malaki o maliit mang bagay,
at huwag kang maging kaaway sa halip ay manatiling isang kaibigan.

Ang Pakikipagkaibigan
5 Ang magiliw na tinig ay nakakaakit ng maraming kaibigan,
at ang matamis na pananalita'y susuklian ng magandang sagot.

6 Makipagbatian ka sa maraming tao,
ngunit isa lamang sa sanlibo ang hihingan mo ng payo.

7 Bago ka makipagkaibigan kaninuman, subukin mo muna siya,
at huwag mo siyang pagtitiwalaan agad.

8 Sapagkat may mga kaibigang mapagsamantala
na di mo maaasahan sa oras ng pangangailangan.

9 May kaibigang hindi nagtatagal at nagiging kaaway mo,
at ibubunyag pa niya ang pagkakagalit ninyo,
palalabasin ka pa niyang kahiya-hiya.

10 Mayroon ding kaibigang kasalu-salo mo sa pagkain,
ngunit pababayaan ka sa oras ng kagipitan.

11 Sa kasaganaan, didikit siya sa iyo na parang anino,
uutusan niya pati ang mga katulong mo;

12 ngunit sa kasawia'y pababayaan ka niya,
pagtataguan ka, at di mo na siya makikita.

13 Lumayo ka sa kaaway,
at mag-ingat ka sa kaibigan.

14 Ang matapat na kaibiga'y parang matibay na kanlungan,
kapag nakatagpo ka ng tulad niya'y para kang nakahukay ng kayamanan.

15 Walang kasinghalaga ang matapat na kaibigan;
hindi siya matutumbasan ng gaano mang salapi.

16 Ang matapat na kaibiga'y parang gamot na nagbibigay-buhay,
at siya'y matatagpuan lamang ng mga may paggalang sa Panginoon.

17 Ang may paggalang sa Panginoo'y makakatagpo ng tapat na kaibigan,
at ang mga kaibigan niya'y tulad niyang may paggalang sa Panginoon.

Matuto ka sa Karunungan
18 Anak, mula pa sa iyong kabataan pahalagahan mo na ang Karunungan,
at kapag tumanda ka'y patuloy mo siyang makakamtan.

19 Linangin mo ang Karunungan
gaya ng ginagawa ng magsasaka sa kanyang bukirin,
at mag-aani ka nang masagana;
magpagod kang sumandali sa pag-aalaga sa kanya,
at lalasap ka ng masarap niyang bunga.

20 Mahirap siyang kamtan ng ayaw mag-aral,
hindi magtitiyaga sa kanya ang may mahinang kalooban.

21 Para sa mangmang, ang Karunungan ay batong mabigat
na di magtatagal at kanyang ibabagsak.

22 Ang Karunungan a ay talagang mahirap kamtan,
iilan lamang ang tunay na nakakakilala sa kanya.

23 Makinig ka, anak ko't narito ang aking tagubilin,
huwag mong tanggihan itong aking payo.

24 Bayaan mong gapusin ng Karunungan ang iyong mga paa,
at isuot sa iyong leeg ang pamatok niya.

25 Yumuko ka at nang makasakay siya sa iyong balikat,
at huwag kang maghimagsik sa kanyang kapangyarihan.

26 Buong puso mo siyang suyuin,
at sundin nang buo mong lakas ang kanyang mga tuntunin.

27 Hanapin mo siya at siya'y iyong matatagpuan,
at minsang mahawakan ay huwag mo nang pakakawalan.

28 Sa wakas, malalasap mo ang ginhawang dulot niya,
at siya ay magiging kaligayahan mo.

29 Ang mga tanikala niya'y magiging sandata mo,
at ang kanyang pamatok ay maharlikang kasuotan.

30 Ang pamatok niya'y magiging isang gintong hiyas,
at ang tali niya'y pamigkis na bughaw.

31 Isusuot mo siyang parang damit na marilag,
at ipuputong siya sa iyo bilang korona ng kagalakan.

32 Kung nais mo'y magiging marunong ka;
magsikap ka lamang, ikaw ay magiging matalino.

33 Kung mawilihin kang makinig, ikaw ay matututo;
at kung pahahalagahan mo ang iyong narinig, ikaw ay dudunong.

34 Kapag dumalo ka sa kapulungan ng matatanda,
piliin mo kung sino sa kanila ang marunong at sa kanya ka pumanig.

35 Maging masigasig ka sa pakikinig ng aral ng mga makadiyos,
at huwag mong kaliligtaan ang mga makahulugang talinhaga.

36 Kapag nakatagpo ka ng isang matalino,
agapan mo ang pagdalaw sa kanya;
at puntahan mo siya nang malimit hanggang sa ikaw na lamang ang makapudpod sa pasukan ng kanyang bahay.

37 Sundin mo ang mga batas ng Panginoon,
lagi mong pag-aralan ang kanyang Kautusan,
at palilinawin niya ang iyong pag-iisip,
at kakamtan mo ang karunungang iyong minimithi.

Ecclesiastico 12: 1-18

Mga Tuntunin sa Paggawa ng Mabuti
1 Kung gagawa ka ng mabuti, tiyakin mo kung kanino mo gagawin iyon,
upang pasalamatan ka sa iyong pagmamagandang-loob. a

2 Kapag gumawa ka ng mabuti sa taong maka-Diyos,
tiyak na tatanggap ka ng gantimpala;
kung hindi mula sa kanya, ay mula sa Kataas-taasan.

3 Walang matatamong kabutihan ang gumagawa ng masama,
o ang hindi tumutulong sa mga dukha.

4 Tulungan mo ang mga taong may takot sa Diyos,
huwag ang mga makasalanan.

5 Gawan mo ng mabuti ang mababang-loob;
huwag mong bigyan ng anuman ang palalo.
Huwag mo siyang bibigyan ng pagkain;
gagamitin lamang niya ang kabaitan mo laban sa iyo.
Patung-patong na kapinsalaan ang sasapitin mo,
bilang ganti sa kabutihang ginawa mo sa kanya.

6 Pati ang Kataas-taasang Diyos ay napopoot sa makasalanan,
at paparusahan niya sila sa takdang panahon.

7 Ang bigyan mo ay ang mabubuting tao,
at huwag mong tulungan ang mga makasalanan.

Tunay at Di Tunay na Kaibigan
8 Sa panahon ng kasaganaan, hindi mo makikilala ang tunay na kaibigan,
at sa panahon naman ng kasawian, hindi maikakaila ang kaaway.

9 Kapag ikaw ay masagana, pati ang kaaway ay nagmamagandang- loob, b
ngunit pagsapit ng dagok ng kapalaran, mawawala ang mga kaibigan.

10 Huwag kang magtitiwala kailanman sa kaaway;
kung paanong ang kalawang ay sumisira sa bakal,
ang galit niya sa iyo'y pilit na iiral.

11 Kahit na siya'y lumapit sa iyong maamo at mapayapa,
mag-ingat ka, at manatili kang handa.
Ang katulad niya'y salaming metal,
sinisira ng kalawang kapag hindi kinuskos.

12 Huwag mo siyang patatayuin sa tabi mo,
baka patalsikin ka niya at kunin ang iyong puwesto.
Huwag mo rin siyang pauupuin sa iyong kanan,
baka agawin pa niya sa iyo ang iyong luklukan.
At saka mo lamang mauunawaan ang payo ko,
at magsisisi ka kapag naalala mo iyon.

13 Sinong maaawa sa tawak kapag siya'y natuklaw ng ahas,
o sa taong nag-aalaga ng mabangis na hayop, kung siya'y silain nito?

14 Wala ring maaawa sa taong nakikisalamuha sa masasama,
kung dahil sa mga ito'y masangkot siya sa kasalanan ng iba.

15 Habang ikaw ay matatag, ang kaaway ay hindi hahakbang laban sa iyo,
ngunit kapag ikaw ay bumagsak, hindi niya palalampasin ang pagkakataon.

16 Magagandang salita ang namumutawi sa labi ng kaaway,
ngunit ang iniisip niya'y ang iyong kapahamakan.
Maaaring iyakan ka pa niya kunwari,
subalit kapag nagkaroon siya ng pagkakataon,
hindi niya panghihinayangan ang iyong buhay.

17 Kapag dinatnan ka ng sakuna,
lalapitan ka niya kunwari upang tulungan ka,
ngunit ang totoo, upang ikaw ay lalong ilubog.

18 Pagkatapos, buong kasiyahang ipamamalita niya ang nangyari sa iyo,
at sa gayo'y mapagkikilala ang tunay niyang kulay.

At pagkatapos ay lumikha ka ng posibilidad ng dynamikang aktibidad habang sa parehong oras dinadala ang walang hanggang katahimikan, kawalang hangganan, at malikhaing kaisipan. Ito ang katangi-tanging kumbinasyon ng katahimikan, kawalang hangganan, walang katapusan, kasama ang dynamikang kaisipan, ang indibidwal na kaisipan ay ang perpektong balanse ng katahimikan at paggalaw nang magkakasabay na maaaring lumikha ng kahit anong bagay na gusto mo. Ito ang magkakasamang buhay ng kabaligtaran, ng katahimikan at dinamika sa parehong oras. Na gagawa sa iyo upang maging independiyenteng sa mga sitwasyon, sa mga pangyayari, sa mga tao, at sa mga bagay.
Kapag tahimik na Kinikilala mo ang katangi-tanging magkakasamang buhay ng mga kasalungatan, ma-ihahanay mo ang iyong sarili sa mundo ng enerhiya. Ang kuwantum ng mga di-materyal na bagay mga bagay na hindi nakikita ang pinagmulan ng materyal na mundo. Ang mundo ng enerhiya ay tuluy-tuloy, dinamika, nababanat, nagbabago, at magpakailanman sa pag-galaw.
At  ito ay hindi nag-babago, tahimik, walang hanggan, at payapa.
Ang Katahimikan ay posibilidad para sa pagkamalikhain, ang pag-kilos ay pagkamalikhaing hinihigpitan
ng ilang aspeto ng mga pagpapahiwatig. Ngunit ang kumbinasyon ng mga pagkilos at katahimikan ay nagbibigay-daan sa iyo upang mapalabas ang iyong pagkamalikhain sa lahat ng mga direksyon. Saanman dalhin ng iyong kapangyarihan ang iyong atensyon ang magdadala sa iyo.
Saan ka man pumunta sa gitna ng pagkilos at aktibidad, dalhin mo ang iyong katahimikan sa loob ng iyong pagkatao. Pagkatapos ang magugulong mga kilusan na nasa paligid mo ay hindi kailanman  magiging higit na mahalaga sa iyong daanan sa sisidlan ng iyong pagkamalikhain, ang bukirin ng dalisay na posibilidad.
Dahil ang kaisipan ay nakakaimpluwensya sa bawat selula ng katawan, ang pagtanda ay sunud-sunuran at nababago, maaari itong mapabilis, pabagalin, itigil oras, at kahit baligtarin ang pag-galaw. Daan-daang mga natuklasang pananaliksik mula sa huling tatlong dekada ay napatunayan
na ang pagtanda ay mas nakasalalay sa indibidwal kaysa kailanman pinangarap ng sa nakaraan. Ang tunay na kapangyarihan ng katawan ay nasa paniniwala ng kaisipan.
Ang pisikal na mundo, kabilang ang ating katawan, ay tugon sa tagamasid. Nalilikha natin ang ating katawan habang nililikha natin ang ating karanasan sa mundo.
Sa kaniyang mahalagang estado, ang ating mga katawan ay binubuo ng enerhiya at impormasyon, hindi ng matigas na bagay. Ang enerhiya at impormasyon ito ay isang pag-ani ng mga walang katapusang  patlang ng enerhiya at impormasyon na sumasaklaw sa uniberso.

Biyernes, Marso 27, 2015

Ang katawan ay walang iba kung hindi ang pinagsama-samang hilaw na materyal kabilang ang mga buto, abo, dugo, iron, kalsyum at balat.



Ang katawan ay walang iba kung hindi ang pinagsama-samang hilaw na materyal kabilang ang mga buto, abo, dugo, iron, kalsyum at balat.
Habang ikaw ay kumonsulta sa iyong personal na kasaysayan makikita mo ang maraming nakaka-istorbong karanasan tungkol sa kahalagahan ng katawan.

Ikaw ay tinuturuan ng iyong mga magulang na humarap sa salamin at tingnan ang iyong hitsura, pustura, katawan, balat, buhok, timbang, tangkad at iba pa.
Ngunit ito ang iyong  huwad na sarili. Ikaw ang may-ari ng katawan, ngunit hindi ikaw ang katawan. Hindi ikaw ang iyong kaisipan.
Ipinahihiwatig nito na ikaw ang may-ari ng isip. Ikaw ang naglalarawan ng kaisipan sa iyong isip samakatuwid ito ang mga iniisip at andoon ang nag-iisip ng ​​iniisip.
Madalas sa iyong buhay ikaw ay tinuruan na ikaw ang iyong iniisip. Ikaw ay nag-sasanay ng iyong talino, nag-aaral sa klase at tinutukoy na ang iyong sarili kahit paano ay kung ano ang iyong alam.
Habang iniiwan mo ang iyong personal na kasaysayan sa likuran iniiwan sa likod ang paniniwala na ikaw ang iyong kaisipan.
Hindi ikaw ang iyong trabaho.  hindi ikaw ang engineer, guro,  sekretarya o  tagabantay ng shop.  Ito ay mga pagpipilian na binigay ng hindi nakikitang banal na kapangyarihan na gumawa sa atin bilang iyong paraan sa pagtupad ng iyong dakilang misyon habang bumibisita ngayon dito.
Kapag nadaragdagan ang iyong posisyon ito ang tutukoy kung sino ka kaya mas mahirap para sa iyo malaman ang katotohanan at kalayaan. Ang tungkulin ng pagkakakilanlan mismo ang maglalayo mula sa iyong mataas at tunay na sarili. Dahil ang papel na ginagampanan sa trabaho ay ang nangingibabaw na puwersa sa iyong buhay.
Bitiwan ang iyong personal na kasaysayan kailangang punitin ang  mga paniniwala na ikaw ay kung ano ang ginagawa mo. Tandaan ang pag-eehersisyo sa lohikang ito kung ikaw ay kung ano ang ginagawa mo, paano kung hindi mo na ito ginagawa hindi ka na  ito.
Gumawa ng pagsusumikap upang alisin ang mga label mula sa iyong sarili at malaman na ikaw ay hindi kung ano ang ginagawa mo. Ikaw ang nanonood sa sarili mo sa mga ginagawa mo.
Hindi ikaw ang iyong mga ka-relasyon. Tiyak ang enerhiya ng pag-ibig sa pagitan mo at lahat ng mga malalapit sa iyo ay makabuluhang ngunit ito ay hindi kung sino ka.
Hindi ikaw ang iyong bansa o iyong lahi o iyong relihiyon itapon ang pangalan lalo pagnagpalit ka pagkatapos ng ilang taon ng makilala mo ang lupain ng espiritu sa halip na ang mundo ng ego o ng pagiging makasarili. At ikaw ay hindi handang lumaban sa laban ng iyong mga ninuno na sinusubukan kumumbinsi sa iyo kung sino ang dapat mong kamuhian at sino ang dapat mahalin.

Levitico 19: 1-37

Mga Tuntunin Tungkol sa Kabanalan at Katarungan
                1 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 2 "Sabihin mo sa buong sambayanan ng Israel, 'Magpakabanal kayo, sapagkat akong si Yahweh na inyong Diyos ay banal. 3 Igalang ninyo ang inyong ama at ina. Ipangilin ninyo ang Araw ng Pamamahinga. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.
                4 "Huwag kayong maglilingkod sa mga diyus-diyosan ni gagawa ng mga imahen upang sambahin. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.'
                5 "Kung maghahandog kayo sa akin ng handog pangkapayapaan, gawin ninyo iyon ayon sa mga tuntuning ibinigay ko upang maging kalugud-lugod sa akin. 6 Dapat ninyong kainin iyon sa mismong araw na iyo'y inihandog o sa kinabukasan. Kung may matira ay sunugin ninyo. 7 Kung iyon ay kakainin sa ikatlong araw hindi magiging karapat-dapat ang inyong handog. 8 Magkakasala at dapat parusahan ang kakain niyon sapagkat iyon ay paglapastangan sa isang bagay na banal; dapat siyang itiwalag sa sambayanan.
                9 "Kung mag-aani kayo sa inyong bukirin, itira ninyo ang nasa gilid, at huwag na ninyong balikan ang inyong naanihan. 10 Huwag ninyong pipitasing lahat ang bunga ng ubasan ni pupulutin man ang mga nalaglag, bayaan na ninyo iyon para sa mahihirap at sa mga dayuhan. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.
                11 "Huwag kayong magnanakaw, mandaraya, o magsisinungaling. 12 Huwag kayong manunumpa sa aking pangalan kung ito ay walang katotohanan. Iyon ay paglapastangan sa pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
                13 "Huwag ninyong dadayain o pagnanakawan ang inyong kapwa. Huwag ninyong ipagpapabukas ang pagpapasweldo sa inyong mga manggagawa. 14 Huwag ninyong mumurahin ang mga bingi at lalagyan ng katitisuran ang daraanan ng mga bulag. Matakot kayo sa Diyos. Ako si Yahweh.
                15 "Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang mahihirap o kaya'y katatakutan ang mayayaman. Humatol kayo batay sa katuwiran. 16 Huwag kayong magkakalat ng anumang nakakasira ng puri ng inyong kapwa, ni sasaksi laban sa inyong kapwa upang ipahamak lamang siya. Ako si Yahweh.
                17 "Huwag kayong magtatanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip, makipagkasundo ka sa kanya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. 18 Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kababayan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Ako si Yahweh.
                19 "Sundin ninyo ang aking mga tuntunin. Huwag ninyong palalahian ang hayop na inyong alaga sa hayop na di nito kauri. Huwag din kayong maghahasik ng dalawang uri ng binhi sa isang bukid. Huwag kayong magsusuot ng damit na yari sa dalawang uri ng sinulid.
                20 "Kung ang isang lalaki'y sumiping sa kanyang aliping babae na nakatakdang pakasal sa iba ngunit di pa natutubos o napapalaya, dapat itong siyasatin. Hindi sila dapat patayin, sapagkat di pa napapalaya ang aliping babae, 21 ngunit ang lalaki'y magdadala ng isang tupang lalaki bilang handog na pambayad sa kanyang kasalanan. Dadalhin niya ito sa pintuan ng Toldang Tipanan 22 at ihahandog ng pari. Sa gayon, siya'y patatawarin.
                23 "Pagdating ninyo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, tatlong taon kayong hindi kakain ng bunga ng mga punong tanim ninyo roon. 24 Sa ikaapat na taon, ang mga bunga nito'y ihahandog ninyo sa akin bilang pasasalamat. 25 Sa ikalimang taon, makakain na ninyo ang mga bunga nito, at ang mga ito'y mamumunga nang sagana. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.
                26 "Huwag kayong kakain ng anumang karneng may dugo. Huwag kayong manghuhula o mangkukulam. 27 Huwag kayong pagugupit nang pabilog at huwag magpapaahit o magpapaputol ng balbas. 28 Huwag kayong maghihiwa sa katawan dahil sa isang namatay ni maglalagay ng tatu. Ako si Yahweh.
                29 "Huwag ninyong itutulak ang inyong mga anak na babae sa pagbebenta ng panandaliang-aliw sa templo sapagkat iyon ang magiging dahilan ng paglaganap ng kahalayan sa buong lupain. 30 Igalang ninyo ang Araw ng Pamamahinga at ang aking santuwaryo. Ako si Yahweh.
                31 "Huwag kayong sasangguni sa mga kumakausap sa mga espiritu ng mga namatay o sa mga manghuhula. Kayo'y ituturing na marumi kapag sumangguni kayo sa kanila. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.
                32 "Tatayo kayo kapag may kaharap na matanda. Igalang ninyo sila at matakot kayo sa Diyos. Ako si Yahweh.
                33 "Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhang kasama ninyo. 34 Ibigin ninyo sila at ituring na kapatid. Alalahanin ninyong naging mga dayuhan din kayo sa Egipto. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.
                35 "Huwag kayong mandaraya sa pagsukat, pagtitimbang o pagbilang ng anuman. 36 Ang inyong timbangan, kiluhan, sukatan ng harina, at sukatan ng langis ay kailangang walang daya. Ako ang nag-alis sa inyo sa Egipto. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos. 37 Sundin ninyo ang lahat kong tuntunin at kautusan. Ako si Yahweh."
Hindi ka na sumasali sa isang maka-tribong kamalayan na kung saan pinaniniwalaan mo na ang iyong sarili ay mas mahusay kaysa sa iba pa dahil sa kagalingan ng lugar ng iyong kapanganakan o kulay ng iyong balat.
Ang iyong personal na kasaysayan ay nagturo sa iyo ng mga paraan ng iyong tribo. Ito ay mga limitasyon na hindi mo kailangang magkaroon. Bitawan ang pagkakakilanlan ng mga label at pumili ng isang bagong pananaw ng pagkakaisa ng kamalayan. Ikaw ay kaisa sa lahat ng kaluluwa.
Ang iyong pagkakakilanlan o lokasyon ay simpleng walang katuturan.
Ito na ang oras upang simulan ang mga gawain ng pagkilala sa pagpapakawala ng mga paniniwala at opinyon na hindi umaangkop sa iyong bagong kasunduan sa realidad.
Tingnan ang ilan sa mga enggrandeng mga paniniwala at alisin ito mula sa iyong kamalayan.
Ang iyong personal na kasaysayan ay sagana sa mga paniniwala. Ang mga paniniwalang ito ay nasa kaibuturan ng iyong pag-unawa at ito ay bumubuo ng iyong realidad.
Ginamit mo ang mga ito upang ipaliwanag kung bakit ang iyong buhay ay nagsagawa ng ganoong mapang-husgang destinayon. Lutasin upang alisin ang mga hindi kasang-ayon sa bagong kasunduan sa iyong nililikhang realidad.
Ikaw ngayon ay hinihilingan na kilalanin at pagkatapos ay baguhin ang mga kaibuturang paniniwala na hindi mo na kailangan. Maaari kang mag-isip kung bakit ang isang tao ay kumakapit sa mga hindi kailangang mga sistema ng paniniwala..
Sinabi ng isang Dtef master ang dahilan kung bakit ang mga tao ay nagpapatuloy sa pag-ulit sa kanilang sariling mga negatibong kalakaran. Ang kasiyahan o kabiguan ay mga aspeto ng kaisipan at ang ating mahalagang kalikasan ay kaligayahan, ngunit nakalimutan natin ang tunay na sarili at naiisip na ang katawan o ang kaisipan ay ang ating sarili, ito ay maling pagkakakilanlan na nagbibigay sa pagtaas ng kalungkutan.
Kaya ano ang dapat gawin? Ang kinaugaliang pag-iisip ay antigo na at ito ay nagpatuloy makalipas ang kapanganakan samakatuwid ito ay lumagong malakas na dapat alisin bago ang mahahalagang katangian ng kaligayahan ay mahayag sa kaniyang sarili.
Ang sagradong aklat ay maaaring makatulong sa iyo upang masagot ang mga retorikang katanungan na ipinapaskil sa pamamagitan ng iba't ibang mga tao, ano ang dapat gawin?

Roma 12: 1-21

Pamumuhay Cristiano
               1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba a ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.
               3 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at magkakaiba ng gawain ang bawat isa, 5 gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.
               9 Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11 Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatiran at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.
               14 Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. 
               17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal. 18 Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, "Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon." 20 Subalit, "Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo." c 21 Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Narito ang ilang sa mga pinaka-karaniwan at mahirap baguhing mga paniniwala na lumalago sa ating sibilisasyon. Suriin ang bawat isa sa mga pangunahing paniniwalang ito sa mga tuntunin ng kung paano ito ay nagpapatakbo sa iyong sariling buhay.
Pagkatapos isaalang-alang ang ilan sa mga mungkahi na aming inaalok. Sa proseso ito ay sumusulat ka muli ng iyong bagong kasunduan sa iyong bagong realidad.
At marahil lumilikha ng iyong kasagutan sa mga katanungang, ano ang dapat gawin?
Tandaan na ang iyong buong buhay ay nag-aalala sa pagkakaroon ng enerhiya. Kung mas maraming mga paniniwala na naaalis mula sa iyong mga panloob na espasyo magkakaroon ng mas marami pang mga kuwarto para sa mga bagong enerhiya.
Tanungin ang iyong sarili kung ang mga paniniwala ito ay isa sa nais mong panatilihin o alisin? At panatilihing bukas ang isipan na ang paniniwalang ito ay hindi nakakatulong sa iyo at ang mga ito ay mga kasinungalingan na nakatira ng walang katapusan.

Efeso 4:

Ang Pagkakaisa sa Espiritu
               1 Kaya't ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. 2 Kayo'y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa't isa. 3 Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na kaloob ng Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo. 4 May iisang katawan at iisang Espiritu, tulad ng may iisang pag-asa nang kayo'y tawagin ng Diyos. 5 Tayo'y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, 6 iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat.
               7 Ang bawat isa sa ati'y nakatanggap ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Cristo. 8 Ganito ang sinasabi ng kasulatan:
"Nang umakyat siya sa kalangitan,
nagdala siya ng maraming bihag,
at nagbigay ng mga kaloob sa mga tao."

               9 Anong ibig sabihin ng "umakyat siya"? Ang ibig sabihin niyan ay bumaba muna siya sa mga kailalimang bahagi ng lupa. a 10 Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang presensya ang lahat ng nilikha. 11 At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at guro. 12 Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesya, 13 hanggang makamtan natin ang iisang pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo. 14 Nang sa gayon, hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at panlilinlang. 15 Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat. 16 Sa pamamagitan niya, ang mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan ay magiging isang katawan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lalaki at lalakas sa pamamagitan ng pag-ibig.
Ang Bagong Buhay kay Cristo
               17 Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. 19 Sila'y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.
               20 Hindi ganyan ang natutuhan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutuhan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. 22 Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
               25 Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. 26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan. 29 Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig. 30 At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw. 31 Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
Narito ang unang paniniwala na kailangan mong lipulin mula sa iyong buhay. Na ang pagkakaroon ng mas marami ay mas mabuti.
Ang pagtugis sa pagkakaroon ng mas marami ay nagtatali sa isang buhay ng pagsisikap at hindi posible para sa isang tao na puro pagsisikap at masisiyahan sa buhay. Ang ilan sa mga palatandaan na ang pagkakaroon ng mas marami ay mas mabuti ay naging isang pundasyon ng iyong buhay ay ang mga sumusunod:
Dapat kang maging abala upang maging kumpleto at masaya. Kailangang kumita ng mas maraming pera kaysa sa kinikita sa  kasalukuyan. Dapat kang makakuha ng promosyon upang patunayan ang iyong halaga sa trabaho. Kailangan mong magkaroon ng mas marami pa sa lahat ng bagay.
Upang palitan ang mga ito, ikaw ay magnanais magdeklara ng paghinto sa iyong patuloy na pagtugis sa pagkakaroon ng mas marami sa pamamagitan ng pagka-alam na hindi mo kailangan ang anumang bagay upang maging malaya.
Ang pagkakaroon ng paniniwala na ang pagkakaroon ng mas marami ay nagpapanatili sa atin sa eksklusibong pisikal na dominyo. Ang espirituwal na sarili ay hindi pinapahintulutan sa ating araw-araw na buhay.
Ang panloob na enerhiya ay nakatuon sa akumulasyon, sa pagtatamo, sa premyo, sa tropeo, sa pag-apruba ng iba at sa pera.
Ang ilang mga tao ay nakararanas ng pagkakasala, ng kahihiyan at pagsisi kapag sa tingin nila sila ay nagiging tamad at walang halaga. At sa palagay nila iresponsable sila kapag hindi nila tinutugis ang pagkakaroon ng mas marami.
Tayo ay tinuruan sa maagang panimula sa paaralan upang patuloy na kumuha ng mas mataas na marka, diploma at higit pang panlabas na mga titulo.
Walang kapayapaan sa ganitong pagtugis. Ang pakiramdam ng kapayapaan ay naroon kapag ikaw ay nakaharap papalayo mula sa paniniwalang ang pagkakaroon ng  mas marami ay mas mabuti. Ito ay nagpapahiwatig na ang iyong espirituwal na sarili ay tumatawag sa iyo. Ang mabuti at ang matalino ay humahantong  sa tahimik na buhay.
Hindi dahil sa pagtugis ng pagkakaroon ng marami ay masama na inilalagay natin ito sa unahan sa ating listahan. Ito ay dahil inaalis sa iyo ang kapayapaan at armonya na natural na kasama sa iyong banal na pakikipagsapalaran. Hindi mo kailangang maging makupad upang makakuha ng kapayapaan.
Maaari mong abandunahin ang ideya na ang pagkakaroon ng mas marami ay mabuti at palitan ito ng isang panloob na katahimikan na hindi kailangang magkaroon ng mas marami upang maging katanggap-tanggap.
Nakatanggap ka ng mga paniniwala mula sa isang walang katapusang tanikala ng mga tao na pumapayag na maging biktima sa maraming mga henerasyon. Kapag inalis ang mga paniniwala ito ikaw ay mabubuksan sa isang panloob na imbakan ng espasyo na magbibigay-daan sa iyo upang mag-ipon ng iba't ibang uri ng enerhiya at ididirekta ka patungo sa kapayapaan sa halip na patungo sa kaguluhan at karamdaman.
Suriin nang mabuti kung gaano karaming enerhiya ng iyong buhay ang ginagamit sa pagtugis ng kung ano ang hindi mo gusto o kailangan. Magsanay ng isang araw sa bawat pagkakataon sa ideya ng pagsasabi na hindi ang pagkakaroon ng mas marami ay nagpapaligaya sa sarili mo.
Isang mariing hindi ko tutugisin ang bagay na iyon. Sa halip na tugisin ang pagkakaroon ng mas marami mas mabuting gamitin ang oras sa pakikipaglaro kasama ang iyong anak na lalaki o apong babae, basahin ang biblia sa halip na habulin ang isa pang bagay.
Maglakad sa kahabaan ng tabing ilog sa halip na ubusin ang oras sa pagsubok upang laging nauuna at nakakalamang.  
Kung ikaw ay pinalaki sa paninisi ito ay isang ugali para sa iyo upang makagawa ng dahilan kapag ninanais mong ipaliwanag kung bakit hindi gumagana ang isang bagay sa iyong buhay.

Efeso 3:

Ang Pag-ibig ni Cristo
               14 Dahil dito, ako'y lumuluhod sa Ama, 15 na siyang pinagmulan ng bawat sambahayan sa langit at sa lupa. 16 Idinadalangin kong palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. 17 Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya. Dalangin ko na ang lahat ng inyong gawain ay nag-uugat sa pag-ibig 18 upang lubusang maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, gaano kahaba, gaano kataas, at gaano kalalim ang kanyang pag-ibig. 19 At nawa'y malaman ninyo ang buong pagibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip upang kayo'y mapuspos ng kapuspusan ng Diyos.
               20 Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin; 21 sa kanya ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo Jesus magpakailanman! Amen.
Maaari mong halimbawang sisihin ang kakulangan ng kasaganaan sa maraming panlabas na kadahilanan tulad ng iyong kultura, sa iyong  stock market, sa ekonomiya, sa mga pulitiko, sa iyong mga magulang, sa iyong partner, at sa kasakiman ng iba.
Maaari mong sisihin ang iyong minanang sakit sa iyong angkan, sa panahon ng trangkaso, sa kamalasan at sa kapaligiran.
Ang iyong mapait na relasyon ay maaaring isisi sa iyong partner sa kaniyang kawalan ng kakayahang mahalin ka,o sa pagpapalaki sa iyo  o sa iyong mga magulang.
Ang iyong personalidad ay maaaring isisi sa iyong mga magulang o sa iyong genes o sa iyong pagkabata o sa iyong mga kapatid o sa pagkakasunod-sunod ng iyong kapanganakan.

At ang iyong pisikal na hitsura ay maaaring kasalanan ng genetika, ang mga tagagawa ng pagkain, ng advertisers o ng maruming kapaligiran. Ito ay isang potensyal ng walang katapusang listahan.
Ang alternatibo sa paninisi ay responsibilidad ng sarili na maging isang nakadirekta sa panloob na sarili. Ikaw ay maaaring hindi  tinuruan na isaalang-alang ang pagkuha ng responsibilidad para sa mga kaganapan ng iyong buhay.
Ngunit kung hindi mo gustong putulin ang laro ng paninisi hindi mo magagawang simulan ang paghahanap sa iyong banal na pakikipagsapalaran.
Kapag ikaw ay nakakiling mag-isip na may ibang tao ang responsable para sa iyong sitwasyon. Manalangin ng pagpapasalamat para sa leksiyon. Ang leksiyon ay upang malaman na ikaw ang nakakaranas ng pakiramdam. Maaari mo itong gawin sa sandaling makilala mo ang iyong sarili sa paglalaro ng mga laro ng paninisi.
Makaramdam ng-pagpapasalamat patungo sa mga taong nakasakit sa iyo. Magbigay ng panloob na pagpapasalamat para sa paalala na ang pakiramdam na iyong nararanasan ay nasa loob mo at  hindi nasa labas mo.
Sabihin sa iyong sarili hindi ko nais maging tama, gusto kong malaman ang katotohanan. Gusto ko na ang mas mataas kong sarili ang mamuno. Walang dapat sisihin sa aking pakiramdam ito ay ang aking pakiramdam at igagalang ko ito.
Itong mga uri ng mga paninindigan ay hahantong sa iyo para sa tiwala sa sarili at sasagot sa daan sa isang banal na pakikipagsapalaran. Ang iyong espirituwal na kaluluwa ay magiging   liwanag na gabay para sa natitirang oras sa ngayon.
Ang isa pang paniniwala na mayroon ka na kinakailangang alisin sa iyong sarili ay ang idealismo na hindi maaaring umiral kasama ang katotohanan. Huwag maging tulad ng isang taong mapangarapin maging makatotohanan. Kalimutan ang  iyong pagpipigil, tumingin sa paligid mo ng kung ano ang nangyayari. Ito ang totoo.
Narinig mo ba ang katulad na pagpapahayag madalas sa iyong buhay? Kung madalas malamang na makakabuo ka ng mga saloobin tungkol sa kung ano ang posible mula sa kung ano ang imposible.
Kung ang paniniwala na nakahimok sa iyo ay may label na imposible marahil isasakripisyo mo ang mga ito para sa isang paraan upang tingnan ang iyong mundo at kung ano ang batayan ng iba sa kung ano ang makatotohanan.
Ang pag-wagsi sa lumang paniniwala tungkol sa realidad ay maaaring maging isang pangunahing gawain patungo sa landas ng banal na pakikipagsapalaran. Handa ka na bang muling isaalang-alang ang iyong pagtingin sa realidad?
Sinabi ng isang dtef master "Kung ang mga pinto ng persepsyon ay nalilinis ang lahat ng bagay ay lilitaw na walang hanggan.
Maaari mo bang isipin ang iyong  realidad sa paraang iyon, ang lahat ng bagay walang hangganan? Kapag ang iyong percepsyon ay pinalawak, walang totoo at walang maisasaisip ang nandoon lamang, ay persepsyon.
Kapag nalinang mo ang ganitong kamalayan, ang iyong realidad ay hindi na tutukoy sa pisikal na mundo. Ang pinaka-maliit na kuwantum na lebel ng oras ay hindi isang realidad. Ang maliliit na butil ay maaaring maging nasa iba pang lugar sa parehong oras at lumitaw at mawala ayon sa kung paano mo oobserbahan ang mga ito at kung ano ang pagsukat na aparato ang iyong ginagamit.
Ang lahat ng ito ay bumubuo ng mga bagong realidad. Laging tandaan na tayo ay nilikha sa parehong enerhiya.
Kung nais mong maabot ang karanasan ng iyong buhay abandunahin ang ideya na ang iyong realidad ay kung ano ang  inuulat ng iyong pandama.
Ang iyong panloob na mundo at lahat ng mga enerhiya ng mas mataas na kamalayan ay lumilikha ng isang realidad napaka-iba mula sa itinuro sa iyo.
Sa ganitong realidad ang iyong mas mataas na espiritu ang mapagmahal na presensya sa loob mo ang nangingibabaw. Sa mundong ito umaasa ka sa isang bagay na medyo iba mula sa iyong karaniwang realidad.
Ang pagpili sa daan ng banal na pakikipagsapalaran ay nangangahulugan na iyong natututunang umasa sa bagong realidad. Bumalik sa pagiging idealista na may panloob na sapantaha tungkol sa mundo ng espiritu. Ang idealista sa loob mo ay masayang gagawin ang sumusunod ayon sa Dtef Masters: umaasa sa mensahe ng guro hindi sa kanyang personalidad. Umaasa sa mga kahulugan hindi sa mga salita. Umasa sa tunay na kahulugan hindi sa ipinahihiwatig. Umaasa sa karunungan ng iyong kaisipan hindi sa iyong ordinaryong mapanghusgang kaisipan.
Ang pagkilala sa Master na nasa loob
"Higit pang mahalaga kaysa sa paghahanap ng guro ay ang paghahanap at pagsunod sa katotohanang itinuturo, dahil sa pamamagitan ng pag-gawa ng koneksyon sa katotohanan na itinuturo matutuklasan mo ang iyong koneksyon sa isang buhay na maestro."
Itinataguyod ang relasyon sa isang guro, guru, o master ito ay isang mahalagang bahagi ng maraming mga espirituwal na mga tradisyon. Ang isang espirituwal na master ay nag-pakadalubhasa sa mga paraan. Tayo ay hindi sunod-sunuran sa master sa paraang tulad ng isang alipin ay sunod-sunuran. Nag-aalok tayo ng ating serbisyo sa master dahil nakikita natin sa kanila ang isang paghahayag ng tunay at mabuti. Natagpuan natin sa kanila ang pagpapatunay ng ating mga panloob na pag-alam at isang hamon sa ating mga delusyon.
Sa teknolohikal na panahong ito, may telekommunikasyon at mabilis na paglalakbay, tayo ay maaaring malantad sa anumang bilang ng mga indibidwal na lumilitaw na naaangkop bilang espirituwal na gabay. Ngunit ito ay mahirap malaman kung alin ang tunay na master at kung alin ang ang nagmamarunongrunungan lamang.
Maaari tayong gumawa ng iba't ibang mga pagsusuri sa mga guro batay sa kanilang pagtuturo at sa kaliwanagan, kadalisayan ng kanilang pag-uugali, ngunit sa paglaon dapat tayong umaasa sa ating matalinong kaisipan, karunungan at sa katunugan sa ating puso para makagawa ng ating mga pagpipilian.
Ang tunay na espirituwal na master ay magdidirekta sa atin pabalik sa ating tunay na likas na katangian. Ilalagay nila tayo para makipag-ugnay sa ating taglay na karunungan at pagkahabag. Papayagan nila tayong maglaan sa emosyonal na sarili at maranasan ang ating mahahalagang pagkatao. Ang master ang maghahati sa ating pagkalito at maling akala at ipapakita sa atin ang ating tunay na sarili.
Upang makilala ang ating guru, kailangang mayroon na tayong daanan sa guru sa loob natin. Ang guru ay sumasalamin pabalik sa atin ng isang katotohanan na  umiiral na sa atin. Ang mga sumusunod na visualisasyon ay inilaan upang matulungan kang maranasan ang iyong panloob na pinagmulan ng karunungan at kahabagan.  Mas mahusay na alam mo ang iyong panloob na liwanag para maging mas madali upang makilala ang bisa ng isang tunay na maydala ng espirituwal na liwanag.
Mag-relaks. Umupo o humiga sa isang kumportableng posisyon at payagan ang kahinahunang dumaloy sa bawat selula, sa bawat hibla ng iyong pagkatao. Payagan ang iyong paghinga na dumating ng natural, ng walang pagsisikip. Habang ikaw ay nagrerelaks at humihinga, maaari mong mapansin ang iyong hininga na mas lumalalim at mas bumabagal.
Maaari mong mapansin ang pagkilos ng iyong tiyan, sa halip na  iyong dibdib. Ituon ang iyong pansin sa iyong paghinga nang walang pagpilit . Hayaang lumabas ang mga hangin ng mapayapa at mahinahon. Habang  ipinagpa patuloy mo itong paghinga, bitawan ang anumang hindi kinakailangang mga tensyon sa kalamnan. Payagan ang iyong mga kalamnan upang maalis ang kanilang katigasan. Hayaan ang iyong mga kalamnan na alisin ang paninigas.
Kapag nagsimula ka ng magingkalmado at relaks, isiping nabigyan ang iyong sarili ng isang kagandahang-loob. Ano ang naramdaman mo?
Isipin mo na ang iyong sarili kapag nakagawa ka ng kagandahang-loob. Ano ang pakiramdam? Isipin ang mga damdamin na kasama sa pagbibigay at pagtanggap ng kabutihan, isipin na nararamdaman mo ito ngayon.
Isipin mo na ang iyong sarili kapag iyong naunawaan ang katotohanan o malutas ang isang problema. Gunitain ang mga pakiramdam na kasama sa tamang pang-unawa.
Isipin mo na ang iyong sarili kapag nakaramdam ka kagalakan. Isipin ang mga pakiramdam na kasama ang kaligayahan.
Pagsamahin ang mga damdamin. Pakiramdaman kung ano ang pakiramdam kung ikaw ay mabait, matalino at masiyahin. Kumuha ng ilang oras upang masiyahan sa mga sensasyon na natatandaan mo na parang sila ay nangyayari ngayon. Ano ang nararamdaman mo?  Nararanasan mo ba ang kasiglahan o kagaanan? Saang   bahagi ng iyong katawan naramdaman? Ang mundo ba ay tila mas lumiwanag?
Obserbahan ang mga damdamin na nararanasan mo. Kung tila negatibo, kung tila hinaharang ang katotohanan, hayaan ang liwanag ng kabutihan, kabaitan at karunungan ang pumawi sa mga ito tulad ng araw na pumapawi sa  hamog na ulap.
Hayaan ang liwanag ng araw na sumikat sa lugar ng iyong puso. Isipin ang isang maliwanag na ilaw doon. Ang liwanag na ito ay kumikinang mula sa iyong puso patungo sa iyong buong katawan, sa iyong buong ispiritu. Sa liwanag na ito ikaw ay magpapatuloy hawakan ang mga damdamin ng kabutihan, pag-unawa, at kagalakan.
Isipin na sa gitna ng liwanag na ito at sa mga mabubuting mga damdamin doon ay lumilitaw ang imahe ng isang dakilang espirituwal na nilikha. Maaaring ito ay iyong kilala, o maaaring ito ay bago sa iyo.
Ito ay isang nilikhang may dakilang pag-ibig at pagkahabag, dakilang karunungan, at dakilang kagalakan. Magsagawa ng koneksyon sa ganitong nilikha. Batiin ang mga ito at tanggapin ng malugod ang kanilang pagdating sa iyong puso. Buksan ang iyong sarili sa pakikinig sa anumang bagay na maaaring nilang sabihin sa iyo.