Ang larawan ng bukas na puso ni Cristo-Jesus
Ang
larawan ng bukas na puso ni Cristo-Jesus ay kapangyarihang nagbibigay
ng ideya na dapat bukas ang isang tao sa lahat ng uri ng hapdi at sa
lahat ng kirot at kalungkutan. Dapat matutong tumanggap ng kalahatan
upang mananatiling bukas sa gitna ng pinagmulang ebolusyon.
Hindi ito nangangahulugan maging Cristo ang iyong pamumuhay sa puro
sakripisyo at paghihirap sapagkat iisa lamang ang naghandog ng buhay
para sa sangkatauhan, hindi mo kailangang maghanap ng mga sakit, kirot
at kalungkutan ngunit kapag ang mga ito ay dumating, na siguradong
dumarating, matuto kang tanggapin ang katotohanan kung ano ito, sa halip
na naghahangad ng iba pang katotohanan. Buksan mo ang iyong puso.
Job 2: 1-13
Sinubok Muli ni Satanas si Job
1 Muling humarap kay Yahweh ang mga anak ng Diyos, a at
naroon din si Satanas. b 2 Tinanong ni Yahweh si Satanas, ang
Tagapagparatang. "Saan ka nanggaling?"
Sumagot si Satanas, "Nagpapabalik- balik at naglilibot ako sa buong daigdig."
3 "Napansin mo ba ang lingkod kong si Job?" tanong ni
Yahweh. "Wala siyang katulad sa daigdig. Mabuti siyang tao, sumasamba sa
akin, at umiiwas sa masamang gawain. Hinimok mo akong pinsalain siya
kahit walang sapat na dahilan, subalit nananatili pa rin siyang tapat sa
akin," sabi pa ni Yahweh.
4 Sumagot si Satanas,
"Kahit anong bagay ay ibibigay ng tao, huwag lamang siyang mamatay. 5
Subukin ninyong saktan ang kanyang katawan at sigurado kong susumpain
niya kayo nang harap-harapan!"
6 Sinabi ni Yahweh, "Kung gayon, gawin mo ang gusto mong gawin sa kanya, huwag mo lamang siyang papatayin."
7 Kaya umalis si Satanas sa harapan ni Yahweh at
tinadtad ng nagnanaknak na sugat ang buo nitong katawan mula ulo
hanggang talampakan. 8 Naupo si Job sa tabi ng basurahan at kinamot niya
ng isang pirasong basag na palayok ang kanyang mga sugat. 9 Sinabi ng
kanyang asawa, "Mananatili ka pa bang matuwid? Sumpain mo ang Diyos at
nang mamatay ka na!"
10 Ang sagot ni Job, "Hindi mo
naiintindihan ang iyong sinasabi. Pagpapala lang ba ang tatanggapin mo
sa Diyos? Hindi ba natin tatanggapin kung bigyan niya tayo ng
pagdurusa?" Sa kabila ng kanyang paghihirap, hindi nagsalita si Job ng
laban sa Diyos.
Ang mga sinaunang espirituwal na tao ay
naniniwala na sa pamamagitan ng puso natin malalaman ang mga tunay na
katotohanan. Ang puso ay may sariling katalinuhan na namumukod tangi
tulad ng ginagawa ng ating utak.
Ang sinaunang espirituwal na mga tao ay naniniwala na ang puso, hindi ang utak,
ang pinagmulan ng karunungan ng tao.
Ang puso ay itinuturing na ang sentro ng kaluluwa at ng mga personalidad.
Sa pamamagitan ng puso nakikipag-usap ang mga banal, na nagbibigay sa
mas mataas na sinaunang taong espirituwal na malaman ang kanilang tunay
na landas.
Ito ay nangangahulugan ng pagtimbang ng mga puso".
Itinuturing na isang mahusay na bagay na mamatay ng may magaan na puso.
Nangangahuugang nabuhay tayo ng maayos at may pag-ibig. Isang
unibersal na yugto sa karanasan ng isang tao ang isang proseso ng
pag-gising sa gitna ng karanasan na ang ating sariling enerhiya ay
enerhiya ng sandaigdigan.
Kapag pinayagan mo ang iyong sarili
na maramdaman ang pag-ibig at pagmamahal, upang maging isang pag-ibig at
pagmamahal, kapag ikinonekta mo ang iyong panloob na mundo at pagkatao
gamit ang mga panlabas na mundo at pagkatao, ang lahat ay iisa. Paano ba
bumubukas ang puso?
Sinasabing, “Ang Diyos ay nananahan sa atin.
1 Corinto 3:
16 Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?
Sagradong Aklat 42
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento