Biyernes, Hulyo 19, 2013

Sagradong aklat contents



Sagradong aklat contents
Ang sikreto ay ang tumingin sa kaloob looban. Dapat nating isaisip na ang ating katawan ay isang templo kung saan naninirahan an ating Panginoong Diyos. Naniniwala kami na ang kabanalan ay nasa bawat isa sa atin, at ang Diyos ay nasa ating mga sarili, kung kaya’t kahit saan man tayo pumunta dapat kasama natin ang Diyos sa kaibuturan ng ating buong pagkatao.
            Mayroon tayong pilosopiya na nagpapahalaga sa buhay at nagtuturo sa mga tao kung paano nila mapapalakas ang kanilang potensyal upang pigilan ang karamdaman, sakit, pighati, kalungkutan, at ang hindi mabilang na kundisyon na hindi naman kinakailangan sa ating buhay, kung susundin lamang natin ang Divinong daan patungo sa kabanalan.
            Ang aming banal na pilosopiya ay nagtuturo sa mga tao kung paano nila kokontrolin ang sarili nilang buhay, kung paano irespeto at alagaan ang kanilang katawan at kung paano mararating at mapapanatili ang kumpletong estado ng kalusugan at balanse, nang sa gayon gaya ng ating mga ninuno, magagawa nating magsaya sa mas mataas na antas ng ating pagkatao.
            Isa itong banal na pilosopiya na pangkalahatan, kung saan ang sansinukob, ang mundo at ang sangkatauhan ay magkakaugnay at dumedepende sa isa’t isa, kung saan ang ating kalusugan ay dumedepende sa iba at gayon din kung paano ang iba ay dumedepende sa atin.
            Ang mga sinaunang tao ay nagturo sa atin kung paano tayo mamumuhay na magkakatugma sa pamamagitan ng magkakaibang level ng ating di matukoy na enerhiya, kasama na ang kapangyarihan at pwersa ng mundo, sansinukob at ibang tao.
            Sa pamamagitan ng pag-eensayo ng mga banal na pilosopiya, matutuklasan natin na ang malakas na kapangyarihan ay nasa loob ng bawat nilalang, at ang ating isip at katawan ay nagtataglay ng sariling natural na kapangyarihan, isang kapangyarihang kayang lumagpas at humamon, gumamot ng karamdaman at rumesolba sa mga sitwasyong kinalalagyan ng mga tao.
            Matutuklasan natin ang daan patungo sa kabang-yaman kung saan ang lahat ng solusyon sa ating problema ay naka-imbak, kung saan ang pinakamalalim na tanong ay mabibigyang kasagutan. 
            Ito ay isang pinagmumulan ng impormasyon na nangagaling sa atin mismong kaloob looban, isang boses na galing sa mas mataas na antas ng ating sarili na nakikipag-usap sa atin.       
            Madidiskubre din natin na habang ineensayo natin ang mga sining na ito at nilalakbay ang ating daan, ay mararating ang isang tiyak na punto kung saan wala nang iba pang posibleng pag-unlad kundi ang gamitin natin ang ating karanasan upang makinabang ang ibang tao at ibahagi ang sikretong kaalaman sa kanila para sa ikabubuti ng kanilang pamumuhay.
            Kung kaya’t dapat nating ilaan ang ating sarili upang turuan ang iba na mayroong matinding pagnanais na marating ang banal na daan. 
            Ang aming mga estudyante ay tinuturuan din na ipamahagi ang karunungan, upang ang buong sangkatauhan ay makinabang.
            Sinasabing ang ilang nangungunang  matandang kaluluwa ay pinukaw upang mag-bahagi at magturo ng mga nakatagong aral at kaalaman na kinakailangan ng kanilang kapwa lalake at babae sa isang partikular na oras sa kanilang kasaysayan.  Ito ang pumukaw sa mga indibidwal kung saan ang kanilang kaluluwa ay bumalik sa matataas na antas ng pag-unlad mula sa mataas na antas ng kakayahan, upang magdala ng mensahe at magbigay ng serbisyo doon sa mga may mas mababang antas ng pag-unlad.  Sila ay namuhay para sa mga taong nasa paligid nila at sila ay nasa katauhan ng mga propeta, pari, clairvoyants at guro.
            Ang ating mga sagradong aklat ay nagtataglay ng kaalamang subok na, natatago at natagpuang tunay sa loob ng libo libong taon. Hindi nga lang lahat ay pinapayagang magkaroon ng kopya nito upang maingatan ang lihim na kaalaman at karunungan.
            Upang marating ang pinakamainam na kalusugan, ang mga sinaunang “Divine Masters” ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng malalim na relaxation, paghinga, visualization at meditasyon, kasabay ang sagradong orasyon; ehersisyo sa kaisipan at galaw ng katawan, kasama na ang pagpapatibay ng espesyal na katangian ng kaisipan at isang kakaibang paraan ng pagpopokus.
            Ang mga pamamaraang ito ang magdadala sa atin upang makamtan ang tila “superhuman powers.” Sa mga hindi nakakaalam ng “Divine Techniques” mali nilang tinatawag ang kapangyarihang ito na “supernatural,” bagama’t ang tanging supernatural na bagay tungkol dito ay ang pagkakaiba ng pag-intindi sa realidad at kung ano ang maaring makamit, ito ay natural na paraan ng buhay at mas mataas na antas ng kamalayan na pinagsama sa napakataas na pag-unawa sa kabanalan at ang pagamit ng ating isipan, mga sikretong orasyon, ritwals at katawang laman.
            Dito ay malalaman mo kung ano ang dapat mong maging negosyo, ano ang nararapat na trabaho, ano ang dapat na kurso sa kolehiyo, sino ang back stabber o naninira sa iyo ng patalikod, kung magkakahiwalay kayo ng iyung asawa o kasintahan, kung ang dahilan ba ng pagkakahiwalay ay dahil ginamitan siya ng gayuma, kung nag sisinungaling ang isang tao, kung nararapat mong kunin ang serbisyo ng isang tao, kung ang partner mo sa negosyo ay hindi magbabago kapag lumaki na ang inyong negosyo at marami pang iba na nakasulat sa sagradong aklat 1.
            Natuklasan ng ating mga Divine Masters na ang buhay ay maaring pahabain, maiwasan, mapigilan ang mga sakit at malagpasan ang mga pagsubok.  Ang ating teknik ay naging paraan na ng pamumuhay, naging isa sa bumubuo ng basehan upang magkaroon ng isang buong pormula para maging matagumpay. Ang ating kaalaman para magtagumpay sa iyung ninanais sa buhay ay ipapalaalam  at ibubunyag sa iyo sa pamamagitan ng mga sagradong aklat.
            Ang ating mga teknik ay subok at napatunayan na.  Ang tuloy tuloy na pagamit ng mga paraang ito ay sagisag ng aming pagiging mabisa. Ang mga solusyon sa iba’t ibang problema na hinaharap natin ngayon ay nakahimlay sa ating mga sarili.
            Ating muling diskubrehin ang karunungan ng ating mga divine masters at matuto mula sa kanila. 
            Ibinunyag nila na posible para sa ating lahat na makamit ang mas maraming bagay sa mas mataas na antas na pamantayan, sa mas maikling oras at hindi kinakailangang magdulot pa ng stress, sapagkat tayong lahat ay isang makapangyarihang nilalang na nagtataglay ng natural na kapangyarihan na walang hangganan kung saan magagawa nating matagpuan ang mundong ating hinahanap.
            Ang tunay na “Divino Member” ay isang nilalang na natututo ng sikreto kung paano paikutin ang araw-araw na may maganda man o pangit na sitwasyon, para sa kanilang benepisyo. 
            Ang sikretong ito ay ang kapangyarihang magpokus sa iyong intensyon o tinatawag na “power of intentional divine focus.”
            Habang binabasa mo ang mga pahina ng mga sagradong aklat , umaasa akong gagamitin mo ang katalinuhang ito sa pang-araw araw na buhay. 

            Para sa iyong pangmatagalang tagumpay, ang susi ay ang araw-araw na pagamit nito.  Ang magiging pangkalahatang resulta ay ang kasiyahan sa pagawa ng mas maraming bagay sa mas maikling oras, mas kaunting pagsisikap at ang pagkakamit ng mas magandang resulta.    
            Nagkaroon ka nang malinaw na desisyon at pagsisikap upang umpisahang basahin ang mga sagradong aklat , ako ay nasasabik at binigyan mo ako ng pribilehiyo upang ituro sa iyo ang pinakamahusay mula sa aking mga natutunan.  Walang anumang bagay ang nagkataon lamang; ito ay itinadhana, kung kaya’t sundan mo ang agos nito.

Ang meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili. Para magawa ang meditasyon dapat tayong lumampas sa ating katawan at kaisipan. Kapag nalagpasan natin ang ating katawan at kaisipan maaabot natin ang ating sarili.             Saka natin matatangap ang masaganang enerhiyang kosmiko.  Kapag mas marami ang ginagawang meditasyon ang ating kaalamang sa sarili ay mas lumalawak. Ngayon, subukan natin at unawain kung ano ang kaalaman? Ang meditasyon ay magdadala sa iyo sa daigdig ng mas mataas na kaalaman.     Ang Kaalaman ay walang iba kung hindi ang karanasan. Ang Karanasan ay walang iba kung hindi ang kinasasangkutan at nararanasan ng iyong sarili. Sa pamamagitan ng madalas na  pagsasanay at pagsasagawa ng  meditasyon tumatanggap tayo ng mas mataas na enerhiya.Kapag tayo ay merong mas mataas na enerhiya ang mas mataas na paglahok ay ating nakakamit sa bawat aspeto ng ating buhay na humahantong sa mas mataas na kaalaman. Sa pamamagitan ng kaalaman makakakuha tayo ng mas mataas na-pang-unawa at karunungan. Sa ganitong pag-unawa mauunawaan natin na hindi lamang tayo nabubuo ng katawan at kaisipan.
            Nauunawaan natin na tayo ay isang mahimalang nilalang. Nauunawaan natin na ang lahat ng mga sitwasyon na dumating sa atin at ang lahat ng ating mga problema na ating nalalagpasan ay dahil sa mas mataas na pang-unawa. Ang mas mataas na enerhiya at ang mas mataas na kaalaman ay nagpapalawak ng ating kamalayan. Ang pagpapalawak ng ating kamalayan ay ang pinaka-layunin ng ating sarili.  Ang mas mataas na kaalaman ay nakukuha lamang sa pamamagitan ng mas mataas na mga pandama tulad ng Third Eye at katawang astral. Ang ikatlong mata ay isang napakalakas na kasangkapan ng kaluluwa upang makakita, makadama at makarinig ng mas mataas na prikwensiya ng mga realidad at katotohanan. Ang tatlong kasangkapan ng kaluluwa ay kilala bilang "ikatlong mata".

            Sa pamamagitan ng pagsasanay at pagsasagawa pa ng higit pang meditasyon mas maraming enerhiya ang dumadaloy kapag mas maraming enerhiya ang dumadaloy nagiging aktibo ang ikatlong mata. Ito ay isang napaka-gandang karanasan sa panahon ng meditasyon sa oras ng aktibasyon ng ikatlong mata makakaramdam tayo ng sensasyon ng pangangati o o sensasyon ng panlalamig sa rehiyon ng noo. Unti-unti tayong makakakita ng iba't ibang mga kulay na umiikot sa ating paligid. Makakarinig tayo ng tumutunog na mga bulong, maririnig natin ang tunog ng paglalakad. Nararamdaman natin na parang naglalakbay tayo sa isang madilim na lagusan. Kapag ang ating katawang eteriko ay nakakatanggap ng sapat na energhiyang kosmiko sa pamamagitan ng mas madalas na meditasyon ang third eye natin ay nagiging perpekto. Rito ay makikita natin ng mas malinaw ang mga pangitain. Kapag perpekto na ang thirdeye makikita natin ang mas maraming bagay ng mas malinaw pa sa pisikal na mga pangitain. Makikita natin ang realidad ng ibang tao, makikita natin ang mga bagay na hindi makikita sa mundo ng limang pakiramdam.
Orasyon upang makatanggap ng malalim na meditasyon:


            Nakakaramdaman tayo ng maraming mga bagay na hindi natin maaaring ipahayag sa mga salita. Nakakarinig tayo ng mga panloob na boses, tunog o tunog ng mga instrumento mula sa iba pang mga prikwensiya. Nakikita natin ang mga Masters kahit wala ang kanilang pisikal na katawan. Nakikita natin ang mga Masters sa isang pisikal na kaanyuang ayon sa ating pagkakaalam. Pagkatapos ng mas maraming meditasyon, unti-unti nating makikita ang mga masters na tulad ng "Maliwanag na ilaw", kahit na sa pamamagitan ng nakikita nating maliwanag na ilaw alam nating ito ang pagkakakilanlan ng ating mga masters. Maririnig natin ang mga mensahe mula sa mga Masters. Nararamdaman natin ang pagpunta natin sa isang lagusan at sa wakas ay sumasama na tayo sa liwanag.

Ang isang paraan upang magkaroon ng daanan sa batawan ay sa pamamagitan ng araw-araw na pagsasanay sa katahimikan, meditasyon, at magkaroon ng ugaling walang paghuhusga . Magpalipas ng iyung oras sa kalikasan para mabigyan ka ng daan sa mga katangian na likas sa batawan: walang hanggang pagkamalikhain, kalayaan, at lubos na kaligayahan.
Ang pagsasanay ng katahimikan ay nangangahulugan ng paggawa ng isang pangako sa isang tiyak na oras sa simpleng pagiging ikaw lang mag-isa.
Ang pagkaranas ng katahimikan ay nangangahulugang umiiwas mula sa aktibidad ng pananalita.
Nangangahulugan din itong  panaka-nakang pag-iwas mula sa naturang mga gawain tulad ng panonood sa telebisyon, pakikinig sa radyo,o pagbabasa ng isang libro. Kung hindi mo bibigyan ang iyong sarili upang maranasan ang katahimikan, ito ay lilikha ng ligalig sa iyong panloob na pag-iisip.
Magtabi ng kaunting oras sa bawat pagkakataon upang makaranas ng katahimikan. O gumawa ng isang pangako upang mapanatili ang katahimikan para sa isang tiyak na tagal ng panahon sa bawat araw. Maaari mong gawin ito loob ng  dalawang oras, o kung sobra ito para sa iyo, gawin itong isang oras na tagal ng panahon. At gumawa ng isang katahimikan bilang karanasan para sa isang pinalawig na tagal ng panahon, tulad ng isang buong araw, o ng dalawang araw, o kahit isang buong linggo.
Ano ang mangyayari  kapag pumunta ka sa karanasang ito ng katahimikan? Sa umpisa ang iyong panloob na kaisipan ay magiging mas magulo. Magkakaroon ka ng isang malakas na saloobin upang sabihin ang mga bagay-bagay. Na parang kabaliwan lang lahat ng mga ito sa unang araw o ika-lawang araw kapag nagpasya kang gawing ang pagpapalawig sa tagal ng katahimikan. Pero kapag nanatili ka sa karanasang ito, ang panloob na kaisipan ay nag-uumpisang maging tahimik. At sa lalong madaling panahon ang katahimikan ay magiging malalim.
Ito ay dahil pagkatapos ng karanasan  ang kaisipan ay susuko;  napagtanto nito na walang punto sa pag-ikot-ikot sa paligid at
 kung ikaw ay ang sarili, ang espiritu, ang pumipili at hindi  magsasalita.
Sa oras na iyun, ang panloob na kaisipan ay tatahimik, mag-uumpisa kang makaranas ng katahimikan sa batawan ng dalisay sa purong posibilidad.
Ang panaka-nakang pagsasanay ng katahimikan kung kalian maginhawang gawin ito para sa iyo ay isang paraan upang makaranas ng Batas ng Purong posibilidad. Ang magpalipas ng oras sa bawat araw sa pag-ninilay-nilay ay mabuti.  Dapat kang magnilay kahit tatlumpung minuto sa umaga, at tatlumpung minuto sa gabi.

Sa pamamagitan ng pagninilay-nilay
 matututunan mong maranasan ang batawan ng purong katahimikan at purong kamalayan.
Sa batawan na iyon ng dalisay na katahimikan ay ang batawan ng walang hangganang ugnayan, ang batawan ng walang hangganang-aayos ng kapangyarihan, ang tunay na
saligan ng paglikha na kung saan ang lahat ay konektado sa lahat ng iba pang bagay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento