Biyernes, Hulyo 5, 2013

SAGRADONG AKLAT 41

SAGRADONG AKLAT 41

Ang sagradong aklat na ito ay ibinahagi upang marating natin ang ating mga pangarap at gisingin ang higante sa loob sa ating pagkatao.
Bago tayo magpatuloy sa malalim na paglalakbay sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga nakatagong kaalaman.
Alamin muna natin ang istorya ng sto niño sa hardin ng madamot at masungit na higante. Tungkol ito sa pagmamahalan, pagbibigayan, at sa diwa ng pagpapasalamat sa mga biyaya at pagpapala.
Tuwing hapon, pagkatapos ng eskwela, ang mga bata ay laging pumupunta at naglalaro sa hardin ng isang higanteng nilalang.
Iyon ay isang malaki at napaka gandang hardin, may malalambot na berdeng damo. Na napapaligiran ng magagandang mga bulaklak na katulad ng mga bituin sa langit, at mayroong malalaking-puno at masasarap na prutas. Ang mga ibon ay naglalaro sa mga sanga at sila ay tumutunog ng may kasiyahan na parang kumakanta kaya ang mga bata ay humihinto sa kanilang paglalaro upang makinig sa kanila.  ‘Anong saya natin dito! ' sigaw nila sa isa't isa.   
Isang araw umuwi na ang higanteng nilalang. At ng dumating siya, nakita niya ang mga batang naglalaro sa kanyang hardin.
 'Anong ang ginagawa nyo dito?' Ang magaspang na pasigaw na boses ng higante, at ang lahat ng mga bata ay nagtakbuhan. 'Ang aking sariling hardin ay para sa akin lamang,' ang sabi ng higante. Kaya nagtayo siya ng napakataas na bakod sa paligid ng hardin at naglagay ng karatula na nag sasabing, ang pumasok ay paparusahan.
  Siya ay isang maramot na higante.
Ang kawawang mga bata ay wala ng mapaglalaruan.  Sinubukan nilang maglaro sa kalsada, ngunit ang kalsada ay napaka alikabok at puno ng matitigas na bato, at hindi nila ito gusto. Sila ay naglibot-libot sa paligid ng mataas na pader kapag ang kanilang mga aralin ay tapos na, at nag-uusap tungkol sa magandang halaman at puno sa loob ng hardinNapakasaya nating maglaro doon sa loob ng hardin,' sinabi nila sa isa't isa.
Pagkatapos ang tagsibol ay dumating, at sa lahat ng dako ng bansa ay mayroong mga puno at halaman na may maliit na bulaklak at maliliit na ibon. Tanging sa hardin ng makasariling higante nananatili ang tag-ulan. Ayaw ng mga ibong maglaro at umawit sa harding maulan at wala ring mga batang nagliliwaliw sa hardin. Maging ang mga puno at halaman ay ayaw mamulaklak.
Ang tanging nalulugod ay ang mga patak ng ulan. Nakalimutan na ng tag-araw ang harding ito. Ang tubig ay tumatabon na sa mga damuhan at ang dahon ng mga puno ay sinisira na ng sobrang pag ulan.
 Pagkatapos ay inimbitahan pa ng ulan ang bagyo na sumama sa kanila at sila’y dumating ng may malalakas at umaatungal na hangin at maraming tubig ang bumuhos sa hardin ng higante. 'Ito ay isang kasiya-siyang lugar,' sabi nila, 'dapat nating hilingin bumisita ang ipo-ipo. Kaya dumating ang ipo-ipo at naninira ng bubungan sa tirahan ng higante.
'Hindi ko maintindihan kung bakit ang tag-araw ay hindi pa dumarating, ang sabi ng makasariling higante, habang siya ay nakaupo sa bintana at tumingin sa kanyang putikang hardin; 'Umaasa ako na magkakaroon ng pagbabago sa lagay ng panahon.'    
Ngunit ang tag-araw ay hindi dumating. Ang tagsibol na nagbibigay ng mga bulaklak at bunga ng prutas sa bawat hardin ay nasa dako ng lahat ng bahagi ng bansa, ngunit  sa hardin ng higanteng sakim hindi siya nagbigay at dumalaw.  
 'Siya ay masyadong makasarili,' ang kanyang sinabi. Kaya sa hardin nya ay palaging tag-ulan, at may malalakas na hangin, maging ang ipo-ipo ang siya lamang sumasayaw sa paligid ng kanyang halamanan at sa mga puno.    
Isang umaga habang gising na nakahiga ang higante sa kanyang kama nakarinig siya ng mga kaibig-ibig na musika. Ito ay tunog na matamis sa kanyang tainga. Ito ay ang pagkanta ng isang maliit na ibong pipit sa kanyang hardin at para sa kanya ito ang pinaka-magagandang musika sa mundo. Pagkatapos ay tumigil na ang pag-ulan, nawala na ang malalakas na hangin, at isang mabangong simoy ng hangin ang kanyang naamoy.  'Naniniwala ako na ang tag-araw ay dumating na sa wakas,' sabi ng higante; at siya ay lumukso mula sa kama at tumingin sa labas.    
Ano ang kanyang nakita?
      Nakita niya ang isang kahanga-hangang tanawin. Sa pamamagitan ng isang maliit na butas sa pader ang mga bata ay pumasok, at sila ay naupo sa sanga ng puno. Sa bawat puno na kanyang nakikita ay may naglalarong isang maliit na bata. At ang mga puno ay natutuwa ng magkaroon ng mga batang naglalaro sa ilalim ng kanilang mga sanga kaya kumapal ang mga dahon at sila ay namumulaklak.Ang mga ibon ay nagliliparan sa mga sanga at nagsisiawitan, at ang mga bulaklak ay namumukadkad sa kanilang kagandahan na kasama ang mga damong nagtatawanan.  Iyon ay isang magandang tanawin, kaya lang, sa isang sulok ng hardin ay tag-ulan pa rin. Iyon ang pinakamalayong   sulok ng hardin, at may nakatayong  isang maliit na batang lalaki. Siya ay sobrang liit na hindi niya maabot ang mga sanga ng puno, at siya ay lumilibot ng pa-ikot-ikot rito, habang umiiyak. Ang kawawang puno na halos wala ng mga dahon at maraming putol putol na sanga dahil sa matagal na pag-ulan at sa malalakas na hangin.  'Umakyat ka! maliit na bata, 'ang sabi ng puno, at binaluktot nito ang kanyang mga sanga pababa hanggang sa makakaya niya ; ngunit ang maliit na batang lalaki ay masyadong maliit kaya hindi niya ito maabot.
     At halos matunaw ang puso ng higante habang natatanaw ito.  Anong lupit ko pala sa aking pagiging sakim! Sabi ng higante; ngayon alam ko na kung bakit ayaw dumalaw ng tag-araw sa hardin ko. Ilalagay ko ang kawawang maliit na batang lalaki sa itaas ng puno, at pagkatapos ay gigibain ko na ang mga pader, at ang aking hardin ay magiging palaruan ng mga bata magpa- kailanman kailanman. 'At siya ay talagang nagsisisi sa kanyang nagawa.    
Kaya siya ay bumaba ng hagdan at binuksan ang harapang pintuan ng dahan dahan, at nagpunta sa hardin. Ngunit ng makita siya ng mga bata sila ay natakot lahat at tumakbong palayo, at ang hardin ay inulan na naman. Tanging ang maliit na batang lalaki ang hindi tumakbo, dahil ang kanyang mga mata ay puno ng luha hindi niya nakita ang pagdating ng higante. At ang higante ay dumaan sa likuran ng batang lalaki at malumanay niya itong binuhat ng kanyang kamay, at inilagay sa itaas ng puno. At ang puno ay biglang sumigla at namulaklak, ang mga ibon ay dumating at kumanta rito, at ang maliit na batang lalaki ay nag inat ng kanyang dalawang braso at iniyakap ito sa leeg ng higante at saka niya ito hinalikan. At ng nakita ito ng iba pang mga bata na ang higante ay hindi na madamot, sila ay tumakbong pabalik at kasama nila ang tag-araw sa kanilang pagbalik. 'Ito ay hardin nyo na ngayon, maliit na mga bata,' ang sabi ng higante, at kinuha niya ang isang malaking palakol at ginaba ang mga pader. At kapag ang mga tao ay nagpupunta sa palengke nakikita nila ang higanteng nakikipaglaro sa mga bata sa pinaka- magandang harding kanilang nakita.
Buong araw silang naglaro, at sa gabi ay pumupunta sila sa higante upang magpaalam.  'Ngunit nasaan ang inyong maliit na kasamahan?' tanong ng higante: 'iyong batang lalaki na inilagay ko sa puno.' Pinakamahal ng higante ang batang iyun dahil humalik ito sa kanya.
'Hindi po namin alam,' ang sagot ng mga bata; 'siya ay mula sa malayo.'
     
'Dapat nyong sabihin sa kanya na siguraduring pumarito siya bukas, sabi ng higante. Ngunit sinabi ng mga bata na hindi nila alam kung saan siya nakatira, at hindi pa nila ito nakikita kailanman; at ang higante ay nakadama ng matinding kalungkutan.
     Tuwing hapon, pagkatapos ng aralin sa paaralan, ang mga bata ay dumarating at nakikipaglaro sa higante. Ngunit ang maliit na batang lalaki na minahal ng higante ay hindi na muling nakita.
Ang higante ay naging mabait sa lahat ng mga bata ngunit hinahanap hanap pa rin niya ang maliit na kaibigang batang lalaki, at madalas na nagsasabing. ' Gusto ko siyang makita siya!'
Dumaan ang maraming taon, at ang higante ay tumanda na. Naging mahina na rin siya kaya hindi na siya maaaring makipaglaro kaya lagi na lang siyang naka upo at pinanunuod ang mga bata sa kanilang paglalaro at hinahangaan ang kanyang magandang hardin. 'Mayroon akong maraming mga magagandang bulaklak,' ang sabi niya; 'ngunit ang mga bata ang pinaka magandang mga bulaklak sa lahat.'
    Minsan pag-gising nya habang siya ay nagbibihis, dumungaw siya sa bintana nakita niyang muling umuulan. Hindi na siya napopoot sa ulan, sapagkat alam na niyang nagpapahinga ang mga bulaklak para sa susunod na pamumulaklak sa tag araw.
Kapag daka ay bigla na lang nyang kinuskos ang kaniyang mga mata at namanghang tumingin at tumitig. Ito ay kahanga-hanga sa kaniyang paningin. Sa pinakamalayong sulok ng hardin ay may isang punong may kaibig-ibig na puting mga bulaklak. Ang mga sangay nagkukulay ginto, at kulay pilak ang kaniyang mga bunga, at sa ilalim nito ay may nakatayong maliit na batang lalaki na kanyang minamahal.' umiiyak na sigaw ng Giant; 'sabihin  mo sa  akin, ng makuha ko ang aking malaking tabak at makitlan k sila ng buhay!
     
Huwag!' ang sagot ng bata; 'ang mga ito ay mga sugat ng Pag-ibig.'
      'Sino po ba kayo?' tanong ng hignate Sinabi ng higante, at isang kakaibang paghanga at kapangyarihan ang dumating sa kanya, at siya ay lumuhod sa maliit na bata.
     
At ang bata ay ngumiti sa higante, at sinabi sa kanya, 'hinayaan mo akong minsang makapag-laro sa iyong hardin, ngayon ikaw naman ang sasama ko sa aking hardin, ito ang paraiso. 
     Kinabukasan, ng nagtatakbuhang pumunta ang mga bata sa hardin upang maglaro natagpuan nila ang higanteng nakahiga at patay na sa ilalim ng puno, na natatalpan ng maraming mapuputing bulaklak.
Naniniwala tayo na ang lahat ay mayroon pangarap.  Naniniwala tayo na sa kailaliman ng ating kaluluwa ay mayroon tayong isang espesyal na regalo na makakapagpabago sa ating sarili at sa ating kapwa tao.
Maihahatid natin at mahihipo sa isang especial na paraan ang emosyon at damdamin ng isang tao upang mapuno ang mundo ng pagmamahalan, pagmamalasakit at pagpapala. Ito ang nilalaman ng sagradong aklat 41.
Gisingin ang higante Sa loob ng iyong pagkatao.
Ang Paghuhukom
               31 "Pagdating ng Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang trono ng kaluwalhatian. 32 Titipunin naman sa harapan niya ang lahat ng tao at sila'y kanyang pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. 33 Inilalagay nito sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa naman ang mga kambing. 34 Kaya't sasabihin ng hari sa mga nasa kanan niya, 'Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok kayo at tanggapin ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang daigdig. 35 Sapagkat ako'y inyong pinakain noong ako'y nagugutom; ako'y inyong pinainom noong ako'y nauuhaw. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. 36 Ako'y walang maisuot at inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.'
               37 "Sasagot ang mga matuwid, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? 38 Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya'y walang maisuot at aming dinamitan? 39 At kailan po namin kayo nakitang nagkasakit o nabilanggo at kayo'y aming dinalaw?'
               40 "Sasabihin ng Hari, 'Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong tinulungan.'
               41 "Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, 'Lumayo kayo sa harapan ko! Isinumpa kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. 42 Sapagkat hindi ninyo ako pinakain noong ako'y nagugutom; hindi ninyo ako pinainom noong ako'y nauuhaw. 43 Hindi ninyo ako pinatuloy noong ako'y isang dayuhan. Hindi ninyo ako dinamitan noong ako'y walang maisuot. Hindi ninyo ako dinalaw noong ako'y may sakit at noong ako'y nasa bilangguan.'
               44 "At sasagot din sila, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, walang matuluyan, walang maisuot, may sakit, o nasa bilangguan, na hindi namin kayo tinulungan?'
               45 "At sasabihin sa kanila ng Hari, 'Tandaan ninyo, nang pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.' 46 Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan."

Ang buhay ay alinman sa isang walang takot na pakikipagsapalaran o takot makipagsapalaran. . Ang bawat maling pagtatangka na iniwaksi ay isang hakbang pasulong. Sa loob ng ating pagkatao nanahan ang mga nakahimlay na kapangyarihan, mga kapangyarihan na magpapamangha sa atin na hindi kailanman natin pinangarap ang pagkakaroon. Mapapalakas pa ito sa pamamagitan ng mga panalangin, ritwals at orasyon.

Mga Lakas at pwersa na magpapabago ng lubusan sa ating buhay kung ito ay ginising at ilagay sa aksyon. Iibahagi natin ang banal na mga estratehiya at mga diskarte na positibong  huhugis sa ating mga buhay kaya  dapat natin mai-tuon na makagawa ng isang bagay na pinakamahusay para sa ating mga buhay.

Pangarap na kapalaran

Ang taong matatag ay naniniwala sa tadhana, ang taong salawahan ay naniniwala sa baka sakali. Lahat tayo ay may pangarap ... lahat tayo  ay naniniwala na sa kailaliman ng  ating  kaluluwa ay mayroong isang espesyal na regalo, na maaaring makatulong upang makagawa ng pagkakaiba, na maaari nating mahawakan ang ibang tao  sa isang espesyal na paraan, at  maaari nating magawang magandang lugar ang mundo.

Minsan sa ating buhay, lahat tayo ay nagkaroon ng isang pangitain para sa kalidad ng buhay na gusto natin at karapat-dapat. Ngunit, para sa marami sa atin, ang mga pangarap ay nababalutan ng kabiguan at Kinabihasnang gawain sa araw-araw ng ating buhay na hindi na kailangang gumawa ng pagsisikap upang matapos ang mga ito. At dahil sa karamihan, ang pangarap ay napaparam at kasama niya, ang kalooban sa paghubog ng ating kapalaran.

Marami ang nanawalan ng pakiramdam ng kasiguruhan na lumilikha ng kalamangan sa pagkapanalo.  Ang ating mga layunin sa buhay ay maibalik ang pangarap at matupad ang mga ito, upang makakuha ang bawat isa sa atin na tandaan at gamitin ang walang limitasyong kapangyarihan na namamalaging natutulog sa loob ng ating pagkatao.

Lahat ng ating mga nakalipas na kabiguan at pagkabagsak ay ang aktwal na paglalatag ng mga pundasyon para sa pang-unawa na nalikha natin ang bagong antas ng pamumuhay.

Alam natin na lampas sa anino ng pagdududa, mayroon tayong mga banal na impormasyon, mga diskarte, pilosopiya, at mga kasanayan na maaaring tumulong sa atin upang mabigyan ng kapangyarihan ang ating sarili para magawa ang mga pagbabago na ating ninanais.

Gumawa na tayo ng mga desisyon upang baguhin ang ating mga buhay magpakailanman. Dapat nating baguhin ang bawat maling aspeto ng ating buhay. Hindi na tayo kailanman dapat manatili sa mas mababang kalagayan kaysa sa maaari nating maabot. Dapat nating matutunan at mapakinabangan ang prinsipyo na tinatawag na kapangyarihan ng konsentrasyon at mga makapangyarihang orasyon.

Karamihan sa mga tao ay walang mga ideya sa higanteng kapasidad nila na maaaring atasan agad. Kapag ating itinuon ang lahat ng ating mga mapagkukunan sa pagdadalubhasa sa isang solong katalinuhan ng ating buhay gamit ang banal na kaalaman sa aklat na ito.

Ang kontroladong pokus ay katulad ng isang sinag ng laser na maaaring humiwa sa anumang bagay na mukhang pumipigil sa atin. Kapag tayo ay nakatuon sa pagpapabuti ng anumang bagay, nabubuo natin ang natatanging mga pagkakaiba sa kung paano gumawa ng bagay na mas mahusay.

Ang isang dahilan kaya kakaunti sa atin ang kumakamit ng kung ano ang talaga nating pinapangarap ay dahil hindi kailanman puro at direkta ang ating pagtuon; hindi natin naitutuong mabuti ang ating kapangyarihan.
Karamihan sa mga tao ay nagkakawkaw ng kanilang daan sa buhay, hindi kailanman magpasyang maging experto sa isang particular na bagay.  

Sa katunayan, karamihan sa mga taong nabibigo sa buhay ay inuuna ang mga bagay na hindi dapat unahin. Isa sa pangunahing aral sa ating buhay ay ang pag-aaral upang maunawaan kung bakit natin ginagawa ang ating ginagawa. Ano ang humuhugis sa pag-uugali ng isang tao?
Ang mga sagot sa tanong na ito ang magbibigay ng mga kritikal na susi sa paghubog ng ating sariling kapalaran.

Ang ating buong buhay ay patuloy na tumutungo sa isang, napupuwersang pokus: Ano ang lumilikha ng pagkakaiba sa kalidad ng buhay ng isang tao? Paanong madalas na mangyaring ang isang taong mula sa dukhang simula at sirang karanasan ay nakakaraos at gumiginhawa. At kahit ganoon ang pinangalingan ay nakakalikha ng buhay na ating hinahangaan at pumupukaw sa ating pagkatao.



Sa kabaligtaran, bakit marami sa mga ipinanganak sa pribelihiyong lugar, may kayamanan para mag-tagumpay sa kanilang mga kamay ay nagiging matataba, masakitin, bigo at madalas gumon sa kalayawan tulad ng alak at droga?
Ano ang ginagawa ng ilang tao upang ang buhay nila ay maging halimbawa at iba ay maging babala? Ano ang lihim upang makalikha ng magiliw, masaya, at nagpapasalamat na buhay sa marami, habang para sa iba ay iwasan ang maaaring mangyari?"

"Paano natin maisagawa ang agarang kontrol sa ating buhay? Ano ang maaaring gawin ngayon na maaaring makagawa ng isang pagkakaiba-na maaaring makatulong sa atin at sa iba para mai-hugis ang ating kapalaran? Paano natin palalawakin, matutunan, mapalago, at mai-bahagi ang mga kaalaman na sa ibang tao sa isang makabuluhan at kasiya-siya paraan? "

Kailangan nating bumuo ng isang paniniwala. Tayong lahat ay dapat mag-ambag ng isang bagay na natatangi,
ang bawat isa sa atin ay may malalim at nakatagong espesyal na regalo. Lahat tayo ay may higanteng natutulog sa loob ng ating pagkatao.
Ang bawat isa sa atin ay may talento, isang regalo, ang ating sariling likas na talino na naghihintay na ma-tapik. Maaaring isang talento para sa sining o musika. Maaaring isang espesyal na paraang may kaugnayan sa mahal mo sa buhay. Maaaring isang likas na kakayahan para sa pagbebenta
o pagtuklas ng bagong produkto o pakikipag-ugnayan sa iyong negosyo o sa iyong karera.

Ang ating Diyos ay hindi lumikha ng paborito, lahat tayo ay nilikhang walang katulad, ngunit may katumbas na mga oportunidad para makaranas ng buhay na sagana.

Ang pinakamahalagang paraan para magpalipas ng ating buhay ay mamuhunan sa isang bagay na nagtatagal. Kailangan nating mag-ambag ng ilang mga paraan at karunungan na magtatagal makalipas ang mahabang panahon.

Mayroon tayong hindi kapani-paniwalang pribilehiyo ng pagbabahagi ng ating lihim na kaalaman, mga ideya at mga damdamin sa mas maraming tao hangga't makakaya natin. Ngayon ay mayroon tayong mga natatangi at mabuting kapalaran ng pagbabahagi ng pinakamahusay na kaalaman galing sa sagradong aklat na ito.

Sa pamamagitan ng lahat ng ito, tayo ay magpatuloy upang makilala ang indibidwal na kapangyarihan na kailangang baguhin ang halos anumang bagay at lahat ng bagay sa ating mga buhay. Matutunan natin na may mapagkukunan tayo ng ating kailangan upang matupad ang ating mga pangarap na nasa loob ng ating pagkatao, at wala na ang paghihintay para sa mga araw ng pagpapasya upang gisingin at kunin ang nararapat para sa atin.  

Isinulat  ang sagradong aklat na ito para sa isang kadahilanan: upang maging instrumento ng pag-gising na hahamon sa mga taong nagpasiyang mamuhay ng masagana at maayos , lalong gumagamit sa kapangyarihang ibinigay sa kanila ng Dios. May mga ideya at mga diskarte sa sagradong aklat na ito na tutulong sa iyo upang makabuo ng espesipiko, nasusukat, at-pangmatagalang pagbabago sa iyong sarili at sa iba.

Ang iyong pagnanais na palawakin ang iyong kaalaman at kapangyarihan ay nagdala sa iyo upang basahin ang sagradong aklat na ito. Ito ang hindi nakikitang kamay na gumagabay sa iyo. Anuman ang kasalukuyang kalagayan mo sa buhay gusto mo pang mapaunlad at mapalawak ito.

Hindi mahalaga kung gaano ka ka-asenso o kahusay, sa loob ng iyong pagkatao nakahimlay ang isang paniniwala na mapapalawak mo pa ang iyong karanasan sa buhay at magiging mas mataas pa ito higit sa kasalukuyang kalagayan.

Ikaw ay naka-destino para sa iyong sariling natatanging anyo ng kadakilaan, ito man ay bilang isang katangi-tanging propesyonal, guro, negoyaste, ina o ama. Ang pinaka-mahalaga, hindi ka lamang naniniwala rito, ngunit ikaw ay nagsagawa ng pagkilos. Nagbabasa ka ng sagradong aklat na ito upang mapaganda pa ang iyong buhay. At iyun din ang aming idinadalangin.

Ito ay isang higanteng libro na maaari mong gamitin upang makabuo ng higanteng mga resulta sa iyong buhay. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pakinabang sa pagbabasa ng bawat kabanata sa aklat na ito, matitiyak na ang iyong kakayahan ay maitataas sa malawak na potensyal .

Ecclesiastico 11:

1 Naitataas ng maralita ang kanyang noo kung siya'y marunong, at ibibilang siya sa hanay ng mga dakila.
11 May taong trabaho nang trabaho at lagi nang humahangos, patuloy ang kayod ngunit lalo lamang naghihikahos.
12 Mayroon namang bahagya nang makagulapay, babagal-bagal, mahina, walang kaya, at sadsad sa hirap,
ngunit nang lingapin siya ng Panginoon,
naging matiwasay ang kanyang buhay.

13 Nakabangon siya at nag-ani ng tagumpay, at namangha ang lahat sa nangyari sa kanya.


Paano ba makalilikha ng nagtatagal na pagbabago


Para maging tunay na mahalaga ang isang pagbabago, dapat itong maging pang-matagalang at hindi pabago-bago.



Santiago 1:


6 Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. 7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong 8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.

Kailangan nating hanapin kung ano ang itinuturing nating matatag na prinsipyo na may pangmatagalang pagbabago.

Nais naming ibahagi ang tatlong baitang ng prinsipyo ng pagbabago na maaari nating gamitin upang agad na mabago ang ating buhay. Habang ang mga prinsipyong ito ay simple, ang mga ito ay lubos na makapangyarihan kapag inilapat ng may kahusayan.  Kasama na ang panalangin at tamang mga orasyon.

Ito ang mga eksakto at parehas na pagbabago na dapat gawin ng isang indibidwal upang makalikha ng personal na pagbabago, na dapat gawin ng isang kumpanya upang mapalaki at mapalakas ang kaniyang potensyal, na dapat gawin ng isang bansa upang mai-ukit niya ang magandang kalagayan sa sandaigdigan.

Sa katunayan, bilang isang komunidad sa mundo, Ito ang mga pagbabago na dapat gawin ng lahat upang mapanatili ang kalidad ng pamumuhay sa buong mundo.

Efeso 4:

Ang Bagong Buhay kay Cristo
               17 Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. 19 Sila'y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.
               20 Hindi ganyan ang natutuhan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutuhan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. 22 Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
               25 Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. 26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan. 29 Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig. 30 At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw. 31 Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Unang hakbang
Itaas ang iyong Pamantayan

Tuwing sumasaiyo ang pagnanais makagawa ng pagbabago, ang unang bagay na dapat mong gawin ay taasan ang iyong mga pamantayan.

Ang pinaka-mahalagang bagay ay baguhin kung ano ang ating hinihiling para ating sarili. Dapat nating isulat ang lahat ng mga bagay na hindi na katanggap-tanggap sa ating buhay, lahat ng mga bagay na hindi na kayang tiisin, at lahat ng mga bagay na ating hinahangad at pinapangarap.

Roma 12:  

Pamumuhay Cristiano
               1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba a ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.
               3 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo.
Orasyon upang mabago ang pag-iisip ng naaayon sa kalooban ng Dios:




Isipin mo ang malaking epektong kahihinatnan ng itakdang pagkilos ng mga kalalakihan at kababaihan na nagtaas ng kanilang mga pamantayan at kumilos ng naaayon, sa pagpapasyang hindi na nila kayang tiisin ang mga mabababang kalagayan.

Kailangan nating ilagay ang maniningning at mga makapangyarihang baitang upang mapataas ang ating mga pamantayan. Ang parehong kapangyarihan na mayroon sa bawat isa, kung mayroon tayong lakas ng loob angkinin ito. Ang pagbabago sa isang organisasyon, sa isang kumpanya, sa isang bansa o sa buong mundo ay nagsisimula sa simpleng hakbang ng pagbabago sa ating sarili.

1 Corinto 9:


23 Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Magandang Balita, upang makabahagi ako sa mga pagpapala nito. 24 Alam ninyong ang mga kalahok sa paligsahan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya't pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala. 25 Lahat ng manlalarong nagsasanay ay may disiplina sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang gantimpalang panandalian lamang. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay panghabang panahon. 26 Hindi ako tumatakbo nang walang patutunguhan at hindi ako sumusuntok sa hangin. 27 Subalit sinasanay ko at sinusupil ang aking katawan, upang sa gayo'y hindi ako maalis sa paligsahan pagkatapos kong mangaral sa iba.


Ikalawang hakbang
Baguhin ang iyong nalilimitahang Paniniwala

Kung tinaasan mo ang iyong mga pamantayan ngunit hindi mo naman pinaniniwalaan na maaari mong matugunan ang mga ito, nakalikha ka ng pagpapahamak sa iyong sarili. Dahil hindi mo na ito susubukan; mawawalan ka ng tunay na pakiramdam na magbibigay-daan sa iyo upang katukin ang pinakamalalim na kapasidad sa loob ng iyong pagkatao.

Ang ating paniniwala ay tulad ng hindi tinatanong na kapangyarihan, na nagsasabi sa atin kung paano matutupad, ito ba ay possible at ano ang impossible, ano ang maaari nating magawa o hindi magagawa. Sila ang huhugis ng bawat pagkilos, ng bawat pag-iisip, at ng bawat pakiramdam na natin mararanasan. At ang resulta ay ang pagbabago ng ating mga pinaniniwalaang sistema na siyang pinaka-gitna sa pagsasagawa ng totoo at pangmatagalang pagbabago sa ating buhay.

Filipos 4:


13 Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.

Kailangan nating bumuo ng isang pakiramdam ng kasiguruhan na kaya natin at matugunan ang mga bagong pamantayan bago natin talagang gawin. Kung hindi mo kukunin ang kontrol sa sistema ng iyong paniniwala, maaari mong taasan ang iyong mga pamantayan ng hangga't gusto mo, ngunit nawawalan ka ng paniniwala na itaguyod ang mga ito.

Ang pagkakapareho ng ating paniniwala ay magbibigay sa atin ng daan sa lihim na mapagkukunan at magpapagana sa atin upang matugunan ang mga hamon na sana ay nalilihis sa  isang hindi nakatuong atensyon. Pinalakas na paniniwala-ang pakiramdam ng kasiguruhan -ay ang lakas na nasa likod ng mahusay na tagumpay sa kabuuan ng kasaysayan.


IKATLONG HAKBANG

Baguhin ang iyong Diskarte

Upang mapanatili ang ating mga pangako, kailangan natin ang pinakamahusay na diskarte para sa pagkamit ng mga resulta. Isa sa ating dapat maging kaibuturang paniniwala ay ang magtakda ng isang mas mataas na pamantayan, tapos ay makakakuha tayo ng ating sariling paniniwala, saka tayo tiyak na makakaalam ng diskarte. Simple tayong makakahanap ng paraan.

Ipinapakita ng sagradong aklat na ito kung paano matatapos ang trabaho at ang pinakamahusay na diskarte sa halos anumang kaso ay maghanap ng modelo o idolo, isang taong nakakakuha ng mga resultang gusto natin, pagkatapos matuto sa kanilang mga kaalaman. Alamin kung ano ang kanilang ginagawa, kung ano ang kanilang mga paniniwala, at kung paano sila mag-isip.

Hindi lamang magagawa natin itong mas epektibo, makakatipid rin tayo ng oras dahil hindi na kailangang muling hanapin pa ang tamang kaalaman at paniniwala. Maaari nating pinuhin ang mga ito, ayusin ang hugis, at marahil makagawa pa ng mas mahusay.

Ang aklat na ito ay magbibigay sa atin ng impormasyon at puwersa upang magtuon sa tatlong prinsipyo at magpaka-dalubhasa sa  pagbabago ng may kalidad: ito ay makatulong sa atin na mataasan ang ating mga pamantayan sa pamamagitan ng pagtuklas kung ano ang kanilang kasalukuyang mga napagtatanto at kung ano ang ninanais natin; ito ay makakatulong sa atin na baguhin ang mga pangunahing paniniwala na pinapanatili natin na nakakapigil mula sa kung saan natin gustong makarating at pagbutihin ang mga iyon na maghatid sa atin; at ito ay makakatulong sa pagbuo ng isang serye ng mga estratehiya para sa higit pang elegante, mabilis, at mahusay na paggawa ng mga resulta na gusto natin.

Sa buhay, maraming mga tao ang nakaka- alam kung ano ang dapat nilang gawin, ngunit kakaunti sa mga tao ang aktwal na gumagawa kung ano ang alam nila. Ang kaalaman ay hindi sapat! Kailangang magsagawa ng pagkilos.





Gumugugol ng ilang taon ang tao para tumutok sa isang partikular na kadalubhasaan, at patuloy na gumagawa ng susi ng pagkakakilanlan tungkol sa kung paano makakabuo ng mga resulta nang mas mabilis. Sa pamamagitan ng pag-gamit ng mga diskarte na ibabahagi natin sa sagradong aklat na ito, mabilis at kapansin-pansing ang pagbabago namagaganap sa atin.

Minsan, hindi na mga bagong bagay para sa atin ang mga nababasa rito, ngunit napapaalaala sa atin ang kung anong alam na natin, at pagkatapos ay mapipilitan na tayong gawin ang mga natutunan.

Ituturo rito ang pagkakakilanlan ng kapangyarihan sa kung paano lumikha ng pangmatagalang pagpapabuti sa kalidad ng ating buhay. Sama-sama, tayong tumutok sa pagwawagi sa limang mga bahagi ng ating buhay na nakaaapekto sa karamihan sa atin. Ang mga ito ay:


1.      Emosyonal na kadalubhasahan

Maging dalubhasa lang sa araling ito ay magdadala na sa atin sa karamihan ng mga paraan patungo sa kasanayan sa iba pang kapangyarihan.  Mag-isip tayo. Bakit gusto nating mangayayat? Ito ba ay sa dahilang gusto nating mabawasan ang taba sa ating katawan?  O ito ay dahil sa gusto natin at sa tingin natin sa ating sarili ay naaalis natin ang sobrang timbang, na nagbibigay sa atin ng  mas maraming enerhiya at sigla, na lumilikha sa atin upang maging mas kaakit-akit sa iba, at nagpapalakas ng ating pagtitiwala at pagpapahalaga sa sarili.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento