Lunes, Enero 6, 2014

Ang lahat ng paglikha sa sangkatauhan at kalawakan, lahat ng nakikita sa pisikal na mundo, ay resulta ng mga bagay na hindi nakikita at nagbabagong anyo para makita.







Ang lahat ng paglikha sa sangkatauhan at kalawakan, lahat ng nakikita sa pisikal na mundo, ay resulta ng mga bagay na hindi nakikita at nagbabagong anyo para makita.
Lahat   ng ating nakikita ay galing sa kawalan at hindi dating nakikita Ang ating pisikal na katawan, ang pisikal na sandaigdigan at lahat ng mga bagay na maaari nating mawatasan sa pamamagitan ng ating mga pandama ay ang pagbabagong anyong transpormasyon mula sa hindi nakikita, mula sa lihim, mula sa hindi maipahayag patungo sa nakikita, sa pagkakilala at sa pagiging hayag.

Ang pisikal na sandaigdigan ay walang iba kung hindi ang sariling pagkurba pabalik sa kanyang sarili para maranasan sa sarili nito ang pagiging espiritu, isipan, at pisikal na kalagayan. Sa ibang salita, ang lahat ng mga proseso ng paglikha ay proseso na kung saan ang Sarili o pagka- dibinidad ay naipapahayag.
Ang kumikilos na kamalayan ay nagpapahayag ng sarili nito bilang
mga bagay ng sandaigdigan sa walang hanggang paggalaw ng buhay.
Ang pinagmulan ng lahat ng paglikha ay ang dibinidad (o ang espiritu), ang proseso ng paglikha ay ang paggalaw ng dibinidad (o ang isip), at ang mga bagay ng paglikha ay ang pisikal na sandaigdigan (kasama ang
pisikal na katawan).
Tapang, pagkamalikhain, simbuyo ng damdamin at ang lubos na kaligayahan.
Ano ba ang konseptong ng kamalayan o ng diwa?  Ano ang ibig sabihin kapag lahat tayo ay biglang may malay-tao? Alamin natin ito sa isang bagong antas ang ibig sabihin ba nito ay tayong lahat ay naliwanagan. O ito lamang ang simula ng pagkalabit ng gatilyo upang masimulan ang ating pinanggalingan.
Ano ang ibig sabihin ng kamalayan? Isang tanong na kailangang masagot sa dalawa at maraming iba't ibang paraan dahil ang implikasyon ng kung ano ito ay nangangahulugang mauunawaan natin kung ano ang kamalayan at dahil dito  maaari mo na itong direktang maranasan.  Ito ang malalim na espirituwal sa gitna ng implikasyon ng ebolusyon para sa ating lahat. Ito ang lugar para mag-simula at mapagtanto na ang kamalayan ay ang saligan ng lahat ng pagkatao na nangangahulugagn ito  ang saligan ng lahat ng ating karanasan sa bawat sandali, kahit alam natin ang katotohanang ito o hindi. Kapag walang kamalayan andoon ang kamatayan.
kaya  ang lahat ng ating nararanasan  ay nagaganap sa loob ng isang batawan o isang lugar.. kung tayo ay magtutuon sa likas na katangian ng batawan kaysa  sa mga bagay na talagang lumilitaw  dito at simulan nating  pakiramdaman na  ng  may higit pang atensyon sa mga ito ay magsisimula nating mapansin  na ang batawan ay sandigan  ng ating karanasan sa bawat sandali hindi mahalaga kung ano ang lumilitaw na nangyayari at kung bibigyan natin ng higit pang pansin ang likas na katangian ng batawan dito natin mapapagtanto na ang batawan ay ang pinaka-matalik na karanasan  ng kung ano ang ibig sabihin ng pangingibabaw ng kung ano ang ating sarili  sa bawat  sandali kaya ang kamalayan ay ang sandigan ng lahat ng pagkatao ito ang sandigan ng lahat ng ating mga karanasan sa bawat solong sandali at ito ang tunay nating pagka-tao.
Isa sa mga bagay na  kawili-wiling  mapansin at maunawaan tungkol sa kamalayan ay maraming mga tao sa kanyang buong buhay ay hindi pumansin sa sarili niyang kamalayan  dahil ang kanyang atensyon  ay palaging  nasa mga bagay ang pagtaas ng kamalayan at hindi kailanman sa saligan na nasa batawan  na kung saan siya  ay lumabas dahil maaari tayong mabuhay at hindi natin Makita at malaman ang tunay nating pagkatao  kaya ito ay  dapat maging isang pangunahing kahulugan kung ano ang ating kamalayan  ito  ang dapat maging sandigan  ng lahat ng tao pero may isa pang elemento ang kamalayan ito ay tinatawag nating malikhaing inspirasyon ang  rebolusyon ng malikhaing inspirasyon sa ebolusyon na  nagpapatawat gumigiit na dapat tayong maging kalmado kapag may
 dumating mula sa kawalan kagaya ng nilikha ng Diyos ang sanlibutan.
Kung maaari nating tawagin na ang Diyos ang enerhiya at  ang katalinuhan na pinag-simulan ng malikhaing proseso, ito   na ang mga palaso upang matulak  ang lakas ng loob at magkaroon ng malikhaing inspirasyon ito ang pinakamaganda at ang pinakamahusay na bahagi ng  bawat  isa  sa bawat  sandali  at ang isa pang aspeto ng kamalayan ay ang malikhaing aspeto ang bahagi na nasa atin upang lumikha ng isang mas mahusay na mundo at ito ang pinaka ulirang  mapusok na espiritwal na damdamin na lumalakas at  lahat tayo  sa ating  pinakamahusay na kaisipan na may kagustuhang Makita natin ang mas mahusay na paraan na likas sa ating pagiging malikhain.
Ang kamalayan ay isang kosmikong karanasan. Tayo ang mga mata at ang mga tainga ng sansinukob. Tayo ang tinig ng uniberso at kapag tayo ay tumitingin sa pamamagitan ng  ating mga mata ang uniberso ay tumitingin sa kanyang sarili sa pamamagitan ng mga mata kung  talagang maranasan natin  ng lubos  ang ating kamalayan ang ibang pagdama, persepsyon, ibang katalusan ang iba't ibang pakiramdam ang ibang kalooban ang ibang pag-uugali ang ibang mga sosyal na pakikipag-ugnayan sa ibang personal na relasyon ng ibang Paraan ng kahayagan ng kapaligiran ng iba't ibang pwersa ng kalikasan dahil ang ating kamalayan ay ang saligan  ng pagkatao  na magpapakita ng pagkakaiba sa lahat ng bagay na tinatawag nating katotohanan.
Kung ating malilikha itong kritikal na pagkilos na ito para makatulong sa mga tao. Makagawa ng serbisyo para sa lipunan at tayo ay magsama-sama para maabot ang punto sa mundo maaari nating mapahinto ang pangunahing sakuna na mangyayari sa ating sangkatauhan.
 Anumang nangyayari sa ating isip ay nangyayari sa ating utak.  Anumang  nangyayari sa ating utak ay nangyayari sa ating  katawan. At ang ating katawan ay magkasala-salabid. ang ating mga isip ay magkasa-salabid. At ngayon dumating na tayo sa mas malalim na antas, higit pa sa isip at katawan,  ang mahusay na espirituwal na mga tradisyon na tinatawag na ang kaluluwa o ang kaibuturan ng ating kamalayan, na lampas an sa ating isip at katawan.
Ang kaibuturan ng kamalayan ay ang pagkabatid at pagka-alam. Andoon  na siya, ng  ikaw ay isang sanggol, ng ikaw ay isang bata, ng ikaw ay lumaki na hanggang ngayon andoon siya sa iyo.At hindi ito nako-kondisyon ng mga karakter, ng mga pagsusuri, na,, kung gaano karaming pera mayroon ka. At ito ang tinatawag sa espirituwal na mga tradisyon bilang kaluluwa. At ang kamalayang ito dahil sa hindi ma kondisyon, ay isang lugar ng pagiging malikhain, may pananaw, may mabuting pasiya, imahinasyon, may tamang pagpili, kalayaan, mga posibilidad, at kawalan ng katiyakan.
Dahil sa paglaganap ng kawalan ng katiyakan, mayroong isang patuloy na proseso ng pagiging malikhain.
At ang mga mahusay na tradisyon ng karunungan ang nagsabi, na kung panghahawakan mo ito, makikita mo na ito - ang iyong tiket sa kalayaan.
Ang kamalayan ay batawan ng ating buhay,na iiba sa lahat ng bagay na tinatawag nating katotohanan, maging ito man ay sa personal na relasyon o panlipunan pakikipag-ugnayan o pagdama o katalusan o kapaligiran o kalagayan ng kaisipan at emosyon. At Kung makuha natin ang isang ideya ng lugar na ito ng kalayaan, tayo ay sabay-sabay na eepekto sa lahat ng bagay.
May tatlong bahagi ng tunay na buhay. Ang espiritu, kaisipan, at katawan, o ang tagamasid, ang proseso ng pagmamasid at ang minamasid. Lahat sila ay pareho pareho lamang. Lahat sila ay may isa lamang na pinagmulan: ang batawan ng dalisay na posibilidad na busilak ang hindi nya pa pagpapahayag.
Ang mga pisikal na batas ng sandaigdigan ay ang aktwal na kabuuang proseso ng dibinidad na paggalaw, o
ang kamalayan sa paggalaw. Kapag naiintindihan natin ang mga batas na ito at ilapat ang mga ito sa ating buhay, ang anumang gustohin natin ay maaaring malikha, dahil ang parehong mga batas na ginamit ng kalikasan upang lumikha ng isang gubat, o ng isang kalawakan,
o ng isang bituin, o  ng katawan ng isang tao ay maaari magdala sa atin na matupad pagtupad ang ating mga pinakamalalim na kagustuhan at mga pangarap.

1 komento: