Sabado, Enero 11, 2014

Ang palagiang pagpapalipas ng oras sa kalikasan ay magbibigay-daan sa iyo upang maunawaan ang pagkakatugma at pakikipagtulungan ng lahat ng mga elemento at mga puwersa ng buhay, at nagbibigay sa iyo ng isang pakiramdam ng pagkakaisa sa lahat ng nabubuhay.



Ang palagiang pagpapalipas ng oras sa kalikasan ay magbibigay-daan sa iyo upang maunawaan ang pagkakatugma at pakikipagtulungan ng lahat ng mga elemento at mga puwersa ng buhay, at nagbibigay sa iyo ng isang pakiramdam ng pagkakaisa sa lahat ng nabubuhay. Maging ito man ay isang batis, gubat, bundok, isang lawa, o dalampasigan, iyang koneksyon sa katalinuhan ng kalikasan ay makakatulong sa iyo upang makapunta sa bukirin ng nakatagong purong lakas at potensyal.
Kailangan mong matutunang  makipag-ugnay sa  pinakaloob na kakayahan ng iyong pagkatao. Ang tunay na kakayahang  ito ay higit sa iyong sarili. Ito ay walang takot, ito ay malaya, ito ay hindi tinatablan ng   mga kapintasan, hindi ito natatakot sa anumang hamon. Ito ay hindi sumasailalim kanino man, walang sinuman ang higit na mahusay sa pinaka loob ng iyong pag-katao at ito ay batbat ng salamangka, misteryo, at pang-akit.
Gumawa ng daan patungo sa iyong tunay na pinakadiwa na magbibigay rin sa iyo ng pananaw sa salamin ng iyong mga relasyon, dahil ang lahat ng iyong relasyon ay isang paglalarawan ng iyong kaugnayan sa iyong relasyon sa iyong sarili. Halimbawa, kung mayroon kang kasalanan, takot, at kawalan ng kapanatagan sa pagkawala o pagkakaroon pera, o tagumpay, o anumang bagay, at pagkatapos  ang mga ito ay salamin din ng kasalanan, takot, at kawalan ng kapanatagan bilang pangunahing mga aspeto ng iyong pagkatao.
Walang sa dame ng pera o laki ng tagumpay ang makakalutas sa pangunahing problema sa buhay; ang pagiging matalik na kaibigan sa iyong sarili lamang ang magdadala sa iyo tungkol sa tunay na pagpapagaling.. At kapag ikaw ay naka -salig sa kaalaman ng iyong tunay na sarili, kapag talagang nauunawaan mo ang iyong tunay na kalikasan. Hindi mo na magagawang mag-kasala, maging matatakutin, o hindi maging matatag tungkol sa pera, o sa kasaganaan, o tuparin ang iyong mga minimithi, dahil mapagtanto mo na ang iyong  kakayahan sa lahat ng material kayamanan ay ang enerhiya ng buhay, ito ay ang  dalisay na nakatagong potensyal.  At ang dalisay na nakatagong potensyal  ay ang iyong tunay na kalikasan.
Habang ikaw ay nakakakuha ng higit pang daanan sa iyong tunay na kalikasan, patuloy ka ring makatanggap ng mga malikhaing mga kaisipan, dahil ang bukirin ng dalisay na nakatagong potensyal ay siya ring bukirin ng walang hangganang pagkamalikhain at ng
purong kaalaman.
Hindi mo kailangang umalis sa iyong kuwarto para makapag-meditasyon. Manatiling nakaupo sa iyong mga upuan at makinig.Hindi mo nga kailangang makinig, maghintay lamang. Hindi mo nga kailangang maghintay, matuto lamang na maging tahimik, at maging walang kibo, at maging nag-iisa. Ang mundo ay malayang nag-aalok ng sarili nito sa iyo upang mahayag. Ito ay walang mga pagpipilian; ito ay gugulong sa lubos na kaligayahan sa iyong mga paa ..

Josue 1:

8 Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan(Meditasyon) mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay. 9 Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta."

Awit 1: 1-6

Ang Tunay na Kagalakan
1 Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama,
at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa.
Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya
at hindi nakikisangkot sa gawaing masama.

2 Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh.
Binubulay-bulay (Meditasyon) niya ito sa araw at gabi.

3 Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan,
laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon.
Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay.

4 Hindi gayon ang sinumang gumagawa ng masama,
ito ay tulad ng ipa, hangin ang siyang nagtatangay.

5 Sa araw ng paghuhukom, parusa niya'y nakalaan
siya'y ihihiwalay sa grupo ng mga banal.

6 Sa taong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay,
ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan.

Ang kasaganaan ng sansinukob ay isang pagpapahayag ng malikhaing  isip ng kalikasan. Kung naka tono ang iyong isip sa kalikasan, mas magkakaroon ka ng daanan sa walang katapusan at sa walang hanggang pagkamalikhain. Ngunit una, dapat kang pumunta at lumagpas sa pagkakagulo ng iyong panloob na dayalogo upang kumonekta ka sa masaganang, mayaman, walang katapusang, malikhaing kaisipan.
At pagkatapos ay nakakalikha ka ng mga posibilidad ng dinamikong aktibidad habang sa parehong oras nadadala ang katahimikang walang hangganan, walang saklaw, ang malikhaing kaisipan. Ito amg magandang kumbinasyon ng katahimikan, walang hanggan, walang katapusang kaisipan  kasama ang dinamikong, may hangganang indibidwal na ang kaisipan ay ang perpektong balanse ng katahimikan at paggalaw nang sabay-sabay na maaaring lumikha ng kahit anong ninanais . Ito magkakasamang pag-iral ng magkasalungat- katahimikan at pagbabago-bago sa parehong oras- gumagawa ng independiyenteng  sitwasyon,pangyayari, mga tao, at mga bagay.
Kapag Kinikilala mo ang tahimikan ang katangi-tanging magkakasamang buhay ng mga magkakasalungat, inihahanay mo ang iyong sarili sa mundo ng enerhiya. Sa kuwantum na sabaw, ang di-materyal di-kasangkapan na pinagmulan ng materyal na mundo. Ang mundo ng enerhiya ay tuluy-tuloy, dinamiko, nababanat, nagbabago, at magpakailanman sa paggalaw.
At  ito rin ay isa ay hindi nagbabago, tahimik, walang hanggan, at walang ingay.

Ang katahimikan ay posibilidad para sa pagkamalikhain, ang pagkilos ay posibilidad din ng pagkamalikhain na  hinihigpitan lang ang ilang mga aspeto ng mga ekpresyon. Ngunit ang kumbinasyon ng mga pagkilos at katahimikan ay nagbibigay-daan sa iyo upang mapalabas ang iyong pagkamalikhain sa lahat ng mga direksyon. Saan man dalhin ng  kapangyarihan ng iyong atensyon.  
Saan ka man pumunta sa gitna ng pagkilos at aktibidad, dalhin ang iyong katahimikan sa loob ng iyong pagkatao.

Pagkatapos ang magugulong mga kilusan sa paligid mo ay hindi kailanman makakatalo sa iyong daanan sa imbakan ng iyong pagkamalikhain, ang bukid ng dalisay ng purong posibilidad.
Paglalapat ng  batas ng purong posibilidad
Para magamit ang Batas ng Purong posibilidad upang umepekto sa pamamagitan ng paggawa ng isang pangako na gawin ang sumusunod na hakbang:
(1) Ako ay magdarasal araw-araw na gumagamit ng nakapangyarihang orasyon  at ako ay makikipag-ugnay sa larangan ng purong potensyal sa nakatagong lakas sa pamamagitan ng paglalaan ng oras sa bawat araw upang maging tahimik.  Ako ay uupong  mag-isa sa tahimik na meditasyon  ng dalawang beses sa isang araw  ng humigit-kumulang tatlumpung minuto sa umaga at tatlumpung minuto sa gabi.
 (2) ako ay makikipagniig sa kalikasan araw-araw  at  tahimik na magiging saksi sa katalinuhan sa loob ng bawat nabubuhay na bagay. Tahimik akong uupo at manonood ng paglubog ng araw, o makikinig sa tunog ng karagatan o sa bawat agos ng tubig sa ilog, o sa simpleng aamoyin ang halimuyak ng mga bulaklak. Sa lubos na kaligayahan ng  aking sariling katahimikan, at sa pamamagitan ng pakikipagniig sa kalikasan, ako ay malulugod sa bawat pintig ng panahon, ito ang bukirin ng nakatagong lakas,  at ng walang hanggang pagkamalikhain.
 (3) ako ay magsasanay ng hindi-paghuhusga. Uumpisahan ko ang aking araw sa mga pahayag na…. Ngayon, ako ay hindi maghuhusga sa mga nangyayari, at sa buong araw ay ipaalala ko sa aking sarili na ako ay hindi huhusga.
Ang Batas ng pagbibigay
Ang uniberso ay napapatakbo  sa pamamagitan ng dinamikong pagpapalitan ...ang  pagbibigay at pagtanggap ng iba't ibang aspeto ng daloy ng enerhiya sa uniberso. At sa ating kagustuhang magbigay sa ating mga hinahanap, napapanatili natin ang kasaganahan ng uniberso sa patuloy na pag-ikot sa ating mga buhay.

Itong mahinang behikulo ng daluyan na laging nawawalan ng laman muli at muli, ay napupuno  ito ng sariwang buhay. Isang maliit na na pinatutunog sa ibabaw plauta ng isang ng mga burol at labak, na  inihinga sa pamamagitan ng mga malalambing na tunog ng walang hanggang bagong tuno.

Ang iyong walang katapusan regalo o aking Panginoon ay dumating sa aking napakaliliit  na kamay . Lumipas ang panahon mayroon pa ring paglalagyan dahil ito ay binabahagi ko rin sa aking kapwa tao at ito ay hindi nauubos sapagkat ang mga ito ay nanggagaling sa iyo.

Ang ikalawang espirituwal na batas ng tagumpay ay ang Batas ng Pagbibigay. Ang batas na ito ay maaari ring tawaging  Batas ng Pagbibigay at Pagtanggap, dahil ang uniberso ay napapatakbo sa pamamagitan ng patuloy na dinamikong palitan. Hindi istagnante.


Ang iyong katawan ay isang  dinamiko at patuloy na nakikipag-palitan sa katawan ng uniberso, ang iyong kaisipan ay dinamikong  nakikipag-ugnayan sa kaisipan ng kalawakan;  ang iyong enerhiya ay isang pagpapahayag ng enerhiyang kalawakan.
Ang daloy ng buhay ay walang iba kung hindi ang magkakatugmang interaksyon ng lahat ng mga elemento at pwersang  istraktura sa bukirin ng pag-iral. Ito ang magkakasundong interaksyon ng lahat ng mga elemento at mga pwersa sa iyong buhay na pinatatakbo bilang Batas ng Pagbibigay. Dahil ang iyong katawan at ang iyong kaisipan at ang uniberso ay patuloy sa dinamikong palitan, ang paghinto sa sirkulasyon ng enerhiya ay tulad sa paghinto ng daloy ng dugo. Tuwing humihinto ang pagdaloy ng dugo, nagsisimulang  mamuo ang dugo, makulta, at hindi umagos. Kaya dapat kang magbigay at tumanggap  upang mapanatili ang kayamanan at kasaganaan. o anumang bagay na ninanais mo sa iyong buhay at ito’y iikot sa iyong buhay.
Ang salitang kasaganaan ay ang kariwasaan. Ang pagdaloy ng kaginhawahan. Ang  pera ay talagang isang simbolo ng enerhiya ng buhay  na ipinapalit at ang enerhiya ng buhay na ating ginagamit at na kunsumo bilang isang resulta ng serbisyo na binibigay natin sa uniberso.
Ang isa pang salita para sa pera ay salapi na  sumasalamin sa dumadaloy na katangian ng enerhiya. kung ating ititigil ang pag-ikot ng pera  at ito ay itatago lang natin. Dahil ito ay enerhiya din sa buhay, mapipigil natin ang sirkulasyon nito pabalik sa ating buhay. Upang mapanatili ang enerhiya na bumalik sa atin, kailangan nating mapanatili ang pag-ikot ng enerhiya.
Tulad ng isang ilog, ang pera ay dapat panatilihing dumadaloy, kung hindi, ito ay magsisimula mamuo, at makulta, suminghap sa paghinga at masakal
ng sariling nyang puwersa ng buhay. Ang sirkulasyon ay kailangang kailangan upang mapanatili ang kanyang buhay.
Sa bawat relasyon kailangang mayroong isang nagbibigay at mayroong isang tumatanggap. Ang pagbibigay  ay nagbubunga ng pagtanggap at ang pagtanggap ay nagbubunga ng pagbibigay. Kung ano man ang umakyat kailangang bumaba at kung ano man ang lumabas kailangang may pumasok. Sa katotohanan, ang pagtanggap ay ang parehong bagay bilang pagbibigay, dahil ang pagbibigay at pagtanggap ay iba't-ibang aspeto ng daloy ng enerhiya sa uniberso. At kung pipigilan mo  ang daloy ng alinman, nagagambala  mo ang katalinuhan ng kalikasan.
Sa bawat binhi ay ang pangako ng mga libu-libong  puno sa kagubatan. Ngunit ang binhi ay hindi dapat itago; dapat nitong  maibigay ang katalinuhan sa mayabong na lupa. Sa pamamagitan ng pagbibigay, ang hindi nakikitang enerhiya ay dadaloy sa
materyal na pagpapakilala.
Mas maraming kang binibigay, mas marami rin ang iyong tatanggapin, dahil pinanatili mo ang kasaganaan ng uniberso sa pagdaloy sa iyong buhay.
Sa katunayan, ang anumang bagay na may halaga sa buhay ay dumarami kapag ito ay ibinigay.  Kapag ang ibinigay  ay hindi dumarami, ito ay walang halagang ibigay o tanggapin.. Kung, sa pamamagitan ng gawa ng pagbibigay,  sa tingin mo na ikaw ay  nawalan ng isang bagay, magka gayon ang regalo ay hindi tunay na ibinigay at ito ay magiging dahilan ng hindi pagdami. Kung magbibigay ka ng may galit, ito ay walang enerhiya sa likod ng pagbibigay.
Ang intensyon sa likod ng iyong pagbibigay at pagtanggap  ang pinaka-mahalagang bagay. Ang intensyon ay dapat palaging makalikha  ng kaligayahan para sa mga bibigyan at sa mga tatanggap, dahil ang kaligayahan ay sumusuporta sa buhay- at nagpapalakas ng buhay kaya nakakabuo ng pagdami.  Ang pagbalik ay direktang  proporsyonal sa pagbibigay kapag ito ay walang pasubali at nagmumula sa puso.
Iyan ang dahilan kung bakit  dapat na ang kilos ng pagbibigay ay may kagalakan. Ang balangkas ng ating kaisipan ay dapat nakakaramdam ng kasiyahan sa bawat kilos ng pagbibigay.
Pagkatapos noon ang enerhiya sa likod ng pagbibigay ay daraming pataas ng ilang beses.
Ang pagsasanay sa Batas ng pagbibigay ay napaka-simple lamang: kung gusto mo ng kasiyahan, magbigay ka ng may kasiyahan sa iba; kung gusto mo ng pagmamahal, matutong magbigay ng may pagmamahal, kung gusto mo ng atensyon at pagpapahalaga, matutong magbigay  ng atensyon at pagpapahalaga, kung gusto mo ang materyal na kasaganaan, tulungan mo ang ibang  maging masagana sa materyal. Sa katunayan, ang pinakamadaling paraan upang makuha mo ang iyong ninanais ay ang tulungan ang iba na makakuha ang kanilang ninanais.
Ang  prinsipyong ito ay gumagana nang mahusay  sa mga indibidwal, sa mga korporasyon, sa lipunan, at sa mga bansa. Kung nais mong mapagpala ng mabubuting bagay sa iyong buhay, matutong  tahimik na pagpalain ang lahat ng tao ng mga mabubuting bagay para  sa kanilang buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento