SAGRADONG AKLAT 11
PART 1
PRINSIPYO AT PRAKTIS
NG PANGGAGAMOT SA PAMAMAGITAN NG ENGKANTO DE DIOS NA MAY PATNUBAY NG MGA HEALTH
ANGELS
3John 1:2 Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng
mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.
Ang panggagamot sa tulong ng engkanto
de dios ay isang paraan ng paglulunas na naglalayong alisin ang karaniwang
sanhi ng karamdaman sa pamamagitan ng tamang pagamit ng mga elementong
matatagpuan sa ating kalikasan.
Ecclesiastico 38:
4 Ang Panginoon ang nagpatubo ng mga halamang naigagamot,kaya't ang mga ito'y di kinaliligtaang gamitin ng matalinong tao.
5 Hindi ba't minsan ang tubig na mapait ay naging tubig na inumin
sa pamamagitan ng isang pirasong kahoy
upang makilala ang kapangyarihan ng Panginoon.
6 May mga taong pinagkalooban ng tanging karunungan,
upang magamit nila ang mga kahanga-hangang bagay na nilikha ng Diyos.
Sa gayo'y papupurihan siya ng lahat ng tao.
7-8 Sa mga bagay na iyan kinukuha ng parmaseutiko ang mga gamot,
na ginagamit ng manggagamot sa pagpapagaling ng sakit
at pagpapanauli ng kalusugan.
Anupa't hindi natitigil ang paggawa ng Panginoon,
na siyang nangangalaga sa kalusugan ng tao sa buong daigdig.
9 Anak, kapag nagkasakit ka, huwag mo itong ikabalisa,
dumalangin ka sa Panginoon at pagagalingin ka niya.
10 Pagsisihan mo ang iyong mga kamalian at magbagong-buhay ka;
linisin mo ang iyong puso sa lahat ng bahid ng kasalanan.
11 Mag-alay ka ng insenso at ng handog na pagkain,
at buhusan mo ng langis ang iyong handog sa abot ng iyong makakaya.
at buhusan mo ng langis ang iyong handog sa abot ng iyong makakaya.
Hindi lamang ito isang sistema ng pangagamot,
isa rin itong paraan ng pamumuhay Kung saan nakikiayon ka sa mahahalagang
pwersa ng kalikasan o mga natural na elemento ng ating katawan. Ito ay isang kompletong rebolusyon sa sining
at siyensya.
Ang pamamaraang sa aklat na ito ay
isinasagawa ng mga sinaunang tao sa Ehipto,
Greece at
Roma. Si Hippocrates, ang ama ng
medisina (460-357 B.C.) ay lubos na sumusuporta sa ganitong pamamaraan ng
pangagamot.
Ang India ay nangunguna sa makabagong
pamamaraan ng pangagamot kumpara sa ibang bansa sa mundo. May mga sagradong aklat sa India na naglalaman ng malawak na
kaalaman ukol sa pagamit ng iba’t ibang mahuhusay na elemento ng pangagamot
tulad ng hangin, lupa, tubig at araw.
Ang tinatawag na “The Great Baths” sa
sibilisasyon ng Indus
Valley ay nadiskubre na
gumagamit sila ng tubig upang mangamot.
Ang modernong pamamaraan ng pangagamot
gamit ang kapangyarihan ng engkanto de dios sa Germany noong 1822 ay naitatag ang
unang establishimento ng hydropathic.
Nagkaroon ng isang matagumpay na pangagamot gamit ang tubig, ang idea sa
pagamit ng natural na paraan ng pangagamot ay kumalat sa kaalaman ng buong
sibilisasyon ng mundo at madaming mangagamot mula sa Amerika at iba pang bansa
ay naging masugid nyang estudyante at disipolo.
Ang mga estudyanteng ito ay patuloy na
dumami at gumawa ng iba’t ibang paraan ng natural na pangagamot sa
kani-kanilang pamamaraan.
Ang pangagamot sa tulong ng engkanto
de dios ay base sa realisasyon na ang tao ay pinanganak na malusog at malakas
at kaya niyang panatilihin ito sa pamamagitan ng batas ng kalikasan.
Kahit na ipanganak na mayroong konting
depekto, kaya niya itong alisin sa pamamagitan ng pagamit ng pinakamahusay na
natural na paraan ng pangagamot. Ang
sariwang hangin, sikat ng araw, tamang pagkain, ehersisyo, pag rerelaks, maayos
na pag-iisip at pagiging positibo, kasama
ng pagdarasal at meditasyon ay bahagi ng buong katawan upang mapanatili
itong maayos at balanse.
"The doctor of the future will give no medicine, but
will involve the patient in the proper use of food, fresh air and
exercise." Thomas Edison
Ang karamdaman ay pinaniniwalaan na
isang abnormal na kundisyon ng katawan na nagmula sa paglabag sa batas ng kalikasan. Ang bawat paglabag ay may epekto sa katawang
laman at nagiging mababa ang resistensya, at gayon din naiipon ang mga toxins
sa dugo at sa mga ugat.
Sa isang maling pagdidiet hindi lang
ang ating tiyan ang naapektohan, kapag ang mga toxins ay naipon maapektohan
nito ang iba pang organ sa ating katawan tulad ng ating bituka, bato, balat at
baga sila ay mapipilitang magtrabaho ng higit sa normal upang maalis sa ating
sistema ang mga toxins na maaring makasama sa ating kalusugan.
Bukod pa dito, nagkakaroon din ito ng
epekto maging mental o emosyonal nagdudulot ito ng hindi balanseng metabolismo
sa loob ng ating mga cells. Kapag nasa
maayos na kundisyon ang ating dugo at mga cells ang mga mikrobyo ay napipigilan
magparami at napupuksa ito kaagad ng mga depensa sa ating katawan.
A man too
busy to take care of his health is like a mechanic too busy to take care of his
tools.
The only
way for a rich man to be healthy is by exercise and abstinence, to live as if
he were poor.
Luk 21:34 Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili,
baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga
pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na
yaon na gaya ng silo:
2Co 4:18 Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa
mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't
ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na
hindi nangakikita ay walang hanggan.
Jer 30:15 Bakit ka humihiyaw ng dahil sa iyong sakit?
ang iyong hirap ay walang kagamutan: dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan,
sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami, aking ginawa ang mga bagay na ito
sa iyo.
Jer 30:17 Sapagka't
pagiginhawahin kita, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon;
MAY TATLONG PRINSIPYO
ANG PANGAGAMOT SA TULONG NG ENGKANTO DE DIOS
Una, ang prinsipyo ng paraang ito ay
nagsasabi na lahat ng karamdaman ay sanhi ng pag-iipon ng maruruming elemento
sa ating katawan na nagiging dahilan para magloko ang ating pisikal na
katawan. Ang ating katawan ay may
kakayahan na alisin ang naiipong dumi at toxins na maaring makalason sa dugo at
organs.
Ngunit sa paglipas ng panahon ang tao
ay mayroong ugali sa maling pagkain, maling pag-aalaga ng katawan na nagsasanhi
ng nerbyos, sobrang pagpapagod at lahat ng bagay na sobra at abuso sa
katawan. Ang sinasabi ng prinsipyong ito
ay nararapat na tulungan natin ang ating katawan upang maalis ang mga toxins na
naiipon sa sistema natin at gamitin ang natural na paraan ng pangagamot.
MANGANGARAL
6:7 Nagpapagal ang tao para sa kanyang tiyan ngunit kailanma’y di siya
nagkakaroon ng kasiyahan. 8 Ano ang kahigtan ng matalino sa mangmang? Ano ang
mapapala ng isang mahirap kahit malaman niya ang pasikot-sikot ng buhay? 9 Wala
ring kabuluhan,para lamang hanging nagdaan. Kaya mabuti pa ay masiyahan sa
anumang kalagayan kaysa mangarap nang di naman makakamtan.12 Sino ang
nakakaalam kung ano ang mabuti sa taong nabubuhay sa maikling panahon at
pagkatapos ay mawawalang tulad ng anino? Sino ang makakapagsabi kung ano ang
mangyayari pagkamatay niya?
Pangalawa, sinasabing ang lahat ng
karamdaman katulad ng lagnat, sipon, pamamaga, anu mang sakit ng tiyan at hindi
maayos na panunaw at mga sakit sa balat ay paraan ng ating katawan upang
mailabas ang mga naipong lason o toxins sa dugo.
Ang sakit tulad ng sakit sa puso,
diabetes, rayuma, hika, sakit sa bato ay resulta ng hindi paglabas ng toxins sa
katawan at nadaragdagan pa ang mga toxins na ito dahil sa madalas na pag-inom
ng iba’t ibang sintetik na gamot, bakuna, narcotics at iba pang gamot na gawa
sa hindi natural na paraan.
Pangatlo, ang katawan ay nilikha na
may sariling paran upang gamutin ang anumang disorder sa loob nito at ibalik
ang lahat sa normal na kundisyon, sa pagtulong natin sa ating katawan sa tamang
pamamaraan makakaya nitong ibalik sa tama at normal ang lahat.
Ang pagaling sa karamdaman ay tunay na
nakasalalay sa ating sariling katawan at hindi sa kamay ng doktor.
ANG PANGAGAMOT SA TULONG
NG ENGKANTO DE DIOS AT ANG PANGAGAMOT GAMIT ANG MODERNONG SISTEMA
Ang modernong medisina ay gumagamot ng
sintomas at pumipigil sa karamdaman ngunit maliit lamang ang epekto nito sa
tunay na sanhi ng karamdaman.
Ang mga modernong medisina ay
naglalaman ng mga sangkap na makakatulong sa pagpigil o pagbawas ng karamdaman
ngunit ang lahat ng ito ay karaniwang may masamang side-effects sa ating
katawan.
Ang mga gamot na ito ay karaniwang
pinipigilan ang katawan sa kusa at natural niyang paraan ng paghilom o
paggaling at mas pinapahirap pa nito ang pagrekober ng katawan mula sa sakit.
Sinasabi na kapag gumamit ng modernong
gamot sa isang pasyente, siya ay napipilitang magrekober ng dalawang beses –
una siya ay magrerekober mula sa kanyang sakit at pangalawa mula sa mga gamot
na pinaiinom sa kanya.
Ang mga modernong gamot ay hindi
direktang gumagamot ng sakit; ang sakit ay nagpapatuloy; binabago lang ng mga
gamot na ito ang pattern ng karamdaman.
Ang mga gamot na ito ay sumisira din sa mga nutrients dahil ginagamit
nila ito at pinipigilan ang absorption sa ating katawan.
Bukod pa dito, ang lason na inilalabas
ng mga gamot na ito ay nangyayari lalo na sa panahon na mahina ang depensa ng
ating katawan.
Ang kapangyarihan na maibalik ang
kalusugan ng katawan ay nakasalalay sa natural na paraan at hindi sa iba’t
ibang klase ng gamot.
Ang paraan ng modernong medisina ay
naglalayong kontrahin ang sakit na nasa katawan na samantalang ang pangagamot
gamit ang kapangyarihan ng engkanto de dios ay naglalayong maiwasan at tulungan
ang katawan na maka adopt sa natural na paraan upang panatilihin ang kalusugan
at ibalik ang balanse sa loob ng buong katawan.
Ang pangagamot gamit ang kapangyarihan
ng engkanto de dios ay naglalayong ibalik muli ang ating katawang laman mula sa
abnormal patungo sa normal na kundisyon at function at nag aadopt ito sa mga
paraan ng pagpapagaling na kung saan ay umaayon sa paraan na natural at galing
sa tulong ng engkanto de dios.
Ang paraang ito ay nag aalis sa sistema ng
naipong toxins at lason na hindi nakakasama sa mga vital organs ng ating
katawan. Tinutulungan din nito ang ating
organs upang mailabas ang mga maruruming toxins sa ating dugo at nililinis nito
ang ating sistema upang maging maganda ang function nito.
Upang magamot ang karamdaman, ang una
at mahalagang dapat gawin ay ayusin ang tamang pagkain at pagdidiet.
Ito ay pinakamabisang paraan upang
maalis at maiwasan ang pagdami ng naiipong dumi at toxins sa ating katawan at
pinapanatili nito ang balanse ng ating sistema, mas magandang iwasan kumain ng
mga pagkain na nakakapagprodyus ng acido sa katawan, bawasan ang masyadong
pagkonsumo ng mga pagkaing masyadong mataas ang protina, preservatives at fats,
sa isang buong linggo o mas marami pang araw, mas makabubuting lumipat tayo sa
pagkain katulad ng sariwang prutas na makakapag linis ng ating bituka.
Kung ang katawan ay puno ng pagkaing
hindi nakakapagbigay ng magandang epekto sa katawan, katulad sa isang taong my
sakit, ang kumpletong paraan ng tamang pagdidiet at pagkain ng tama sa loob ng
isang linggo ay kailangan upang mailabas ang toxins sa katawan.
Ang mga prutas at juices ay lubos na
makakatulong, tandaan na kapag tayo ay may sakit, iwasan ang lubos na pagkain
ng sobra, kumain lamang ng magagaan sa panunaw tulad ng mga prutas. Hintayin lamang ang pagbalik ng karaniwang
gana sa pagkain sa ating paggaling.
Ang pagkawala ng gana sa pagkain ay
signal ng ating katawan na huwag natin pwersahin ang ating panunaw na kumonsumo
ng sobrang dami ng pagkain.
Pagkatapos ng isang linggong pagdidiet
at pagkain ng prutas lamang ay saka lang pwede kumain ng gulay at cereals.
Ang isa pang paraan upang gumaling ang
karamdaman sa natural na paraan ay ang pag pukaw natin sa ating katawan sa
pamamagitan ng paggamit ng tubig katulad ng pagamit ng hot o cold packs o pagligo
gamit ang maligamgam na tubig.
Ang pagpatong ng malamig na tubig o
cold pack sa ating tiyan ay nakakatulong sa maraming karamdaman gayundin ang
pag upo natin sa malamig na tubig ay nakakapagpababa ng ating temperatura at
ginigising nito ang ating nervous system o ang ating utak.
Ang pagpupunas ng basang bimpo sa
panahon ng may lagnat ay nakakatulong sa pagpababa ng temperatura ng katawan at
nakakatulong sa pagbabawas ng sakit at pamamaga ng walang masamang
side-effects.
Ang pag aaply naman ng maligamgam na
tubig ay nakakapagparelax sa pakiramdam.
Ang ibang paraan tulad ng tinatawag na air at sunbaths, ehersisyo at
masahe ay lubos na nakakatulong lalo na sa muling pagbuhay ng dead skin at
panatilihin ito sa normal na kundisyon.
Ang mga ehersisyo tulad ng yoga ay nag
bibigay din ng magandang kalusugan at nagbabawas ng tension maging ito ay
physical, emotional o mental.
Ang masahe naman ay nagpapaganda ng
daloy ng dugo sa ating nervous system at inaayos ang ating metabolismo. Ang balanse ng padidiet at sapat na
ehersisyo, ang paglanghap ng sariwang hangin, tamang pagbibilad sa sikat na
araw, paginom ng malinis na tubig, kalinisan sa pangangatawan, sapat na pahinga
at positibong pag iisip ay siguradong makakapgbigay ng maayos na kalusugan at
pag iwas sa karamdaman.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento