Lunes, Enero 13, 2014

Sagradong Aklat 51 Ang pag-gising sa binhi ng dakilang pagkatao sa pamamagitan ng sagradong kaalaman.



Sagradong Aklat 51
Ang pag-gising sa binhi ng dakilang pagkatao sa pamamagitan ng sagradong kaalaman.
Welcome sa isa na namang presentasyon ng Dtef tungkol sa sagradong kaalaman isang pampublikong serbisyo sa tradisyon ng malalim na karunungan at sikretong kamalayan.
Ang sagradong kaalaman ay ang mga kahanga-hangang karunungan ng lahat ng mga dakilang relihiyon.
Ang sagradong kaalaman ay unibersal na pagtuturo ng praktikal na agham. Ang layunin ay ang ganap na pagpapalaya mula sa paghihirap at ang kumpletong pag-unlad ng tao.
Ang libreng lektiyur ay magagamit ng lahat ng mga taong nagmamahal sa ating Panginoong Diyos. Ang araling ito ay mula sa ibat’t ibang maraming mga paksa ng sagradong kaalaman at mga lihim na karunungan upang matugunan ang maraming pangangailangan ng sangkatauhan.
Ang ating libreng mga aralin ay nagawang posible sa pamamagitan ng mga kabutihan ng mga miyembryong  bukas ang puso na tulad mo para sa karagdagang impormasyon o upang gumawa ng isang donasyon ng mapalawak pa ang ating mga layunin mag-mensahe sa amin anumang oras sa pamamagitan ng facebook o sa aming web site.
8 Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. 9 Tulad ng nasusulat, "Siya'y nagbibigay nang libre sa mga dukha; ang kanyang katuwiran ay walang hanggan." 10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11 Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila. 12 Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat nila sa Diyos. 13 Ang bukas-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos. 14 Kaya't buong pagmamahal nila kayong ipapanalangin, dahil sa dakilang kaloob ng Diyos sa inyo. 15 Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!
Ang magaan na pagtanggap ay isang ekspresyon ng karangalan sa nagbibigay.
Ang pag-gasta at mga serbisyo
Ang Pera ay parang dugo dapat itong dumaloy.

Ang pag-iimbak at pagtatago lang nito ay nagiging dahilan maging matamlay.
Upang lumago dapat itong dumaloy.
kung hindi, ito ay nagigig hadlang at tulad namumuong dugo maaaring maging sanhi ng pinsala.

Ang Pera ay enerhiya ng buhay, na ating pinagpapalit at ginagamit  bilang resulta ng serbisyo na binibigay natin sa sandaigdigan. At upang panatilihin itong dumarating sa atin, kailangan nating panatilihin ang paglaganap nito.
Ang donasyon ay ang pagbibigay ng isang bahagi ng iyong kita ng walang mga kundisyon o inaasahang kapalit kapag magbibigay. Kapag nagbigay
ng walang kapalit humihigop ito at nililikha ng mas kaakit-akit at mas higit pang pagpapala sa kung ano ang iyong ibinigay. Kapag walang mayamang puso ang kayamanan ay nagiging pangit na pulubi.
Ngayon, may taos-puso kahilingan  para sa katapusan ng paghihirap ng lahat ng mga nilalang, magsisimula tayo sa ating pag-aaral, upang ang lahat ng tao'y magiging masaya.
Bumabati kami ng malugod sa mag-aaral na pasukin na natin para sa pagtuklas ng mga sagradong kaalaman kung saan ito ay ang mga praktikal na agham. Na kailangan natin upang lubos na mabuo ang ating sarili bilang isang tao.
Ang sagradong kaalaman ay isang anyo ng kaalaman na lagpas sa ating panlupang personalidad. Ito ay isang anyo ng kaalaman na sumasaklaw sa kabuuan ng ating pag-iisip. At nasa loob  ng ating sarili lahat ng karunungan o ang maliwanag at tiyak na hakbang na kinakailangan para sa kaisipan na iyon upang maging ganap na buo ..
Kaya kapag nag-aral na tayo ng mga sagradong kaalaman ito ay magiging ating interes, ito ay ang ating pananabik. At sa katunayan lahat ng nag-aral ng relihiyon at ispirituwalidad. Ay ganito, dahil mayroon tayong espirituwal na pag-aalaala. Ang mga espirituwal na pag-aalaala ay isang pagnanais para sa pag-asam ng isang pampasigla, iyon ay nasa loob ng ating kamalayan o diwa.
Isang bagay na malalim, malalim na nasa loob ng ating saykiko. Ang espirituwal na pag-aalaala ay ang puwersa na naghahanap upang maging elemento na nagtatanong bilang isang kaluluwa, bilang isang taong may kamalayan, upang maging isang taong may pag-asam na mabuhay, na nahihimok mula sa lalim ng ating mga kamalayan, mula sa isang malalim tungkol sa nananatili nating kamangmangan para mag-isip-isip. Ang layunin ng sagradong tradisyon o ng sagradong kaalaman ay ang pag-aaral upang malaman ang pinagmulan ng nagpapasigla upang katawanin ang pinang-galingan, ng magkaroon ng direktang kaalaman ng pinagmulan at ito  talaga ang ibig sabihin ng sagradong kaalaman sa kanyang tunay na kahulugan ang unang kaalaman ng ating pinangalingang ugat kung saan tayo nanggaling.
Magsimula tayo sa pagsiyasat sa pamamagitan ng pagtingin sa ating mga sarili kung ano tayo ngayon, siyasatin kung saan tayo nanggaling at upang matuto mula sa likas na katangian tungkol sa kung paano tayo gumagana at kung paano tayo maaaring maka-angkop kung saan at paano tayo dapat mabuhay?
Lahat tayo bilang mga tao ay nakakaramdam ng ganitong mga simbuyo upang ipahayag, upang lumitaw, para maging, at ang pangangailangan ng madaliang pagkilos na ito ay partikular na malakas kapag tayo ay nasa kabataan, at nakakaramdam tayo ng paghahanap, nangangailangan at nagpupumilit malaman kung sino tayo?
Sino at ano ang ating magiging pagkatao? Ano ang ating magiging layunin? Ano ang ating magiging tungkulin? Ano ang nasa loob natin na naglalayong ipahayag ang kanyang sarili, kung sino tayo? Ito ang malalim na espirituwal na pag-aalaala ay partikular na malakas sa ating paglaki at sa pagiging kabataan. Ngunit sa kasamaang-palad para sa atin hindi natin makita ang mga sagot sa ating lipunan, sa ating relihiyon, sa ating mga paaralan, mga unibersidad at ang ating mga pamilya madalas sinabi sa atin kung ano ang dapat nating gawin ngunit napaka bihirang matuklasan ng isang tao kung sino sila.
Itong uri ng kaalaman sa sarili o sagradong kaalaman sa sarili ay hindi maaaring makuha sa pamamagitan ng paghahanap sa labas ng mundo matagpuan ito sa pamamagitan ng paghahanap sa kaibuturan ng ating sarili at sa kasamaang-palad ang karamihan sa mga tao na ipinanganak sa mukhang nitong pag-asam na malaman ang kanilang mga sarili ay lumilipas sa kanyang anyo ng may pananabik nananatiling walang kasagutan at natagpuan nila ang kanilang mga sarili at buhay sa, trabaho,careers, pagaasawa at sa mga sitwasyon na hindi kaaya-aya at sa mga kakulangan nila sa kaalamanng sarili o sa sariling ekspresyon na kinakailangan at sila ay namatay nang hindi kailanman natuklasan ang kanilang totoong layunin sa buhay.
Ito ay pareho sa anumang halaman, sa anumang puno na sa kurso ng kanilang pag-iral ay pinakawalan mula sa kanilang sarili ang milyong mga binhi at ang mga binhi ay nakakalat sa bawat kapaligiran upang palaganapin ang kanilang uri ng puno na iyun. Ang karamihan sa mga binhi ang lahat ng kung saan ay may pakiramdam ng pananabik upang maging isang mahusay na punong kahoy ay mawawala. Ito ang parabula na ibinigay ni Hesus sa ebanghelyo.
Mateo 13: 1-58
Ang Talinghaga Tungkol sa Manghahasik
(Marcos 4: 1-9)(Lucas 8: 4-8)
               1 Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. 2 Dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao 3 at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinhaga. Ganito ang sinabi niya:
               "May isang magsasakang lumabas upang maghasik. 4 Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. 5 May mga binhi namang nalaglag sa mabatong lupa. Dahil manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang mga binhi, 6 ngunit natuyo agad ang mga ito nang mabilad sa matinding init ng araw, palibhasa'y mababaw ang ugat. 7 May mga binhi namang nalaglag sa may matitinik na halaman. Lumago ang mga halamang ito at sinakal ang mga binhing tumubo doon. 8 Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu. 9 Makinig ang may pandinig!"
12 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. 13 Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinhaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man.
  16 "Subalit mapalad kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga! 17 Tandaan ninyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni narinig."
Ipinaliwanag ang Talinhaga Tungkol sa Manghahasik
(Marcos 4:13-20)(Lucas 8:11-15)
               18 "Pakinggan ninyo ang kahulugan ng talinhaga tungkol sa manghahasik. 19 Kapag ang isang tao ay dumirinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, siya ay katulad ng binhing nalaglag sa daan. Dumarating ang Masama at agad inaalis sa kanyang isip ang mensaheng kanyang napakinggan.
               20 "Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong dumirinig ng mensahe. Kaagad at masaya niya itong tinanggap 21 ngunit hindi tumimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nanatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya.
               22 "Ang binhi namang nahulog sa may damuhang matinik na halaman ay naglalarawan ng mga taong dumirinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, ang mensahe ay nawalan ng puwang sa kanilang puso at ito ay hindi nagkaroon ng bunga sa taong iyon.
               23 "At ang katulad naman ng binhing napahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya't ito ay namumunga nang sagana, may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu."
Talinhaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan
               24 Nagsalaysay muli si Jesus sa kanila ng isa pang talinhaga. Sinabi niya, "Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. 25 Isang gabi, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway, naghasik ng mapanirang damo sa triguhan at saka umalis. 26 Nang tumubo at magbunga ang trigo, lumitaw din ang mapanirang damo. 27 Kaya't pumunta ang mga utusan sa may-ari ng bukid at nagtanong, 'Hindi po ba mabuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?' 28 Sumagot siya, 'Isang kaaway ang may kagagawan nito.' Tinanong siya ng mga utusan, 'Bubunutin po ba namin ang mga damo?' 29 'Huwag, baka mabunot pati ang mga trigo,' sagot niya. 30 'Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig.' "
Talinhaga Tungkol sa Buto ng Mustasa
(Marcos 4:30-32)(Lucas 13:18-19)
               31 Sa pagpapatuloy, isa pang talinhaga ang isinalaysay ni Jesus sa kanila. "Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid. 32 Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito'y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya't nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito."
Kahulugan ng Talinhaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan
               36 Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok siya sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, "Ipaliwanag nga po ninyo sa amin ang talinhaga tungkol sa mapanirang damong tumubo sa bukid." 37 Sumagot si Jesus, "Ang naghahasik ng mabubuting binhi ay ang Anak ng Tao, 38 ang bukid ay ang daigdig, ang mabuting binhi ay ang mga taong kabilang sa kaharian at ang mapanirang damo naman ay ang mga kabilang sa Masama. 39 Ang kaaway na naghasik ng damo ay walang iba kundi ang diyablo. Ang panahon ng pag-aani ay ang katapusan ng daigdig at ang mga tagapag-ani naman ay ang mga anghel. 40 Kung paanong ang mga damo ay tinitipon at sinusunog, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. 41 Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. 42 Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. 43 Ngunit ang mga gumagawa ng matuwid ay magliliwanag na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may pandinig!"

 Ang karamihan sa mga binhi ay nawala o natuyo sa pamamagitan ng araw o kinakain ng mga ibon ang karamihan ay hindi nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng ugat. Ang bawat tao ay isang binhi ang kabuuan ng lahi ng sangkatauhan ay isang koleksyon ng mga binhi ang bawat isa sa atin ay isang binhi na naglalayong maging isang puno. Ang puno na nais natin maging ay tinatawag na "Ang Punong kahoy ng buhay". Kung saan ay kinakatawan sa bibliya sa Genesis bilang Punong kahoy ng Buhay.

Genesis 3:

Pinalayas sa Hardin si Adan at si Eva
               22 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, "Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay." 23 Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan.
               24 Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.

Ezekiel 47:

11 Ngunit ang mga latian ay mananatiling maalat para may makunan ng asin. 12 Sa magkabilang pampang ng ilog ay tutubo ang sari-saring punongkahoy na makakain ang bunga. Hindi malalanta ang mga dahon nito ni mawawalan ng bunga sapagkat ang didilig dito ay ang tubig na umaagos mula sa templo; ito ay patuloy na mamumunga sa buong taon. Ang bunga nito ay pagkain, at gamot naman ang mga dahon."

 

Pahayag 22:

1 Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog ng tubig na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito na sinlinaw ng kristal ay bumubukal mula sa trono ng Diyos at ng Kordero, 2 at umaagos sa gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ang bunga nito'y iba-iba bawat buwan, at nakapagpapagaling naman sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito.

Pahayag 2:

    7 "Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!
               "Ibibigay ko sa magtatagumpay ang karapatang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay na nasa paraiso ng Diyos."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento