Huwebes, Hunyo 12, 2014

Ang totoong ispirituwal na tagumpay ay ang pagkakaroon ng karanasan sa mga himala.



Ang totoong  ispirituwal na tagumpay ay ang pagkakaroon ng karanasan sa mga himala. Ito ang pagkakaalis ng tiklop ng dibinidad sa loob ng ating pagkatao. Ito ang pagkaunawa ng ating dibinidad kahit saan tayo mapunta, sa anumang pang-unawa. Sa mga mata man ng isang bata, sa kagandahan ng isang bulaklak, o sa paglipad at paglalakbay ng isang ibon. Kapag nasimulan nating maranasan sa ating buhay ang pagpapahayag ng mapaghimalang dibinidad, hindi paminsan-minsan lamang , ngunit sa lahat ng oras. Sa panahong iyon ay ating malalaman ang totoong kahulugan ng ispirituwal na tagumpay.

Bago natin pag-aralan ang mga batas sa ispirituwal dapat nating maunawaan ang konsepto ng ispituwal na batas.
Ang ispituwal na batas ay isang proseso na kung saan ang hindi nakikita ay makikita, na kung saan ang hindi mapatunayan ay napapatunayan; ito ang proseso na kung saan ang nagmamatyag ang siyang minamatyagan; na kung saan ang tumatanaw ang magiging tanawin; ito ang proseso na kung saan ang taong nangangarap ay matutupad ang kaniyang pinangarap.
Para matupad ang mga pinapangarap kinakailangan ang matindi at napalakas na panalangin at pag gamit ng ibat ibang orasyon.
Paano ba napapagana ang mga makapangyarihang orasyon? Unang una dapat kilalanin mo ang tunay mong pagka-tao, sino ka ba? Ikaw ba ang tunay mong pangalan? Ano ka ba? Ang mga kaalaman mo ba at paniniwala ay galing sa iyung mga ninuno, sa mga magulang, mga kamag-anak sa mga kaibigan. Nagkaroon ba ng impluensiya sa pagkatao mo ang iyung pinanggalingan, ang iyung kapaligiran at ang iyung pinag-aralan?
Upang mapagana mo ang mga kapangyarihan ng mga orasyon kailangan munang makilala mo kung sino ka at ano ang bumubuo para maging ganyan ang iyung paniniwala at principyo.
Alam mo ba paano ang tamang panalangin, ang tamang meditasyon, meron ka bang tamang ritwals na ginagawa, may pinakamataas na pokus ka na ba? (Sagradong Aklat 30) Kung saan pumupunta ang pukos, ang enerhiya ay dumadaloy.
 Ng pinaka mataas na konsentrayon? Ng pinaka-mataas na meditasyon? (Sagradong Aklat 27) ) Alam mo ba ang tunay na original name ng guardian angel mo? (Sagradong Aklat 9 with efod and pendant). Ano ang ibig sabihin ng buhay mo? Ano ang magiging kontribusyon mo sa sandaigdigan? Ilan lamang iyan sa mga sikretong kaalaman na dapat mong masagot upang mapagana ang makapangyarihang orasyon.
Ang lahat ng paglikha sa sangkatauhan at kalawakan, lahat ng nakikita sa pisikal na mundo, ay resulta ng mga bagay na hindi nakikita at nagbabagong anyo para makita.
Lahat   ng ating nakikita ay galing sa kawalan at hindi dating nakikita Ang ating pisikal na katawan, ang pisikal na sandaigdigan at lahat ng mga bagay na maaari nating mawatasan sa pamamagitan ng ating mga pandama ay ang pagbabagong anyong transpormasyon mula sa hindi nakikita, mula sa lihim, mula sa hindi maipahayag patungo sa nakikita, sa pagkakilala at sa pagiging hayag.

Ang pisikal na sandaigdigan ay walang iba kung hindi ang sariling pagkurba pabalik sa kanyang sarili para maranasan sa sarili nito ang pagiging espiritu, isipan, at pisikal na kalagayan. Sa ibang salita, ang lahat ng mga proseso ng paglikha ay proseso na kung saan ang Sarili o pagka- dibinidad ay naipapahayag.
Ang kumikilos na kamalayan ay nagpapahayag ng sarili nito bilang
mga bagay ng sandaigdigan sa walang hanggang paggalaw ng buhay.
Ang pinagmulan ng lahat ng paglikha ay ang dibinidad (o ang espiritu), ang proseso ng paglikha ay ang paggalaw ng dibinidad (o ang isip), at ang mga bagay ng paglikha ay ang pisikal na sandaigdigan (kasama ang
pisikal na katawan).
Tapang, pagkamalikhain, simbuyo ng damdamin at ang lubos na kaligayahan.
Ano ba ang konseptong ng kamalayan o ng diwa?  Ano ang ibig sabihin kapag lahat tayo ay biglang may malay-tao? Alamin natin ito sa isang bagong antas ang ibig sabihin ba nito ay tayong lahat ay naliwanagan. O ito lamang ang simula ng pagkalabit ng gatilyo upang masimulan ang ating pinanggalingan.
Ano ang ibig sabihin ng kamalayan? Isang tanong na kailangang masagot sa dalawa at maraming iba't ibang paraan dahil ang implikasyon ng kung ano ito ay nangangahulugang mauunawaan natin kung ano ang kamalayan at dahil dito  maaari mo na itong direktang maranasan.  Ito ang malalim na espirituwal sa gitna ng implikasyon ng ebolusyon para sa ating lahat. Ito ang lugar para mag-simula at mapagtanto na ang kamalayan ay ang saligan ng lahat ng pagkatao na nangangahulugagn ito  ang saligan ng lahat ng ating karanasan sa bawat sandali, kahit alam natin ang katotohanang ito o hindi. Kapag walang kamalayan andoon ang kamatayan.
kaya  ang lahat ng ating nararanasan  ay nagaganap sa loob ng isang batawan o isang lugar.. kung tayo ay magtutuon sa likas na katangian ng batawan kaysa  sa mga bagay na talagang lumilitaw  dito at simulan nating  pakiramdaman na  ng  may higit pang atensyon sa mga ito ay magsisimula nating mapansin  na ang batawan ay sandigan  ng ating karanasan sa bawat sandali hindi mahalaga kung ano ang lumilitaw na nangyayari at kung bibigyan natin ng higit pang pansin ang likas na katangian ng batawan dito natin mapapagtanto na ang batawan ay ang pinaka-matalik na karanasan  ng kung ano ang ibig sabihin ng pangingibabaw ng kung ano ang ating sarili  sa bawat  sandali kaya ang kamalayan ay ang sandigan ng lahat ng pagkatao ito ang sandigan ng lahat ng ating mga karanasan sa bawat solong sandali at ito ang tunay nating pagka-tao.
Isa sa mga bagay na  kawili-wiling  mapansin at maunawaan tungkol sa kamalayan ay maraming mga tao sa kanyang buong buhay ay hindi pumansin sa sarili niyang kamalayan  dahil ang kanyang atensyon  ay palaging  nasa mga bagay ang pagtaas ng kamalayan at hindi kailanman sa saligan na nasa batawan  na kung saan siya  ay lumabas dahil maaari tayong mabuhay at hindi natin Makita at malaman ang tunay nating pagkatao  kaya ito ay  dapat maging isang pangunahing kahulugan kung ano ang ating kamalayan  ito  ang dapat maging sandigan  ng lahat ng tao pero may isa pang elemento ang kamalayan ito ay tinatawag nating malikhaing inspirasyon ang  rebolusyon ng malikhaing inspirasyon sa ebolusyon na  nagpapatawat gumigiit na dapat tayong maging kalmado kapag may
 dumating mula sa kawalan kagaya ng nilikha ng Diyos ang sanlibutan.
Kung maaari nating tawagin na ang Diyos ang enerhiya at  ang katalinuhan na pinag-simulan ng malikhaing proseso, ito   na ang mga palaso upang matulak  ang lakas ng loob at magkaroon ng malikhaing inspirasyon ito ang pinakamaganda at ang pinakamahusay na bahagi ng  bawat  isa  sa bawat  sandali  at ang isa pang aspeto ng kamalayan ay ang malikhaing aspeto ang bahagi na nasa atin upang lumikha ng isang mas mahusay na mundo at ito ang pinaka ulirang  mapusok na espiritwal na damdamin na lumalakas at  lahat tayo  sa ating  pinakamahusay na kaisipan na may kagustuhang Makita natin ang mas mahusay na paraan na likas sa ating pagiging malikhain.
Ang kamalayan ay isang kosmikong karanasan. Tayo ang mga mata at ang mga tainga ng sansinukob. Tayo ang tinig ng uniberso at kapag tayo ay tumitingin sa pamamagitan ng  ating mga mata ang uniberso ay tumitingin sa kanyang sarili sa pamamagitan ng mga mata kung  talagang maranasan natin  ng lubos  ang ating kamalayan ang ibang pagdama, persepsyon, ibang katalusan ang iba't ibang pakiramdam ang ibang kalooban ang ibang pag-uugali ang ibang mga sosyal na pakikipag-ugnayan sa ibang personal na relasyon ng ibang Paraan ng kahayagan ng kapaligiran ng iba't ibang pwersa ng kalikasan dahil ang ating kamalayan ay ang saligan  ng pagkatao  na magpapakita ng pagkakaiba sa lahat ng bagay na tinatawag nating katotohanan.
Kung ating malilikha itong kritikal na pagkilos na ito para makatulong sa mga tao. Makagawa ng serbisyo para sa lipunan at tayo ay magsama-sama para maabot ang punto sa mundo maaari nating mapahinto ang pangunahing sakuna na mangyayari sa ating sangkatauhan.
 Anumang nangyayari sa ating isip ay nangyayari sa ating utak.  Anumang  nangyayari sa ating utak ay nangyayari sa ating  katawan. At ang ating katawan ay magkasala-salabid. ang ating mga isip ay magkasa-salabid. At ngayon dumating na tayo sa mas malalim na antas, higit pa sa isip at katawan,  ang mahusay na espirituwal na mga tradisyon na tinatawag na ang kaluluwa o ang kaibuturan ng ating kamalayan, na lampas an sa ating isip at katawan.
Ang kaibuturan ng kamalayan ay ang pagkabatid at pagka-alam. Andoon  na siya, ng  ikaw ay isang sanggol, ng ikaw ay isang bata, ng ikaw ay lumaki na hanggang ngayon andoon siya sa iyo.At hindi ito nako-kondisyon ng mga karakter, ng mga pagsusuri, na,, kung gaano karaming pera mayroon ka. At ito ang tinatawag sa espirituwal na mga tradisyon bilang kaluluwa. At ang kamalayang ito dahil sa hindi ma kondisyon, ay isang lugar ng pagiging malikhain, may pananaw, may mabuting pasiya, imahinasyon, may tamang pagpili, kalayaan, mga posibilidad, at kawalan ng katiyakan.
Dahil sa paglaganap ng kawalan ng katiyakan, mayroong isang patuloy na proseso ng pagiging malikhain.
At ang mga mahusay na tradisyon ng karunungan ang nagsabi, na kung panghahawakan mo ito, makikita mo na ito - ang iyong tiket sa kalayaan.
Ang kamalayan ay batawan ng ating buhay,na iiba sa lahat ng bagay na tinatawag nating katotohanan, maging ito man ay sa personal na relasyon o panlipunan pakikipag-ugnayan o pagdama o katalusan o kapaligiran o kalagayan ng kaisipan at emosyon. At Kung makuha natin ang isang ideya ng lugar na ito ng kalayaan, tayo ay sabay-sabay na eepekto sa lahat ng bagay.
May tatlong bahagi ng tunay na buhay. Ang espiritu, kaisipan, at katawan, o ang tagamasid, ang proseso ng pagmamasid at ang minamasid. Lahat sila ay pareho pareho lamang. Lahat sila ay may isa lamang na pinagmulan: ang batawan ng dalisay na posibilidad na busilak ang hindi nya pa pagpapahayag.
Ang mga pisikal na batas ng sandaigdigan ay ang aktwal na kabuuang proseso ng dibinidad na paggalaw, o
ang kamalayan sa paggalaw. Kapag naiintindihan natin ang mga batas na ito at ilapat ang mga ito sa ating buhay, ang anumang gustohin natin ay maaaring malikha, dahil ang parehong mga batas na ginamit ng kalikasan upang lumikha ng isang gubat, o ng isang kalawakan,
o ng isang bituin, o  ng katawan ng isang tao ay maaari magdala sa atin na matupad pagtupad ang ating mga pinakamalalim na kagustuhan at mga pangarap.
Ngayon pag-aralan naman natin ang mga espiritwal na batas ng pagtatagumpay at Makita natin kung paano, ilalapat ito sa ating mga buhay.
Ang batas ng nakatagong lakas.

Ang pinagmulan ng lahat ng paglikha ay purong kamalayan, dalisay na posibilidad na naghahanap ng pagpapahayag mula sa
ang hindi nakikita patungo sa mga nakikita..

At kapag Napagtanto natin na ang ating tunay na sarili ay isang dalisay na posibilidad na may nakatagong lakas at kapangyarihan, tayo ay hahanay sa kapangyarihan na maghahayag ng lahat ng mga bagay sa sandaigdigan.
Ng pasimula, walang pagkakaroon
o ng di-pagkakaroon, ang sandaigidigan ay walang maipahayag o maipakitang enerhiya…ang isang hininga o kawalan ng hininga, sa pamamagitan ng sarili nitong kapangyarihan walang sinuman ang andoon.
Awit ng pagkakalikha…..
Ang batas ng espirituwal na tagumpay ay ang Batas ng Purong posibilidad. Ang batas na ito ay batay sa katotohanan na ang tunay nating estado ay ang purong kamalayan. Ang purong kamalayan ay ang purong posibilidad., ito ay ang patlang ng lahat ng posibilidad at walang katapusang pagkamalikhain.Ang purong kamalayan ay ang ating mga espirituwal na pinakadiwa. Ang pagiging walang katapusan at walang hanggan, ito rin ay purong kagalakan.
Ang iba pang mga katangian ng kamalayan ay ang purong kaalaman, walang katapusang  katahimikan, perpektong balanse, ang kakayahan upang hindi magapi, ang pagiging payak, at ang lubos na pagiging masayahin. Ito ang ating mahalagang kalikasan. Ang ating mahalagang kalikasan ay ang dalisay posibilidad at ang nakatagong lakas.
Kapag natuklasan mo ang iyong mahalagang kalikasan at alam mo ang tunay mong pagkatao, sa pagkakaalam mo lamang at sa tunay na pagkakakilala mo sa iyong sarili ay ang abilidad na matupad mo  ang anumang pangarap na mayroon ka, dahil ikaw ay  may walang hanggan posibilidad, ang
napakadakilang  potensyal na ikaw ang dati, ang ngayon at ang iyung ninanais.

Ang Batas ng Purong posibilidad ay maaari ring tawaging  batas ng kaisahan, dahil ang pinagbabatayan ng walang katapusang pagkakaiba-iba ng buhay ay ang pagkakaisa ng isang malaganap na espiritu. Walang paghihiwalay sa pagitan mo at patlang sa batawan ng enerhiya. Ang batawan  ng dalisay na posibilidad ay ang iyong Sarili. At habang nararanasan mo ang tunay mong kalikasan, lalo kang napapalapit sa batawan ng purong posibilidad.
Ang karanasan ng Sarili, o ang pagsangguni sa sarili,. ay nangangahulugan na ang ating panloob na punto ng reperensiya ay ang ating sariling espiritu, at hindi ang mga bagay ng ating karanasan.

Ang kabaligtaran ng pagsasangguni sa sarili ay ang pagsasagguni sa bagay.
Sa pagsasagguni sa bagay tayo ay naiimpluwensyahan sa pamamagitan ng mga bagay sa labas ng ating Sarili, ito ay kinabibilangan ng mga sitwasyon, ng mga
pangyayari, ng mga tao, at ng mga bagay. Sa pagsasagguni sa bagay tayo lagi nating hinihingi ang pag-apruba ngiba. Ang ating pag-iisip at ang ating pag-uugali ay palaging sa umaasa sa kanilang tugon. Samakatuwid ito ay naka batay sa takot.
Sa pagsasagguni sa bagay nakakaramdam tayo ng matinding pangangailangan upang kontrolin ang mga bagay. Dama natin ang isang matinding pangangailangan para sa
panlabas na pagsang-ayon.. Ang pangangailangan para sa pagsang-ayon, ang pangangailangan upang kontrolin ang mga bagay, at ang pangangailangan para sa mga panlabas na kapangyarihan ang mga pangangailangang ito ay na naka-base sa takot. Ang ganitong uri ng kapangyarihan ay hindi ang kapangyarihang dalisay ng purong posibilidad,o ang kapangyarihan ng Sarili, o tunay na kapangyarihan.
Kapag narararanasan natin ang kapangyarihan ng Sarili, tayo ay walang takot, walang pamimilit upang makontrol, at walang pakikibaka para sa pagsang-ayon o panlabas na kapangyarihan.
Sa pagsasagguni sa bagay, ang iyong sinasangunian ay ang iyong pagkamakaako (ego). Ang Pagkamakaako, gayunpaman, ay hindi ang totoo mong sarili.
Ang Pagkamakaako ay ang iyong sariling-imahe, ito ay ang iyong maskarang sosyal, ito ang papel na iyung ginagampanan.
Ang iyong maskarang sosyal ay tumutubo sa pamamagitan ng kapangyarihan, dahil
nakatira ito sa takot.
Ang iyong tunay na sarili, na ang iyong espiritu, ang iyong kaluluwa, ay ganap na Malaya sa ng mga bagay na ito. ito ay hindi
tinatablan ng  mga pintas, ito ay walang takot sa  anumang hamon, at ito ay hindi nagpapailalim kaninuman.
Gayon pa man, ito ay mapagpakumbaba at hindi nagpaparamdam ng pagmamataas  kahit kanino man, dahil kinikilala nito na ang lahat ay ang parehong Sarili, ang parehong diwa sa iba't ibang balatkayo. Iyan ang mahalagang pagkakaiba sa pagitan pagsasanguni sa bagay at pagsasanguni sa sarili. Sa pagsasanguni sa sarili , mararanaan mo ang iyong tunay na pagkatao, ang pagkataong  hindi natatakot sa anumang hamon, may paggalang sa lahat ng mga tao, at hindi nagpapa ilalim kanino man.Ang Sariling-kapangyarihan samakatuwid ay ang tunay na kapangyarihan.
Ang kapangyarihang pagsasaguni sa bagay, gayunpaman, ay maling kapangyarihan. Sa pagiging pagkamakaako-(ego) nakabatay ang kapangyarihan ito, tumatagal lamang hangga't ang bagay ng sanggunian ay hindi pa lumilipas. Tulad halimbawa ng pagiging president ng isang bansa o ng isang korporasyon o kung mayroon kang maraming pera, ang kasiyahan mo ay nakaakibat sa titulo, ng trabaho, ng pera.
Ang pagkamakaako-ay nakabatay sa kapangyarihan na nananatili habang andiyan pa ang pamagat, kapag nawala na ang trabaho at naubos na ang pera kasamang nawawala ang kapangyarihan.

Ang pansariling-kapangyarihan, sa kabilang banda, ay permanente, dahil ito ay batay sa kaalaman sa Sarili. At may mga katangian ang pansariling-kapangyarihan.
Ito ay nakakapag-anyaya ng mga tao sa iyo, at ito din ang kumukuha ng mga bagay na gusto mo sa iyo. Ito ay umaakit ng mga tao,ng sitwasyon, at mga pangyayari upang suportahan ang iyong mga kagustuhan at mga hinahangad.
Ito ay tinatawag ding suporta mula sa mga batas ng kalikasan. Ito ay ang suporta ng pagka-dibinidad, ito ay ang suporta na mula sa estado ng biyaya. Ang iyong kapangyarihan ay tulad ng pagiging masiyahin na naka bigkis sa mga tao, at mga tao ay nasisiyahang naka bigkis sa iyo. Ang Iyong kapangyarihan ay ang pagbibigkis, isang pagbibigkis na mula sa tunay na pag-ibig.
Paano  natin maaaring i-aplay ang Batas ng Purong posibilidad, ang araruhan ng lahat ng posibilidad, sa ating buhay?kung
nais mong tamasahin ang mga pakinabang ng mga batawan ng purong posibilidad, ,kung nais mong  ganap na magamit ng iyong pagkamalikhain na likas na taglay sa purong kamalayan, kung gayon dapat kang magkaroon ng daanan papunta sa purong kamalayan.
Ang isang paraan upang magkaroon ng daanan sa batawan ay sa pamamagitan ng araw-araw na pagsasanay sa katahimikan, meditasyon, at magkaroon ng ugaling walang paghuhusga . Magpalipas ng iyung oras sa kalikasan para mabigyan ka ng daan sa mga katangian na likas sa batawan: walang hanggang pagkamalikhain, kalayaan, at lubos na kaligayahan. Ang pagsasanay ng katahimikan ay nangangahulugan ng paggawa ng isang pangako sa isang tiyak na oras sa simpleng pagiging ikaw lang mag-isa.
Ang pagkaranas ng katahimikan ay nangangahulugang umiiwas mula sa aktibidad ng pananalita.
Nangangahulugan din itong  panaka-nakang pag-iwas mula sa naturang mga gawain tulad ng panonood sa telebisyon, pakikinig sa radyo,o pagbabasa ng isang libro. Kung hindi mo bibigyan ang iyong sarili upang maranasan ang katahimikan, ito ay lilikha ng ligalig sa iyong panloob na pag-iisip.
Magtabi ng kaunting oras sa bawat pagkakataon upang makaranas ng katahimikan. O gumawa ng isang pangako upang mapanatili ang katahimikan para sa isang tiyak na tagal ng panahon sa bawat araw. Maaari mong gawin ito loob ng  dalawang oras, o kung sobra ito para sa iyo, gawin itong isang oras na tagal ng panahon. At gumawa ng isang katahimikan bilang karanasan para sa isang pinalawig na tagal ng panahon, tulad ng isang buong araw, o ng dalawang araw, o kahit isang buong linggo.
Ano ang mangyayari  kapag pumunta ka sa karanasang ito ng katahimikan? Sa umpisa ang iyong panloob na kaisipan ay magiging mas magulo. Magkakaroon ka ng isang malakas na saloobin upang sabihin ang mga bagay-bagay. Na parang kabaliwan lang lahat ng mga ito sa unang araw o ika-lawang araw kapag nagpasya kang gawing ang pagpapalawig sa tagal ng katahimikan. Pero kapag nanatili ka sa karanasang ito, ang panloob na kaisipan ay nag-uumpisang maging tahimik. At sa lalong madaling panahon ang katahimikan ay magiging malalim.
Ito ay dahil pagkatapos ng karanasan  ang kaisipan ay susuko;  napagtanto nito na walang punto sa pag-ikot-ikot sa paligid at
 kung ikaw ay ang sarili, ang espiritu, ang pumipili at hindi  magsasalita.
Sa oras na iyun, ang panloob na kaisipan ay tatahimik, mag-uumpisa kang makaranas ng katahimikan sa batawan ng dalisay sa purong posibilidad.
Ang panaka-nakang pagsasanay ng katahimikan kung kalian maginhawang gawin ito para sa iyo ay isang paraan upang makaranas ng Batas ng Purong posibilidad. Ang magpalipas ng oras sa bawat araw sa pag-ninilay-nilay ay mabuti.  Dapat kang magnilay kahit tatlumpung minuto sa umaga, at tatlumpung minuto sa gabi.

Sa pamamagitan ng pagninilay-nilay
 matututunan mong maranasan ang batawan ng purong katahimikan at purong kamalayan. Sa batawan na iyon ng dalisay na katahimikan ay ang batawan ng walang hangganang ugnayan, ang batawan ng walang hangganang-aayos ng kapangyarihan, ang tunay na
saligan ng paglikha na kung saan ang lahat ay konektado sa lahat ng iba pang bagay.

Ang ikalimang espirituwal na batas, ay ang batas ng intensyon at pagnanais, makikita mo kung paanong maaari mong ipakilala ang isang hindi maipaliwanag na salpok ng intensyon sa patlang na ito, at ang paglikha ng iyong mga kagustuhan ay darating ng kusa. Ngunit una, dapat kang makaranas ng katahimikan. Ang Katahimikan ay ang unang kinakailangan para mahayag ang iyong mga kagustuhan, dahil sa katahimikan namamalagi ang iyong koneksyon sa batawan ng dalisay na posibilidad  na maaaring magbigay ng walang hanggang  mga detalye para sa iyo.
Isipin mong bumabato ka  ng maliliit na bato sa isang lawa at mapapanuod mo ang pag-galaw ng  maliliit na alon. Pagkatapos, matapos maubos ang maliit na alon , marahil  magtatapon ka uli ng isa pang maliliit na bato. Iyan ang eksakto mong ginagawa kapag ikaw ay pumupunta sa batawan ng purong katahimikan at ipakilala ang iyong intensyon. Sa katahimikang ito, kahit na ang pinakamalabong intensyon ay lilikha ng maliliit na alon mula sa magkabilang panig ang ilalim na saligan ng unibersal na kamalayan, na konektado sa lahat lahat.
Subalit, kung hindi ka makaranas ng katahimikan sa kamalayan,kung ang iyong isip ay tulad ng magulong karagatan, maaari mong itapon ang isang buong gusali rito, at wala kang mapapansin kahit ano.
 Sa Biblia ang ekpresyon,. Maging tahimik, at alam mong ako ang Diyos ... Ito ay maaari lamang tuparin  sa pamamagitan ng pagninilay.
Ang isa pang paraan upang makapunta sa batawan ng dalisay na posibilidad ay sa pamamagitan ng pagsasanay ng walang-paghatol.Ang paghatol ay ang patuloy na pagsusuri ng mga bagay bilang tama o mali, mabuti o masama. Kapag ikaw ay nag-papatuloy sa pagsusuri, sa pag uuri uri, paglalagay ng label, pagsusuri, lumikha ka ng maraming ng kaguluhan sa iyong
panloob na dialogue. Kaguluhan ito nagpapasikip ng daloy ng enerhiya sa pagitan mo at sa larangan ng
dalisay kalamangang mangyari. Literal mong pisilin ang agwat sa pagitan ng mga saloobin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento