Huwebes, Abril 16, 2015

Kinukulam ka ba? Importanteng basahin mo ito ng malaman mo.

https://www.youtube.com/watch?v=rAF1HTuEyzc
https://www.youtube.com/watch?v=829JyeW3g3w
Kinukulam ka ba? Importanteng basahin mo ito ng malaman mo.
Tumataas ang nag aaral ng Pangkukulam at maging ang mga biktima ng kulam. Noong makalipas na mga taon maraming reseach ang ginawa sa Stony Brook Medical College sa New York, USA at naging conclusyon nila na ang pangkukulam ay totoong nakakamatay ito man ay pinatunayan sa biblia.
Ang mga nakukulam ay nasa panganib at maaaring sirain nito ang kalusugan at kalagayan ng kabuuan ng isang tao, maaari din itong mapatay o gawin ng mga indibidwal na magpakamatay sa labis-labis na paghihirap na nararamdaman. Nagiging suicidal mahina ang shield ng aura o proteksyon.
Ang mga walang-salang kaluluwa ng tao ay bihirang malaman na siya pala ay kinukulam na. Ito ay ginagawa nila upang makasakit at makapatay ng isang tao. At bawat taong mapapatay nila tumatataas ang kanilang kapangyarihan at ranggo.
Ang mga personal na gamit ng isang bibiktimahin tulad ng baro, picture, kuko minsan pangalan at date of birth lang ay ginagamit para gumawa ng manika na malalagyan ng koneksyon sa isang tao.
Ang pinaka dibdib ng manika ay iniiwang bukas para sa pinakahuling rituals. Ang ritual ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng puso ng isang hayop na buhay at ito ang inilalagay para maging puso ng manika at sa puntong ito'y magsisindi ng
kandila para ma infused ang buhay ng bibiktimahin papunta sa manika na ginamitan ng invisible psychic chord. Upang mabuhay ang koneksyon ng biktima at manikang
gagamitin.
Kapag ang lifeforce ng manika at ng taong kukulamin ay konektado na, gumagamit na ang mangkukulam ng karayom tinutulak ito sa isang specific acupuncture points para ma break ang energy system ng biktima. Habang tinutusok ang karayom mararamdaman ng bitima ang bawat pag baon ng karayom sa loob ng kanyang katawan.
Ang biktima na kahit ilang libong milya ang layo ay makakaranas ng sunod sunod na atake.
Lalo na kung ang biktima ay napakain, napainom ng pagkain o inuming nahaluan ng abo ng isang patay na tao na nakakapag infused ng negatively charged na energies. Nakakapagbigay ito ng unlimited control sa mangkukulam sa pag-iisip at katawan ng bibiktimahin. Ang pinaka-focus ng mangkukulam ay sirain ang immune system ng biktima.
Eze 13:19 At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga
dakot na cebada, at dahil sa mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga
kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan.
Eze 13:20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa
inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin.
Kung sa tingin mo na ikaw ay binibiktima na ng masamang
salamangka/pangkukulam eto ang mga indikasyon na tutulong sa iyo upang maintindihan mo ang inyong kalagayan.
Mga palatandaan o signs kung ikaw ay kinukulam na o may ibang masamang ispiritu ang nakikielam sa iyo.
• Ang iyong pagtulog ay balisa, laging na iistorbo. Hindi ka mapagkatulog at laging nagigising ng alanganing oras.
• Madaling mapagod at kinukulangan ang lakas upang mabuhay ng maayos sa araw-araw na gawain.
• Mayroon kang kinatakutan na hindi maintindihin kung sino o ano.
• Nawaawalan ng interes sa buhay.
• Nawawalan ng pag –asa.
• Ikaw ay madaling mapagalit kahit walang dahilan
•Nakakaramdam ng sakit sa puso o parang inaatake pero
pag napa- consulta sa mga medical doctors ay walang makumpirmang karamdaman.
• Nakakaramdam ng matinding depression.
• Pagkatuyo ng labi o bibig sa gabi na parang nauuhaw parati.
• Madaling tumaba minsan naman madaling pumayat.
• Bigla-biglang nagkakaroon ng panginginig at pangingilabot sa buong katawan.
• Parang humihigpit o sumisikip ang mga ilang bahagi ng katawan at kalamnan.
• Nagiging lutang ang pag-iisip biglang naging malilimutin at nararanasan ang paghina ng memorya.
• Ang mga payo at pangitain na dapat dumaan sa iyong panaginip ay hinaharang, Kaya wala kang maala-alang panaginip tuwing gumigising.
• Ang iyong mga propesyonal na karera o trabaho ay na- aapektuhan laging wala sa kondisyon o gana.
• Hindi makatwiran para sa iyo ang pag-uugali ng mga tao kaya laging may nakakaaway.
• Minamalas, mahirap kumita ng pera nawawalan ng paraan mag- isip kumita.
Maraming mga sintomas ang maaaring makita sa taong kinukulam ang lahat ng ito ay depende sa estado ng conciousness ng isang biktima at ang mga uri ng masamang Espiritu na umi- impluwensiya sa kanya na nakaka-apekto sa biktima.
Mga sumusunod na palatandaang may aktibidad ng kulam o may masamang ispiritung nakikielam sa isang tao.
• Nanaginip ka ng patay na taong hindi mo kakilala at nananaginip ka ng kakila-kilabot na mga hitsura ng tao na gusto kang patayin habang ikaw ay natutulog at nananaginip kaya para kang hindi makahinga at binabangungot.
• Madalas kang managinip ng mga ahas at ng mga maruruming lugar na may kasamang umaalingasaw na mabahong amoy.
• Biglang magigising sa takot mula sa malalim na pagkakatulog na hinahabol ang paghinga.
• Nananaginip na bumabagsak mula sa isang napakataas na pinanggalingan.
• Nananaginip ng mga ahas, alakdan at malalaking maitim na gagamba.
• Nakakakita ng maiitim na parang tuldok o usok na lumulutang sa iyung kapaligiran lalo na pag matutulog
pa lamang o pag kagising.
• Lumalaki ang iyong tiyan tulad ng isang buntis na babae ang itaas ng iyung pusod ay parang sumisikip at kung
ito'y hihipuin para bang may bolang matigas na nasa loob ng tiyan.
• Paninikip at mabigat na pakiramdam lalo na sa may balikat at dibdib.
• Matinding kagutuman sa mga biktima lalo na kung nasasaniban o nabaunan na ang iyong katawan.
• Palaging sumasakit ang ulo.
• Minsan ay nangingitim ang kulay ng iyung balat.
• Pangangati, parang may pumapaso at tumutusok sa iba't- ibang bahagi ng katawan.
• Sa mga malubhang kaso ng salamangka o pangkukulam na meron talagang gustong pumatay sa iyo, makakakita ka ng masasamang pangitain.
Mga aksidenteng karumal-dumal, mga patayan sa iyung harapan maging hayop o tao ito. Nasa gitna ka na ng cross over ng pagkabuhay at malapit nang mahigup sa kamatayan.
Huling yugto ng biktimang kinukulam at sinasaniban ng masamang ispiritu na mahirap ng iligtas at kakaunti na lang ang oras para mabuhay o mananatili sa mahirap na kalagayan.
• Kanser sa ibat –ibang parte ng katawan lalo sa dugo pag ito'y contaminated na.
• Pag-urong, pag liit o hindi na pag gana ng atay at pantog.
• Sobrang hindi maipaliwanag na panghihina.
• Gumagamit na ng ibat ibang droga.
• Inaatake na sa puso.
• Mga gamot na nirereseta ay hindi na gumagana na pinagtatakhan ng mga medical practitioner: na nagreresulta sa mga doktor na gumamit ng mas malakas na gamot .
• Nagtataka ng magpakamatay o laging nag iisip ng kanyang ikakamamatay.
Karagdagang mga sintomas ng nakukulam o may nakikielam na masamang ispiritu na nauukol sa mga babae lamang.
• gasgas marka sa paligid ng hita o maselang bahagi ng katawan.
• Madalas managinip na may gumagahasa sa kanyang mga masasamang ispiritu at ito'y parang totoong totoo.
• Pangangati sa maseselang bahagi ng katawan.
• Paghinto ng buwanang menstruation, nagiging irregular ang menstruation minsan ay napakasakit at minsan may napakaitim na dugong lumalabas.
• Hindi mabuntis buntis dahil may ibinira o ibinaong kulam sa kanyang fallopian tubes kaya ma buntis man nagreresulta lang ito ng pagkalaglag ng sanggol. Kaya nananatiling baog habang buhay.
• Hindi matagalan ang pagbubuntis na nagreresulta sa pagkamatay niya o ng sanggol.
• Hindi maipaliwanag na convulsions.

Karagdagang mga sintomas nauukol sa Espirituwal na mga tao

• Ang iyong interes sa ispiritual ay bumabagsak, ayaw mo ng manalangin, wala ka ng pananampalataya sa Dios Ama, Dios Anak at Dios Ispiritu Santo maging kay Mama Mary at sa ibat ibang angel na pinadadala sa iyo upang tulungan ka.
• Biglang nag iiba ang pakiramdam sumasama kapag sinusubukang manalangin.
• Madaling matuksong gumawa ng malalaswa at masasamang bagay at mga bisyo.

Sa mga malubhang kaso kung saan na ang demonyo na ang sumasanib , ang biktima ay maaaring biglang magpakamatay o maging mamamatay tao.
Ang pagiging marahas na pag-uugali ay lubos na makikita sa mga ganitong tao.

Solusyon:
Mag pacheck up sa mga magagaling (authorities) laban sa kulam at exorcism.
Magpagamot, mag aral ng mga Sagradong Aklat matutong maglagay ng Divine Shield at proteksyon maging spiritual warrior pag aralan ang combatis spiritual upang huwag ma biktima at katakutan ng mga mangkukulam at masasamang ispiritu.

Exodo 22: 18 "Ang mga mangkukulam ay dapat patayin.
Ezekiel 13:
13 Kaya, ipinapasabi ng Panginoong Yahweh: "Dahil sa aking galit, magpapadala ako ng unos. Dahil sa tindi ng aking poot, ibubuhos ko ang malakas na ulan. Dahil sa laki ng aking galit, magpapaulan ako ng yelo upang sirain ang pader na iyon. 14 Ang pader na inyong tinapalan ng kalburo ay iguguho ko hanggang sa pundasyon nito. Pagguho nito, matatabunan kayo. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh. 15 Ang matinding galit ko'y ibubuhos ko sa pader na iyon at sa mga nagtapal niyon. Pagkatapos, sasabihin kong wala na ang pader pati ang mga nagtapal niyon. 16 Ang mga nagtapal ng pader ay ang mga propeta ng Israel na nagsabing maayos ang lahat sa Jerusalem ngunit kabaligtaran ang nangyari." Ito ang sabi ng Panginoong Yahweh.
Ang Pahayag Laban sa mga Babaing Bulaang Propeta
17 Ang sabi ni Yahweh, "Ngayon, Ezekiel, magpahayag ka laban sa mga kababayan mong babae na nagpahayag ayon sa kanilang sariling isipan. 18 Ganito ang sabihin mo sa kanila: Kahabag-habag ang mga babaing bumibihag sa kalooban ng mga tao sa pamamagitan ng pulseras nila sa kamay at belo sa ulo ayon sa lahi ng tao. Binibihag ba ninyo ang kalooban ng aking bayan para sa inyong kapakinabangan? 19 Ginawan ninyo ako ng malaking kalapastanganan sa harap ng aking bayan sa pamamagitan ng kaunting harina at ng durog na tinapay. Sa pamamagitan ng inyong pagsasabi ng kasinungalingan sa mga mahilig makinig ng kasinungalingan, pinapatay ninyo ang dapat mabuhay at binubuhay ang dapat mamatay."
20 Kaya nga ipinapasabi ng Panginoong Yahweh, "Nasusuklam ako sa mga pulseras ninyong may salamangka para mabihag ang kalooban ng mga tao. Hahablutin ko iyan sa inyong mga kamay, at palalayaing tulad ng ibon ang isipan ng mga taong nabihag ninyo. 21 Hahaltakin ko rin ang inyong mga belo, at palalayain ko ang aking bayan mula sa inyong kapangyarihan. Hindi na ninyo sila masasakop. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh. 22 Tinakot ninyo ang mga matuwid dahil sa inyong kasinungalingan at pinalakas ninyo ang loob ng masasama para lalong magpatuloy sa kanilang kasamaan. 23 Kaya naman, hindi na ninyo makikita ang huwad ninyong pangitain at hindi na ninyo magagawang magpahayag ng inyong mga kasinungalingan. Ililigtas ko mula sa inyong kapangyarihan ang aking bayan, at malalaman ninyong ako si Yahweh."
24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by Mike Enriquez and Mel Tiangco. It airs...
youtube.com

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento