Linggo, Hulyo 28, 2013

Ang Lihim na Mundo at ang nakalabas na mundo.



Ang Lihim na Mundo at ang nakalabas na mundo.
Kung binabasa mo ngayon ang nilalaman ng sagradong aklat na ito. Ikaw ay isang tao sa iyong pamilya, Sa iyong lugar ng trabaho, sa lupon ng iyong mga kaibigan. Ikaw ay isang taong na laging pinag- iisipang medyo kakaiba ang pag-iisip at pagkilos. Hindi isang taong masama pero kakaiba. Ito ay dahil iba kang tumingin sa mga bagay-bagay. Malalim ang iyong pananaw.
Meron kang ibang paraan sa pagtingin sa mga situwasyon at sa mundo. Kaya minsan tayo’y pinagtatawanan. Pero alam natin na sa ating pamilya, sa ating mga katrabaho, sa ating mga kaibigan, kapag ang buhay nila ay nagkakaroon ng mga mabibigat na problema. Kapag ang kanilang perpektong pagsasama ay biglang nasira. At kapag ang kanilang karera o trabaho ay nawala, at kapag sila ay nagkasakit sa iyo sila tumatakbo upang humingi ng payo at tulong.
Ito ay dahil may tapang ka upang tingnan ang mundo sa ibang paraan. Meron kang lakas para mabuhay sa ibang paraan. At ito ay napaka-importante sa kaligtasan ng buhay.
Galugarin nating mabuti ang mga sikretong kaalaman at malalim na katalinuhan. May salita at wika na naririnig ng kalawakan na nasa patlang. May nakatagong kasukalan na humahawak sa ating lahat. Merong bukirin ng kapangyarihan na dapat nating gamitin.
Hindi lahat ng nakikita ay dapat paniwalaan at ang lahat ng iniisip ay magiging posibilidad dahil may hindi nakikitang napakalakas na pwersa sa sandaigdigan na hindi kayang ipaliwanag ng agham at ng katalinuhan ng tao.
Tuklasin ang iyong personal na alamat. Ito ang mga pangarap mong nais makamit.Iyan ang mahalaga mong obligasyon. Alamin ang iyong sariling misteryosong pwersa at misyon sa mundo. Halukayin ang magandang ideyang makaka-pagpabago sa takbo ng iyong buhay. Ihanda ang iyung espiritu at kagustuhan.
Dahil mayroong isang dakilang katotohanan sa mundong ito maging sino ka man o kahit ano man ang gawain mo kapag gusto mo talaga ang isang bagay  ito ay dahil sa pagnanais mo  na nagmula sa nag-iisang  uniberso at ito ay ang iyong misyon sa lupa.
Ang kaluluwa ng mundo ay nabibigyan ng sustansiya sa pamamagitan ng kaligayahan ng tao at sa pamamagitan din ng kanilang kalungkutan, inggit at paninibugho.
Upang mapagtanto ang sariling personal na alamat. Ito  ang tunay na obligasyon ng isang tao.  

Lahat ng mga bagay ay iisa.
at kapag gusto mo ang isang bagay
lahat ng uniberso ay magtutulong-tulong sa pagtulong sa iyo upang makamit ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento