Martes, Hulyo 16, 2013

https://www.youtube.com/watch?v=2q0Rsge_laQ Pahayag 21: 1-27 Ang Bagong Langit at ang Bagong Daigdig

https://www.youtube.com/watch?v=2q0Rsge_laQ
Pahayag 21: 1-27
Ang Bagong Langit at ang Bagong Daigdig
1 Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong daigdig. Wala na ang dating langit at daigdig, wala na rin ang dagat. 2 At nakita ko ang Banal na Lunsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Maganda ang bihis at handa na siya sa pagsalubong sa lalaking kanyang mapapangasawa. 3 Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, "Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Makakapiling nilang palagi ang Diyos at siya ang magiging Diyos nila. 4 At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pag- tangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay."
5 Pagkatapos ay sinabi ng nakaupo sa trono, "Pagmasdan ninyo, binabago ko na ang lahat ng bagay!" At sinabi niya sa akin, "Isulat mo, maaasahan at totoo ang mga salitang ito." 6 Sinabi pa rin niya sa akin, "Naganap na! Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas. Ang sinumang nauuhaw ay bibigyan ng tubig na walang bayad na mula sa bukal na nagbibigay-buhay; 7 ito ang makakamtan ng magtatagumpay. At ako'y magiging Diyos niya at siya nama'y magiging anak ko. 8 Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil, ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao, ng mga nakikiapid, ng mga mangkukulam, ng mga sumasamba sa diyus-diyosan, at lahat ng mga sinungaling. Ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento