Lunes, Disyembre 22, 2014

Merry Christmas to all Dtef’s Seminar with brod Nest and bro S: The Thirdeye



Merry Christmas to all

Dtef’s Seminar with brod Nest and bro S: The Thirdeye

Dtef’s Seminar with brod Nest and bro S: The Thirdeye
Brod Nest:  Discuss natin bro S ang sagradong aklat 1. Marami kasi tayong members na nasa abroad nag aral thru on-line kasi nga urgent na ang needs nila pero malayo ang Pinas para umuwi agad at mag aral ng mga Lihim na Kaalaman emphasize ko lang ang ginagamit natin eh hidden knowledge ng Divino or ng Divine Holy Trinity kay Mama Mary at lahat ng Angels from warrior angels, Love angels, Family angels, Business angels at marami pang iba. Ang problema sa pag aaral on-line thru e-books hindi nila naririnig iyun actual na lectures na kasama mga stories at testimonies na hindi naisulat sa aklat dahil sa dame at haba pero iyung pina essence ay nasa mga sagradong aklat naman na naririnig nila pag may sharing tayo. Habang dinadaanan na natin ang mga sumusunod na tanong na gusto mong malaman ang kasagutan eh magtanong ka na para hwag mong malimutan mga answer sa puzzle na gusto mong ma solve. Ang unang pag uusapan natin kasi lagi kaming nagseseminar kaya nagtatagal nagtatanong bawat isa eh minsan 300 ang attendees sa question and answer pa lang ubos na ang oras kaya isinulat na natin ang mga common questions lahat halos ng questions na tinatanong nila kaya kung maaari ang itatanong mo eh mga questions na hindi nakasulat sa sagradong aklat 1 kasi kung andito na na discuss na natin pati ang sagot.
So sa number 1 dito ang isa kasi sa nagiging problema ng tao 1.…Kung ang inaakala mong pisikal Na sakit ay Hindi ma “diagnose” ng mga doktor sapagkat ito pala’y hindi natural kung hindi likha ng mangkukulam o anomang uri ng masasamang elemento? Ang ano neto tulad ng isang member natin medical field siya pero may sakit siya sa puso hindi magamot ng mga Doctors kasi may kulang ibig sabihin ang medical science hindi kasi kino consider ang spiritual sickness ang bira or spiritual assault iyun bate sa mga province iyung usog pero pag hinawakan ng naka usog pag nilagyan ng laway biglang wala na magaling na pero sa medical science walang ganun paano kikita ang mga pharmaceutical pag bumalik ang tao sa healing ni Papa Jesus or kung puro herbal at hilot na lang malulugi sila kaya sasabihin pamahiin lang iyun pero kung time ni Jesus Christ ngayon eh baka sila man sabihing mas maganda spiritual healing pag spirit or soul ang may sakit nadadamay lang ang physical ng isang tao kaya iyan ang isa sa unexplain sa medical na ayaw idiscuss ang gusto nila eh kailangan pa check ka pa confine ka ok lang iyun basta pure physical sickness kaya lang ang mundo kasi ang tao kasi ang Sabi ng Dios sa bible ingatan mo ang katawang laman, ang iyung kaluluwa at ang iyung ispirito kasi nagkakasakit din ang soul at spirit lalo kung binira ng mga bad spirit. Kaya minsan ang lalakas ng katawan pero depress gustong mag suicide pero walang sakit paano nabibira karamihan ng ganun medyo nadidikitan ng masasamang ispirito mga magnanakaw mga nangrerape may interferences kasi sila ng bad influence may bira mahina ang spiritual defense. Ang napapakinggan eh evil guardian nya ayaw sa guardian angel nya Kaya gusto magpakamatay may tama ang soul niya pero ang physical nya ayaw iyun masakit eh tumalon ka ba naman sa 20th floor or barilin ulo ng 45 na baril or pasagasa sa lrt nagagawa iyun kasi may bira. Ang soul nya ang spirit nya hopeless na kaya gusto na eh pinahiram lang ng Dios Ama ang physical body eh minamadali ang time sa lupa.
Ngayon ito kasi noong nilelecture ko sa ortigas sa Phil Stock Exchange sa tektite ang mga nakikinig kasi mga nag aral sa London sa Belgium sa America mga ika nga highly technical people ang prisipyo nila “To see is to believe” Kaya hindi sila naniniwala kung hindi nila nakikita kaya nga noong tinanong ko sila eh Kayo ba naniniwala na may kaluluwa kayo? Pero nakita nyo ba? Hangin nararamdaman nyo ang lamig ng aircon nakita nyo ba? Dios naniniwala ba kayo na may Dios eh nakita nyo ba? So mukhang mali ang science na to see is to believe. Hindi ganun eh hindi lahat ng bagay pwede mong Makita. Kahit sa business world may complete business plans na kayo, may estimates ng expenses at profits, sa financials, may fundings, may costs analysis mga projections mga possibilities, may market research, may risk analysis pero ang wala tama ba energies ng office mo energies ng magiging employees mo wala bang judas doon paano ka mag recruit ng tao education, motivation or sa reading ng aura at the end of the day nalugi ka ng milyon kasi hindi mo kinonsider mga wala sa business/economic books classic example sina Mr Chua real estate business buy and sell ng house and lot kaso sa location analysis pasado sa price mura malaki kikitain kaso 5 yrs na walang bumibili kasi may multo pala sa house umaatras nag down pinatay pala former owner doon massacre itinago sa kanila eh wala sa business books iyun ayun natulog ang pera nila kaya ngayon bago kumuha ng office bago kumuha ng house and lot pina checheck sa may thirdeye.
Kaya dito sa bawat tanong tanong may back up ng bible verse kasi silang mga highly technical people magagaling magtanong na galing sa pinag aralan nila na ang mga authors sobrang matatalino  ang iba patay na ika nga obsolete na natutunan kasi may new studies kaya economics last 5 years ago hindi na applicable today  ang ibang alam nila luma agad kumbaga pager noon cellphone ngayon pero ang bible timeless kaya pag debate pa nila bible doon sila magcomplain sa nagsulat nito wag sa akin tapos ang debate. Kaya sinusunod natin bible not thinking ng above average person na naluluma rin ang bible noon bible pa rin ngayon nababago lang ilang translation depende sa religion mo pero ang essence andoon.

Kaya totoo bang may magkukulam? Dito sa Exo nakasulat dito 22:18 "Never let a witch live.

Exo 22:18 Thou shalt not suffer a witch to live.
(TAB) Exo 22:18 Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway.
Ang manggagaway eh mangkukulam ibig sabihin noong unang panahon pa may gumagawa na ng witchcraft hanggang ngayon may gumagawa niyan medyo nag advance na nga rin sila sa techniques at methods kahit sa amerika meron may member kasi tayo napilitang mag aral sa atin online half pinay half American siya doon siya kasi lumaki ika nga nya totoo eh naramdaman ko pero hindi siya marunong magtagalog ha kaya napalaban ako ng englishsan kasi may asawa siyang Pilipino umuwi ng Pinas pagbalik doon iba na wala na sa sarili kaya alam niya nakulam kasi nag consult din siya doon kaso sa dame ng pinuntahan nya sumusuko sabi mabagsik mangkukulam sa pinas kaya suggestion sa kanya ang makakagamot diyan eh taga doon din sa Pinas kasi alam nila kahit paano culture and tradition eh sila hindi raw. EH Kako tayo kasi nagtuturo paano labanan mga iyan dapat may alam ka para habang buhay alam mo na paano mag depensa at paano combatis spiritual pag dumating ang ganyang situation parang may fire extinguisher ka lang sa house nagkasunog dapat alam mo rin paano gamitin parang insurance lang iyan na dapat meron ka at alam mo in and outs para in case na mangyari emergencies hindi ka umaasa sa ibang tao matibay ka pa rin at matatag. Hindi kasi tayo tulad ng ibang manggagamot pinapabalik balik ang pasyente tayo tinuturo natin para ang pag asa nila eh nasa Lumikha hindi sa tao. Sa Lumikha naman pagdating ng araw para husgahan tayo pag harap natin alam na niya kung sa puti tayo o sa itim. Medyo mapapayuko ka hindi ka pagnagakaharap kayo kung naging magnanakaw ka mamamatay tao kidnapper carnapper terrorist mapang api ng kapwa tao or sa puti ka may meaning ang buhay kasi tumutulong sa kapwa tao may higher purpose ng bumaba sa lupa hindi for self preservation lang makasarili dapat may contribution sa mankind hindi lang sa pag tulong sa pera para makakain ang physical body mas impt mapakain ang soul ang spirit return to the love of God eh kung kasamaan return to your Father the devil yari tayo doon kaya pilitin natin sa puti irregardless ng position sa buhay.
Ngayon ano ba ang ginagawa ng mangkukulam ayon sa exodo basahin mo ang buong kwento ha medyo mahaba andito naman sa sagradong aklat kinukuha ang kaluluwa ng isang tao na gustong biktimahin nilalagay sa manika at kung ano gusto niyang gawin tusuktusukin ng karayom itapat sa lutuang kalan tumatagos naman ito sa katawan noong taong niriritual nya kaya minsan pawis na pawis kahit may bagyo malamig hindi maintindihan ang pakiramdam pa check up sa doctor hindi ma diagnose ang sakit kaya sabihin na lang form ng cancer or what para may masabi lang.
Eh sabi nga ng Dios ingatan mo ang pag sasalita mo ang salita eh nakakamamatay kasi may energies ang salita eh ang mangku gumagamit ng orasyon ng Demonyo kaya powerful ang penetration sa mga taong mahina ang shield walang protection Sunday worshippers lang hindi ibinubuhay ang tamang buhay iba sinasabi sa ginagawa hindi kasi sapat ang manalangin lang kung walang faith eh tayo ang ginagamit natin sacred words pure clean itinago para lamang sa karapat dapat kaya pagnahawakan mo ito dapat ka namang tumulong sa ibang na eexorcist maging sa nakukulam.
Meron nga tayong kaso isang lalaki lumalaki ang bayag tuwing ala sais ng gabi kasi nagkataong si tata romy nangagamot siya mga 300 na tao kaya pasyente niya may number tag sa dame iyung medium nya napapagod kasi nagpapasanib kung sino ang bumibira sa pasyente kaya noong Makita nyang bukas ang thirdeye ko nakiusap na ang sabi nya ah “Nestor pwede bang ikaw ang mag interpret kunwari itong pasyente na ito isa sa pasyente nga doon eh iyung lalaki na lumalaki nga ang bayag eh hindi nga maintindihan sa doctor sabi ooperahin eh nagtataka sila bakit ala sais lang ng gabi lumalaki di dapat kung malaki pare parehas hindi naka set ang oras.
Ngayon noong tiningnan ko na ang ginagawa kasi ni Tata Romy noon naglalagay ng tubig sa plato tapos isusulat na name ng pasyente sa papel tapos ilalagay nya sa platong may tubig so titingnan ko roon so pag nakita ko ang mga nangyari parang pelikula kasi ang buhay pwedeng rewind ilang scenes para Makita ng mga may thirdeye ano cause ng sakit sino gumawa eh sa kasong ito sabi ko eh ang nakita ko eh may babae hindi kasi kamukha ng asawa nya na kasama niya sa mesa eh kaya sabi ni Tata Romy meron ka bang ibang babae? Eh hindi na siya ngayon makapag sinungaling eh kaya lang andun asawa nya eh na nagdala sa kanya kay tata romy para magpagamot kaya sabi ni tata romy kailangan sabihin mo ang totoo kasi pag hindi mo sinabi ang totoo mahihirapan tayong gamutin sakit mo so inamin nya na eh ang totoo ho niyan meron akong karelasyon eh ayaw na nga ho akong pauwiin na sa asawa ko eh syempre andoon sa kanya ibang personal na gamit ko meron akong briefs may mga pictures ako eh sinabi nga ni tata romy eh gagamutin natin iyan eh gumaling iyun eh ganun ang ginagawa ng gumagamit ng witchcraft pag hindi ka sumunod sa gusto nila gagawa ng rituals or offerings para mapenetrate physical body mo hindi naman iyung mismong babae nya nangkukulam pina trabaho siya nagbayad daw ng 5k para ma control siya kasi lumalaki bayag nya lang pag nasa bahay na siya ng asawa nya eh ayun away silang mag asawa pero ang mahalaga nagamot siya at nangakong hindi na mambabae.

Isa sa delikado ito na ginagawa ng may thirdeye kasi kung paanong nakikita ko mangku na gumawa sa kanya noon nakikita nya rin ako ng mangku may mga palayok silang pinakukuluan ng secretong potions na makikita tumitingin sa kanila. Nakikita rin ng mangku kung bukas ang thirdeye mo ang thirdear mo kung malakas ang second mind mo kasi mamaya didiscuss natin iba’t ibang gifts kasi ikaw sa sarili mo ianalyse mo kasi sa mga unang informasyon na iyung binigay medyo nakakaramdam ka hindi ba ibat iba kasi levels or frequencies ng thirdeye kaya dapat upgrade ng upgrade kaya dapat dedevelop natin papalakasin natin iyung iba ako nga noon mga 1986  hindi ko alam saan ginagamit ang thirdeye ilang beses na akong muntik namatay dahil sa mga nakikita ko minsan drive ako sa may tugatog pauwi na galing manila mga 12 na ng gabi ako lang mag isa lang ako sa kotse tapos noong pataas na ako sa may burol pagtingin ko sa center mirror may babae ang talim ng mata naka itim na baro naku po eh pagtumigil ako aatras kotse eh matarik kaya pinatulin ko pa hindi pa kasi ako nagdidivino noon wala pa akong hawak hindi ko pa alam dapat gawin pero ngayon wala ng sumubok magpakita sa akin pag walang permiso.
Eh noon sa U.P diliman sa elementary iyung isang classroom eh may nararamdaman daw na kakaiba ang kilabot ang ibang mga teachers kaya sabi ko sige tingnan ko ininvite talaga nila ako noon kaya ng pagpunta ko tiningnan ko iyung ano hindi na kasi ginagamit iyung classroom na iyun reserve siya pag bukas ko ng pinto pagpasok ko sa loob at pagbukas ko ng bintana may puno ng balete sabi ko doon sa principal ah mam ang recommendation ko sa inyo wag nyo ng papuntahin mga istudyante nyo rito sa room na ito kasi noon hindi pa ako marunong mag Divino basta nakakakita lang ako bukas lang thirdeye ko pero hindi ko alam paano labanan, paano kontrahin, paano ko sishield iyung mga bata paano ko sishield iyung kwarto hindi pa ako marunong ng cleansing hindi pa ako marunong paano magsara ng negative portals or bad doorways kaya ang inadvise ko lang huwag ho kayong magpapasok.Ni hindi ko na sinabi na ang nakita kong lumabas sa kwarto eh kurimao pangit na nilikha maitim na umakyat sa balete.
 Ngayon sa madaling salita siguro after 3 days biglang tumawag sa akin iyung Principal “nestor nestor may nangyari eh naku pumunta ka rito lumuwas ka agad kaya ng magpunta ako roon ang nangyari kasi iyung isang teacher hindi naniniwala sa mga ganyang elementals o sa mga multo iyung iba naniniwala ka nga nila wala naming mawawala kung maniniwala eh ngayon hindi kasi naniwala ibang teachers may nangyari kasi noon daw lilinisin ang room na 101 lipat muna mga bata sa 110 ngayon noong lilipat na sila pila daw iyung mga bata noong binubuksan na noong teacher naka lock eh hindi mabuksan kaya sabi noong teacher oh huwag kayong gagalaw diyan ha mga grade 1 na bata eh huwag kayong gagalaw ang gagawin ko kukuha akong susi. Umalis daw iyung teacher ngayon isa sa mga lalaking batang makulit si taba iyung bintanang jalousie nabubuksan naman ang ganyang bintana eh ginanoon daw ang jalousie nabuksan ang bintana inabot daw ng kamay noong bata ang lock ng pintuan kasi abot naman eh noong pag abot daw ngayon may humawak sa kamay nya mabalahibo raw iyung bata ayaw bitawankamy nya na nasa loob ng kwarto nagkasakit eh naka phobia na shock bakit  sino hahawak sa loob ng room eh nakalock  walang tao sa loob ano iyun natakotang bata nabalita iyun eh ayaw ng pumasok si kulit na batang mataba kaya nagpatawag pa ng U.P police ang principal para imbestigahan eh ano makikita nila doon saka ng binuksan na nga tiningnan ng mga janitor ng mga maintenance kasama pa mga pulis wala namang tao noong araw na nangyari iyun saka walang ibang madadaanan iisa pinto kaya noon nasabi ko sa sarili ko ito palang thirdeye magagamit mo para sa ganun Makita kung may daanan ang ibang nilikha papunta sa dimension natin.

Hanggat sa iniinvite na ako kasi iyung bahay nila may nagpaparamdam kasi bago ka bumili ng isang property lalo na kung milyon milyon syempre hindi naman sasabihin sa iyo ng former owner bad luck doon iyun pala may pinatay doon or ni rape at binaon doon eh papaano iyun wala ngang makakatira doon kaya nga may mga cases kaya iyung ibang mga brokers sinusundo ako nakikiusap vibes mo nga pakitingin mo nga ang loteng bibilhin ko kasi baka mamaya may negative portal diyan negative energy eh hindi naman naming makikita iyung mga taong may thirdeye makikita iyun para kasi siyang black hole or black tunnel kahit tanghaling tapat makikita mo eh saka sabi nga nila kahit sukatin ng surveyor iyan at tanungin mo siya kung may negative energies iyan eh wala sa science iyun wala sa engineering hindi kasama sa computations nila iyun, hindi nya masasagot.
Kaya nadedevelop ang gifts pag nadevelop iyun sensitive ka na kamukha mo magagamit mo iyan. Kahit sa negosyo magagamit mo iyan kahit sa love life kasi mamaya iyung nagugustuhan mo palang babae marunong pala ng witchcraft gagawin kang sunod sunuran pag hindi sumunod tusok dito tusok doon eh hindi mo alam ang gagawin at least sa pag aaral mo nito makokontra mo kaagad.

Kaya dito ang sinabi pag binasa mo mga verses dito galit kasi ganito ginagawa nila
Eze 13:20  Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin.
Kaya dito sa bible kako nga sa mga taga ortigas dati na hindi naniniwala sa kulam eh paano ito bakit sabi ng bible may mangkukulam sasabihin nyo wala eh di ang questionin nyo eh ang bible ang problema ko sila kasi ang dame ng libro buong kwarto library ika nga pero kako mga technical terms nyo talo ng bible kasi timeless eh mga libro nyo after ilang years need updated sasabihin hindi na ganito ang pagbasa ng stock market hindi ganito ang pagbasa ng economics ng isang bansa kaya sabi ko napag aralan nyo nagbabago meaning hindi dapat sandalan ang talino ng tao kung hindi ang talino ng bible.

End of part 1
  •  
Mhon Estrada very informative Brod Nest. Thank you for posting. Again, I enjoyed reading. Kakatawa yung ibang part. Nga naman, "to see is to believe" is only for temporarily blind people.
  •  
Bato Balani ibahin na lang siguro " TO SEE IS TO CONVINCE" . so ibig sabihin you believe buti you must see to convince.
  •  
Philip Paraan Quitoriano sa akin din po d ako makadalo sa pagtitipun,kaya thru on line po ako nakikibahagi..
  •  
Philip Paraan Quitoriano at baka po sa susunod na po my dvd na lecture..
  •  

Dtef’s Seminar with brod Nest and bro S: The Thirdeye Part 2

 Dtef’s Seminar with brod Nest and bro S: The Thirdeye Part 2
Ngayon isa pa sa number 2  na gustong malaman ng nag seseminar 2. …Kung nalaman mong isinumpa ang iyong mga ninuno tagos hanggang sa salit-salin ng iyong lahi kaya madalas kayong namamatay sa aksidente o sa iisang sakit?
Bro Nest: Pagkaminsan, di ba may sinasabi nagkasakit sa puso yung lolo nyan e kaya yung tatay niyan nagkasakit din sa puso at yung anak nyan, hindi totoo yun e sa Science sinasabing genes yan pero sa spiritual mayroong tinatawag na sumpa pag merong nanumpa noon halimbawa sa lola ng lola mo at malakas manumpa sinabing hanggan sa kaapuapuhan mo mamamatay kayo sa sakit sa puso parang nagiging sakit ninyong pare-parehas kaya kailangang puputulin iyon, kailangang marunong magputol ng sumpa. Kung may manumpa na mamatay kayo karamihan ng kamag anak mo sa aksidente kya minsan dumalaw sa kamag anak na namatay sa probinsiya na aksidente buong pamilya sa highway patay lahat. Hindi natin akaain may nakalaban pala lola ng lola mo eh marunong manumpa yari pwede mong ma check kung may sumpa sa lahi nyo pag may signs na pare pareho cause ng death nyo pwede mo ring gamitin ang efod ask mo sa kanya kung may sumapa ba pamilya mo kusang iikot iyun pag umikot oo sagot pag lumilihis hindi ang sagot nya. Kaya maganda may efod/panturo o kaya ang pendant.
 Ngayon, kaya dito ang example sa Mateo; si Kristo, noong naglalakad siya kasama si Pedro may nakita siyang puno ng igos siguro example niyan parang santol, tapos gusto niya sanang kumain ng bunga nito kaso walang bunga iyung puno parang nakita niya na hindi na nagbubunga itong puno na ito kaya parang may sinabi siya na wala ng kwenta itong puno na ito kaya noong pagbalik nila Pedro sa daan kung nasaan ang puno ng igos sabi niya tignan ninyo namatay ang puno ng Igos na isinumpa ninyo. Natuyo eh pati dahon at sanga at pinaka puno nya. May classic example din iyan yung mga puno na sinasabi dito sa probinsiya na pagbuntis, huwag ninyo papakuhanin ng bunga iyan.  Noong araw mayroon akong puno ng atis, anglaki.ng puno pati ng bunga matamis pa. nasa tapat ng bahay iyon, ang bahay namin ay nasa kalsada rin may kumuha raw na naglilihi kasi nga nasa daanan eh , biro mo biglang natuyo ung puno ng atis, ibig sabihin ang tao kasi mayroon siyang energies ngayon ang puno living things din yan di ba? Tinuturo sa Science.   Kung yung vibration mo hindi match sa kanya, mamamatay, kaya yung mga nag-aalaga di ba pagkanagdidilig kinakausap pa yung halaman, “Good Morining,” pagkinakausap ang gandang mong bulalak kasi naririnig siya nung halaman, binuhay rin ng Diyos yan kaya nakakarinig kaya ganun din na totoong may sumpa at saka sabi rin ng Exodus sino mang manumpa sa kaniyang ama’t ina ay papatayin galit ang Diyos dun hindi mo pwedeng sumpain kasi hindi ba may mga taong nagsasabi, “Nanay ka, wala kang kwenta, sinusumpa kita,” ay nanay mo yun eh, ang Diyos galit dun kasi si Lord tatay din siya eh, Father siya ng lahat eh, kung ginaganun mo yung magulang mo eh di ginaganun mo rin ako, kaya nagkakaroon ng sumpa at sinabi ng Diyos huwag mong susumpain, kung kaya’t totoong may sumpa.

Ngayon sa number 3, Kung ang bahay na iyong tinitirahan ay malas, kaya pala malas mayroong portal kung tawagin or doorway ng negative energy na nakakalikha ng pagtatalo talo at madaling pag-init ng mga ulo ng mga tao doon.
Bro nest:  Kung minsan yung bahay kaya pala nagiging addict yung mga nandon, kaya pala sila sila nag-aaway may negative portal doon na dapat isishield mo, dapat alisin ang malas at isara ituturo ko sayo kung papaano mo isishield para yung lugar mo swerte tahimik; hindi magulo, may mga lugar na ganon kasi may portal kaya minsan pag ganun na talaga yung lugar kunyari Tondo bakit hindi  nababago ang Tondo hanggang ngayon bata pa ako uso kursunadahan at saksakan , eh may portal yan e ang hirap icorrect nyan kaya talagang ganyan siya pagkanaglalakad ka sa tondo lalo sa mga looban umaga pa lang almusal eh gin eh may pupuntahan ka doon dayo ka lang  kailangan alerto ka nakashield ka kasi kung kursunadahin ka at least ramdam mo, “may kumukursunada sa akin.”

Kung may nakatirang multo sa sarili mong pamamahay, kasi ang hirap noon, may mga kaso tayo lalapit, “Brod Nest, yung nasa Hong kong sabi niya kasi tuwing natutulog ako parang may tumatabi sa kama ko nararamdaman ko tapos pagka gigising ako ng mga alas dose ng gabi yung bintana ko kasi kita ko yung puno parang may malaking anino doon e.  Iniisip ko nga kung imagination ko yun bakit tumataas yung balahibo ko? Bakit hindi ako makatulog kung imagination ko lang yun? Engineer yun ha, yung babae na iyon. Umuupa siya ng isang bahay.
Member S: Yung panahon na iyon noong may gustong kumuha sa akin mga 21 years old ako noon mga dalawang buwan niya kong ginugulo, pag natutulog ako binabangungot ako tapos sa bawat bangungot ko sinasama niya ko bumabaon ako pailalim.
Brod Nest:  Iniinvite ka sa mundo nya ha gusto kang higupin ang soul mo habang tulog ka.

 Member S: Hindi ko alam kung anong gagawin ko madalas yun mga alas tres ng umaga  malakas siya eh.  Pagigising ako ang gagawin ko matutulog ulit ako tapos panibagong panaginip naman iba na naman yung gagamitin niya ang sakit sa ulo hindi na ko natutulog hanggang umaga.

Brod Nest:  ilang taon ka na ba ngayon?

 Member S: 29 na po ako.

Brod Nest: Eh, di mga walong taon na?

Member S: Oho, tapos nakita ko rin siya isang beses, hindi niya ko nilulubayan ewan, hindi niya ko nilulubayan eh, minsan tumatabi sa kama ko  marami akong nakita e, nakakita na rin ako ng demonyo e, isang beses pagkaligo ko may tumalon malakas dun sa cr ko tinignan ko sa bubong kasi yung bubong doon sa tinutuluyan ko eh..
Brod nest: yung parang transparent?
Member S: Pagtingin ko may nakita ako sabi ko “shit!” ang laking tao na itsura talaga niya na parang sa kambing ganun talaga oh. 
Brod Nest: yun yung nakikita mo.
Member S: Pero bihirang bihira lang yun.  Minsan may naririnig akong boses ng babae dito na wala naman, ganun, pagkaminsan may nararamdaman akong malaking malaking aura pagkaminsan bigla nalang akong umuupo tapos kumakain ako may nararamdaman akong malakas na feeling mo anlaki laki hanggang don sa may pinto hindi ako lumalapit, bakit ayaw mong lumapit diyan? Ayaw ko malakas eh, pero hindi naman nila ko naiintindihan.
Brod Nest : Oo.
Member S:  Sabi ko may malakas diyan. May malakas na presence na hindi ko makita Yun lang.
Brod Nest:  Kaya alam mong may presence doon.
Member S:  Pero gusto kong tingnan, hindi ko naman nakikita.  Pero bihira, minsan may nakikita minsan wala, minsan may biglaan eh.  Minsan natutulog ka biglang may taong tatakbo sa ulunan mong ganon nakita mo talaga mabilis so babangon ka, basta biglaan na lang po siyang nangyayari.Tapos wala naman hindi ko Makita pagtitingnan.

Brod Nest: So yun, ibig sabihin open ka,open ang third eye mo, open na yung gifts mo, open na yung aura mo, ngayon yan ang prone talaga.  Marami ngang ganyan na ano lumalapit yung mga patay makikita mo minsan warak warak yung mukha nasagasaan ng truck nakikipag-usap.  Tamang-tama talaga sayo itong lecture na ito kasi dangerous din yan e. Pag medyo bukas na kasi ang thirdeye iyang mga namatay lalo sudden death ang gusting kausap eh iyung nararamdaman sila nakikita sila. Sa story ng batang nay thirdeye sa The Sixth sense halos puro patay ang nakikita nya nagbigti nasagasaan…
Member S: May nakita na rin po ako dati nagtetext ako may bata ang panget ng itsura pero buti hindi naman na ako takot sa multo.

Brod Nest : Nasanay kana..
Member S:  Pag may multo kinakausap ko, “Hindi ako makakatulong sayo wala akong kapasidad para diyan hindi pa kita kayang kausapen.”  Pero mayroon akong kinekwento kasi mayroon akong isang kaibigan, hindi ko alam kung ano yung ginawa niya sa akin, may gusto rin ako makitang tao, kaya may purpose ako dito.  Nagka anuhan kami na may thirdeye din sya pero siya iba siya, nagmemeditate siya eh kasi nakita ko siya sa bahay ko noong  naliligo ako yung cr ko may butas sa ilalim sinilip ko kung anong ginagawa, tapos nakaganon siya, nagmemeditate siyang ganon.  Hindi ko na pinansin tapos dumating ang mga ilang araw nag-away kami, parang _ sa isang bagay na hindi naman nya inaamin.  Tapos noon on that night pag-uwi ko galing trabaho pagpalagay na ito yung bahay ko, nandyan pa lang ako sa may gate na yan iba na yung nararamdaman ko, tapos pumasok ako sa bahay ang dami ko nang nakikitang parang ang lilikot na, basta may gumagalaw at lumilipad, ganon, hanggang sa pagtulog ko ang bigat talaga ang bigat nung aura na hindi ko maintindihan kung bakit?  ang ginawa ko, kausap ko yung girlfriend ko sabi ko hindi ko maintindihan kung bakit ang bigat nung pakiramdam ko hindi ko maexplain kung bakit ganito.  Yung girlfriend ko hindi naman din nya alam yung nangyayari sabi ko, kinausap ko yung, nung nagkabati na kami kasi yung girlfriend ko magkaano sila e, magkaibigan sila nung lalaki.  Nag-usap kami noong nagkabati na kami yun na hanggang sa wala ka bang nararamdaman?
Brod Nest: Nagtanong siya?
Member S: Opo, ang bigat nung naramdaman ko ng gabing yun sabi ko ay meron akong thirdeye, bakit?  Sabi nya Eh, ginulo ko yung bahay nyo, sabi ko anong ginawa mo? Sabi nya nagmeditate daw siya lumabas yung ispiritu niya,  pati mga bad spirits tinawag nya para guluhin ako
Brod Nest: Nagtawag?
Member S: Nagtawag pati mga kapitbahay namen, ang ginawa pa niya ginaya pa niya yung itsura ko, ginaya niya yung itsura ko ginanon ganon nya hanggang sa magsipasukan lahat sa bahay, ang galing non ah yun ang gusto ko matutunan kung paano ginagawa yon.
Brod Nest : Astral yun eh, Astral Travel yun.
Member S: Yun nga po ang gusto ko matutunan.
Brod Nest : Isa yun sa tinuturo natin, kaya lang hindi natin ginagamit yun sa ganoong  negative purpose. Ang powers kasi pag nahawakan mo may kaakibat na responsibilidad hindi dapat for personal gains o pansariling advantage para mapasunod isang tao violation iyun pag nag didivino ka na. never abuse your powers kasi may consequences para makatulong ang sa atin hindi para manakot o manakit,
Member S: Ay, Hindi ko po gagawin yun.
Brod Nest: Kasi kamukha noon susundan din siya noon, Oo nagbago siya ng muka pero matetrace pa rin sya e, kasi spiritual yung mga yan eh.  Kita siya noon. Kaya lang natawag niya naging portal yung bahay mo na iyon. Nagtatawag ng ibat ibang kaluluwa papunta roon. Kaya nga noong tinatanong ni Papa Jesus iyung taong nasaniban Ano ang pangalan mo? Pulutong kasi marami kami nagtatawag pa kami ng mga sasanib sa taong ito.
Member S: tsaka meron akong isang gusto rin makita na tao na hindi ko alam ang tototong pagkatao pero may thirdeye din siya.  Doon ako nagkulang _ yung sa thirdeye pero ang nangyari nanatili akong mahina sila yung malalakas. Tumigil akong idevelop hindi ko alam kung paano palalakasin walang magturo sa akin.
Brod Nest: Sila yung nadevelop. Kasi sa ganyang gifts may mga requirements din na dapat gawin tulad ni Daniel sa Bible hindi siya kumakain ng pagkain ng hari meaning iyung masasarap hindi siya kumakain ng karne gulay at prutas lang ako personally 3 years noong bago pa lang lumalakas thirdeye ko no rice no meat fish gulay at ruits lang lalakas frequencies ng pag pick up ng thirdeye, nature trips tumira ako sa bundok for 1 year no tv kuryente wla lahat puro fruits vegetables gardening prayers nararamdaman ko cleansing ng physical body na needs para ma upgrade ang thirdeye isa mga dapat gawin ang mga iyun para mapalakas ang thirdeye marami pa
Member S: eh kaya Sila yung nadeveloped lahat na hindi nila ko hinayaang malaman kung ano yung totoo.
Brod Nest: Ayaw nilang turuan ka.
Member S: Ayaw nila akong turuan, hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi nila o hindi pero most likely minsan nagkakatotoo dahil minsan may nangyari na may nagbabantay sakin nag-iisa ako sabi ko yung girlfriend ko gusto ko siyang makita kung nasaan siya kung anong nangyari sa kanya pero by thru text nag-uusap kami.  Yung mga problema namen _ hindi kami magkita sa ngayon pero gusto ko malaman kung anong ginagawa niya may thirdeye din siya pero mayroong gumagabay sa kanya na mas malakas.  So, minsan ako hindi ako makalabas ng bahay, pag lumabas ako ng bahay kunwari lumabas ako nandun ako sa may gate na yun diba, nagtext siya, nasaan ka? Sabi ko nandito ko sa loob ng bahay, parang sabi niya hindi wala ka sa loob ng bahay nasa labas ka. Nakikita nya ako kahit malayo ako sa kanya.
Brod Nest: nakamonitor ka. Ako ang mga naturuan ko na mapalakas ang thirdeye  biglang mag tetxt brod nest ang suot mo t-shirt na green eh babae iyun mga 22 yrs old nasa antipolo siya ha nasa ortigas ako noon ginawang adviser ng isang businessman sa Corinthian gardens ako pinatira expedition pa nga service ko kasi napalaki ko company nya thru thirdeye advises eh kako hello bawal iyan kako pwedeng mag astral check ginagawa ng mga tao na nasa bahay kung nasa office pero wag naman kung halimbawa nasa banyo na ngaiyung tao  try mo pa penetrate horizons nya. Kako s a kanya eh alam mo sis hindi proper iyan tinuro natin sa seminar may privacy  kasi syempre bago ako nag t-shirt nag pantaloon ako bago ako nagpantalon nag underwear ako eh bago noon ikaw ha ma switch off gifts mo pag may violations.
Member S: Pero sa ngayon nawala na yung tao, nawala na yung taong nagagabay sa kanya, meron siyang thirdeye pero hindi niya na ako makita.  Ang alam ko pinasara yung thirdeye niya sabi ko pinasara mo? Pero hindi pa rin siya ganon kasarado.  Kasi pumasok na sa utak niya kung paano ginagawa eh, naiintindihan na niya eh.  So, hindi na lang niya ko makita ngayon.  So, nandito ako ngayon siya naman ang gusto ko makita. Yun lang talaga. Pero yung sinasabi nyong proteksyon sa masamang ispiritu ok po sakin yun.
Brod Nest: Kailangan mo yun dahil ang third eye nga attraction kana ng mga unseen ngayon yan ang daming makikipag communicate at paparamdam  ano tsaka yan yung nagpapadala sayo makokontrol mo na isa sa ano yun tinuturo natin. Kaya pag tinataasan mo na shield mo thru Edeus hindi ka na basta basta makikita naka dome ka naka umbrella.
Member S: May binanggit sakin sabi ko paano nabubuksan yan? Mayroong naramdamang binubulong sa tenga?
Brod Nest: Mayroon tayong teknik kasama yan sa pagbubukas kaya lang kasi ganito kasi ang thirdeye eh tatlo yan eh, isang engkanto na thirdeye, isang dayabs kung tawagin natin ang dayabolikong thirdeye, yung isa divino thirdeye, yung banal na thirdeye ginagamit mo sa kabutihan yung dalawa na ito medyo delikado yun e pagsa kabutihan ka pipilitin mong imbes na sa masama sa kabutihan gamitin  kunwari kaya mo lang gagamitin thirdeye mo sa girlfriend mo para mamonitor siya upang huwag siya mapasama, hindi yung oh, itatali kita diyan hindi ka pwede umalis diyan kasi sisingilin din siya nung inutusan niya eh may kabayaran yun eh.  Kaya ang ginagamit natin dito divino thirdeye para protected ka nung nasa taas kasi marami sa bible may thirdeye ginamit ng hari yan, sila Daniel, sila Joseph the Dreamer, sila ang adviser ng hari kaya noong makitang 7 years hindi uulan sinabihan ang hari bumili na ng maraming wheat magipon pagawa ng malalaking bodega kaya ng dumating time na iyun walang makain ibang kaharian siya lang ang meron yumamamn kaharian nya kahit na noong panahon ni Marcos, kaya si Marcos nagtagal nang ganun ang adviser nya mga psychic kung tawagin pati yan pag nag advise yan nakikita nila mga three years or four years, anong possible na mangyari.  Kaya lang si Marcos kasi pati sa gold nainvolve siya eh diba, e alam ng mga ano yun na delikado kasi imbes na sa mabuti mo gagamitin nagagamit mo na sa masama, puro sa pera, pwede mo kasing gamitin yan eh.  Noong araw hindi ko alam sa stock market pwede mo palang gamitin eh.  Kaya lang chinecheck pa sino yung Board of Directors ng ano, anong vibration nito, kaya sa transaction sa business pwede mong gamitin.  Maganda yan sineshare mo para nakikita na natin yung mga story mo naman kasi iba iba yung story nila eh.

Ngayon dito sa patay kasi nga yung iba sasabihin hindi naman totoong may multo, eh totoo, kasi nga ang gusto nila makita eh. Isaiah 14:9-11
The world of the dead is getting ready to welcome the king of Babylon. The ghosts of those who were powerful on earth are stirring about. The ghost of kings is rising from their thrones. They all call out to him. “Now you are as weak as we are! You are one of us! You used to be honored with the music of harps, but now, here you are in the world of the dead. You lie on a bed of maggots and are covered with blanket of worms.

Isaias 14:9-11
Gulong-gulo ang buong Sheol dahil sa iyo. Dahil sa paghahanda sa pagsalubong sa iyo. Pinupukaw niya ang mga matagal nang patay, Ang mga hari ng lahat ng bansa ay pinatatayo niya mula sa kanilang trono. Sasabihin sa iyo ng bawat isa: Ikaw pala’y nanghina ring tulad naming At sinapit mo rin ang aming sinapit! Ikaw na pinararangalan sa tugtog ng alpa Ngayo’y narito na rin sa Sheol. Ang babanigin mo’y mga uod At uod rin ang iyong kukumutin.
 Sa bible dito may sinasabi gulong gulo ang buong Sheol dahil sayo, yung Sheol sementeryo, para mareview mo yung buong istorya kailangan babasahin mo sa Isaias, Dahil naghahanda na yung mga patay sasalubungin ka, ang istorya kasi nito mayroon siyang hari sa sobrang lupit niya kunwari tinake over niya yung kaharian nung kabila talagang pinapatay niya kahit bata kahit matanda, talagang sobrang lupit niya.  Ngayon dumating naman yung time na siya na yung mamamatay dito sinasabi nga na hinihintay ka na nga namin dito sa sementeryo, eh sinong maghihintay doon eh di yung mga multo na yun. Iyung mga pinapatay nya.  Ikaw pala ay nanghihina rin tulad namin at sinapit mo rin ang aming sinapit.  Ibig sabihin na kahit na super yaman ka pa kahit super powerful ka pa, mamamatay ka rin eh.  Dito sinabi ang babanigin mo ay uod at iyon din ang kukumutin mo.  Ibig sabihin kasi ang tao pagnamatay halos uuhudin siya eh hindi ba? Lahat ng tao mamamatay kaya minsan sinasabing, “Sige, hindi man kita mapatay sa lupang ito, doon sa kabila ako naman ang gaganti kasi mauuna ako doon makakapaghanda na ako sa pagdating mo” minsan hindi mo masasabi, possible ba iyon? Sa bibliya sabi hinihintay ka na ng mga pina patay eh.  Kaya totoong may multo.

End of Part 2

1 komento: