Lunes, Pebrero 23, 2015

kaya't ang pagtuunan ninyo ng isip ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos.



kaya't ang pagtuunan ninyo ng isip ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. 2 Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa,Ang ikatlong kadahilanan ay sakripisyo at sa kaso ng ating mga binhi. Ang ating mga binhi ay mag- sasakripisyo dapat itong mamatay upang isilang muli. at sa simbuyo ng binhi na lumabas at maging isang puno ay isang simbuyo upang magbigay ng buhay upang makalikha ng mas maraming binhi upang magkapagbigay ng sustansiya sa kapaligiran sa pamamagitan ng pag-iral nito pagkatapos ay malalaman natin na sa anumang mga halaman ito ang nangyayari ang usbong ay biglang lumilitaw para alisin ang mga karumihan at upang ilabas ang mga elemento para sa benepisyo ng kapaligiran nito.
Ang kaluluwa ng tao, ang makataong kamalayan ay dapat gumawa din ng ganoon ngunit sa mas aktibo at sa mas mataas na antas, ang kaluluwa ng tao ay hindi ipinanganak lamang para hangaan, o para sambahin, o para kainggitan. Ang kaluluwa ng tao ay ipinanganak upang magbigay ng buhay, upang makatulong, upang sumaklolo, upang makinabang ang iba, upang mag-sakripisyo, ito ang batas ng Panginoong Jesu-Cristo, upang magbigay upang magkaroon ng awa.

Colosas 3: 1-25
               1 Binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, kaya't ang pagtuunan ninyo ng isip ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. 2 Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa, 3 sapagkat namatay na kayo at ang inyong tunay na buhay ay natatago sa Diyos, kasama ni Cristo. 4 Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya'y nahayag na, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang karangalan.
Ang Dati at Bagong Buhay
               5 Kaya't dapat nang mawala sa inyo ang mga pagnanasang makalaman, ang pakikiapid, kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masasamang nasa, at ang kasakiman 6 Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos ang mga taong ayaw pasakop sa kanya.  7 Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pitang iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito.
               8 Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. 9 Huwag kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. 10 Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. 11 Kaya't sa kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli at ang di-tuli, ang dayuhan at ang mabangis na tao, ang alipin at ang malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa inyong lahat.
               12 Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon. b 14 At higit sa lahat, magmahalan kayo, sapagkat ang pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa. 15 Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi. 16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.
Itong umuusbong na buhay ay makapagpabago sa enerhiya para sa benepisyo ng iba, kinukuha ang kadumihan at naglalabas pabalik ng mga purong elemento para sa benepisyo ng iba. Kapag tinitingnan natin ang analohiya nito at suriin ang konteksto sa pag-unlad ng ating mga saykiko, kailangan nating maunawaan ang isang bagay ng may ganap na kalinawan.
Ang tatlong mga kadahilanan sa kanilang sarili ay hindi mahirap na maunawaan. Ang Kamatayan at kapanganakan at sakripisyo ay hindi mga bagong tuntunin sa ating lahat. Itinuturo ito ng relihiyon sa bawat isa sa kanilang sariling paraan. Lahat ng relihiyon ay nagtuturo ng kapanganakan bilang kasanayan at sa simbolismo at sa pilosopiya.
Ang Kamatayan, ang mistikal na kamatayan, ang kamatayan ng pagkamakasarili, ang kamatayan ng sarili silang lahat ay nagtuturo sa kapanganakan ang paglitaw ng kaluluwa, ang paggising ng kamalayan, ang pag-unlad ng pagiging maestro o pantas, kung paano maglingkod sa iba, ang santuwaryo. Ang mga ito ay hindi bago at ang sangkatauhan ay nagtatrabaho sa tatlong mga kadahilanan sa nakalipas na libu-libong taon nang sa gayon, muli tingnan natin kung ano ang kulang?
Kung ang relihiyon ay nagtuturo ng mga kadahilanan at ito ay kinakailangan, bakit naghihirap pa rin ang sangkatauhan? Bakit walang mga anghel na ipinapanganak sa mundong ito? Bakit lumalaganap ang mga krimen sa paraan ipinapaliwanag ng panlupang batas. Bakit napakaraming mga  paghihirap at bakit natin ginagawa itong mas masahol pa?
Kapag itinuturo ng ating relihiyon ang tatlong mga kadahilanan. Ang nawawalang bahagi sa tatlong ito ay dapat gawin sa pamamagitan ng may kamalayan hindi ng kaisipan, hindi ng personalidad, hindi ng katawan. Ito ay ang binhi mismo ang dapat na gumanap sa mga kadahilanan ng kamatayan. May kamalayang dapat itong gawin sa mga kadahilanan ng kapanganakan at sakripisyo ng may kamalayan may kabatiran , mulat at  gising.

Ang problema ay dahil ang sangkatauhan ay natutulog sa kanyang kamalayan, ang sangkatauhan kabilang ako at ikaw ay nag-aral ng relihiyon at nakakarinig tungkol sa mga kadahilanan ng kapanganakan kamatayan, at sakripisyo at ang lahat ng mga klase ng mga porma at nagsisimulang magsanay ng mga ito nang wala sa loob, ng may natutulog na kamalayan.
Ito ang dahilan kung bakit nakikita natin sa bawat relihiyosong tradisyon ang mga iskolar na gawing yaong kabisaduhin ang kasulatan sa debate, pag-aralan, upang makipaglaban sa bawat isa tungkol sa mga salita ngunit mananatiling ganap na tulog dahil ang lahat ng ginagawa nila ay upang maglaro kasama ang pag-iisip. Hindi inuunawa ang totoong kahulugan ng mga banal na salita.
Nakita natin iyun sa lahat ng mga taong may mahusay na debosyon para sa kanilang relihiyon, dakilang pag-ibig, malakas na pananalig sa pananalig at pananampalataya sa kanilang relihiyon at sa kanilang mga lider ngunit sa huli sa halip at pagiging panatiko ay namatay nang hindi nalaman ang tunay na layunin sa buhay, maaari mayroon silang mabuting intension, maaari silang vegetarian, maaaring nagsasanay sila sa walang kaguluhan o karahasan ngunit sila ay nabigo upang gisingin ang kanilang kamalayan.
https://fbcdn-sphotos-c-a.akamaihd.net/hphotos-ak-prn2/p320x320/1460238_705757186102995_704648727_n.jpg

Nakita din natin ang mga gumanap ng kanilang tuntunin ng perpekto, gumanap sa mga ritwals ng kanilang relihiyon ng perpekto na nabibilang sa tamang mga grupo na mga miyembro ng mga may  karapatan at kaayusan, na tumatanggap ng lahat ng mga kasiguruhan at mga pangako mula sa kanilang mga partikular na relihiyon, na nagsusuot ng karapat dapat ng mga kasuotan  at mga tamang alahas ngunit nananatiling natutulog at hindi kailanman nagising ang kanilang kamalayan at mamatay, tunay na ito ay isang trahedya.
Ang pag-unlad ng kaluluwa ay hindi mekanikal para sa atin upang magtanim ng isang binhi sa lupa at tumubo maging isang prutas o gulay o isang punong hindi mahalaga kung ano ang pinaniniwalaan natin. Walang mababago kung ano ang ating pinaniniwalaang pulitika, kung ano ang ating pondo o pinaniniwalang relihiyon kung tayo ay isang lalaki o isang babae.
Ang mahalaga ay , na ang binhi ay nakakatanggap ng mga elemento na kinakailangan nito para sa kanyang paglaki  at ang mga batas ng kalikasan ay nalugod, ang kamalayan ay hindi naiiba sa anumang pantaong organismo sa mundong itona maaaring maging isang pantas, kahit na ano ang relihiyon sila nagmula, hindi mahalaga kung ano lahi, kung ang sila ay lalaki o babae, hindi mahalaga kung ano ang kanilang paniniwala o iniisip, kung nalulugod ang batas na namamahala sa kanilang kamalayan at pag-unlad ng kaluluwa sila ay maging isang pantas napaka-simpleng maunawaan ngunit upang gawin ito ay ibang pang bagay.
Subalit mayroong isa pang kadahilan dito, isa pang punto kung saan ay maraming mga tradisyon na itinuturo tungkol sa kung paano gisingin ang kamalayan, na nagtuturo ng tatlong mga kadahilanan ng kapanganakan at kamatayan at sakripisyo, nagtuturo sila ng kawalan ng kaisipan at paano gumising ngunit ito ay hindi garantisado na tayo ay magiging anghel mangyaring tandaan na ang kamalayan ay dualidad ang hagdan na nakita ni Jacob sa kanyang pangitain na umaakyat at bumababa.  
Genesis 28:
Nanaginip si Jacob sa Bethel
               10 Umalis nga si Jacob sa Beer-seba at nagpunta sa Haran. 11 Inabot siya nang paglubog ng araw sa isang lugar at minabuti niyang doon na magpalipas ng gabi. Isang bato ang inunan niya sa kanyang pagtulog. 12 Nang gabing iyon, siya'y nanaginip. May nakita siyang hagdan na abot sa langit at nagmamanhik-manaog doon ang mga anghel ng Diyos. 13 Walang anu-ano'y nakita niya si Yahweh sa tabi niya. Wika sa kanya, "Ako si Yahweh, ang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Ang lupang ito na iyong hinihigan ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong lahi. 14 Darami sila na parang alikabok sa lupa at lalaganap sila sa apat na sulok ng daigdig. Sa pamamagitan mo at ng iyong lahi ay pagpapalain ang lahat ng bansa. a 15 Tandaan mo, susubaybayan kita at ipagtatanggol saan ka man magpunta, at ibabalik kita sa lupaing ito. Hindi kita iiwan hanggang sa matupad ang lahat ng sinabi ko sa iyo."
Maaaring alam natin ang tatlong mga kadahilanan, maaaring alam natin kung paano gamitin ang ating kamalayan para magbigay-pansin, na maging gising, ngunit iyon ay hindi garantisado na tayo ay magiging isang anghel mayroong higit pa rito.
May mga tradisyon dito sa mundo na nagtuturo tungkol sa meditasyon at pagiging maingat o tungkol sa sariling pag-alaala o sa sariling pagmamasid maaari silang tawagin  sa iba't ibang mga pangalan, ngunit tandaan may dalawang daanang itinakda ng Diyos; ang daan sa buhay at ang daan sa kamatayan, upang malaman ang pagkakaiba ay isang bagay ng mahusay na pagkasolemne at maaari lamang malaman sa ating kaloob loobang sarili o pagkatao ngunit maraming mga palatandaan na maaaring makatulong sa atin sa ating punto ng pag-alis dito at ngayon sa kasalukuyang sandali na ito ay ang pintuan sa landas, ang pintuan ay nasa loob ng ating tanawin  ngayon,
Ito ay hindi bukas at ito ay hindi kahapon dahil hindi sila umiiral, ang umiiral ay ang abilidad na mayroon tayo upang mabatid ng ating sarili na maging may kamalayan, na maging gising. Ngunit ano ang gagawa ng pagkakaiba sa pagitan ng dalawang mga daanan ay ang ating kalooban o kapasyahan. Sino ang gagabay sa atin? Kaninong kalooban? Dito ay kung saan ang dakilang manlilinlang ay hahakbang sa kaugalian ng Kristiyanismo siya ay tinatawag na Satanas o ang mga demonyo kahit na ang anti Kristo at maraming mga tao ang magsasabi at naniniwala na ito ay ang tao, siguro ay isang tanyag na tao o isang politiko ngunit ang katotohanan, ang anti-Cristo ay ang ating sariling kaisipan dahil ito ay kung saan sumasalungat kay Kristo.
At si Kristo ay ang liwanag ng araw, ang solar na ilaw ang sinag ng paglikha na bumaba sa ating sariling mga puno ng buhay upang magpakain at pasiglahin ang binhi upang mapalago. Ang lahat ng salungat kay Kristo ay nasa loob natin at ang manlilinlang na ito ay may ibat –ibang mga porma marami sa kanila ay nagpapaka banal.
Ang ating sariling panloob na manlilinlang maaaring magbihis tulad ng isang pari o isang santo o isang yogi na nasusuutan ng baro ng isang iskolar ng isang mamamatay-tao o isang hukom. Ang dakilang manlilinlang na salungat kay Kristo ay ang ating sariling mga kaisipan at ang manlilinlang ay pinaka-kilala sa pamamagitan ng kanyang mga dinidikitan, ang kanyang pakiramdam ng sarili, ang kanyang pakiramdam ng ako o pagiging makasarili.
Samakatuwid, kung nais nating malaman kung paano maaaring makita ang kaibhan sa pagitan ng dalawang mga landas pagkatapos maunawaan na ang batas ni Cristo ay ang batas ng sakripisyo, Si Kristo ay ang puwersa ng pag-ibig na nagbibigay at nagbibigay at nagbibigay, nagbibigay buhay, ito ay ang batas ng sakripisyo, ang batas ni Cristo na kung saan ay isa, na kung saan ito ay pag-ibig, dalisay na pag-ibig, hindi makaako, hindi ang makasarili, walang pag-iimbot, ang batas ay taliwas sa pamamagitan ng mga batas na pakamahalin lang ang sarili, ang puwersa na humahawak lamang sa  pagkakakilanlan, na ako, sa akin, ang aking sarili.
Sa ibang salita, kung tinitingnan natin ito sa bertikal na landas ng hagdan sa langit o mula sa langit sasabihin natin na upang maka-akyat paitaas kailangan nating mayroon tumiwalag sa ating sarili, kailangan nating abandunahin ang ating sarili, kailangan nating lumabas sa shell, kailangan nating abandunahin ang ating binhi, kailangan nating putulin ang lahat ng mga bagay at biglang sumambulat pasulong mula sa hawla na nagtago sa atin.
Ang hawlang ito ay may maraming mga porma, pamilya, pamana, bansa, relihiyon, pulitika, ang ating panlasa, ang ating interes, ang ating mga ideya ang lahat ng mga iyan ay dapat mamatay. Ang lahat ng bagay na isinasaalang-alang ng ating sarili ay kailangang itapon upang tumaas at maging isa sa Kristong puwersa na walang makasarili.
Mayroon itong solar na personalidad, isang solar na may sariling katangian na kung saan ay malayo sa anumang mga konsepto ng pagiging maka ako na hindi natin maaaring isipin ito ay ang uri ng katalinuhan, ang uri ng pagiging kung saan ay malayo sa anumang bagay na panlupa. Iba pang pagpipilian ay ang humawak sa isang kahulugan ng sarili, upang bumuo ng isang pakiramdam ng ako ng akin upang tumingin upang maging isang mahusay na maestro, para kahangaan, kaingitan, o panoorin, irespetado, o pag-usapan, umasang laging napapansin
Ito ang daanan ng manlilinlang na gumagamit ng ating mga kahulugan sa ating sarili upang ma-engganyo upang maging isang diyablo. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Kristo sa ebanghelyo ng Mathew,
Hindi Kapayapaan Kundi Tabak (Lucas 12:51-53)(Lucas 14:26-27)
               34 "Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. 35 Naparito ako upang paglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, at ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. 36 At ang magiging kaaway ng isang tao ay kanya na rin mismong mga kasambahay.
               37 "Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 38 Ang hindi pumapasan ng kanyang krus at hindi sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 39 Ang nagsisikap na mapanatili ang kanyang buhay ang siyang mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito."
Mga Gantimpala (Marcos 9:41)
               40 "Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. 41 Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa ito'y propeta ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa propeta; at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa ito'y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. 42 Tandaan ninyo: sinumang magbigay ng kahit isang basong malamig na tubig sa isa sa mga maliliit na ito dahil sa siya'y alagad ko, siya'y tiyak na tatanggap ng gantimpala."
Sa ibang salita, ang kautusan ng ating Panginoong Jesu-Kristo na naglalayong pasiglahin ang kamalayan upang lumago, naglalayong itulak ang kamalayan na abandunahin ang shell nito upang takasan ng binhi, at ang binhi ay kung saan tayo nanggaling.
Lahat ng kung ano tayo ngayon ay isa lamang modipikasyon ng binhi na ating natanggap mula sa ating mga magulang ang sekswal na binhi at nilalaman ng binhi ay ang buong kasaysayan ng sangkatauhan saan pa mangagaling ang binhi, ang binhi na tayo, at ang bahay-bata ay nagmula sa mahabang angkan ng tao na gumawa ng mga binhi at namamatay hanggang ngayon andito tayo at hanggang ngayon naririto.
1 Corinto 15:
Ang Uri ng Katawan sa Muling Pagkabuhay
                35 Subalit may magtatanong, "Paano bubuhaying muli ang mga patay? Ano ang magiging uri ng katawan nila?"
                36 Hangal! Hindi mabubuhay ang binhing itinatanim hangga't hindi iyon namamatay. 37 At ang itinatanim ay hindi halamang malaki na, kundi binhi, tulad ng butil ng trigo, o ng ibang binhi. 38 Ang Diyos ang nagbibigay ng katawan sa binhing iyon, ayon sa kanyang kagustuhan; bawat binhi'y binigyan niya ng angkop na katawan.
                39 At hindi pare-pareho ang laman ng mga nilikhang may buhay; iba ang laman ng tao, iba ang laman ng hayop, iba ang sa mga ibon, at iba ang sa mga isda.
                40 May mga katawang panlangit at mayroon namang panlupa; iba ang kagandahang panlupa at iba ang kagandahang panlangit. 41 Iba ang liwanag ng araw, iba naman ang liwanag ng buwan, at iba rin ang liwanag ng mga bituin, sapagkat maging ang mga bituin ay magkakaiba ang liwanag.
                42 Ganyan din sa muling pagkabuhay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit di mabubulok kailanman ang katawang muling binuhay; 43 pangit at mahina nang ilibing, maganda't malakas kapag muling nabuhay; 44 inilibing na katawang panlupa, muling mabubuhay bilang katawang panlangit. Kung may katawang panlupa, mayroon ding katawang panlangit. 45 Ganito ang sinasabi sa kasulatan, "Ang unang tao, si Adan, ay nilikhang binigyan ng buhay;" ang huling Adan ay Espiritung nagbibigay buhay. 46 Ngunit hindi nauna ang panlangit; ang panlupa muna bago ang panlangit. 47 Ang unang Adan ay mula sa lupa, sapagkat nilikha siya mula sa alabok; ang pangalawang Adan ay mula sa langit. 48 Ang katawang panlupa ay katulad ng nagmula sa lupa; ang katawang panlangit ay katulad ng nagmula sa langit. 49 Kung paanong tayo'y naging katulad ng taong nagmula sa lupa, matutulad din tayo sa taong nanggaling sa langit.
         Ang tumanggap ang pinakadiwa ng libo-libong mga henerasyon o lahat ay naka-enkowd sa ating dugo sa ating kaisipan. Kailangang makawala tayo mula doon, dapat nating mabasag ang hawla, iyang kasaysayan na iyan, at ito ang dahilan kung bakit sabi ng Panginoong Jesu-kristo na At ang magiging kaaway ng isang tao ay kanya na rin mismong mga kasambahay. Ang kasambahay na iyun ay ang ating kaisipan.
Ang ating ama at ina sa ebanghelyong ito ay sinasagisag ng lahat ng mga pwersa, pisikal, emosyonal, mental at espirituwal na nagpataas sa atin at sa ating mga anak na lalaki at babae ay ang mga resulta ng ating sariling mga pagkilos, noong sinabi ni Kristo siya na nagmahal sa kanilang ina at ama, ang ating mga karanasan, ang ating mga tradisyon, ang ating pamilya, ang ating pamana ay hindi karapat-dapat sa akin.
Siya na nagmamahal sa kanyang mga anak na lalaki o anak na babae, sa ating mga proyekto, sa ating mga libro, sa ating mga ideya sa lahat ng mga bagay na ating nagagawa, sa lahat ng mga bagay na nais nating gawin, ang lahat ng mga bagay na bumubuo sa ating mga kaisipan, sa puso o sa ating sariling mga anak na lalaki at babae. Kung mahal natin ang mga bagay na ito higit kay Kristo tayo ay hindi karapat-dapat. Ito ay naaangkop din sa relihiyon, sa bansa, sa pulitika na ating sinusuportahan.
Maraming tao ay nagmamalaki sa kanilang lahi o sa kanilang kasarian o sa kanilang relihiyon ngunit kapag aktwal nating ginigising ang ating kamalayan mag-uumpisang makatanggap ng sinasadyang mga alaala, ng ating mana, maalala natin ang ating nakaraang buhay, pagkatapos ano ang naitulong sa atin ng ating relihiyon na hinawakang mahigpit sa buhay na ito?
Ano ang naitulong ng ating kasarian, ng ating pulitika lahat ng mga bagay na ito ay tulad ng isang ilusyon na na nasibak na hinawakan natin ng mahigpit. Sa ibang salita, ang mga ito ay shell, ang mga ito ay illuyon. Kahit sino ay maaaring magkaroon ng karanasang ito kung ginising ang kanilang kamalayan.
Ang Paggising ay hindi isang paraan ng paniniwala, ito ay hindi isang paraan ng pagkakaroon ng isang ideya, hindi ito maaaring marating  sa pamamagitan ng pag-uulit sa pamamagitan ng anumang pisikal na pagkilos.
Walang pisikal na pagkilos ang maaaring gumising sa ating kamalayan, walang paniniwala ang maaaring gumising sa ating kamalayan, walang ideya, walang teorya, walang pag-iisip, walang mga aklat, tanging ang sarili natin sa pamamagitan ng paggamit nito sa pamamagitan ng pagiging naroroon sa pamamagitan ng pagtanda ang ating sarili sa pamamagitan ng pagiging matandadain.
Ang Paggising ay ang pagkaunawa ng mga aktwal na katotohanan, ito ay isang intuwisyon ng pandama ng kung ano ang tunay at walang kinalaman sa paniniwala.  Kapag ang kamalayan ay nagsisimulang gumising sa positibong paraan mag-uumpisang makita ang higit pa sa mga shell, maaari nating makita na lampas sa kahit na anong relihiyon.
Makikita natin ang teorya ng mga relihiyon, doktrina at aral ay mga nagtuturo lamang sa pinto hindi ang mismong pinto, ang pinto mismo ay nasa loob natin ito ay ang ating kamalayan, ito ang dahilan kung bakit nakasulat sa bibliya sa Corinto Gumising sa katuwiran
1 Corinto 15:
  33 Huwag kayong paloloko. "Ang masasamang kasama'y nakakasira ng magagandang ugali." 34 Magpakatino kayo at talikuran ang pagkakasala. Ang iba sa inyo'y hindi kilala ang Diyos. Sinasabi ko ito upang mapahiya kayo.
Kailangan nating gisingin ang ating kamalayan hindi lamang maniniwala at ginagawa natin ito hindi lang dahil sa sariling obserbasyon at sariling pag-aalaala at ang pag-aaplay sa pamamagitan ng mga tatlong dahilan ng may kamalayan at sa pamamagitan ng paraan na sinimulan natin upang maalis ang karumihan at lumikha ng higit pang kamalayan. Ang mga palatandaan o mga lihim ay nasa loob ng iba pang mga binhi na nagkaroon tayo sa loob ng sekswal na binhi.
Ang ginagamit nating kamalayan bilang isang analohiya ay ang pinagmulan ng binhi ng kaluluwa ng tao na ang lahat ng bagay na tayo rin, lahat ng bagay ay naka-enkowd sa ating sekswal na binhi, ang ating pinaka-antas ng pagkakalikha ay naka-enkowd sa ating sekswal na binhi, ang lahat ng bagay na mayroon tayo na saan man tayo magpunta ay nan-doon at lahat ng bagay na maaari tayong maging ay andoon.


Sa sekswal na tubig. samakatuwid, natuto tayong magtrabaho sa isang dalisay na paraan upang maitanim ang binhi ng incorruptsyon maaari tayong lumikha ng isang kaluluwa, ito ang dahilan kung bakit sinasabi ito sa Corinto:
1 Corinto 15:
    50 Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid, ang binubuo ng laman at dugo ay hindi maaaring makabahagi sa kaharian ng Diyos, at ang katawang panlupa ay di maaaring magmana ng buhay na walang hanggan.
                51 Isang hiwaga ang sinasabi ko sa inyo, hindi lahat tayo'y mamamatay ngunit lahat tayo'y babaguhin, 52 sa isang sandali, sa isang kisap-mata, kasabay ng huling pag-ihip ng trumpeta. Sapagkat sa pagtunog ng trumpeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at di na muling mamamatay. Babaguhin tayong lahat. 53 Ang ating katawang nabubulok ay mapapalitan ng hindi nabubulok, at ang katawang namamatay ay mapapalitan ng katawang hindi namamatay. 54 Kapag ang nabubulok ay napalitan na ng di nabubulok, at ang may kamatayan ay napalitan na ng walang kamatayan, matutupad na ang sinasabi sa kasulatan: "Nalupig na ang kamatayan; lubos na ang tagumpay!"
55 "Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay?
Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?"

                56 Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan.
                57 Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo'y binibigyan niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!
                58 Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa kanya.
Sa ibang salita, ang ating mga binhi na masama ay dapat maging mabuti dapat nating ilagay na kung saan ang masama ay magagawang baguhin. Alam natin ang mga paraan upang gawin ito na nakasulat sa bibliya, dahil sinasabi ito sa aklat ng John:, 9 Ang tinanggap ng Diyos bilang anak niya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat nananatili sa kanya ang buhay na galing sa Diyos. At dahil ang Diyos ang ama niya, hindi siya maaaring magpatuloy sa pagkakasala. ang binhi na ito ay ang sekswal na binhi, kapag ang binhi manatili sa loob niya ito ay nangangahulugan na itatakwil ang orgasm, ang
pagpapaalis ng binhi na, ang basura ng binhi na at alam natin ito, dahil sa mga batas ni Moses sa
Levitico 15:
16 "Kapag ang isang lalaki ay nilabasan ng sariling binhi, dapat siyang maligo; ituturing siyang marumi hanggang gabi. 17 Dapat labhan ang alinmang kasuotang yari sa tela o balat ng hayop na nabahiran nito, at hugasan ang alinmang bahagi ng katawan na natuluan ng binhi; iyo'y ituturing na marumi hanggang gabi. 18 Pagkatapos magtalik ang isang lalaki at isang babae, dapat maligo silang pareho; sila'y ituturing na marumi hanggang gabi.

Ginawa niya itong napakalinaw na ang pagpapalabas ng mga tamod o ang binhi ay gumagawa sa ating upang maging hindi malinis o corrupt.
9 Ang tinanggap ng Diyos bilang anak niya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat nananatili sa kanya ang buhay na galing sa Diyos. At dahil ang Diyos ang ama niya, hindi siya maaaring magpatuloy sa pagkakasala. 10 Dito natin makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos at kung sino ang mga anak ng diyablo: ang sinumang hindi gumagawa ng matuwid at hindi umiibig sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos.
Sa ibang salita, ang sekswal na binhi ay ang puwersa ng pagiging sagisag ng mga hormones na nangangahulugang isang puwersa ng pagiging, Iyon ang puwersang kapag inilabas mula sa katawan ay maaaring lumikha ng isang bagong katawan o kapag ang puwersa na ay nananatili sa loob ng katawan ito ay maaari ring lumikha ng isang bagong katawan ngunit hindi pisikal na katawan, maaari itong lumikha ng isa pa sa isa pang dimensyon, isa pang antas ng buhay at ito ay ang tinatawag nating kaluluwa.
Kaya alam natin na may malakas na ugnayan sa pagitan ng pagtatalik at kaisipan. Ang ating mga kaisipan, ang ating mga kamalayan ay sira dahil sa sex. Kapag ating binago ang anyo ang ating paggamit ng sex, mababago ang anyo ang ating mga kaisipan. Ang dalawang ay hindi maaaring paghiwalayin at ang katotohanan sa mga ito ay malinaw. Ang paggising ng kaisipan, o ang kahabagan ng pag-iisip ay isa ring salita para sa isang sekswal na enerhiya. Ang kaisipan sa kaliwanagan.


Ang relasyon sa pagitan ng sex at ng kaisipan ay maliwanag sa Ebanghelyo, kapag si Jesus sabi ni: Ito ang dahilan kung bakit sa aklat ng Peter: sinasabi nito:
Paanyaya sa Banal na Pamumuhay
               13 Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong mga isipan para sa dapat ninyong gawin. Maging mahinahon kayo at lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo. 14 Bilang masunuring mga anak, huwag kayong umayon sa masasamang pagnanasa tulad ng ginagawa ninyo noong kayo'y wala pang tunay na pagkaunawa. 15 Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, 16 sapagkat nasusulat, "Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal."
Matutong mag kongtrol sa pagnanasa hindi lamang pisikal maging sa kaisipan.  
Mateo 5:
Ang Katuruan Laban sa Pangangalunya
               27 "Narinig ninyong sinabi, 'Huwag kang mangangalunya.' 28 Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.(ang  ibig sabihin, kahit na ang ideya nito, kahit na ang mga pag-iisip sa mga ito, ay isang krimen, ito ay isang pang-aabuso ng sekswal na enerhiya.) 29 Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. 30 Kung ang iyong kanang kamay naman ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno."

 1 Pedro 1:

 22 Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa'y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan. 23 Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng kapanganakang may kamatayan, kundi sa bisa ng buhay at di nagbabagong salita ng Diyos. 24 Ayon sa kasulatan,
"Ang lahat ng tao ay tulad ng damo,
gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan.
Ang damo ay nalalanta, at kumukupas naman ang bulaklak,

25 ngunit ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman."
               At ang salitang ito ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

         Upang gisingin ang binhi ng taong may kaluluwa ay talagang napakahirap, napaka-mahigpit na trabaho, hindi maaaring maisagawa sa pamamagitan ng anumang gawang mekanikal na paraan, maaari lamang maisagawa ng ito sa pamamagitan ng tatlong kadahilanan na dinadala at nagtatalbugan sa isa't isa, upang magawa ng may kamalayan ang tatlong mga kadahilanan habang may pagbabago sa sekswal na puwersa. Ang mga pangunahing mga parametro ay nagbibigay ng balangkas ngunit upang aktwal na gawin ito ay lubhang mahirap, at ang dahilan ay dahil sa ating sariling pag-iisip, ang ating sariling kaisipan ay kumukumbinsi sa atin, na maraming mga bagay na hindi totoo.


Ang ating sariling pag-iisip ay maaaring magkumbinsi sa atin matapos nating pag-aralan ang mga itinuturo, pinag-aralan natin ang mga libro, natutunan natin ang mga kasanayan. Ang ating kaisipan ay maaaring magkumbinsi sa atin na alam na natin kung paano gumanap sa mga kadahilanang ito, kamatayan, kapanganakan at sakripisyo, ang ating kaisipan ay maaaring magkumbinsi sa atin na alam na natin kung paano obserbahan ating mga sarili at na tayo ay may kamalayang-tao.
Ang kaisipan ay dakilang manlilinlang, kaya kinakailangang patuloy nating binabago ang ating pang-unawa sa mga aral, ang pananampalataya ng ating mga kaluluwa ay nakataya rito, higit pa diyan pati ang pananampalataya ng sangkatauhan dahil sa loob ng ating mga binhi, ang sekswal at kamalayan umaasa ang buong pananampalataya ng mundong ito.
At kapag naintindihan natin ito na hindi lamang ang ating kaluluwa ang nakabitin sa balanse, ito ay ang pananampalataya ng buong lahi. Isang binhi na lumabas mula sa kanyang shell at tumiwalag mismo na naghahanap para sa liwanag, na nagbagong anyo ng kanyang tubig at nagmula sa lupa ang mga elemento na kailangan nito at lumalaki sa isang mahusay na punong kahoy ay maaaring magpakain sa buong sistema ng organismo at nasaksihan natin ito kay Hesus, na bumuo ng kanilang sariling mga binhi at naging mahusay na nilikha na naghimok sa pamamagitan ng mga puwersa ng pag-ibig, ng pag-aalaga para sa iba, hindi kasakiman para sa kapangyarihan, hindi para sa pagkilala, ngunit upang makatulong.
Ang bawat tao ay may mga organismo na may potensyal, kung tayo ay seryoso maaari nating magawa ito, kaya, magsimula tayo sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa ating mga kaisipan, pagbabago, hindi nagpapahintulot sa ating mga gawing mekanikal upang gabayan ang ating mga buhay, upang ituwid ang hukay ngunit upang magdala ng bagong mga pwersa mula sa kahalagahan sa sandali ng ating proseso ng pagmamasid sa sarili at sariling-alaala.
Kailangan natin ang lahat ng mga gamit at orasyon ng panalangin, meditasyon, ang iba't ibang mga kasanayan na ginagamit natin para sa iba't ibang sanga ng puno at para sa ating kamalayan. Gayunpaman, sa loob ng ilang siglo ang tao ay gumagawa ng kasanayang ito, siglo, gaano karami ang na gising sa kanilang kamalayan, at gaano karami ang nakalikha ng kaluluwa, at gaano karami ang naging mahusay na maestro? Napakakaunti, Ito ang punto.
Hindi lamang tayo maaaring umasa sa mga kasanayan, kapag ginagawa natin ang mga kasanayan sa kung anumang tradisyon, kung anumang gawain na ginagawa ng may kamalayan, tiyakin na ginagawa ang lahat ng may mga kadahilanan na kinakailangan para sa kasanayan upang maging mabisa, ito ang punto.
Marami ang nag aaral ng mga lihim na karunungan at nagbasa ng ilang mga libro at nag-aaral at tinatawag ang kanilang sarili bilang mga maestro at nagsimulang gamitin ang baluti at sinubukang mag meditasyon, ngunit hindi nila ginagawa ito ng may kamalayan kung hindi upang magpasikat. Kung hindi man, sa paraang ito, wala silang ideya kung ano ang sagradong kaalaman, walang palatandaan, dahil hindi nila ito nagagamit ng may kamalayan, ng may pag-ibig, pagmamalasakit at sakripisyo.
Sa kabilang banda, kung nagtuturo tayo isang tao kung paano magkaroon ng kamalayang upang talagang magawa ito, na kung ano ang kailangan nila, sila ay  makakakuha ng mas marami mula sa kanilang mga sandaling karanasan na minsan ang isang tao ay nagkakabisado sa lahat ng mga libro sa lahat ng mga kasanayan. Ito ang mahahalagang sanhi, palagi nating pinag-aralan ang tatlong mga kadahilanan ngunit, ginagawa natin ang mga ito nang wala sa loob, ginagawa natin ang mga ito mula sa paniniwala o ideya o bilang pag-uulit, ang mga ito ay pag-aaksaya ng kanilang panahon, ang lahat ng mga ito. Ang mga gawi ay walang kahulugan maliban kung magising natin ang ating kamalayan.
Ito ay dahilan kung bakit ang mga salita ng mga sinaunang maestro kapag sila ay nagsasalita ay banal, 'dahil sila ay dumating ng may gising na kamalayan.
Kapag Nagmumula ito mula sa bibig ng iyong Diyos, ang iyong panloob ng pagiging pantas o maestro, ang iyong panloob na pagkatao, iyon ay ang tunay.
Ang dahilan kung bakit may mga taong nadidismaya  sa kanilang mga kasanayan sa ispiritwal na pag aaral, sinasabi nila na matagal na nilang pina practice ang mga lihim na kaalaman ang mga orasyon at hindi nila  ito mapagana, ito ay dahil hindi nila ginagawa ito ng may gising na kamalayan, ginagawa nila ito nang wala sa loob, tinatandaan nila ang mga orasyon sa mga aral ng sagradong kaalaman ngunit wala sa kamalayan, gumagawa sila ng meditasyon pero walang nagyayari.Ano ang dahilan kung bakit ang mga kasanayan ay hindi nila ito mapagana? Ito ay hindi kasalanan ng mga kasanayan o ng sagradong kaalaman, ito ay hindi ang kasalanan ng mga nagtuturo o ng mga panuntunan, ito ay dahil sa hindi gising na kamalayan.
Kung tayo ay talagang gising sa kamalayan,  kung talagang natuto tayong ng gisingin ang ating sariling kamalayan,  maaari nating pangunahan ang mga bagay ng higit sa pisikal na pandama, mabilis, ito ay nakasalalay sa atin. Maaari tayong magkaroon ng isang karanasan sa paraiso sa unang pagsasanay ng meditasyon, maaari makalapit sa pakikipag-usap sa Diyos, maaari tayong makipag-usap sa mga anghel, maaari tayong lumabas sa ating pisikal na katawan, kung, alam natin kung paano mapagana ang ating kamalayan, kung alam natin kung paano mangibabaw sa ating kaisipan.
Sa kasamaang palad, tayo ay nahirati na makulong sa ating mga kaisipan at sa ating sariling pandama, at sinasama natin ang hawla sa paraiso, gusto nating kasama ang ating maduming sarili sa pakikipagusap sa Diyos. Ito ay isang batas ng kalikasan, gayunpaman, na ang masamang sarili ay hindi maaaring pumunta doon. Sa meditasyon, upang maranasan talaga kung ano ang meditasyon ay kinakailangang abandunahin ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa kahulugan ng ating sarili, ito ang dahilan kung bakit lagi tayong nagsisimula sa meditasyon ng nakarelaks ang tatlong kaisipan.
Ang tatlong kaisipan ay tumutugma sa ating pag-iisip lagi tayong nagsisimula sa ating pisikal na katawan. Lagi nating sinisimulan ang meditasyon sa pag relaks ng ating pisikal na katawan. Anumang bakas ng tensyon ay sapat upang mapatigil ang pagmemeditasyon. Ang malalim na relaksasyon ay mahalaga. Kaya iyon ay kung paano natin pinarerelaks ang pangatlong kaisipan ang motor / katutubo / sekswal na kaisipan makukuha natin ang pisikal na katawan na makapag relaks.
Doon kailangan natin makapag-relaks ang emosyonal na sentro kung saan ay may kaugnayan sa astral na katawan, at ito ay ang ating kondisyon, ang ating sikolohikal na kalooban. Kailangan nating obserbahan ang ating kondisyon, maaari tayong magkaroon ng pagkabalisa, o inaasahan o takot, o pagkakadikit sa ilang porma ng damdamin siguro nang galing mula sa mga kaganapan ng araw, Alinman sa mga emosyonal na katangian ay sapat upang maging sanhi ng emosyonal na sentro sa pagkakaba at upang panatilihin ang ating kahulugan ng sarili ang maging sentro ng katawan.
Gayundin, kailangan nating irelaks ang kaisipan. Bitiwan ang ugali ng pag-iisip, upang abandunahin ang pag-iisip, upang malaman kung paano maging isang tagamasid. Kapag duamating ang pag-iisip ito ay dumarating at kapag umalis ito ay umaalis. Hindi natin ginagambala o sumusunod sa mga ito; tayo ay nag-oobserba lamang.  
Ito ang mga tatlong basehan mula sa kung saan maaari nating mahanap ang pinto ng paraiso. Ang lahat ng mga ito ay dapat gawin ng may kamalayan.
Kaya kung titingnan natin ang Punong Buhay at makikita natin kung ano ang ating nabalangkas, makikita natin na ang pinag-uusapan ay ang apat na mga katawan ng kasalanan, ang apat na mas mababa kalagayan. Kung, sa ating meditasyon nang malalim, narerelaks natin ang mga iyon, at hindi iugnay ang ating mga kamalayan mula sa kanila, ano pa ang kinakailangan?  
             Ang esensiya, ang embrayo, ang binhi, ang kamalayan na hinango mula sa katawan, ang pagmamahal, at ang kaisipan. Kapag ang esensiya ay nahango mula sa pagiging 'ako', sa ibang salita, ang lahat ng hinayaan ay ang kamalayan - dalisay, malaya, makulay, at gising.
Ito ay hindi nangangailangan ng pag-uulit ng anumang binabasang lihim na karunungan, bagaman ang mga orasyon ay maaaring makatulong sa atin.
             Hindi ito ay nangangailangan ng isang partikular na posisyon sa meditasyon, bagaman ang isang partikular na postura ay maaaring makatulong sa atin. Ito din ay hindi nangangailangan ng isang malalim na pag-unawa sa anumang teorya o aral ng isang relihiyon, bagaman maaari itong makatulong.
Ang nag-iisang kinakailangan ay: katasin ang kamalayan mula sa apat na mga kasalanan sa katawan. Kapag naganap ang pagkatas, kahit sino ay maaaring makaranas ng totoong sagradong kaalaman at Makita ang totoong kaalamang pansarili, at sa gayong paraan lumago ang binhi ng ating kamalayan: mararanasan natin ang tunay na likas na katangian ng ating mga diwa, na sa kanyang ugat ay purong kagalakan.
Mayroong isang walang-katapusang bilang ng mga estado ang kamalayan na maaaring naranasan, at iyon ay naka-balangkas sa punongkahoy ng Buhay, ngunit halos isinagawa bilang isang maalong hagdan, at iyon ay ang hagdan na papuntang pataas at pababa. Sa anumang naibigay na oras, maaari nating maranasan ang anumang partikular na antas o nayayanig na boses ng kamalayan ng tao, maging ito ay kaaya-aya o hindi kasiya-siya, o kahit na isang walang malasakit na estado.
       Upang maisayos na naiintindihan ang mga estado ng kamalayan, kinakailangan na mayroon tayong maraming karanasan, at ito ay dahil ang karamihan sa mga karanasan na nasa loob ng ating sariling pag-iisip, lalo na noong nag-uumpisa tayo.
Karamihan sa mga karanasan na mayroon tayo sa ating sariling-alaala at sariling-pagmamasid, at sa ating meditasyon, ay magiging sa mga mas mababang mga antas ng punong kahoy ng Buhay - sa ibang salita, sa mga antas ng pag-iisip.
Kung mas mauunawaan natin ang tungkol sa punong kahoy ng Buhay - mas maaari nating maunawaan ang likas na katangian ng mga uri ng mga karanasan. Ngunit lagi tayong may pagdududa sa mga ito, dahil hindi tayo gising, at ang  manlilinlang ay laging naroon, naghihintay upang bigyang-kahulugan ang karanasan na nakahilig patungo sa pagiging maka ako,' kapag tayo ay nagmamalaki nagmamataas "Ito ang mandaraya;. Ito ang 'maka ako.'

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento