Biyernes, Abril 29, 2016

Tuwing gabi kapag tayo ay natutulog pumupunta tayo sa astral na mundo, tayo ay nandodoon hindi nga lang natin alam kung nasaan tayo dahil tayo ay bisi nakatali sa ilusyon na ipinoprojek natin sa ating sarili.

Tuwing gabi kapag tayo ay natutulog pumupunta tayo sa astral na mundo, tayo ay nandodoon hindi nga lang natin alam kung nasaan tayo dahil tayo ay bisi nakatali sa ilusyon na ipinoprojek natin sa ating sarili.

Tayo ay bisi at ang walang kaugnayang agos ng pag-iisip ay lumilipad sa pamamagitan ng ating mga isip ngunit ang maaari talagang mangyari paminsan-minsan ay maaari nating biglang mapagtanto na hindi tayo nasa pisikal na katawan. Maaaring biglang nating maunawaan ang kamalayan na may isang bagay na hindi tama, may isang bagay na kakaiba, na tayo ay wala na sa aking pisikal na katawan, may isang bagay na nagbago at iyan ang maniningning na panaginip.

Ang pagiging nasa astral na mundo habang ikaw ay natutulog ngunit kinikilala mo na wala ka sa iyong pisikal na katawan at ikaw ay wala sa pisikal na mundo. Ang iba pang mga paraan upang maka projek sa astral na mundo ay isang pagpapasya o may kamalayang pag- projek sa astral ng may iba't ibang mga diskarte ng meditasyon, kilala rin bilang ang pang-labas na karanasan ng katawan o out of the body esperience.

Ito ay maaari ring mangyari sa pamamagitan ng isang pisikal na pagkabalisa tulad ng mga taong nakaranas ng malubhang aksidente o pinsala at bagay-bagay na tulad niyan. Madalas na nauulat na nararanasan nila ang pagiging nasa labas ng pisikal na katawan na nahuhulog sa kanilang sariling katawan habang nasa ospital habang pinapanuod ang operasyon bumaba ang kanilang astral na katawan o pinanonood nila ang kanilang sarili habang dinadala sa ambulansiya o lumulutang sa itaas habang pinapanuod ang walang malay niyang katawan.

Sa bandang huli ito ay hindi rin mahalaga dahil parehas silang makakakuha ng
parehong resulta, makakarating din sa astral na mundo ng may kamalayan. Ang pinakamadaling paraan upang makarating sa astral na mundo ay ang unang pamamaraan ang matulog,  pinakamadali dahil ikaw ay nandoon na kailangan mo lamang malaman na ikaw ay nasa astral na mundo at ngayon tinitingnan natin ang ilang mga maliit na mga tip at diskarte na maaari nating gamitin upang ma-trigger ang maningning na estado ng panaginip.

 Ilang mga simple at praktikal na pamamaraan na naging napaka-epektibo, kung maaari mong isama ang mga ito sa iyong pang araw-araw na gawain.
Ang may kamalayang projeksyon ay medyo mahirap dahil kailangan mong matutunang ilagay ang iyong pisikal na katawan sa isang tiyak na estado na magbibigay-daan para mabuksan ka sa astral na mundo.

Ang unang paraan ay medyo simple dahil ikaw ay nandoon gabi-gabi kailangan lang natin na malaman kung paano gisingin ang ating sarili at mapagtanto na tayo ay nasa sa astral na mundo.

Ang ikalawa ay medyo mas mahirap
dahil ito ay nangangailangan ng isang tiyak na dame ng pagsasanay sa meditasyon upang makuha ng ating kaisipan at katawan ang isang estado na makakatulong sa aktwal na pag-alis sa pisikal na katawan.

Kaya kung lilingon tayo at titingnan ang mga konsepto ng mga panaginip samakatuwid tulad ng nasabi na natin, ang mga panaginip ay simpleng alaala ng mga karanasan na mayroon tayo sa astral na mundo. Kapag tayo ay may panaginip ang lahat ng ating naaalala ay ang lahat ng bagay na ginawa natin nang gabing iyun sa astral na mundo.

Sa panahon ng pagtulog tayo ay kumikilos at naglalakbay sa ating astral na katawan, ito ang nangyayari sa lahat ng tao
kahit hindi mo matandaan ang iyong panaginip. Sa bawat gabi kapag ang iyong pisikal na katawan ay nakatulog ikaw ay umaalis papunta sa astral na mundo, sa iba't ibang mga dimensyon sa isang lugar na may iba't ibang mga batas ng mga bagay tulad ng walang grabidad o bigat, walang konsepto ng oras.
Maaari mong patunayan ito sa iyong sarili lahat ng tao ay nakakagawa nito. Ikaw ay nakaidlip at pagkatapos ay nakatulog sa sopa o natutulog ka ng halos 15 hanggang 20 minuto lamang ngunit nagkaroon ka ng isang mahabang panaginip na tila mahaba kaysa sa oras na ikaw ay pisikal na nakatulog.

Ito ay dahil kapag ikaw ay nakatulog, pumapasok ka sa astral na mundo na kung saan dito ay walang umiiral na oras, mas maganda ang karanasan mo rito kaysa sa gising na buhay dahil walang oras na dapat kang magmadali. Kaya kung nakatulog ka ng 15 minuto ngunit nagkaroon ka ng isang panaginip na parang sampung oras o minsan ay isang araw.

Kaya ang sikreto ay ang tandaan mo ang iyong mga panaginip dahil minsan hindi natin laging natatandaan ang mga detalye o maaaring natandaan natin ng kakaunti at piraso ngunit hindi natin matandaan ang buong karanasan.

Mayroon mga tao na natatandaan ang kanilang mga panaginip kahit sampu pang iba’t ibang panaginip sa bawat gabi. Mayroon din naming mga tao na hindi matandaan ang mga panaginip kahit kagabi lang natulog depende talaga ang mga ito kung sino tayo at kung nagsikap tayong pag-aralan ang astral na mundo.

Sa panahon ng ating pagtulog ang ating nakatagong kamalayan ay aktibo, ito binubuo ng mga tatlumpu hanggang sa apatnapu't libong mga pag-iisip na nakuha natin habang tayo ay gising sa araw na nag-iisip. Habang tayo ay gising sa araw makikita nating na ang ating atensyon ay patuloy na nahahati sa pagitan ng nakaraan, ng kasalukuyan at ng ating hinaharap.

Ganoon din ang nangyayari sa gabi, kaya iyan ang dahilan kung bakit ang karamihan ng ating mga panaginip ay punong-puno ng mga simbolismo at nagiging mahirap maintindihan.

Iyan ang dahilan kung bakit ang karamihan ng ating mga karanasan sa panaginip ay tila hindi magkakaugnay. Maraming uri ng mga simbolismo, ng ibat ibang nagbabagong mga senaryo, mga mabibilis na pagpapalit ng mga tao na dumarating at umaalis at kung minsan ay para talagang may kaguluhan. Karamihan ng mga iyan ay ang lenguwahe ng nakatagong kamalayan o kaisipan na hindi humihinto.

Bilang 12: 1-16

Nag-usap sina Miriam at Aaron Laban kay Moises
               1 Sina Miriam at Aaron ay nagsalita ng laban kay Moises dahil sa babaing Cusita na kanyang pinakasalan---sapagkat siya'y nag-asawa nga ng isang babaing taga-Cus. 2 Ang sabi nila, "Sa pamamagitan lang ba ni Moises nagsasalita si Yahweh? Hindi ba't sa pamamagitan din natin?" Narinig ni Yahweh ang usapan nilang ito. 3 Si Moises naman ay isang taong mapagpakumbaba higit kaninumang nabuhay sa ibabaw ng lupa.
               4 Dahil dito, tinawag ni Yahweh sina Moises, Aaron at Miriam. Sinabi niya, "Magpunta kayong tatlo sa Toldang Tipanan." At nagpunta nga sila. 5 Si Yahweh ay bumaba sa anyo ng haliging ulap at tumayo sa pintuan ng Toldang Tipanan. Tinawag niya sina Aaron at Miriam. Paglapit nila, 6 sinabi niya, "Pakinggan ninyo ang sasabihin ko. Kung ang sinuma'y nais kong piliing propeta, nagpapakita ako sa kanya sa pangitain at kinakausap ko siya sa panaginip. 7 Ngunit kaiba ang ginawa ko kay Moises sapagkat ipinagkatiwala ko sa kanya ang aking buong sambahayang Israel. 8 Kinakausap ko siya nang harap-harapan at sinasabi ko sa kanya ang lahat sa maliwanag na paraan, hindi sa pamamagitan ng talinhaga. At siya lamang ang nakakita sa aking anyo. Bakit hindi man lamang kayo natakot na magsalita laban sa kanya?" 9 Nagalit sa kanila si Yahweh, at siya'y umalis.
               10 Nang mawala na ang ulap sa ibabaw ng Toldang Tipanan, si Miriam ay nagkaroon ng maputing sakit sa balat na parang ketong. Nang makita ito ni Aaron, 11 sinabi niya kay Moises, "Kapatid ko, huwag mo sana kaming parusahan dahil sa aming kamangmangan at kasamaan. 12 Huwag mong pabayaang matulad siya sa isang buhay na patay, parang ipinanganak na nabubulok ang kalahati ng katawan." 13 Kaya, nakiusap si Moises kay Yahweh, "O Diyos, pagalingin po sana ninyo si Miriam!"
               14 Ngunit ang sagot ni Yahweh, "Kung siya'y duraan ng kanyang ama, hindi ba siya magtatago ng pitong araw dahil sa kahihiyan? Hayaan ninyo siya ng pitong araw sa labas ng kampo." 15 Kaya si Miriam ay pitong araw na nasa labas ng kampo. Hindi umalis ang bansang Israel hanggang hindi nakakapasok ng kampo si Miriam. 16 Mula sa Hazerot, patuloy silang naglakbay. Pagdating sa ilang ng Paran ay nagkampo sila.

Gawa 2:

Ang Pagdating ng Espiritu Santo
               1 Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang araw ng Pentecostes. 2 Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. 3 May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, 4 at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.
               5 May mga debotong Judio noon sa Jerusalem na nagmula sa bawat bansa sa buong mundo. 6 Nang marinig nila ang ugong, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa wika ng mga nakikinig. 7 Sa pagkamangha at pagtataka ay kanilang nasabi, "Hindi ba taga-Galilea silang lahat? 8 Bakit sila nakapagsasalita sa ating wika? 9 Tayo'y mga taga-Partia, Media, Elam, Mesopotamia, Judea at Capadocia, Ponto at Asia. 10 Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Pamfilia, Egipto at sa mga lupain ng Libya na malapit sa bayan ng Cirene, at mga nagmula sa Roma, mga Judio at mga Hentil na naakit sa pananampalatayang Judio. 11 May mga taga-Creta at Arabia rin. Paano sila nakapagsasalita sa ating mga wika tungkol sa mga kahanga-hangang ginawa ng Diyos?" 12 Hindi nila lubusang maunawaan ang nangyari, kaya't nagtatanungan sila, "Ano ang kahulugan nito?"
               13 Ngunit may ilang nagsabi nang pakutya, "Lasing lang ang mga iyan!"
Ang Sermon ni Pedro
               14 Kaya't tumayo si Pedro, kasama ng labing-isang apostol, at nagsalita nang malakas, "Mga taga-Judea, at kayong lahat na mga panauhin sa Jerusalem, pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko. 15 Hindi lasing ang mga taong ito, gaya ng palagay ninyo. Alas nuwebe pa lamang ng umaga ngayon. 16 Ang nakikita ninyo'y katuparan ng ipinahayag ni Propeta Joel,
17 'Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,' sabi ng Diyos,
'Ipagkakaloob ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao;
ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe.
Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain,
at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.

18 Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang aking Espiritu, sa aking mga alipin, maging lalaki at maging babae,
at ipahahayag nila ang aking mensahe.

19 Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit at mga himala sa lupa; dugo, apoy at makapal na usok.
20 Ang araw ay magdidilim,
ang buwan ay pupulang parang dugo,
bago dumating ang dakila at maluwalhating araw ng Panginoon.

21 At sa panahong iyon, ang lahat ng hihingi ng tulong sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.'
Karaniwan kapag tayo ay nananaginip, tayo ay nagpo-projek ng ating nakatagong kamalayan papunta sa astral mundo. Natatandaan natin na ang astral mundo ay umaayon sa ating iniisip. Kaya ang karamihang nangyayari sa atin sa pamamagitan ng panaginip ay magagamit natin bilang bintana sa ating nakatagong kamalayan.

Tulad ng kapag tayo ay nanaginip ng gising o tayo ay nag day-dreaming sa araw, ang ating natutulog na kamalayan ay patuloy na nananaginip ng gising ang tawag rito ay daydreaming. At sa gabi sa astral na mundo ang pagkakaiba lamang ay ang ating mga iniisip, ang ating mga alaala, ang ating mga hinahangad, ang ating mga alalahanin, ang ating mga pantasya, ang ating mga takot. Lahat ng ito ay pumapasok sa iyong kaisipan, at sa iyong mga panaginip ito ay nagiging iyong realidad na iyong nakikita.

Lahat ng bagay ay nagiging realidad sa astral na mundo.  Kung ano ang iyong naranasan sa iyong mga panaginip kapag ikaw ay nagpunta sa astral na mundo matatagpuan mo ang mga tao na iyong kilala at ito ay posible.

Daniel 2: 1-49

Ang Panaginip ni Nebucadnezar
               1 Noong ikalawang taon ng paghahari ni Nebucadnezar, siya ay nagkaroon ng masamang panaginip. Kaya siya'y nabagabag at hindi makatulog. 2 Dahil dito, ipinatawag niya ang lahat ng salamangkero, enkantador, mangkukulam, at astrologo upang ipaliwanag ang kanyang panaginip. 3 Sinabi niya sa kanila, "Nanaginip ako at ito ang bumabagabag sa akin hanggang ngayon. Ipaliwanag nga ninyo ang kahulugan ng aking panaginip."
               4 Sumagot ang mga astrologo sa wikang Aramaico, a "Mabuhay ang hari! Sabihin po ninyo ang panaginip at ipapaliwanag namin."
               5 Sinabi ng hari sa mga astrologo, "Ipinag-uutos kong sabihin muna ninyo ang aking panaginip saka ninyo ipaliwanag. Kung hindi, ipapapatay ko kayo at ipawawasak ang inyong mga tahanan. 6 Kapag nasabi naman ninyo at naipaliwanag ang aking panaginip, gagantimpalaan at pararangalan ko kayo. Kaya sabihin na ninyo at ipaliwanag sa akin ang aking panaginip."
               7 Muli silang sumagot, "Mahal na hari, sabihin po ninyo ang panaginip at ipapaliwanag namin."
               8 Sinabi naman ng hari, "Alam kong pinahahaba lang ninyo ang oras dahil sa sinabi ko sa inyo 9 na iisa ang hatol ninyo kapag hindi ninyo nasabi at naipaliwanag sa akin ang aking panaginip. Nagkaisa kayong magsinungaling sa akin sa pag-aakalang magbabago pa ang aking isip sa paglipas ng oras. Sabihin ninyo ang aking panaginip at saka ako maniniwalang maipapaliwanag nga ninyo iyon."
               10 Sumagot ang mga astrologo, "Wala pong tao sa daigdig na makakagawa ng iniuutos ninyo. Wala ring hari, gaano man ang kapangyarihan niya, na nag-utos ng ganyan sa sinumang salamangkero, manghuhula, o astrologo. 11 Napakahirap gawin ng iniuutos ninyo. Mga diyos lamang ang makakagawa niyan at hindi sila namumuhay na kasama ng tao."
               12 Dahil sa sagot na ito, nagalit ng husto ang hari kaya't ipinag-utos niyang patayin ang lahat ng mga tagapayo sa buong Babilonia. 13 Saklaw ng kautusang ito ang lahat ng matatalinong tao sa kaharian pati si Daniel at ang kanyang mga kaibigan.
Inihayag ng Diyos kay Daniel ang Panaginip
               14 Kaya, maingat na kinausap ni Daniel si Arioc, ang kapitan ng mga tanod ng hari na siyang inutusan upang patayin ang mga matatalinong tagapayo ng Babilonia. 15 Tinanong niya ito, "Bakit po nag-utos ng ganito kabigat b ang mahal na hari?" At sinabi naman sa kanya ni Arioc ang dahilan.
               16 Dahil dito, nagpunta sa hari si Daniel at nakiusap na bigyan pa siya ng panahon at ipapaliwanag niya ang panaginip nito. 17 Matapos payagan, umuwi si Daniel at sinabi kina Hananias, Misael at Azarias ang pangyayari. 18 Hiniling niyang sama-sama silang manalangin sa Diyos ng kalangitan tungkol sa hiwagang iyon upang hindi sila patayin kasama ng mga matatalinong tagapayo ng Babilonia. 19 Nang gabing iyon, sa pamamagitan ng pangitain ay inihayag ng Diyos kay Daniel ang nasabing hiwaga. Kaya't pinuri niya ang Diyos ng kalangitan. 20 Ang sabi ni Daniel:
"Purihin magpakailanman ang pangalan ng Diyos,
pagkat siya'y marunong at makapangyarihang lubos.

21 Siyang nakakapagbago ng mga kapanahunan,
naglalagay at nag-aalis ng mga hari sa luklukan;
siyang nagbibigay ng karunungan sa matatalino
at kaalaman sa may pang-unawa.

22 Naghahayag ng mga lihim at kahiwagaan;
nakatatalos sa mga nasa kadiliman,
sapagkat ang kaliwanagan sa kanya'y nananahan.

23 Pinupuri ko kayo at pinasasalamatan, O Diyos ng aking mga magulang,
dahil sa kaloob ninyo sa aking lakas at karunungan,
ngayo'y ibinigay ninyo sa akin ang aking kahilingan,
panaginip ng hari sa ami'y ipinaalam."

Ipinaliwanag ni Daniel ang Panaginip ng Hari
               24 Pagkatapos, bumalik si Daniel kay Arioc, ang opisyal na inutusan upang patayin ang mga tagapayo ng Babilonia. Sinabi niya, "Huwag mo munang patayin ang mga matatalinong tao. Samahan mo ako sa hari at ipapaliwanag ko ang kanyang panaginip."
               25 Dali-daling iniharap ni Arioc si Daniel sa hari. Sinabi niya, "Mahal na hari, narito po ang isa sa mga dinalang-bihag mula sa Juda. Siya po ang makapagpapaliwanag sa inyong panaginip."
               26 Si Daniel na tinatawag na Beltesazar ay tinanong ng hari, "Masasabi at maipapaliwanag mo ba sa akin ang aking panaginip?"
               27 Sumagot si Daniel, "Ang hiwagang gustong alamin ng hari ay hindi maipapaliwanag ng sinumang matalinong tagapayo, enkantador, salamangkero, o manghuhula. 28 Ngunit mayroon pong isang Diyos sa kalangitan na naghahayag ng mga hiwaga at ipinakita niya sa Haring Nebucadnezar ang mga mangyayari sa mga darating na panahon. Ito ang panaginip na inyong nakita habang kayo'y natutulog:
               29 "Mahal na hari, ang panaginip ninyo ay tungkol sa mangyayari sa hinaharap at ipinapaalam ito sa inyo ng Diyos na nakakaalam ng lahat ng hiwaga. 30 Ang hiwagang ito ay ipinaalam sa akin, hindi dahil ako'y higit na matalino kaysa iba, kundi upang ipaliwanag ito sa inyo at upang maunawaan ninyo ang gumugulo sa inyong isipan.
               31 "Mahal na hari, ang nakita ninyo ay isang malaki at nakakasilaw na rebulto. Nakatayo ito sa inyong harapan at nakakatakot pagmasdan. 32 Ang ulo nito ay lantay na ginto, at pilak ang dibdib at mga bisig. Tanso naman ang tiyan at mga hita nito. 33 Ang mga binti ay bakal at ang mga paa ay pinaghalong bakal at putik. 34 Habang pinagmamasdan ninyo ito, may batong natipak sa bundok na bumagsak sa mga paa ng rebulto at nadurog ang mga paa. 35 Pagkatapos, nadurog ding lahat ang bakal, putik, tanso, pilak, at ginto. Naging parang ipa ito at tinangay ng hangin at walang naiwan kahit bakas. Samantala, ang tipak ng batong bumagsak dito ay naging isang napakalaking bundok na pumuno sa buong daigdig.
               36 "Mahal na hari, iyan po ang inyong panaginip, at narito naman ang kahulugan: 37 Kayo po ang pinakadakila sa lahat ng mga hari. At kayo po ay pinagkalooban ng Diyos sa langit ng kaharian, kapangyarihan, lakas, at karangalan. 38 Niloob ng Diyos na masakop ninyo ang lahat ng tao, hayop, at ibon sa lahat ng dako. Kayo ang ulong gintong iyon. 39 Ang susunod sa inyo ay ang ikalawang kaharian na mas mahina kaysa inyo. Pagkatapos, lilitaw ang pangatlong kaharian na isinasagisag ng tanso, at sasakupin nito ang buong daigdig. 40 Ang pang-apat na kaharian ay sintigas ng bakal. Katulad ng nagagawa ng bakal, dudurugin ng kahariang ito ang buong daigdig. 41 Ang kahulugan naman ng nakita ninyong mga paa na yari sa bakal at putik ay ito: mahahati ang kaharian ngunit mananatili ang tigas ng bakal sapagkat ito'y nakahalo sa putik. 42 Ganito naman ang kahulugan ng mga paang yari sa pinaghalong bakal at putik: May bahagi itong matibay at may bahagi namang marupok. 43 Ang kahulugan ng pinagsamang bakal at putik ay pag-aasawa ng magkakaibang lahi; ngunit hindi ito magtatagal kung paanong hindi maaaring paghaluin ang bakal at putik. 44 Sa panahon ng mga haring iyon, ang Diyos sa kalangitan ay magtatatag ng isang kahariang hindi maibabagsak kailanman, ni masasakop ninuman. Dudurugin nito at ganap na wawasakin ang iba pang kaharian, at mananatili ito magpakailanman. Kaya't hindi na makakabangon ang mga iyon kahit kailan. 45 Katulad ito ng inyong nakitang tipak ng bato na dumurog sa rebultong yari sa bakal, putik, tanso, pilak, at ginto. Mahal na hari, ang mangyayari sa hinaharap ay ipinapaalam na sa inyo ng dakilang Diyos. Ito po ang inyong panaginip at tiyak ang kahulugan nito."
Ginantimpalaan si Daniel
               46 Yumukod si Haring Nebucadnezar na lapat ang mukha sa lupa at nagbigay galang kay Daniel. Pagkatapos, iniutos niyang handugan ito ng insenso at iba pang alay. 47 Sinabi niya kay Daniel, "Tunay na ang Diyos mo ang pinakadakila sa lahat ng mga diyos at Panginoon ng mga hari. Siya ang tagapagpahayag ng mga hiwaga kaya naipahayag mo ang hiwagang ito." 48 Pinarangalan ng hari si Daniel at binigyan ng napakaraming handog. Siya ay ginawa nitong tagapamahala sa buong lalawigan ng Babilonia at pinuno ng lahat ng mga tagapayo ng Babilonia. 49 Hiniling naman ni Daniel sa hari na sina Shadrac, Meshac at Abednego ay gawing tagapangasiwa sa Babilonia upang siya'y makapanatili sa palasyo ng hari.

Daniel 7: 1-28

Ang Pangitain ni Daniel Tungkol sa Apat na Halimaw
               1 Noong unang taon ni Belsazar bilang hari ng Babilonia, si Daniel ay nagkaroon ng pangitain sa kanyang panaginip. Isinulat ito ni Daniel.
               2 Isang gabi nakita ko na kabi-kabila ay binabayo ng malakas na hangin ang malaking dagat. 3 Mula sa dagat ay may umahong apat na iba't ibang halimaw. 4 Ang una ay parang leon, ngunit may mga pakpak ng agila; habang ako'y nakatingin, nabunot ang mga pakpak nito. Umangat ito sa lupa at tumayong parang tao. Binigyan ito ng isip ng tao. 5 Ang ikalawa naman ay parang oso. Ang dalawang paa lamang nito sa huli ang inilalakad at may kagat pang tatlong tadyang. May tinig na nag-utos dito, "Sige, magpakasawa ka sa karne." 6 Ang ikatlo ay kahawig ng leopardo. Ito'y may apat na pakpak sa likod tulad ng sa ibon, apat din ang ulo, at binigyan ito ng kapangyarihan. 7 Pagkaraan, nakita ko ang ikaapat na halimaw. Nakakatakot ito at napakalakas. Bakal ang ngipin nito at niluluray ang anumang makagat at tinatapakan ang matira doon. Kakaiba ito sa tatlong nauna sapagkat ito'y may sampung sungay. 8 Pinagmasdan kong mabuti ang mga sungay at nakita kong may tumutubo pang isa. Ang tatlong sungay ay nabunot upang magkaroon ng puwang ang sungay na tumutubo. Ang sungay na ito ay may mga mata na tulad sa tao at may bibig na nagsasalita ng sobrang kayabangan.
Ang Pangitain Tungkol sa Nabubuhay Magpakailanpaman
               9 Habang ako'y nakatingin, mayroong naglagay ng mga trono. Naupo sa isa sa mga ito ang Nabubuhay Magpakailanpaman. Puting-puti ang kanyang kasuotan at gayundin ang kanyang buhok. Ang trono niya'y naglalagablab at ang mga gulong nito'y nagliliyab. 10 Parang bukal ang apoy na dumadaloy mula sa kanya. Pinaglilingkuran siya ng milyun-milyon, bukod pa sa daan-daang milyon na nakatayo sa harap niya. Humanda na siya sa paggagawad ng hatol at binuksan ang mga aklat.
               11 Dahil sa sobrang kayabangang sinasabi ng sungay, muli akong tumingin at nakitang pinatay ang ikaapat na hayop at inihagis ito sa apoy. 12 Ang iba namang halimaw ay inalisan ng kapangyarihan ngunit binigyan pa ng panahong mabuhay.
               13 Patuloy ang aking pangitain. Nakita ko sa alapaap sa langit ang parang isang tao. Lumapit siya sa Nabubuhay Magpakailanpaman. 14 Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian upang paglingkuran siya ng lahat ng tao sa bawat bansa at wika. Ang pamamahala niya ay hindi magwawakas, at ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak.
Ang Kahulugan ng mga Pangitain
               15 Akong si Daniel ay nalito at nabagabag dahil sa pangitaing iyon. 16 Kaya't nilapitan ko ang isang nakatayo roon at tinanong ko siya kung ano ang kahulugan ng mga bagay na aking nasaksihan. Ipinaliwanag naman niya ang mga ito sa akin. 17 Ang sabi niya, "Ang apat na halimaw ay apat na kahariang lilitaw sa daigdig. 18 Ngunit ang mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos ang bibigyan ng karapatang mamahala magpakailanman."
               19 Hinangad kong malaman ang kahulugan ng ikaapat na halimaw sapagkat malaki ang kaibahan nito sa tatlo at dahil sa nakakatakot ang anyo nito: bakal ang mga ngipin at tanso ang mga panga. Dinudurog nito saka nilulunok ang lahat ng abutan at tinatapakan ang matira. 20 Hinangad ko ring malaman ang kahulugan ng sampung sungay at ang kahulugan noong isang sungay na tumubo at naging dahilan para mabunot ang tatlo. Gusto ko ring malaman ang kahulugan ng mga mata at ng bibig sa sungay na sobrang kayabangan ang pinagsasasabi, at kung bakit ang sungay na ito'y mas malaki kaysa iba.
               21 Samantalang ako'y nakatingin, nakita kong dinigma at nilupig ng sungay na ito ang mga hinirang ng Diyos. 22 Pagkatapos, dumating ang Nabubuhay Magpakailanpaman at nagbigay ng hatol sa panig ng mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos. Dumating ang araw para ibigay sa bayan ng Diyos ang pamamahala sa kaharian.
               23 Ganito ang sinabi niya sa akin: "Ang ikaapat na hayop ay ang ikaapat na kahariang lilitaw sa daigdig. Kakaiba ito sa lahat ng kaharian sapagkat masasakop, yuyurakan at dudurugin nito ang buong daigdig. 24 Ang sampung sungay ay kumakatawan sa sampung hari ng kahariang ito. Sa gitna nila'y lilitaw ang isa na kaiba sa mga nauna at tatlong hari ang kanyang pababagsakin. 25 Magsasalita siya laban sa Kataas-taasan at pahihirapan niya ang mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos. Tatangkain niyang baguhin ang kautusan at mga takdang kapanahunan. Ang mga hinirang ng Diyos ay ipapailalim sa kanyang kapangyarihan sa loob ng tatlong taon at kalahati. 26 Ngunit siya'y hahatulan. Kukunin sa kanya ang kaharian at pupuksain siya nang lubusan. 27 Ang kaharian at ang karangalan ng mga kaharian sa buong daigdig ay ibibigay sa mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos. Sila ay maghahari magpakailanman. Maglilingkod at susunod sa kanila ang lahat ng kaharian."
               28 Dito natapos ang pangitain. Akong si Daniel ay lubhang nabahala at namutla sa takot. Sinarili ko na lamang ang mga bagay na ito.
Maaari mong matagpuan ang mga tao sa astral na mundo at kapag nakita mo sila doon sa astral na mundo sila ay literal na katulad ng isang sleepwalker katulad ng kung ang iyong kasama sa kuwarto o ka roommate na naglalakad habang tulog hindi niya alam na naglalakad siya sa pasilyo, naglalakad siya ng paikot ikot sa paligid na bahay.

Ganyan din ang nangyayari sa astral kapag nakita mo ang iyong kaibigan na natutulog at nagpoprojek kumikilos siya sa parehong paraan, hindi mo nakikita kung ano ang kanyang nakikita, siya ang nakakakilala ng kaniyang sariling realidad na nasa kanyang harapan at hindi mo magagawang makita kaya sila ay gumagalaw sa paligid tulad ng isang sleepwalker na naglalakad ng tulog.

Ganoon din ang nangyayari sa taong kamakailan lang namatay, kapag tayo ay namatay dito muna tayo sa astral na mundo napupunta kasama ang ating kamalayan.

Kaya sa mas mataas na teknik tungkol sa astral projeksyon may mga bagay na posible, maaari nating makita ang
taong kamakailan lamang namatay at atin silang mabibisita, nakikipag-ugnayan tayo sa kanila sa astral na mundo.

Ano ang panaginip?

Ang maningning na panaginip ay nangyayari kapag tayo ay may kamalayan sa ating astral na katawan at nalalaman natin na tayo ay nananaginip. Ito ay katulad ng isang suwits na pumipitik at lumilipat, na parang biglang may isang hindi pangkaraniwang pakiramdam sa kinaroroonan o kamalayan at naiintindihan mo na parang napakalayo ng iyong pisikal na katawan.

Napag-alaman mo na ang iyong pisikal na katawan ay wala na sa kama at ito’y nag-gagala at ikaw ay nasa ibang lugar sa paligid na nasa  ibang katawan dahil tayo ay may kamalayan sa ating panaginip. Itigil na ang walang katapusang proseso ng pag-iisip na
gumugulo sa atin.  Ihinto ang paggamit ng helmet ng hindi makatotohanang realidad at makikilala ang tunay na realidad sa astral.

Iyon ang dahilan kung bakit ang astral na projeksyon ay isang kawili-wiling teknik dahil maaari nating isara ang ating kaisipan mula pag- iisip ng walang tiyak na layuning kaisipan at madama ang realidad sa astral na mundo at maaari tayong makipag-ugnay sa dimensyong ito, maaari nating malaman kung paano gumagana ang dimensyong ito.

Tandaan na tayo ay nasa labas ng oras, na maaari nating bisitahin ang anumang punto ng ating sariling kasaysayan, nakaraang buhay, ang kasaysayan, ang mga planeta,
ang sibilisasyon at ang sangkatauhan dahil hindi na tayo nakatali sa oras.

Makikita natin ang tunay na realidad sa astral na mundo kung ano ang ipoproyek natin dito sa sandaling maging mulat sa astral. Maaari nating simulan ang pakikipag-ugnay sa mga katalinuhan na nandoon. Mayroong iba't ibang mga anyo ng buhay, may iba pang mga nilalang, mga nilikha na matataas ang katalinuhan na naninirahan sa astral na mundo.

Ang mga katalinuhang ito ay pinamamahalaan at pinatatakbo sa mas mataas na lebel ng prikwensiya kaysa sa mga simpleng tao.

Ngayon ang mga sinaunang tao ay simpleng tinatawag silang mga Diyos, o mga Diyosa at mga anghel ng mga iba't-ibang relihiyon. Ngunit sila ay mga nilalang na maaari tayong makipag-ugnayan, maaari nila tayong turuan, payuhan, kwentuhan tungkol sa ating tunay na sarili, maaari nila tayong turuan sa mga bagay tungkol sa uniberso at ang lahat ang mga batas sa mga ito at ang lahat ng uri ng mga nakatagong bagay-bagay.
Paano ba matatandaan ang mga panaginip?

Isa sa mahirap na ating nararanasan ay kung paano natin maaaring matandaan ang ating mga panaginip ng sa gayon ay mai-projek natin ang ating kamalayan sa astral na mundo. Mai-projek ang lahat ng uri ng mga bagay-bagay na ating iniisip sa astral na mundo upang magbigay sa atin ng isang pagkakataong malaman ang maraming realidad tungkol sa ating sarili.

Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit sinasabi ng ating mga Dtef Masters na ang isang tao ay nakikilala sa kaniyang mga panaginip. Isa sa bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa iyo na simulang maalala ang iyong mga panaginip at maaari ring makatulong sa iyo na makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng gising na kamalayan at ang nananaginip na kamalayan ng ma-trigger sa maningning na estado ng panaginip ay ang simulang isulat ang mga panaginip sa isang dream diary o diary ng mga panaginip.

Ito ay tila isang simpleng bagay ngunit ito ay hindi kapani-paniwalang napaka-epektibo para sa pagti-trigger ng estado sa maningning na panaginip para sa pagguhit ng atensyon sa iyong mga panaginip at magsisimula kang magbigay ng atensyon sa kung ano ang nangyayari sa iyong mga panaginip.

Ang ideya sa likod ng isang dream diary ay ang magkaroon lamang ng isang notebook at lapis sa tabi ng iyong kama at isulat
ang anumang bagay na maaari mong matandaan sa lalong madaling sandali ng iyong pag-gising. Siguro sa maagang yugto maaaring matandaan mo lamang ay isang salita o maaari mong matandaan na kasama mo ang isang tao, o maaari mong matandaan na nasa isang patikular kang lugar. Hindi mo matandaan lahat maaaring isang maliit na bilang ng mga parirala o marahil isa o dalawang pangungusap.

kapag sinimulan mo ang pagsasanay sa iyong sarili na isulat ang iyong mga panaginip tuwing umaga, isang kawili-wiling bagay ang mangyayari na kung saan ang iyong utak ay magsisimulang magbigay ng atensyon sa ang iyong mga panaginip at mag-uumpisang magising ang iyong kamalayan para matandaan  ng  mas marami at detalyado ang karamihan sa iyong mga panaginip.Magsimula man ito sa ilang  pares ng mga salita, ilang pares ng mga pangungusap sa lalong madaling panahon ito ay magiging isang buong talata ng mga karanasan.

Sa pamamagitan ng pagpa-praktis masisimulan mong matandaan ng higit pa at marami pang mga detalye. Sa una maaaring bahagi lamang ng iyong panaginip ngunit sa huli mapupuno mo rin ang buong mga pahina tungkol sa iyong mga panaginip at matututo kang basagin ang sarili mong mga panaginip, matututunan mo ang mga sagisag at simbolismo ng iyong kamalayan .

Na kung saan ito ay nagiging isang tunay na mahalagang instrumento para matutunan mo ang maraming bagay tungkol sa iyong sarili. Ito  ay hindi kagulat gulat dahil ikaw ay nasa astral na mundo, nasa labas ka ng oras, maraming bagay ang nangyayari sa mas mataas na dimensyon  at pagkatapos ito ay nabubuo hindi kataka takang magkaroon ng panaginip at ito ay nagiging premonisyon mo na rin.

Maraming mga tao ang nakaranas na bago pa sila magkaroon ng isang panaginip tungkol sa isang bagay, ito ay talagang nangyayari. Ito ay bahagi ng proseso ng mga bagay-bagay na umiral muna at pagkatapos ay nabubuo pababa mula sa mas mataas na dimensyon, kung tayo man ay nasa mataas na posisyon makikita natin ang mga bagay bago sila dumating o mangyari sa pisikal na mundo.

Diyan nakukuha ng mga tao ang kani-kaniyang premonisyon at mga kaparehas nito katulad ng mga pangitain, habang maingat tayong sumusubaybay sa ating mga panaginip, ang isa sa mga bagay na dapat nating gawin ay suriin ang ating dream diary ng regular na magbibigay tayo ng atensyon para sa anumang bagay na tila hindi karaniwan, o kakaiba, mga bagay tulad ng mga paulit-ulit na elemento o pangyayari o anumang bagay na naninindigan.

Maaari rin tayong gumawa ng talaan ng anumang interpretasyon na ating ginagawa sa ating mga panaginip kung nais nating subukang basagin ang alinman sa mga sagisag at simbolismo. Kalimutan mo na ang tungkol sa pagpunta at pagbili ng mga libro tungkol sa mga panaginip, mga simbolismo at ang mga kahulugan ng mga panaginip.

Ito ay isang bagay na kailangan mong gawin para sa iyong sarili kaya walang dahilan pa na basahin ang mga kabanata at bumili ng 10,000 mga panaginip na binigyan ng interpretasyon, mga ganyang libro. Sa huli ikaw rin ang mag-iinterpreta ng kahulugan ng iyong sariling mga panaginip, ito ay ang iyong sariling kamalayan na nakikipag-usap sa iyo kailangang mo lamang bigyang ng atensyon at matutunan ang kanyang lengguwahe.

Ang pagsusulat ng iyong mga panaginip ay isang tunay na mahalagang teknik na magbibigay-daan sa iyo upang makuha ang kahulugan ng iyong mga panaginip. Kapag nagsimula kang mag interpret sa kung ano ang maaaring kahulugan ng mga bagay-bagay sa iyong panaginip, kung gagawa ka ng isang maliit na mga tala sa iyong dream diary ng iyong panaginip. Halimbawa kung nanaginip ka na makakapasa ka sa interbyu sa isang papasukang trabaho o napanaginipan mong hindi ka makakapasa pagkatapos kapag ang sitwasyon ay naganap na maaari mong balikan at suriin ang iyong mga tala sa iyong dream diary upang makita kung ikaw ay tama o mali sa iyong isinulat sa iyong dream diary.

Pareho ito kapag nagsimula kang managinip tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap. Kung ikaw ay nagsusulat ng mga tala sa panahong iyun sa iyong dream diary at pagkatapos ay nangyari ang kaganapan maaari mong balikan at tingnan kung ano ang iyong isinulat tungkol sa mga ito at tingnan kung gaano ka kaesksakto.

Kailangan mong isulat ang iyong mga panaginip sapagkat ito ay tutulong sa iyo upang matandaan ang mga ito.
Makakatulong sa iyo kapag nagbibigay ka ng atensyon sa estado ng iyong mga panaginip at matututunan mo kung paano ihiwalay ito mula sa gising na estado at ito ay magbibigay-daan sa iyo upang simulan ang iyong mga pag-iinterpret sa sariling mong mga panaginip sa pagpapanatiling nakasubaybay ng kung ano ang aktwal na nangyayari sa iyong kamalayan.

Iba pang bagay na dapat bigyang-pansin sa ating mga panaginip, kapag ito ay paulit-ulit na mga panaginip na tila umuulit nang paulit-ulit, ito ay maaaring maging isang tunay na mahalagang mensahe mula sa iyong mas mataas na sarili na hindi mo nakukuha. Ang iyong mas mataas na sarili ay nagbibigay sa iyo ng parehong mensahe ng paulit ulit hanggang sa makuha mo kung ano ang sinusubukang sabihin sa iyo sa pamamagitan ng panaginip.

Halimbawa nito ay ang mga panaginip na nagaganap sa ibang panahon o panaginip na nangyari sa hindi pamilyar na lugar o may sangkot na pakikipag-ugnayan sa mga hindi pamilyar na mga tao ng maraming beses, ang mga ito ay simpleng mga bahagi ng mga alaala mula sa nakaraang buhay.

Lahat tayo ay dati ng nanaginip na kasama ang ating best friend o kaya boyfriend o girlfriend sa panaginip. Kilala natin sila, alam natin sila pero ang mukha, ang katawan ay hindi angkop. Pagkagising mo sa umaga ito ay tulad ng, alam ko, ito ang aking kaibigan ngunit hindi ito ang kaniyang hitsura medyo kakaiba at mahiwaga bakit kaya sa tingin ko siya ang aking kaibigan.

Maaaring siya ay iyong kaibigan sa nakaraang buhay o maaaring siya ang iyong girlfriend o boyfriend sa iyong nakalipas na buhay. Mayroon lang silang ibang pisikal na katawan dahil nagkakaroon tayo ng iba't ibang mga pisikal na katawan sa bawat panahon na tayo’y bumabalik sa mundo.

Juan 1: 19 Ang mga pinuno ng mga Judio sa Jerusalem ay nagsugo ng ilang paring Judio at Levita upang itanong kay Juan kung sino nga ba siya. 20              Hindi nagkaila si Juan; sa halip ay maliwanag niyang sinabi, Hindi ako ang Cristo.

               21"Sino ka kung gayon?" tanong nila. "Ikaw ba si Elias?"   "Hindi ako si Elias", tugon niya. "Ikaw ba ang Propeta?" Sumagot siya, "Hindi rin".

               22"Sino ka kung gayon? Sabihin mo kung sino ka upang may masabi naman kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?" tanong nilang muli.

               23Sumagot si Juan sa pamamagitan ng pangungusap mula sa aklat ni Propeta Isaias,"Ako ang tinig ng isang taong sumisigaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon."

               24 Ang mga nagtanong ay sugo ng mga Pariseo. 25 Muli nilang tinanong si Juan, "Bakit ka nagbabautismo, gayong hindi naman pala ikaw ang Cristo, o si Elias, o ang Propeta?"

               26 Sumagot si Juan, "Ako'y nagbabautismo sa tubig, ngunit nasa inyong kalagitnaan ang isang hindi ninyo nakikilala. 27 Darating siyang kasunod ko subalit hindi man lamang ako karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang sandalyas."

Mateo 17:Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus
  1Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila'y umakyat sa isang mataas na bundok. 2Habang sila'y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit. 3Nakita na lamang ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. 4Sinabi ni Pedro kay Jesus, "Panginoon, mabuti't naririto kami. Kung gusto ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol, isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias." 5 Habang nagsasalita pa si Pedro, nililiman sila ng napakaliwanag na ulap. Mula rito'y may tinig na nagsabi, "Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!" 6Nang marinig ng mga alagad ang tinig, labis silang natakot at nagpatirapa. 7                Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinawakan. "Tumayo kayo, huwag kayong matakot!" sabi niya. 8            Nang tumingin sila, si Jesus na lamang ang kanilang nakita.

               9Habang sila'y bumababa sa bundok, iniutos sa kanila ni Jesus, "Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang inyong nasaksihan hangga't hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao." 10 Tinanong siya ng mga alagad, "Bakit po sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na dapat munang dumating si Elias?" 11           Sumagot siya, "Paparito nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. 12At sinasabi ko sa inyo, pumarito na si Elias ngunit hindi siya kinilala ng mga tao, at ginawa nila kay Elias ang gusto nila. Kaya't tulad ng ginawa sa kanya, pahihirapan din nila ang Anak ng Tao." 13                Naunawaan ng mga alagad na si Juan na Tagapagbautismo ang tinutukoy niya.

 Marcos 10:  29  Sumagot si Jesus, "Tandaan ninyo: ang sinumang nag-iwan ng kanyang tahanan, o mga kapatid, mga magulang, mga anak, mga lupain, dahil sa akin at sa Magandang Balita, 30           ay tatanggap sa buhay na ito ng isandaang ulit pa ng mga iyon; mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupain, ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa panahong darating, magtatamo siya ng buhay na walang hanggan. 31    Ngunit maraming nauuna na mahuhuli, at maraming nahuhuli ang mauuna."

Job 1: 20Tumayo si Job, pinunit ang kanyang damit at nag-ahit ng ulo. Pagkatapos, nagpatirapa siya at sumamba sa Diyos. 21           Ang sabi niya, "Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh!"
Job 19:25Ngunit alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas, na magtatanggol sa akin pagdating ng wakas.

26Pagkatapos na maubos itong aking buong balat, makikita ko ang Diyos kahit laman ay maagnas.

27Siya'y aking mamamasdan, at mukha ang makikita; siya'y makikilala nitong aking mga mata. Ang puso ko'y nananabik na masdan ko na siya.

Ecclesiastico 1:Papuri sa Karunungan
1Mula sa Panginoon ang lahat ng karunungan, at iyon ay taglay niya magpakailanman.

2Sino ang makakabilang ng buhangin sa dagat, o ng patak ng ulan, o ng mga araw, o sa panahong walang pasimula at walang katapusan?

3 Sino ang makakasukat sa taas ng langit, o sa lawak ng lupa? Sino ang makakaarok sa karagatan at sino ang makakasaliksik sa Karunungan?

4-5Bago pa likhain ang alinmang nilalang, nalikha na ang Karunungan, at ang tunay na pagkaunawa, bago pa nagsimula ang mga panahon.

6-7Kanino ipinahayag ang simula ng Karunungan, at sinong nakakaalam ng kanyang pamamaraan?
8Iisa lamang ang talagang marunong;
dapat tayong gumalang na may paghanga sa harap ng kanyang luklukan.

9Ang Panginoon ang lumikha ng Karunungan, kinilala niya ang kahalagahan nito at ibinuhos niya ito sa lahat ng kanyang nilalang.

10 Binahaginan niya ng Karunungan ang lahat ng tao, ngunit higit na masagana ang kaloob niya sa mga umiibig sa kanya. c

11 Kung may paggalang ka sa Panginoon,
magkakamit ka ng karangalan at kasiyahan,
mapuputungan ka ng tuwa at kagalakan.

12Ang magparangal sa Panginoon ay nagdudulot ng kaligayahan at tuwa,
nagkakaloob ng buhay na mahaba at maligaya.

13Ang may paggalang sa Panginoon ay sasagana sa bandang huli; pagpapalain siya sa oras ng kamatayan.

14 Ang paggalang sa Panginoon ay simula ng tunay na Karunungan; sa sinapupunan pa ng ina'y kasama na siya ng mga tapat.

15Nanirahan siya e sa gitna ng mga tao mula pa noong una at magtitiwala sa kanya ang mga susunod na salinlahi.

16Ang may paggalang sa Panginoon
ay siyang nagkakamit ng pinakamataas na Karunungan; mag-uumapaw sa kanila ang kanyang masaganang bunga,

17pinasasagana niya sa mabubuting bagay ang kanilang tahanan,
pinupuno niya ng masaganang ani ang kanilang f mga kamalig.

18Ang paggalang sa Panginoon ay magandang bulaklak ng Karunungan,
na nagdudulot ng kapayapaan at kalusugan.
19Namamahagi siya ng kaalaman at ganap na pagkaunawa; ang nagpapahalaga sa kanya ay kanyang pinaparangalan at pinagiging tanyag.
20-21Ang paggalang sa Panginoon ay siyang ugat ng Karunungan, at ang mga sanga naman nito ay mahabang buhay.

 1 Corinto 1: 25  Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao. 26Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan noong kayo'y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang matatawag na marunong, makapangyarihan at maharlika sa paningin ng tao. 27Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas. 28Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hampas lupa, at mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng sanlibutan. 29Kaya't walang sinumang makakapagmalaki sa harap ng Diyos. 30Sa kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din niya, tayo'y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos. 31Kaya nga, tulad ng nasusulat, "Ang sinumang nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang ginawa ng Panginoon."

 Isaias 65: Bagong Langit at Lupa
17Ang sabi ni Yahweh:
"Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit; ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan.

18 Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa,
ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya,
at magiging masaya ang kanyang mamamayan.

19 Ako mismo'y magagalak
dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan. Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man.

20Ang mga sanggol ay hindi na mamamatay, lahat ng titira roon ay mabubuhay nang matagal.
Ituturing pa rin na isang kabataan ang taong sandaang taon na, at ang hindi umabot sa gulang na ito ay ituturing na isinumpa.

21Magtatayo sila ng mga tahanang kanilang titirhan, magtatanim sila ng ubas at sila rin ang aani.
22Hindi tulad noong una, sa bahay na ginawa'y iba ang tumira.
Sa tanim na halama'y iba ang nakinabang.
Tulad ng punongkahoy hahaba ang buhay ng aking mga hirang, lubos nilang papakinabangan ang kanilang pinagpaguran.

23Anumang gawaing paghirapan nila'y tiyak na magbubunga, at hindi magdaranas ng mga sakuna ang mga anak nila; pagpapalain ko ang lahi nila, at maging ang mga susunod pa.

24 Ang dalangin nila kahit hindi pa tapos ay aking diringgin, at ibibigay ko ang kanilang hinihiling.

25 Dito'y magsasalong parang magkapatid, ang asong-gubat at tupa, ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka. At ang ahas naman na ang pagkain ay alabok kahit tapakan mo'y hindi ka mangangamba.

Magiging panatag at wala nang masama sa banal na bundok. Sa Bundok ng Zion ay walang makakapinsala o anumang masama."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento