A woman (31), for whom doctors predicted she...
healthyfoodteam.com
http://www.healthyfoodteam.com/examinations-confirmed-doct…/ Sagradong Kaalaman sa tamang pagkain.
Ang ating kinakain o diyeta ay isang mahalagang bahagi ng ating kaliwanagan.
"Maraming mga tao sa ngayon ang namamatay dahil sa sobrang pagkain kaysa sa kakulangan nito.”
Marahil may kamag-anak tayong namatay sa kanser, ang aking kaibigan ay namatay sa sakit sa puso , ang aking matandang babaeng kapitbahay ay may malubhang osteoporosis, Ang aking kaklase ay may diabetes, ang isa ko pang kaibigan ay na-diagnose na may kanser sa suso, ang aking mas batang pinsan ay umiinon na ng mga gamot sa puso at kolesterol.
Ang lahat bang ito ay pamilyar? Ang hindi pamilyar ay ang mga problema sa kalusugan ay sanhi ng ugali natin sa pagkain. Sa katunayan ang pagkain ay ang pinakamalaking sanhi ng sakit, kapansanan at kamatayan sa mundo ngayon at ayon sa mga pangkalahatan report, ang ating kinakain ay pumapatay ng dalawa sa bawat tatlong tao taon taon.
Ang ating pag-uugali sa pagkain sa ibang salita ay opisyal ng nakakamatay. Para sa karamihan sa atin, sa ating buhay hindi natin nalaman agad ang koneksyon dahil tayo ay isang tipikal na mamamayan. Inakala natin na ang ating mga kinakain ay isang malusog na diyeta. Ngunit iyon ang problema, ang tinatawag nating isang malusog na diyeta sa katunayan, na nirekomenda pa ng mga medical na authoridad na sinasabing isang malusog na diyeta ay mapanganib sa ating kalusugan.
Ang mga tao ay namamatay sa atake sa puso, kanser at iba pang mga sakit dahil sa kanilang pagsunod sa mga malusog na mga alituntunin. Ang asawa ng isang sikat na tao na nagsasabi na ginawa niya ang lahat ng tamang bagay tungkol sa pagkain sinunod niya lahat ng mga alituntuning ipinayo ng mga authoridad hanggang sa siya ay namatay sa kanser sa kanyang maagang edad na animnapung taon.
Mamaya mamabasa natin ang istorya ni doktor santos isang surgeon na naghihirap sa sakit puso sa edad na 44 at natutuhan niyang magamot ang kanyang sakit sa puso sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa mga alituntunin ng mga medical na authoridad. At makikilala rin natin si Doctor Cruz isang psychologist na kumakain ng karaniwang diyeta na itinuro ng mga medical na authoridad hanggang sa nagbara ang kanyang coronary arteries. Sa halip na magpagamot sa pamamagitan ng bypass surgery napagaling niya ang kanyang sakit sa puso sa pamamagitan ng pagtanggi sa payo ng apat na mga doktor.
At makikilala rin natin si Doctora Rizza isang marathon runner na kumakain ng mas mahusay kaysa sa mga alituntunin na itinuturo ng mga authoridad sa medical, nagkaroon pa rin siya ng kanser sa suso sa edad na 40 bilang resulta natalo niya ang kanyang sakit na kanser sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa mga payo ng 5 mga doktor. Ipinagpapalagay natin na higit pa ang ating kaalaman tungkol sa kalusugan at nutrisyon ngayon kaysa sa ating mga ninuno ngunit ang mga tao noon ay mas mahaba ang buhay at hindi namamatay dahil sa kanilang kinakain.
Noong 1900 ang sakit sa puso na pinakamalaking nakamamatay na sakit ay hindi kasama sa mga aklat-aralin ng medikal. At ang kanser, diyabetis o arthritis at iba pang mga pangunahing sakit ay bihira at madalas lamang sa mayayaman na kumakain ng sobrang sarap at masusustansiyang pagkain na matataba, maaalat at matatamis tulad ng mga pagkain natin ngayon. Ang mga karaniwang tao noon ay hindi namamatay sa ating kasalukuyang mga sakit dahil ang kanilang mga ugali at kinakain ay ibang-iba.
Tinapay, patatas, mais, oats, kanin, beans at iba pang mga gulay, prutas at buong bigas ay ang mga pangunahing pagkain sa kanilang pagkain. Mga karne, itlog at isda ay bihira sa mga plato ng nagtatrabahong mamamayan.
Genesis 1:
29 Ibinibigay ko rin sa inyo ang lahat ng uri ng halamang nagkakabinhi at mga bungangkahoy bilang pagkain ninyo. 30 Ang lahat ng halamang luntian ay ibinibigay ko naman sa lahat ng hayop sa ibabaw ng lupa at sa lahat ng mga ibon." At ito nga ang nangyari. 31 Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikaanim na araw.
Ito ay hindi dahil ayaw nilang kumain ng masasarap na pagkain kung hindi dahil hindi nila kayang bilhin ang mga ito, ngunit noong ika-20 siglo, ang lahat ng bagay ay nagbago. Tulad ng pagkain ng karne ng hayop ay naging higit pang abot-kaya, Kaya ang mga tao ay lumipat mula sa kanilang pagkain ng gulay, sa pagkain ng karne ng hayop, ito ang nag-trigger sa pinakamalaking pagbabago sa pagkain sa kasaysayan ng sangkatauhan, at naghatid ng isang bagong panahon ng mga sakit na may kaugnayan sa pagkain.
Sa gitna ng ika-20 siglo, maraming mga tao ang biglang namamatay sa pag-atake sa puso, at kanser ito na ang marka ng umpisa ng epidemya, sa huling kalahati ng siglo, Dinoble natin ang ating pagkonsumo ng karne, hanggang sa ang karaniwang tao ay kumakain ng karne nang higit pa sa kanilang timbang, at habang kain tayo ng kain ng karne, ang ating pagkonsumo ng mga pagkain ng gulay at prutas ay nabawasan ng malaki maliban sa French fries, at katsup,
At higit sa kalahati ng ating mga calories ay nanggagaling mula sa mga pagkain na naglalaman ng nakakabarang mga sangkap sa ating mga ugat, mga taba, alat at tamis. Sa ngayon, ang ating mga kinakain ay ganap nang nabago, kaya ang resulta, ay sakit sa puso na tumaas mula sa isang nakatagong mga sakit upang maging numero unong nakamamatay, kanser, diabetes at iba pang mga sakit na naging ordinaryong pangalan sa ating mga sambahayan. Tayo ay nagtatabahang mga tao dahil sa maling pagkain na laging ipinakikita sa mga telebisyon maging sa mga internet at nagawa nating ang pagkain ang pinaka-popular na paraan ng walang alalay na pagpapakamatay.
Ngayon, ang karamihan ng mga bata sa paaralan ay mayroon nang mga palatandaan ng sakit sa puso at marami na ngayon ang umiinom ng gamot para sa kolesterol, at 85% ng may edad ang nagdurusa mula sa paninigas ng arteries, at kalahati ng buong populasyon ay mamatay ng maaga dahil sa sakit sa puso, at mahigit 40% ng populasyon ay bumuo ng isang buhay na may nakamamatay na kanser.
Tayo ay naging isang bansang lumalakad ng sugatan dahil sa ating pagkain, ang isinasaalang-alang nating malusog na pagkain ngayon ay tulad ng isang treng wasak ang katawan. sa edad na 65 lumulunok tayo ng mahigit sa 50 tonelada ng pagkain pababa sa ating lalamunan, sapat upang mapuno ang anim na mga trak ng basura, sa ganoong karaming uri ng pagkain na ating nakain ay maaari ng ganap na masira ang ating katawan.
Tingnan natin ang listahan ng ilan sa mga karamdaman sa kalusugan at mga sakit na may kaugnayan sa ating mga maling kinakain:
acid reflux, acne, allergies, anemia, appendicitis, arteriosclerosis, arthritis, asthma, autoimmune diseases, back problems, bedwetting, bowel disorders, bursitis, cataracts, cholesterol problems, chronic fatigue syndrome, cognitive dysfunction, colic, colitis, colon polyps, congestive heart failure, constipation, chrohn's disease, diabetes, diarrhea, diverticulosis, Ear infections, Early sexual maturity, Eczema, Fibroids, Gallbladder disease, Gallstones, Gastritis, Gout, Gum disease, Hearing loss, Heart disease, Hemorrhoids, Hiatal hernia, high blood pressure, hormone imbalances, Hot flashes, Hypertension, Hypoglycemia, Immune deficiency, Impotence, Indigestion, Intestinal distress, Joint problems, Kidney failure, Kidney stones, Lupus, Macular degeneration, Malabsorption, Menopause problems, Migraines, Mood disorders, Multiple sclerosis, Obesity, Osteoporosis, Polyps, Premenstrual syndrome, Prostate enlargement, Senile dementia, Sinus, Problems, Skin disorders, Spastic colon, Spinal disk deterioration, strokes, tonsillitis, ulcers, Urinary tract infections, varicose veins. Cancers: bladder, breast, cervix, colon, Endometrium, Esophagus, Gall bladder, Kidney, Liver, Mouth, Ovaries, Pancreas, Pharynx, Prostate, Rectum, Stomach, Testicles, Thyroid, Uterus, Vulva.
Hindi tayo naiiba, kapag ang mga tao sa iba pang bahagi ng mundo ay nag aabandona ng kanilang mga tradisyunal na pagkain na naka base sa mga gulay at prutas at sinimulan ang pagkain ng karne, mamantika, maaalat at matatamis, sila ay namamatay na gaya natin, ang parisan ay hindi lamang halata ngunit lubos na nahuhulaan na. Kahit saan tayo tumingin, kapag ng mga tao ay kumakain ng pagkaing naka base sa karne ng hayop, ang sakit sa puso at kanser ay biglang nagiging kanilang pinakamalaking kamatayan.
Ito ang nangyayari ngayon sa buong mundo, kung saan pinapalitan nila ang bigas at gulay ng karne at mga productong may gatas, matatamis at maaalat. Kaya ang pagkain nagkakalat ng karamdaman ay tulad ng mabangis na apoy.
Ang isang bagay na nagagawa ng pagkain ng karne na pinakamahusay ay ang pumatay ng mga tao. Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbabara sa ating arteries at ang paghigpit sa daloy ng dugo at oxygen sa buong katawan. Agawan natin ng oxygen ang puso, makakakuha tayo ng atake sa puso, alisan natin ng oxygen ang utak, makakakuha tayo ng stroke, alisan natin ng oxygen ang ating mga tisiyu at mga cell, at ma-set-up natin ang sanhi ng lahat ng kanser.
Levitico 11: 1-47
Mga Hayop na Maaari at Di Maaaring Kainin
(Deuteronomio 14:3-21)
1 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, 2 "Ganito ang sabihin ninyo sa bayang Israel: Sa mga hayop na lumalakad sa lupa, makakain ninyo 3 ang lahat ng hayop na biyak ang kuko at ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura. 4 Kaya ang kamelyo kahit na ngumunguya ito ngunit hindi biyak ang kuko ay di dapat kainin. 5 Ang dagang gubat ay ngumunguya rin ng pagkaing mula sa sikmura ngunit hindi biyak ang kuko; hindi ito malinis, kaya di dapat kainin. 6 Ang kunehong gubat ay ngumunguya rin ng pagkaing galing sa sikmura ngunit hindi rin biyak ang kuko nito; hindi ito malinis. 7 Ang baboy, biyak nga ang kuko, ngunit hindi naman ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura, kaya hindi ito dapat kainin. 8 Huwag kayong kakain ng karne ni hihipo man ng bangkay ng mga hayop na ito; marurumi ito para sa inyo.
9 "Sa mga nilikhang nasa tubig, maging alat o tabang, ang maaari lamang ninyong kainin ay ang mga isdang may palikpik at kaliskis. 10 Ngunit ang isdang walang palikpik at kaliskis, malaki man o maliit, sa dagat o ilog ay marumi para sa inyo. 11 Huwag kayong kakain nito at iwasan ninyo ang mga patay nito. 12 Lahat ng nilikha sa tubig na walang palikpik at kaliskis ay huwag ninyong kainin.
13 "Tungkol naman sa mga ibon, ang mga ito ang huwag ninyong kakainin sapagkat marurumi: ang agila, ang buwitre at ang agilang-dagat; 14 ang lawin at ang limbas at mga kauri nito; 15 lahat ng uri ng uwak; 16 ang ostrits, panggabing lawin, lawing dagat at mga kauri nito; 17 lahat ng uri ng kuwago, ibong maninisid ng isda, 18 ang kuwagong parang may sungay, at ang pelicano; 19 ang lahat ng uri ng tagak, ang tariktik, paniki at kabag. a
20 "Lahat ng kulisap na may pakpak at may apat na paa ay marurumi para sa inyo, 21 maliban sa mga kulisap na lumulundag, 22 tulad ng lahat ng balang na mahahaba ang ulo, balang na kulay berde at bawat balang sa ilang. 23 Ang lahat ng naglipanang lumilipad na may apat na paa ay ituturing ninyong marurumi.
24 "Ang sinumang humawak sa bangkay ng mga hayop na ito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw. 25 Ang sinumang dumampot sa mga ito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw at dapat niyang labhan ang kanyang damit. 26 Bawat hayop na biyak ang kuko ngunit hindi ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura ay marumi nga at ituturing na marumi rin ang bawat humawak rito. 27 Ituturing ninyong marumi ang mga hayop na may apat na paa, ngunit ang kuko'y hindi sumasayad sa lupa kapag lumalakad. Ang sinumang humawak sa bangkay nito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw. 28 Dapat labhan ang kasuotan ng sinumang humawak nito at siya ay ituturing ninyong marumi hanggang sa paglubog ng araw.
29 "Sa mga hayop na naglipana sa lupa, ituturing ninyong marumi ang mga sumusunod: ang bubuwit, ang daga, at lahat ng uri ng bayawak; 30 ang tuko, ang buwaya, ang butiki, ang bubuli at ang hunyango. 31 Marurumi ang lahat ng ito at sinumang humawak sa alinmang patay nito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw. 32 Kung ang alinman sa mga ito ang mamatay at lumagpak sa damit, kagamitang kahoy, balat o anumang kagamitang pang-araw-araw, ituturing na marumi ang nilagpakan nito hanggang sa paglubog ng araw; kailangang ibabad sa tubig ang nasabing kagamitan. 33 Kung sa palayok ito mahulog, ituring ding marumi ang laman nito at dapat nang basagin ang palayok. 34 Anumang pagkaing may sabaw o inuming tubig na malagay dito ay ituturing na marumi. 35 Marumi nga ang anumang lagpakan ng ganitong uri ng patay na hayop. Kung mahulog sa kalan o palayok, dapat sirain ito; ituturing nang marumi iyon. 36 Ngunit ang batis o ipunan ng tubig na malagpakan nito ay mananatiling malinis; gayunman, ang humawak sa patay na hayop ay ituturing na marumi. 37 Kung ang patay na hayop ay lumagpak sa binhing pananim, ito'y mananatiling malinis, 38 ngunit kung ang binhi ay babad na sa tubig, magiging marumi na ito.
39 "Kung mamatay ang anumang hayop na maaaring kainin, ang sinumang humawak rito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw. 40 Dapat labhan ang kasuotan ng sinumang kumain o bumuhat nito, at siya'y ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw.
41 "Lahat ng maliliit na hayop na gumagapang sa lupa ay huwag ninyong kakainin sapagkat ito'y marurumi, 42 maging ito'y gumagapang sa lupa o naglalakad na may apat na paa o higit pa. 43 Huwag ninyong dudumhan ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagkain ng alinman sa maruruming hayop na ito. 44 Panatilihin ninyong malinis ang inyong sarili, sapagkat akong si Yahweh na inyong Diyos ay banal. 45 Ako ang naglabas sa inyo sa Egipto upang maging Diyos ninyo. Dapat kayong maging banal sapagkat ako'y banal."
46 Ito ang mga tuntunin tungkol sa mga hayop, sa mga ibon at sa mga nilikha sa tubig, 47 para malaman ninyo ang malinis o hindi, ang makakain at hindi makakain.
11:44 Levitico 19:2; 1 Pedro 1:16
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento