Kakaibang nilikha Pahayag 9:
17 At nakita ko sa pangitain ang mga kabayo, at ang mga dibdib ng mga sakay nito ay may mapulang baluti na gaya ng apoy, asul na gaya ng safiro, at dilaw na parang asupre. Ang mga ulo ng mga kabayo ay parang ulo ng leon, at ang kanilang bibig ay bumubuga ng apoy, usok at asupre. 18 Ang tatlong salot na pumatay sa ikatlong bahagi ng sangkatauhan ay ang apoy, usok at asupre na nagmula sa kanilang bibig. 19 Ang kapangyarihan ng mga kabayo'y nasa kanilang mga bibig at nasa kanilang mga buntot na parang ahas at may ulo na siyang ginagamit nila sa pananakit. 7 Ang mga balang ay parang mga kabayong handa na sa pakikipagdigma. Sila'y may putong na parang koronang ginto, at parang mukha ng tao ang kanilang mukha. 8 Parang buhok ng babae ang kanilang buhok at parang ngipin ng leon ang kanilang mga ngipin. 9 Natatakpan ng mga baluting bakal ang kanilang dibdib, at ang pagaspas ng kanilang pakpak ay parang dagundong ng mga karwaheng hila ng mga kabayong lulusob sa labanan. 10 Sila ay may buntot na may tulis gaya ng sa alakdan. Nasa buntot nila ang kapangyarihang manakit ng mga tao sa loob ng limang buwan. 11 Ang pinuno nila'y ang anghel na bantay sa banging napakalalim.
Isaias 14:
29 Huwag mo munang ipagdiwang, bayang Filistia, ang pagkabali ng pamalong inihampas sa iyo, sapagkat sa lahi ng ahas maaaring lumitaw ang ulupong, at mag-aanak ito ng lumilipad na dragon.
Job 40:
15 "Ang dambuhalang hayop ay tingnan mo, gaya mo'y nilikha ko dito sa mundo. Ito'y parang baka kung kumain ng damo.
16 Ang lakas niya'y naiipon sa kanyang katawan; ang kapangyarihan, sa himaymay ng kanyang laman.
17 Ang tigas ng buntot niya ay sedar ang katulad, ang kanyang mga hita'y siksik at matatag.
18 Parang tanso ang kanyang mga buto, sintigas ng bakal ang kanyang mga braso.
19 "Siya ay pangunahin sa mga nilikha, ngunit magagapi nang sa kanya'y lumikha.
20 Siya'y nanginginain doon sa mga bundok, doon sa tirahan ng kapwa niya hayop.
21 Siya'y doon lumalagi sa ilalim ng tinikan, nakatago sa gitna ng mga talahib sa putikan.
22 Sanga ng mga puno ang sa kanya'y tumatakip, sa kanya'y nakapaligid sa tabi nitong batis.
23 Hindi siya natatakot lumakas man ang agos; ang Jordan man ay lumalim, mahinahon pa rin kung kumilos.
24 Siya kaya ay mahuli sa pamamagitan ng bingwit, makuha kaya siya sa ilong sa pamamagitan ng kawit?
Job 3:
8 at sumpain ng mga salamangkerong nagpapaamo ng dambuhalang Leviatan Lieviatan, isang mala-alamat na dambuhalang halimaw sa karagatan na sumisimbolo sa kaguluhan at kasamaan.
Job 41: 1-34
1 "Mahuhuli mo ba ang Leviatan a sa pamamagitan ng pamingwit? Maitatali mo ba ang dila nito sa pamamagitan ng lubid?
2 Matatalian mo kaya ng lubid ang ilong nito? Tatagusan kaya ng kawit ang mga panga nito?
3 Siya kaya ay lumapit at lumuhod sa harap mo, magsalita nang malumanay at magmakaawa sa iyo?
4 Siya kaya'y makiusap at ikaw ay pangakuan, na sa habang buhay ikaw ay paglingkuran?
5 Siya kaya'y parang ibong tatalian at lalaruin upang mga babaing lingkod mo ay aliwin?
6 Tawaran kaya siya ng mga mamimili, paghatian kaya siya upang maipagbili?
7 Tablan kaya ang makapal niyang balat, sa ulo kaya niya'y tumagos ang matulis na sibat?
8 Hawakan mo siya kahit na minsan lang, hindi mo na uulitin dahil sa inyong paglalaban.
9 "Ang sinumang sa kanya'y makakakita, sa lupa'y mabubuwal, nawawalan ng pag-asa.
10 Kapag siya'y ginambala, ubod siya ng bagsik. Sa kanyang harapa'y walang nangangahas lumapit.
11 Sinong lulusob sa kanya at hindi mamamatay? Walang makakagawa nito sa buong sanlibutan.
12 "Ang kanyang mga binti ay malaki at matatag, at walang kaparis ang taglay nitong lakas.
13 Sino ang makakapag-alis sa panlabas niyang kasuotan? May sandata na bang nakatusok sa balat niyang makapal?
14 Sa bibig niya'y sino kaya ang maaaring magbuka? Nakakatakot na mga ngipin nakahanay sa bunganga niya.
15 Maraming kalasag, nakahanay sa kanyang likod; sintigas ng bato at nakalagay nang maayos.
16-17 Masinsin ang pagkaayos, ito'y dikit-dikit, walang pagitan, ni hangin ay di makasingit.
18 Kung siya ay bumahin, ang ilong ay nag-aapoy, mata niya'y mapula parang araw sa dapit-hapon.
19 Mula sa bibig niya'y may apoy na lumalabas, mga baga ng apoy ang doo'y sumisiklab.
20 Sa ilong niya'y nanggagaling ang makapal na usok, parang usok na nagmumula sa kumukulong palayok at damong sinusunog.
21 Hininga niya'y nagbabaga, sa init ay nag-aalab; naglalagablab na apoy sa bibig niya'y nagbubuhat.
22 Ang kanyang leeg nama'y puno ng kalakasan, sinumang makakita sa kanya'y kinikilabutan.
23 Walang mahinang bahagi sa kanyang balat, tulad ng bakal, matigas at makunat.
24 Ang tigas ng kanyang puso, bato ang katulad, gaya ng batong gilingan sa tibay at tatag.
25 Kapag siya ay tumayo masisindak rin ang pinakamalakas, wala silang magawa, at sa takot ay tumatakas.
26 Pagkat siya'y di tatablan kahit na ng tabak, maging ng palaso, ng punyal o ng sibat.
27 Sa kanya ang bakal ay parang dayaming marupok, ang katulad nitong tanso ay kahoy na nabubulok.
28 Sa palaso'y hindi siya maaaring mapatakbo, sa kanya'y parang dayami ang tirador at ang bato.
29 Kahoy na panghampas sa kanya'y para lamang patpat, tumatawa lamang siya kapag siya'y sinisibat.
30 Kaliskis ng kanyang tiyan ay napakatalas, at sa putik na daanan, nag-iiwan ng mga bakas.
31 Kaya niyang pakuluin ang malalim na tubig, hinahalo niya ang dagat na parang palayok ng langis.
32 Ang kanyang madaana'y kumikislap sa liwanag, ang akala mo sa tubig, puting buhok ang katulad.
33 Dito sa daigdig ay wala siyang katulad, pagkat siya'y walang takot, hindi nasisindak.
34 Sa lahat ng mga hayop ay mababa ang tingin niya, at sa kanilang lahat ang naghahari ay siya."
Isaias 27: 1
1 Sa araw na iyon, gagamitin ni Yahweh ang kanyang malupit at matalim na espada; paparusahan niya ang Leviatan, a ang tumatakas na dragon, at papatayin niya ang halimaw na nakatira sa dagat.
14 ikaw na rin ang dumurog sa mga ulo ng Leviatan, at ginawa mong pagkain ng mga nilikhang nasa ilang.
Deuteronomio 33:
20 Tungkol kay Gad ay sinabi: "Purihin ang Diyos na nagpalawak ng lupain ni Gad. Si Gad ay parang leon na nag-aabang at handang sumakmal ng leeg o kamay.
22 Tungkol kay Dan ay sinabi: "Isang batang leon ang katulad ni Dan, na palukso-lukso mula sa Bashan."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento