Support the products and services of our Dtef business owners and have a great discount and commissions.Cute Mascot For Your Kiddie Parties And Events.. - Offered Philippines - 73262893, Antonio construction and builders, St Ambros funeral, sales and investments in Australia's properties, and Max int'l.
(Ang paghahanap sa tunay at tamang pamumuhay sa pamamagitan ng ispiritual na batas sa pagtatagumpay)
Ng isaalang-alang ng sinaunang tao ang kalakihan ng uniberso. Sila ay nakadama ng isang bagay na lubhang kataka-taka at kagulat-gulat. Nadama nilang konektado sila sa sandaigidigan. Ang isang espirituwal na koneksyon ay hindi maaaring makita o mahipo. Ngunit may isang paraan upang mapatunayan ang mga bagay na hindi nakikita sa pamamagitan ng paggamit ng isang kakayahang mas malakas at maaasahang kaysa sa limang pandama, ang ating diwa o ang ating kamalayan.
Maliban na magkaroon ng kamalayan na may isang bagay na totoo saka lang maaari itong maging totoo. Ang Kamalayan ay magsasabi sa iyo na ikaw ay buhay na ikaw na nag-iisip at huminga. Ito ay magsasabi sa iyo kung ikaw ay masaya o malungkot. At kung ikaw ay nag-tatagumpay sa pagtupad ng iyong buhay.
Pag-uusapan natin rito ang iba’t ibang dahilan at karanasan kung bakit natin kailangang mapag-aralan at matutunan ang paghahanap ng tunay at tamang pamumuhay sa pamamagitan ng ispiritual na batas sa pagtatagumpay.
Ilalahad ang tunay na istorya ng mga nag aral at naging miembro ng Dtef dahil ang paniniwala nila dati ay puro trabaho at negosyo lamang ang tunay na daan ng pagtatagumpay.
Sila mismo ang magbabahagi kung paanong ang maganda at bagong sasakyan nila ang muntik ng maging dahilan ng kanilang kamatayan dahil sa kidnapping. Ganun din ang may ari ng napakamahal at napakagandang motorcycle na muntik ng kumitil sa kanyang buhay dahil sa aksidente. Resulta ito ng kawalan ng panahon sa tamang orasyon at dasal na dapat ibuhay dahil laging naka abang ang kamay ni kamatayan.
Isa rin sa naging miembro bg Dtef na may ari ng napakamahal at napaka gandang bahay ang pinasok ng mga magnanakaw dahil sa kawalan ng kaalaman sa mga sikretong kapangyarihan ng pag lalagay ng ispiritual na proteksyon at divine shields.
Kung paanong nabago ang pananaw ng isang kabataan sa pagiging alipin ng mga bagong gamit ng technolohiya tulad ng mga cellphones na muntik na nyang ikamatay dahil sa holdapper.
Lahat ng material na bagay ay naluluma at nasisira ni hindi mo nga ito madadala sa kabilang mundo kaya taasan natin ang lebel ng ating kaalaman ang tunay na dahilan ng ating pagkakalikha.
Ang Kayamanan sa Langit
(Lucas 12:33-34)
19 "Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. 20 Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. 21 Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso."
Maling Pag-iipon ng Kayamanan
Lucas 12:
15 At sinabi niya sa kanilang lahat, "Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan."
Mateo 16:
24 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. 25 Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. 26 Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay?
1 Timoteo 6
7 Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan, at wala rin tayong madadalang anuman pag-alis dito. 8 Kaya nga't, dapat na tayong masiyahan kung tayo'y may kinakain at isinusuot. 9 Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan. 10 Sapagkat ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.
Diyos o Kayamanan?
(Lucas 16:13)(Lucas 12:22-31)
24 "Walang aliping makakapaglingkod nang sabay sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang
ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan.
25 "Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin d upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? 27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
28 "At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. 29 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. 30 Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buhay ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!
31 "Kaya't huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 33 Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos e at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.
34 "Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw."
Lahat ng may buhay ay isang halimbawa ng mga eleganteng ekpresyon ng katalinuhan ng kalikasan. Ang Katalinuhang ito ay nagpapatakbo sa pamamagitan ng iba't ibang mga espiritwal na batas.
Kung paano sila napapaandar ay isang misteryo, malalim kasing lalim ng espiritu mismo.
1 Timoteo 3
16 At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; Yaong nahayag sa laman, Pinapaging-banal sa espiritu, Nakita ng mga anghel, Ipinangaral sa mga bansa, Sinampalatayanan sa sanglibutan, Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.
Ang pagkamit ng tagumpay sa kalikasan ay pinamamahalaan ng parehong mga batas na namamahala sa lahat ng kalikasan. Kapag inilalagay natin ang ating sarili sa pagkakatugma sa kalikasan lumilikha tayo ng bigkis sa pagitan ng ating sariling kagustuhan at sa kapangyarihan upang matupad ang ating mga kagustuhan at ito’y magkatotoo.
Anumang bagay na gusto natin ay maaaring malikha. Ang tunay na tagumpay ay sinusukat sa kung gaano kahusay, kung paanong walang kahirap-hirap, na iyong malaman paano lumikha ng iyong uniberso kasama ang malaking uniberso.
Ito ay nagsisimula sa kilusan ng kamalayan sa isang pagnanais o intensyon at pagkatapos ay hahanapin ang daanan sa katuparan.
Sa ilalim ng mga patong patong na impormasyon at kawalan ng katiyakan, isang bagay na malikhain ang palaging nangyayari.
Ang paniniwala ng mga guro ng Dtef ay dapat tayong maging hiwalay mula sa mga kahihinatnan ng iyong mga aksyon. Sa karunungan ng kawalang katiyakan, ang nakatagong mga layunin ay sumusunod sa kanilang sariling mga direksyon.
Awit 37: 1-40
Ang Kahihinatnan ng Masama at ng Mabuti
Katha ni David.
1 Huwag kang mabalisa dahil sa masama;
huwag mong kainggitan liko nilang gawa.
2 Katulad ng damo, sila'y malalanta,
tulad ng halaman, matutuyo sila.
3 Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin,
at mananahan kang ligtas sa lupain.
4 Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan,
at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.
5 Ang iyong sarili'y sa kanya italaga,
tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.
6 Ang kabutihan mo ay magliliwanag,
katulad ng araw kung tanghaling-tapat.
7 Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka,
maging matiyagang maghintay sa kanya;
huwag mong kainggitan ang gumiginhawa,
sa likong paraan, umunlad man sila.
8 Huwag kang mapopoot ni mababalisa,
iyang pagkagalit, iwasan mo sana;
walang kabutihang makakamtan ka.
9 Ang nagtitiwala kay Yahweh, mabubuhay,
ligtas sa lupain at doon tatahan,
ngunit ang masama'y ipagtatabuyan.
10 Hindi magtatagal, sila'y mapaparam,
kahit hanapin mo'y di masusumpungan.
11 Tatamuhin ng mga mapagpakumbaba,
ang lupang pangako na kanyang pamana;
at sa lupang iyon na napakasagana,
ang kapayapaa'y matatanggap nila.
12 Ang taong masama'y laban sa matuwid,
napopoot siyang ngipi'y nagngangalit.
13 Si Yahweh'y natatawa lang sa masama,
pagkat araw nila lahat ay bilang na.
14 Taglay ng masama'y pana at patalim,
upang ang mahirap dustai't patayin,
at ang mabubuti naman ay lipulin.
15 Ngunit sa sariling tabak mamamatay,
pawang mawawasak pana nilang taglay.
16 Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti, kaysa kayamanan nitong masasama,
pagsamahin mang lahat, ito'y bale-wala.
17 Lakas ng masama ay aalisin,
ngunit ang matuwid ay kakalingain.
18 Iingatan ni Yahweh ang taong masunurin,
ang lupang minana'y di na babawiin.
19 Kahit na sumapit ang paghihikahos,
di daranasin ang pagdarahop.
20 Ngunit ang masama'y pawang mamamatay;
kalaban ni Yahweh, tiyak mapaparam,
tulad ng bulaklak at mga halaman;
para silang usok na paiilanlang.
21 Anumang hiramin ng taong masama,
di na ibabalik sa kanyang kapwa,
ngunit ang matuwid na puso'y dakila,
ang palad ay bukas at may pang-unawa.
22 Lahat ng mga taong pinagpala ni Yahweh,
lupang masagana, kanilang bahagi;
ngunit ang sinuman na kanyang sumpain,
sa lupaing iyon ay palalayasin.
23 Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad,
ay itong si Yahweh, kung nais maligtas;
sa gawain niya, ang Diyos nagagalak.
24 Kahit na mabuwal, siya ay babangon,
pagkat si Yahweh, sa kanya'y tutulong.
25 Mula pagkabata't ngayong tumanda na,
sa tanang buhay ko'y walang nabalita na sa taong tapat,
ang Diyos nagpabaya;
o ang anak niya'y naging hampas-lupa.
26 Sa lahat ng oras,
bukas pa ang palad sa pagkakaloob sa mga mahirap;
pagpapala'y laan ng kanilang mga anak.
27 Masama'y itakwil, mabuti ang gawin,
upang manahan kang lagi sa lupain.
28 Ang lahat ng taong wasto ang gawain,
ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil.
Sila'y iingatan magpakailanman,
ngunit ang masama ay ihihiwalay.
29 Ang mga matuwid, ligtas na titira,
at di na aalis sa lupang pamana.
30 Sa bibig ng matuwid namumutawi'y karunungan;
at sa labi nila'y pawang katarungan.
31 Ang utos ng Diyos ang laman ng puso,
sa utos na ito'y hindi lumalayo.
32 Ang taong masama'y laging nag-aabang,
sa taong matuwid nang ito'y mapatay;
33 ngunit hindi naman siya hahayaang mahulog sa kamay ng mga kaaway;
di rin magdurusa kahit paratangan.
34 Manalig ka kay Yahweh, utos niya'y sundin;
ikaw ay lalakas upang ang lupain ay kamtin,
at ang mga taksil makikitang palalayasin.
35 Ako'y may nakitang taong abusado,
itaas ang sarili ang kanyang gusto;
kahoy sa Lebanon ang tulad nito.
36 Lumipas ang araw, ang aking napuna,
nang ako'y magdaan, ang tao'y wala na;
hinanap-hanap ko'y di ko na makita.
37 Ang taong matuwid ay inyong pagmasdan,
mapayapang tao'y patuloy ang angkan.
38 Ngunit wawasaking lubos ang masama,
lahi'y lilipulin sa balat ng lupa.
39 Ililigtas ni Yahweh ang mga matuwid,
iingatan sila kapag naliligalig.
40 Sasaklolohan sila't kanyang tutulungan
laban sa masama, ipagsasanggalang;
sapagkat si Yahweh ang kanilang sandigan.
Awit 33: 1-22
Awit ng Pagpupuri
1 Lahat ng matuwid dapat na magsaya,
dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila;
kayong masunuri'y magpuri sa kanya!
2 Ang Diyos na si Yahweh ay pasalamatan,
tugtugin ang alpa't awit ay saliwan;
3 Isang bagong awit, awiting malakas,
kasaliw ang tugtog ng alpang marilag!
4 Si Yahweh ay tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
5 Ang nais niya ay kat'wira't katarungan,
ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.
6 Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit,
ang araw, ang buwa't talang maririkit;
7 sa iisang dako, tubig ay tinipon,
at sa kalaliman ay doon kinulong.
8 Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa!
Dapat katakutan ng buong nilikha!
9 Ang buong daigdig, kanyang nilikha,
sa kanyang salita, lumitaw na kusa.
10 Ang binabalangkas niyong mga bansa,
kanyang nababago't winawalang-bisa.
11 Ngunit ang mga panukala ni Yahweh,
hindi masisira, ito'y mananatili.
12 Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos;
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.
13 Magmula sa langit, kanyang minamasdan
ang lahat ng tao na kanyang nilalang.
14 Nagmamasid siya at namamahala
sa lahat ng tao sa balat ng lupa.
15 Ang isip nila'y sa kanya nagmula
walang nalilingid sa kanilang gawa.
16 Di dahil sa hukbo, hari'y nagtagumpay,
ni dahil sa lakas, nagwagi ang kawal;
17 kabayong pandigma'y di na kailangan,
upang sa digmaa'y kamtin ang tagumpay;
di makakapagligtas, lakas nilang taglay.
18 Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala
sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
19 Hindi hahayaang sila ay mamatay,
kahit magtaggutom sila'y binubuhay.
20 Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa;
tulong na malaki at sanggalang siya.
21 Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa;
sa kanyang pangalan ay nagtitiwala.
22 Ipagkaloob mo na aming makamit,
O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig,
yamang ang pag-asa'y sa iyo nasasalig!
Ang espiritwal na batas ng Dtef sa pagtatagumpay ay talagang mekanika na kung saan ang hindi nahahahayag ay mahahayag. Ang hindi pa natutupad ay matutupad.
Ang batas ng purong potensyal. Sinasabing ang iyong makabuluhang estado, ang iyong estadong panlupa ay isang walang katapusang posibilidad. Kahit may mga potensyal sa mga pagkakataon na matatagpuan sa lahat ng bagay.
Ito ay ang pinagmulan ng lahat ng paglikha. Isang lugar na kung saan ang taong mapangarapin ay nagkakaroon ng pagkakataong matupad ang kanyang pangarap. Upang magkaroon ng anumang ninanais mo anumang oras na gusto mo at may kaunting pagsusumikap na kailangan lang na nakadikit sa karunungan ng kawalan ng katiyakan, sa sagradong kaalaman at sa nakatagong karunungan.
Ang kawalan ng katiyakan ay ang mayabong na lupa ng purong pagkamalikhain at ng imahinasyon. Ang kawalan ng katiyakan ay nangangahulugan paghakbang sa hindi nalalaman. Sa bawat sandali ng ating pag-iral, sa bawat sandali ng ating buhay. Ito ang pagkakaroon ng tiwala sa mas mataas na lumikha.
Ang kawalan ng katiyakan ay ang lupang mayabong sa purong pagkamalikhain, purong kalayaan, at sa purong ebolusyon. Sa loob ng kawalan ng katiyakan ay makikita ang kalayaan upang lumikha ng anumang ninanais mo. Ang hindi nalalaman ay ang patlang ng lahat ng mga posibilidad. Ito kailanman ay laging sariwa, laging bago, laging bukas sa paglikha ng mga bagong katotohanan.
Kapag nakakaranas ka ng pag-aalinlangan ikaw ay bukas para sa isang buo at malawak na saklaw ng mga posibilidad. Ikaw ay nasa tamang landas.
Ang pagpasok sa isang labirint ay kumakatawan sa isang paglalakbay sa ating sariling sentro at pagkatapos ay lalabas muli sa mundo. Pumasok sa batas ng nakatagong lakas. Dito ay walang mga bagay, walang mga espasyo o oras. Walang enerhiya, walang impormasyon ngunit mayroong walang katapusang potensyal para sa enerhiya, oras, impormasyon, espasyo at mga bagay.
Ang batas ng purong potensyal ay nagsasabi sa iyo na ikaw mismo ay isang kamalayan, parehong mahahayag sa materyal na mundo at ito ay namamalaging hindi naihahayag sa iyong pagkatao. Samakatuwid, ang espiritu ay namamalagi sa pinagmulan ng lahat ng tagumpay na nasa buhay.
Kung titingnan mo ang kalikasan sa kanyang kabuuan ito ay mukhang maayos na gumagana sa mga tuntunin ng pagbabago, sa pag-unlad patungo sa isang mas mataas na antas ng kamalayan. At tila ang kalikasan ay nagagawang maghayag ng kanyang intensyon ng walang tensyon at pagpupumilit.
Kung hindi ka konektado sa tahimik, at sa walang hirap na pagkilos ng kalikasan, Ano ang alternatiba? Trabaho, pakikibaka, pagsusumikap, pagkabigo. Ang mga bagay na ating iniisip ay kinakailangan sa anumang uri ng dakilang tagumpay.
Ano ang tagumpay? Sa Espirituwal na termino, ang tagumpay ay ang pagpapalawak ng kaligayahan. Ito ay isang pasulong na pagpapatuloy ng iyong buhay sa pamamagitan ng paglalahad at pagbukas ng iyong sariling pananaw.
Kwento ng isang Dtef businessman member 1 Noong hindi pa ako nag aaral ng pag Didivino businessman ako at ang pakiramdam ko napakataas ko at ito ang tamang daan puro pera, karangyaan at kasiyahan. Puro pera ang dapat pag sikapan ito ba ang tunay na kaligayan laging nagmamadali papunta sa opisina laging harass sa mga deadlines laging sinasagupa ang stress sa work at traffics pero unti unti nakikitang hindi ito ang dapat na mundo lang na nakikilala ko at iniikutan. At hindi lang ito ang tunay na kaligayahan. Marami akong nakitang nagkakasakit dahil sa pressures. Tapos halos wala na akong oras magsimba o manalangin man lang nakalimutan kong may Dios.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento