Lindol sa bible...Hagai 2: 6 "Hindi na magtatagal at yayanigin ko ang langit at ang daigdig, ang lupa at ang dagat. 7 Yayanigin ko ang mga bansa. "Ipahayag mong ang lahat ng tao ay tulad ng damo, ang kanyang buhay ay tulad lamang ng bulaklak sa parang. 7 Natutuyo ang damo, kumukupas ang mga bulaklak, kapag sila'y mahipan ng hanging mula kay Yahweh. Tunay ngang ang tao ay tulad ng damo. 8 Oo, ang damo'y nalalanta, at kumu- kupas ang mga bulaklak, ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman." Tumingala kayo sa langit! Sino ba ang lumikha ng mga bituin? Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos, at sino ba ang nagbigay ng kanilang pangalan? Dahil sa kanyang dakilang kapangyarihan, walang nawala sa kanila kahit isa man. Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay biglang magpapadala ng dumadagundong na kulog, lindol, buhawi, at naglalagablab na apoy upang iligtas ka. 11 Ang kahulugan ng lahat ng pangitaing ito ay parang aklat na nakasara. Kung ipababasa mo ito sa taong nakakaunawa, ang sasabihin niya'y, "Ayoko, hindi ko mababasa sapagkat nakasara." 12 Kung ipababasa mo naman sa hindi marunong bumasa, ito ang isasagot sa iyo, "Hindi ako marunong bumasa." Kinausap ni Yahweh si Elias 1 Hari 19: 11 Ganito ang sagot sa kanya: "Lumabas ka at tumayo sa ibabaw ng bundok sa harapan ko." Pagkasabi nito'y dumaan si Yahweh at umihip ang napakalakas na hangin. Sumabog ang bundok at nagkadurug-durog ang mga bato sa lakas ng hangin ngunit wala sa hangin si Yahweh. Nang tumigil ang hangin ay lumindol, ngunit wala sa lindol si Yahweh. 12 Pagkalipas ng lindol ay kumidlat, ngunit wala rin sa kidlat si Yahweh. Pagkalipas ng kidlat, narinig niya ang isang banayad na tinig.
Jeremias 10: 10 Ngunit ikaw, Yahweh, ang tunay na Diyos, ikaw ang Diyos na buhay, at ang Haring walang hanggan. Nayayanig ang daigdig kapag ikaw ay nagagalit, at walang bansang makakatagal sa tindi ng iyong poot.
Mga Tanda ng Pagbabalik ng Anak ng Tao (Mateo 24:29-31)(Marcos 13:24-27) 25 "Magkakaroon ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. 26 Ang mga tao'y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit. 27 Sa panahong iyon, makikita nila ang Anak ng Taong dumarating na nasa alapaap, at may kapangyarihan at dakilang karangalan. 28 Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang inyong katubusan." Ang Aral Mula sa Puno ng Igos (Mateo 24:32-35)(Marcos 13:28-31) 29 At sinabi sa kanila ni Jesus ang isang talinhaga, "Tingnan ninyo ang puno ng igos at iba pang punongkahoy. 30 Kapag nagkakadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. 31 Gayundin naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinabi ko, malalaman ninyong malapit na ang paghahari ng Diyos. 32 Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa salinlahing ito. 33 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman." Mag-ingat Kayo 34 "Ang katakawan, paglalasing at kabalisahan sa buhay na ito ay alisin ninyo sa inyong isip. Mag-ingat kayo at baka bigla kayong abutan ng Araw na iyon 35 na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao. 36 Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito, at makaharap kayo sa Anak ng Tao."
Pahayag 11: 11 Pagkalipas ng tatlo't kalahating araw, pumasok sa kanila ang hangin ng Diyos na nagbibigay-buhay at sila'y tumayo, at labis na nasindak ang mga nakakita sa kanila. 12 Pagkatapos ay narinig nilang nagsalita ang isang malakas na tinig mula sa langit, "Umakyat kayo rito!" At habang nakatingin ang kanilang mga kaaway, umakyat sila sa langit habang nakasakay sa ulap. 13 Nang oras ding iyon ay lumindol nang napakalakas at nawasak ang ikasampung bahagi ng lunsod at pitong libong tao ang namatay. Ang mga natirang tao ay natakot, at niluwalhati nila ang Diyos ng kalangitan.
Pahayag 16: 17 Pagkatapos nito, ibinuhos ng ikapitong anghel ang laman ng hawak niyang mangkok sa himpapawid. At may nagsalita nang malakas mula sa tronong nasa templo, "Naganap na!" 18 Kumidlat, kumulog, at lumindol nang napakalakas. Ito ang pinakamalakas na lindol sa buong kasaysayan ng sangkatauhan. 19 Nahati sa tatlong bahagi ang malaking lunsod, at nawasak ang lahat ng lunsod sa buong daigdig. Hindi nga nakaligtas sa parusa ng Diyos ang tanyag na Babilonia. Pinainom siya ng Diyos ng alak mula sa kopa ng kanyang matinding poot. 20 Nawala ang lahat ng pulo at gumuho ang lahat ng bundok. 21 Umulan ng malalaking tipak ng yelo na tumitimbang ng halos limampung kilo bawat isa, at nabagsakan ang mga tao. At nilapastangan ng mga tao ang Diyos dahil sa nakakapangilabot na salot na dinaranas nila.
"Ipahayag mong ang lahat ng tao ay tulad ng damo, ang kanyang buhay ay tulad lamang ng bulaklak sa parang. 7 Natutuyo ang damo, kumukupas ang mga bulaklak, kapag sila'y mahipan ng hanging mula kay Yahweh. Tunay ngang ang tao ay tulad ng damo. 8 Oo, ang damo'y nalalanta, at kumu- kupas ang mga bulaklak, ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman."
Isaias 40: 3 Ganito ang isinisigaw ng isang tinig: "Ihanda ninyo ang daraanan ni Yahweh sa ilang; gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran sa ilang. 4 Tambakan ang mga libis, patagin ang mga burol at bundok, at pantayin ang mga baku-bakong daan. 5 Mahahayag ang kaluwalhatian ni Yahweh, at makikita ito ng lahat ng tao. Si Yahweh mismo ang nagsabi nito." 6 "Magpahayag ka!" ang sabi ng tinig. "Ano ang ipahahayag ko?" tanong ko. Sumagot siya, "Ipahayag mong ang lahat ng tao ay tulad ng damo, ang kanyang buhay ay tulad lamang ng bulaklak sa parang. 7 Natutuyo ang damo, kumukupas ang mga bulaklak, kapag sila'y mahipan ng hanging mula kay Yahweh. Tunay ngang ang tao ay tulad ng damo. 8 Oo, ang damo'y nalalanta, at kumu- kupas ang mga bulaklak, ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman." Ang Diyos ay Narito Na 9 Umakyat ka sa tuktok ng bundok, O Zion, magandang balita ay iyong ipahayag, O Jerusalem! Sumigaw ka at huwag matatakot, a sabihin mo sa mga lunsod ng Juda, "Narito na ang inyong Diyos!" 10 Dumarating ang Panginoong Yahweh na taglay ang kapangyarihan, dala ang gantimpala sa mga hinirang. 11 At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling. Walang Katulad ang Diyos 12 Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay? Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan? Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan? Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol? 13 Sino ang makakapagsabi ng dapat gawin ni Yahweh? May makakapagturo ba o makakapagpayo sa kanya? 14 Sino ang kanyang puwedeng sanggunian para maliwanagan? Sinong nagturo sa kanya ng landas ng katarungan? Sinong nagkaloob sa kanya ng kaalaman at ng paraan upang makaunawa? 15 Sa harap ni Yahweh ang mga bansa ay walang kabuluhan, tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan; at ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang. 16 Hindi sapat na panggatong ang lahat ng kahoy sa Lebanon. Kulang pang panghandog ang lahat ng hayop sa gubat roon. 17 Sa kanyang harapan, ay walang halaga ang lahat ng bansa. 18 Saan ninyo ihahambing ang Diyos at kanino ninyo siya itutulad? 19 Siya ba'y maihahambing sa mga imaheng ginawa ng tao, na binalutan ng ginto, at ipinatong sa pilak? 20 Hindi rin siya maitutulad sa rebultong kahoy matigas man ang kahoy at hindi nabubulok, na nililok upang hindi tumumba at mabibili lang sa murang halaga. 21 Hindi ba ninyo nalalaman? Wala bang nagbalita sa inyo noon, kung paano nagsimulang likhain ang sanlibutan? 22 Ang lumikha nito ay ang Diyos na nakaupo sa kanyang trono doon sa kalangitan; mula roon ang tingin sa tao'y parang mga langgam. Ang langit ay iniladlad niyang tulad ng kurtina, tulad ng tolda upang matirahan. 23 Inaalis niya ang mga pinuno sa kapangyarihan, at ginagawang walang kabuluhan. 24 Tulad nila'y mga halamang walang ugat, bagong tanim at natutuyo agad; at tila dayaming tinatangay ng hangin. 25 Kanino ninyo ihahambing ang banal na Diyos? Mayroon ba siyang katulad? 26 Tumingala kayo sa langit! Sino ba ang lumikha ng mga bituin? Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos, at sino ba ang nagbigay ng kanilang pangalan? Dahil sa kanyang dakilang kapangyarihan, walang nawala sa kanila kahit isa man.
Isaias 29: 6 Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay biglang magpapadala ng dumadagundong na kulog, lindol, buhawi, at naglalagablab na apoy upang iligtas ka. 11 Ang kahulugan ng lahat ng pangitaing ito ay parang aklat na nakasara. Kung ipababasa mo ito sa taong nakakaunawa, ang sasabihin niya'y, "Ayoko, hindi ko mababasa sapagkat nakasara." 12 Kung ipababasa mo naman sa hindi marunong bumasa, ito ang isasagot sa iyo, "Hindi ako marunong bumasa." 13 Sasabihin naman ni Yahweh, "Sa salita lamang malapit sa akin ang mga taong ito, at sa bibig lamang nila ako iginagalang, subalit inilayo nila sa akin ang kanilang puso, at ayon lamang sa utos ng tao ang kanilang paglilingkod. 14 Kaya muli akong gagawa ng kababalaghan sa harapan nila, mga bagay na kahanga-hanga at kataka-taka; mawawalang-saysay ang karunungan ng kanilang mga matatalino, at maglalaho ang katalinuhan ng kanilang matatalino."
Habakuk 3: 1-19 Ang Panalangin ni Habakuk 1 Ito ay panalangin ni Propeta Habakuk: a 2 O Yahweh, narinig ko ang tungkol sa inyong ginawa, at ako'y lubos na humanga. Ulitin ninyo ngayon sa aming panahon ang mga dakilang bagay na ginawa ninyo noon. Maging mahabagin kayo, kahit kapag kayo'y nagagalit. 3 Ang Diyos ay muling nanggaling sa Teman, ang Banal na Diyos ay nagmula sa kaparangan ng Paran. Laganap sa kalangitan ang kanyang kaluwalhatian, at puno ang lupa ng papuri sa kanya. 4 Darating siyang sinliwanag ng kidlat, na gumuguhit mula sa kanyang kamay; at doon natatago ang kanyang kapangyarihan. 5 Nagpapadala siya ng karamdaman at inuutusan ang kamatayan upang sumunod sa kanya. 6 Huminto siya at nayanig ang lupa; sa kanyang sulyap ay nanginginig ang mga bansa. Ang mga walang hanggang bundok ay sumasambulat; ang walang hanggang kaburulan ay lumulubog--- mga daang nilakaran niya noong unang panahon. 7 Nakita kong natakot ang mga tao sa Cusan, at nanginig ang lahat sa lupain ng Midian. 8 Nagagalit ba kayo dahil sa mga ilog, O Yahweh? Ang mga dagat ba ang sanhi ng inyong poot? Nakasakay kayo sa inyong mga kabayo, at magtatagumpay na lulan ng iyong karwahe, habang pinagtatagumpay ninyo ang inyong bayan. 9 Binunot ninyo sa suksukan ang inyong pana, at inihanda ang inyong mga palaso. Biniyak ng inyong kidlat ang lupa. 10 Nakita kayo ng mga bundok at sila'y nanginig; bumuhos ang malakas na ulan. Umapaw ang tubig mula sa kalaliman, at tumaas ang along naglalakihan. 11 Ang araw at ang buwan ay huminto dahil sa bilis ng inyong pana at sibat. 12 Galit na galit kayong naglakad sa buong daigdig, at sa tindi ng poot ninyo, ang mga bansa ay niyurakan. 13 Lumabas kayo para iligtas ang inyong bayan, at ang haring pinili ninyo. Dinurog ninyo ang pinuno ng masasama, at nilipol na lahat ang kanyang tagasunod. 14 Sinibat ninyo ang pinuno ng mga mandirigma, nang dumating sila na parang ipu-ipo upang kami'y pangalatin. Kagalakan nilang sakmalin nang palihim ang mga dukha. 15 Niyurakan ninyo ang dagat sa pamamagitan ng inyong mga kabayo, at bumula ang malawak na karagatan. 16 Narinig kong lahat ito at ako'y nanginig; nangatal ang aking mga labi dahil sa takot. Nanghina ang aking katawan, at ako'y nalugmok. Tahimik kong hihintayin ang takdang panahon ng pagpaparusa ng Diyos sa mga umapi sa amin. 17 Bagama't di namumunga ang puno ng igos at hindi rin namumunga ang mga ubas, kahit na maantala ang pamumunga ng olibo at walang anihin sa mga bukirin, kahit na mamatay lahat ang mga tupa at mawala ang mga baka sa kulungan, 18 magagalak pa rin ako at magsasaya, dahil si Yahweh ang Diyos na magliligtas sa akin. 19 Ang Panginoong Yahweh ang sa aki'y nagpapalakas. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan.
1 Juan 3: 2 Mga minamahal, anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagparitong muli ni Cristo, tayo'y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya. 3 Kaya't ang sinumang may ganitong pag-asa ay nagsisikap na maging malinis ang pamumuhay tulad ni Cristo.
Roma 10: 13 dahil sinasabi sa kasulatan, "Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento