Martes, Mayo 5, 2015

Sa sagradong Aklat na ito ang pag aaralan naman natin ay tungkol sa meditasyon, astral projection at premonisyon.

https://www.youtube.com/watch?v=g01Pjyx1S7Y

 Sa sagradong Aklat na ito ang pag aaralan naman natin ay tungkol sa meditasyon, astral projection at premonisyon.
2 Corinto 12:
Mga Pangitain at mga Pahayag
1 Kailangan kong magmalaki, kahit na wala akong mapapala sa paggawa nito. Ang sasabihin ko naman ngayo'y ang mga pangitain at mga pahayag mula sa Panginoon. 2 May kilala akong isang Cristiano na dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na ang nakakalipas. Hindi ko lang matiyak kung iyo'y isang pangitain lamang, o tunay na pangyayari; ang Diyos lamang ang nakakaalam. 3 Inuulit ko, siya'y dinala sa Paraiso. At tulad ng sabi ko, ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ito nga'y isang pangitain o tunay na pangyayari. 4 Nakarinig siya roon ng mga bagay na di kayang ilarawan ng salita at di dapat bigkasin ninuman. 5 Ipagmamalaki ko ang taong iyon, at hindi ang aking sarili, maliban sa aking mga kahinaan. 6 At kung ako'y magmalaki man, hindi ako lalabas na hangal, sapagkat totoo ang sasabihin ko. Ngunit hindi ko ito gagawin, sapagkat ayaw kong mag-isip ang sinuman nang higit tungkol sa akin kaysa kanyang nakita o narinig sa akin.
Ang meditasyon ay instrumento na nagbibigay-daan sa atin upang tumagos sa mga mas mataas na dimensyon at maka- punta sa superiyor na mundo. . Kaya ating dadalhin ang prosesong pang-kaisipan na iyon sa isang sandali ng pagtigil kapag sa wakas ay nakuha nating mapatigil ang pag-iisip iyon na ang punto kung saan ang esensiya ay makakawala at makakalaya.
Kapag ito ay nakawala at nakalaya iyon na ang estado na kilala bilang banal na nasa lubos na kaligayahan, ang mistical na estado, ang sagradong kupita ng meditasyon. Iyon ang lugar na kung saan ang esensiya ay lubhang tumatagos ng mataas sa superiyor na dimensyon upang mapuntahan natin lampas ang mundo ng astral, lampas sa mundo ng kaisipan  at makapunta sa  talagang mataas na estado ng pag-iral.
2 Corinto 4:
18 Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita.
Alam natin na maraming mga mas mataas na dimensyon na umiiral sa itaas natin. Ang kaisipan ay isang bilangguan ng esensiya at ng kamalayan. Ito ay isang bilangguan na nilikha ng ating mga sarili. Sa pamamagitan ng  pag-kontrol sa kaisipan ng intelektwal na proseso  at sa pamamagitan ng meditasyon ay maaari mong mabuwag ang bilangguan, maaaring maputol ang pagkakatali, alisin ang mga tanikala, putulin ang mga pabigat na nagpapanatili sa atin pababa sa pisikal na dimensyon at hanapin ang ating mga sarili na tumatagos sa mas mataas na mga dimensyon.
Sa pamamagitan ng meditasyon idagdag pa ang pag-gising sa esensiya matututo kang kontrolin ang iyong kaisipan. Kaya ang meditasyon ay isang paraan para sa atin upang gisingin ang esensiya o diwa, iyun  ang dahilan kung bakit ang meditasyon ay ang araw-araw na tinapay ng matatalino. Ang araw-araw na meditasyon o ang regular na meditasyon ay nagbibigay-daan sa atin upang lumago at mabuo ang esensiya.
Iyon  ang susi ng karanasan na sinusubukang makamit ng mga tao talaga lang na kakaiba itong deskribihin ngunit tulad  ito ng isang maliit na patak ng tubig na inilagay pabalik sa dakilang karagatan. Ito ay tulad ng pagbubuklod pabalik sa dakilang karagatan at maging bahagi muli ng puwersang iyon.
O kaya nakita naman natin ang ating sarili tulad ng maliit na butil ng buhangin na inilagay pabalik sa dakilang dalampasigan. Kaya maaari na nating maramdaman ang lahat ng bagay sa ating paligid. Maaari tayong maging isa na pinag-sama sama sa buong sansinukob. Ito ay isang kakaibang karanasan; ito ay parang  tulad ng kaisa ang lahat ng bagay, at tulad ng ang Diyos ay nasa lahat ng dako.
At sa pamamagitan ng lubos na kaligayahan sa pananampalataya maaari nating maranasan ang tulad nito. Ang buhay na pinagsasamasamang pabalik sa pinagmulan ng lahat ng bagay. Maaari nating gamitin ang meditasyon bilang isang pinto para tuklasin ang mas mataas na mga dimensyon tulad ng astral projeksyon ngunit maaari rin tayong pumunta sa banal na kopita ng meditasyon kung saan ito ang directang karanasan sa katotohanan.
Sila ay simpleng tumatagos sa talagang mataas patungo sa mas mataas na mga dimensyon na tinatawag na lampas sa astral lampas sa kaisipan lampas sa kaustikong kalagayan ganap na tumatagos ng malalim sa mas mataas na mga dimensyon.
Tanging kapag ang prodyektor, sa ibang salita ang "ako" ay ganap na wala saka mangyayari ang katahimikan na hindi isang produkto ng kaisipan. Ang katahimikan ay walang pagkaubos, hindi ito oras, ito ay hindi masusukat. Saka lamang darating ang karapat-dapat.
Ang prodjector ay ang ego na responsable para sa mga walang katapusang kadena ng pag-iisip, ng mga imahe at ng mga bagay na sumisiklab sa pamamagitan ng ating walang tigil na kaisipan.
Sa karamihan ng mga pag-aaral na kaugnay ng "ako" sa ego. Kapag ang ego ay maaaring lumiban saka lamang sasapitin ang ibang estado ng kamalayan, ang katahimikan na hindi produkto ng kaisipan.
Ang katahimikan ay walang pagkaubos, ito ay hindi oras, ito ay hindi masusukat. Tanging pagkatapos noon saka darating ang karapat dapat.
Na maaari natin tawaging persepsyon ng katotohanan o maaari natin tawaging realidad.
Ang ating kaisipan ay tulad ng isang kuwarto na puno ng mga taong sumisigaw para sa ating atensyon merong ilang libong mga tao sa silid at sa isang sulok ng kuwarto ay mayroong isang maliit na bata.
Iyong maliit na bata ay kumakatawan sa kamalayan at normal na hindi natin naririnig ang maliit na bata dahil ang mga tao ay sumisigaw. Gamit ang proseso ng meditasyon maaari nating isarado ang bawat isang tao sa kuwarto at maaari tayong tumuon sa kung ano ang gustong sabihin ng maliit na bata. Iyang Katahimikan ang magiging tinig ng mas mataas na sarili.
Ano ang layunin ng meditasyon? Ang meditasyon ay ang araw-araw na tinapay ng matalino. Tulad ng Panalangin ng Panginoon maaari nating makita ito bilang isang bagay na simple ngunit ito ay talagang mahirap unawaing panalangin. Bigyan kami sa araw na ito ng aming mga pang-araw-araw na tinapay.

Isa pang paraan ng pagtingin sa ating pang-araw-araw na tinapay sa sagradong kaalaman ay tumitingin tayo na ang meditasyon  ay tulad ng pisikal na pagpapakain upang panatilihin ang lakas ng katawan kailangan natin ang iba't ibang mga uri ng pagpapakain upang panatilihing kumakain ang esensiya ng kamalayan. At ang pagpapakain ng pagkain sa esensiya at sa kamalayan ay ang meditasyon.
Ang meditasyon ay may lahat ng uri ng mga layunin at mga benepisyo mula sa isang pisikal na punto, ito ay kapaki-pakinabang sa pisikal at mental na pagpapahinga.
Makikita rin natin na ang meditasyon ay ginagamit bilang isang pinto upang galugarin ang mas mataas na mga dimensyon na kung saan maaari nating ma-puntahan ang iba't ibang mga estado ng kamalayan at makamit ang mas mataas na dimensyon.
Ito ay napaka-interesante dahil ngayon maraming ng sikologo at ang ilang mga medikal na propesyonal  ang halos nag-rereseta ng meditasyon para sa iba't ibang mga sakit tulad ng stress at mataas na presyon ng dugo.
Pinapayagan tayo ng meditasyon na makakuha ng mas malawak na kamalayan para sa ating mga sarili at pag-aralan ang ating mga sarili ng higit pang matindi, na nagbibigay-daan sa atin upang pag-aralan pati na rin ang ating mga ego.

Sa proseso ng meditasyon pinapayagan tayong isara ang ego at makipag-komunikasyon ng higit pang mas mataas sa ating sarili. Pinapayagan tayong makarating sa isang iba't ibang mga pananaw na nasa loob ng ating sarili.
Maaari rin nating gamitin ang meditasyon upang makarating sa mas malalim na pag-unawa sa mga aral sa pamamagitan ng pagdadala ng kaalaman mula sa diwa sa kamalayan na kung saan maiintindihan natin ang totoong kahulugan.
Kapag binabasa mo ang bibliya at iba pang dakilang mga libro sa mundo hindi sila  isinulat para sa isang tiyak na ayos, hindi sila sinadyang literal na maintindihan.
Maraming mga problema sa daigdig dahil may mga taong nagtatakang kunin ang dakilang mga aral sa bibliya at pagkatapos ay magbibigay sila ng pansariling literal na interpretasyon. Kukumbinsihin ang mga nakikinig na ang paliwanag niya kasama ang paglipat lipat sa mga kabanata ang pinaka-tama.
Ang paraan ng pagkakasulat ng mga dakilang aklat na ito ay para sadyang lagpasan ang intelektwal at makipag-usap ng direkta sa kamalayan.
Sa pamamagitan ng pag-meditate sa iba't-ibang berso o mga kabanata o seksyon ng mga dakilang aklat sa mundo makakayang sipsipin ng ating kamalayan sa paraan ng pagkakasulat ng mga impormasyon sa libro at marating ang iba't ibang mga kahulugan ng makarating sa mas malalim na pang-unawa.
Karamihan ng mga pinakadakilang aklat sa mundo ay simpleng hindi ginawa upang mabasa ng tulad ng nobela, sila ay nakalaan lamang upang imeditasyon.
Sila ay nakalaan lamang para basahin, ang mga berso o ang mga kabanata sa isang pagkakataon at pagkatapos ay magpapalipas ng oras ng pagmumuni-muni, imemeditasyon upang makarating sa totoong kahulugan at kukunin ang kaalaman  at isasama ito sa ating kamalayan sa pamamagitan ng paglagos sa intelek at magbibigay-daan sa aklat upang direktang makipag-usap sa ating kamalayan .
Habang ang ating ego ay aktibo ang mangyayari  kapag binabasa natin ang isang aklat  tulad ng bibliya. Itong ego ang nagbibigay-kahulugan kaya ang resulta ay ang sariling isip natin ang nagbibigay ng kahulugan.
Ang gusto nating mangyari ay lampasan ang mga intelek at dalhin ang kaalaman direkta sa kamalayan. Ang kaalaman ay maging bahagi  ng iba't ibang mga antas. Ang meditasyon ay isang kapaki-pakinabang na kasangkapan para doon.
Isa sa mahalagang bagay na sinusubukan ng mga tao na makamit sa pamamagitan ng meditasyon ay maranasan ang relihiyosong kaligayahan, o ang karanasan ng katotohanan.


Maaari nating gamitin ang meditasyon bilang isang pinto para tuklasin ang mas mataas na mga dimensyon tulad ng astral projeksyon ngunit maaari rin tayong pumunta sa banal na kupita ng meditasyon kung saan ito ang direct karanasan ng katotohanan. Sila ay simpleng tumatagos ng mataas sa mas mataas na mga dimensyon na tinatawag na lagpas sa astral, lagpas sa kaisipan, lagpas sa kaustik na antas tumatagos ng malalim sa mas mataas na mga dimensyon.
Ezekiel 1: 1-28
Ang Pangitain Tungkol sa Kaluwalhatian ng Diyos
               1 Akong si Ezekiel ay isa sa mga dinalang-bihag sa baybay ng Ilog Kebar. Noong ikalimang araw ng ikaapat na buwan ng ikatatlumpung taon, nabuksan ang langit at isang pangitain mula sa Diyos ang aking nakita. 2 Ikalimang araw noon ng ikaapat na buwan ng ikalimang taon ng pagkatapon kay Haring Jehoiakin. 3 Ako na isang pari at anak ni Buzi ay nasa Babilonia sa baybayin ng Ilog Kebar nang magpahayag sa akin si Yahweh.
               4 Nang ako'y tumingala, naramdaman ko ang malakas na hanging nagmumula sa hilaga at nakita ko ang makapal na ulap na naliligid ng liwanag. Tuwing kikidlat, may isang bagay na kumikislap, parang makinang na tanso. 5 Sa sentro ng bagyong ito, may apat na nilalang na buhay na anyong tao. 6 Sila'y may tig-aapat na mukha at pakpak. 7 Tuwid ang kanilang mga binti. Ang mga paa nila'y parang paa ng guya at tila makinang na tanso. 8 Nasa ilalim ng kanilang mga pakpak ang kanilang mga kamay na parang kamay ng tao. 9 Magkakadikit ang kanilang mga pakpak. Hindi na sila kailangang pumihit saanman nila gustong pumunta sapagkat nakaharap sila kahit saan. 10 Sa harap, mukha silang tao. Sa kanang tagiliran, mukhang leon. Sa kaliwa naman ay mukha silang toro at mukhang agila sa likuran. 11 Ang tig-dalawa nilang pakpak ay nakabukang pataas at magkaabot ang dulo. Ang tig-dalawa naman ay nakatakip sa kanilang katawan. 12 Hindi na nga sila kailangang pumihit saanman nila gustong pumunta sapagkat nakaharap sila sa lahat ng dako. 13 Sa gitna nila ay may naglalagablab na apoy na parang sulo, at nagpapalipat-lipat sa apat na nilalang na buhay. Maningning ang liwanag niyon at pinagmumulan ng kidlat. 14 Ang apat na nilalang ay nagpaparoo't paritong simbilis ng kidlat.
               15 Nang tingnan kong muli ang apat na nilalang, may nakita akong tig-isang gulong sa tabi nila. 16 Ang mga ito ay kumikislap na parang topaz. Iisa ang ayos nila at parang ang isa'y nakapaloob sa isa. 17 Ang mga ito'y hindi na kailangang ipihit saanman ito gustong pagulungin pagkat nakaharap kahit saan. 18 Ang bawat gulong ay puno ng mga mata sa palibot. 19 Paglakad ng apat na nilalang, kasunod ang mga gulong. Kapag sila'y tumaas, tumataas din ang mga gulong. 20 Saanman gumawi ang apat na nilalang ay kasunod ang apat na gulong pagkat ang apat na nilalang ang nagpapagalaw sa apat na gulong. 21 Kaya paglakad ng apat na nilalang, lakad din ang mga gulong. Pagtigil naman, tigil din sila. Pagtaas, taas din sila. Anuman ang gawin ng apat na nilalang ay ginagawa ng apat na gulong.
               22 Sa ulunan ng apat na nilalang, naroon ang isang bubungang tila kristal. 23 Sa ilalim nito'y magkakaabot na nakabuka ang tigalawang pakpak ng apat na nilalang, at ang tigalawa'y nakatakip sa kanilang katawan. 24 Nang sila'y lumipad, parang lagaslas ng malaking baha ang dinig ko sa pagaspas ng kanilang mga pakpak; parang ugong ng tinig ng Diyos na Makapangyarihan, parang ragasa ng isang malaking hukbo. Nang sila'y tumigil, ibinaba nila ang kanilang mga pakpak. 25 At mula sa ibabaw ng bubungan, narinig ang isang malakas na tinig. Nang tumigil nga ng paglipad ang apat na nilalang, binayaan nilang nakalaylay ang kanilang mga pakpak.
               26 Sa ibabaw ng bubungan, naroon ang tila tronong yari sa safiro at may nakaupong parang isang tao. 27 Mula sa baywang nito pataas ay may nagniningning na tila makinis na tanso. Sa ibaba naman ay may nakapalibot na apoy na nakakasilaw, 28 na ang kulay ay parang bahaghari.
               Ganyan ang katulad ng kaluwalhatian ni Yahweh. Nang makita ko ito, ako'y nagpatirapa, at may narinig akong tinig.
Iyan  ang susi ng karanasan na tinatangka ng mga tao na makamit. Ito ay kakaibang bagay upang ilarawan ngunit ito ay tulad ng isang maliit na patak nainilagay sa dakilang karagatan. Ito ay tulad pagbubuklod pabalik sa napakalawak na karagatan at maging bahagi muli ng puwersang iyon. O kaya naman nakita natin ang ating sarili na katulad ng maliit na butil ng buhangin na idedepositong pabalik sa isang kahanga hangang dalampasigan. Kaya maaaring maramdaman ang lahat ng bagay sa paligid natin. Maaari tayong maging isang isinama sa buong uniberso.
Ito ay isang kakaibang karanasan, ito ay maaaring itulad na ang isa ay nasa lahat ng bagay tulad ng Diyos ay nasa lahat ng dako at nasa lahat ng bagay. At sa pamamagitan ng relihiyon sa lubos na pagkalugod maaari nating maranasan ng kung ano ang katulad. Ang buhay na isinama pabalik sa pinagmulan ng lahat ng bagay.
Ezekiel 8: 1-18
Ang Pangitain Tungkol sa Kasuklam-suklam na Gawain ng Israel
               1 Ikalimang araw ng ikaanim na buwan ng ikaanim na taon. Kaharap ko noon sa aming bahay ang pinuno ng Juda nang ako'y lukuban ng kapangyarihan ng Panginoong Yahweh. 2 Nagkaroon ako ng pangitain. May nakita akong parang tao. Ang ibaba ng kanyang baywang ay parang apoy at sa itaas ay maningning na parang makinis na tanso. 3 Nakita kong iniunat ang tila kamay. Hinawakan ako nito sa buhok at itinaas sa kalagitnaan ng langit at ng lupa. Dinala ako sa Jerusalem, sa pagpasok sa patyo, sa gawing hilaga, sa may kinalalagyan ng rebulto na naging dahilan ng paninibugho ni Yahweh. 4 At naroon ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel, tulad ng nakita ko sa pangitain sa kapatagan.
               5 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Ezekiel, anak ng tao, tumingin ka sa gawing hilaga." Tumingin nga ako at sa pagpasok sa altar ay nakita ko ang diyus-diyosang sanhi ng kanyang paninibugho. 6 Sinabi niya sa akin, "Nakita mo na ang kasuklam-suklam na bagay na ginagawa ng bayang Israel upang ako'y palayasin sa aking santuwaryo? Higit pa riyan ang ipapakita ko sa iyo."
               7 At dinala niya ako sa may pinto ng patyo. Ang nakita ko'y isang butas sa pader. 8 Sinabi niya sa akin, "Lakihan mo ang butas ng pader." Gayon nga ang ginawa ko at may nakita akong pinto. 9 Sinabi niya sa akin, "Pumasok ka at tingnan mo ang kasuklam-suklam nilang gawain." 10 Pumasok nga ako at sa palibot ng pader ay nakita ko ang larawan ng lahat ng hayop na gumagapang, nakakapandiring mga halimaw, at ang iba't ibang diyus-diyosan ng Israel. 11 Sa harap ng mga ito, nakatayo ang pitumpung matatanda ng Israel sa pangunguna ni Jaazanias na anak ni Safan. Bawat isa'y nagsusunog ng insenso. 12 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Ezekiel, anak ng tao, nakita mo ang ginagawa nila sa madilim na silid na ito? Sinasabi pa nilang hindi ko sila makikita roon sapagkat wala ako roon. 13 Masahol pa riyan ang makikita mo."
               14 Dinala niya ako sa pintuan sa hilaga ng pagpasok sa Templo, at doo'y may mga babaing nananangis para kay Tamuz. 15 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Nakikita mo ba iyan? Masahol pa riyan ang makikita mo."
               16 Dinala niya ako sa patyo sa loob ng Templo. Sa pagitan ng balkonahe at ng altar ay may nakita akong mga dalawampu't limang tao. Nakatalikod sila sa Templo, nakaharap sa silangan at sumasamba sa araw. 17 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Nakikita mo ba iyan? Maliit na bagay ba ang ginagawa ng sambahayan ng Juda na punuin ng karahasan ang buong lupain? Lalo lang nila akong ginagalit sa ginagawa nilang iyan. 18 Kaya nga, paparusahan ko sila. Wala akong patatawarin ni isa man sa kanila. Dumaing man sila sa akin, hindi ko sila diringgin."
Ano ang layunin ng meditasyon?
Ang meditasyon sa isang pangunahing antas ay nagsisilbing magpatahimik ng panloob na pakikipagdaldalan na sanhi ng ego at iyon ang iyong pinakamalaking hamon. Ang meditasyon ay simpleng pagpapatahimik ng kaisipan.  Hindi mo maaaring mapatahimik ang iyong kaisipan hanggang sa hindi mo aktwal na subukang  gawin ito.
At gamit ang mga diskarte sa meditasyon, ito ay talagang isang instrumento para lamang sa konsentrasyon. Ang buong layunin ng konsentrasyon ay gumawa ng kontrol sa intelektwal na proseso. Upang mapatahimik ang  walang katapusang tren ng mga pag-iisip na dumadating sa isang iba't ibang mga estado ng diwa, at ng ibang mga estado ng kamalayan.


Kapag pinatahimik natin ang ating kalooban parehas iyan sa hindi pagkilala sa mga pag-iisip ng ego magagawa nating hindi manatili sa na-aantok na estado. Tinalakay natin ang 3 mga proseso ng estado ang pagkakakilanlan, pagkahalina at pagkatapos ay ang pagtulog.
Ang ego ay nagpapasok ng mga iisipin o ng mga imahe sa ating kaisipan at  nakikilala natin sila  na nagiging isang distraksyon pagkatapos magsisimula tayong mahalina kaya nag-iisip tayo tungkol dito, magpapantasya tayo, mangangarap tayo, magpaplano tayo ng buong oras ang proseso ay nangyayari ang kamalayan ay mahihimbing na at nakakatulog.
Ang pagkilala, pagkahalina, at ang pagtulog. Ang lahat ng mga pag-iisip ang mga imahe na nakikita ay hindi pinipili ng iyong kaisipan sila ay kumikilos bilang isang distraksyon.
Nakipagkilala ka sa kanila na magdudulot sa iyong mahalina sa kanila. Kapag nahalina ka sa kanila ikaw ay tinanggal mula sa kasalukuyan sandali. Ikaw ay tinanggal palabas mula sa walang hanggang sandali. Makikita mo ang iyong sarili pabalik sa nakaraan, binubuhay ang iyong memorya at nakalipas na karanasan o nakita mo ang iyong sarili nalubak sa hinaharap.
Tumatanggi, nangangarap, nagpaplano at nagmumuni-muni sa parehong bagay na maaaring mangyari. Ang buong panahon na nagaganap iyon ang  iyong kamalayan ay mahimbing na natutulog.
At ang buong landas patungo sa pag-gising ng kamalayan ay nagsisimula sa pamamagitan ng pag-unawa sa kung paano i-sarado ang ego.
Ang hindi pagtulog ay katumbas ng estado ng gising na kamalayan at iyon ang sinusubukan nating makamit. Upang gisingin ang kamalayan  kailangan nating alisin  ang tinatawag nating walang pagtulog na estado ang ego ang hindi totoong sarili. Ang kamalayan ay kumakatawan sa tunay na sarili, ang mas mataas na sarili. Kailangan nating isara ang ego upang direktang gumana sa ating kamalayan.
Kaya sa kabalintunaan ang meditasyon kahit na ito ay payapa at nakakarelaks sa pisikal na katawan minsan sa ilang sandali tayo ay bumababa sa estado ng pagtulog. Tayo ay talagang gumigising ng kamalayan sa pamamagitan ng meditasyon.
Ang tatlong hakbang na proseso, pagkilala, pagkahalina at pagtulog. Ang karapat-dapat sa panahon ng meditasyon ay hindi tayo dapat makipagkilala sa ating naiisip at sa mga imahe na inilalabas ng ating iniisip.
Gusto nating makita ang mga iniisip at mga imahe tulad ng mga sasakyan sa kalye, sila ay simpleng lumalampas sa atin hindi tayo nakikipagkilala sa kanila. Tulad ng ulap na naaanod ng kalangitan.
Karaniwan ang nangyayari habang nakikita nating dumadaan ang mga kotse sa isang normal na estado ng pag-iisip ay upang kilalanin ang isa sa mga kotse buksan ito sumakay sa loob at pumayag tayong isama sa biyahe. Hayaan ang ego ang magdala sa atin sa isang lugar sa nakaraan o sa hinaharap ngunit aalisin tayo mula sa kasalukuyan sandali.
Ang gusto nating gawin ay simpleng pabayaang dumaan ang kotse ng walang pagkilala sa kanila. Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng ating konsentrasyon sa pamamagitan ng pagpapanatili sa ating pocus sa anumang mga kasanayan ito ay kusang mangyayari at makukuha nating makarating sa mataas nating pagkakalikha.

Sinabi ng isang Dtef master na ang pinaka-mataas na paraan ng pag-iisip ay ang hindi pag-iisip. Ang pinaka-mataas na porma ng pag-iisip ay ang walang iniisip. At ito ay tunay na isang kakaibang bagay upang ilarawan dahil marami tayong iniisip na pumupunta sa ating kaisipan. Maaaring ipagpalagay natin ang mga emosyon at mga imahe na lumilipad sa ating mga isip sa isang ibinigay na oras na talagang mahirap na isipin kung ano itong walang iniisip.

Mateo 6:
    31 "Kaya't huwag kayong mag-isip baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 33 Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos e at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.
               34 "Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw."
Pahayag 19:
9 At sinabi sa akin ng anghel, "Isulat mo ito: mapalad ang mga inanyayahan sa kasalan ng Kordero." Idinugtong pa niya, "Ito ay tunay na mga salita ng Diyos."
               10 Nagpatirapa ako sa kanyang paanan upang sambahin siya, ngunit sinabi niya sa akin, "Huwag! Ako ma'y alipin ding tulad mo at tulad ng ibang mga mananampalatayang nagpatotoo tungkol kay Jesus. Ang Diyos ang sambahin mo, sapagkat ang katotohanang ipinahayag ni Jesus ay siyang diwa ng lahat ng ipinahayag ng mga propeta!"
Ang Nakasakay sa Kabayong Puti
               11 Pagkaraan nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. 12 Parang nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata, at napuputungan siya ng maraming korona. Nakasulat sa kanyang katawan ang pangalan niya, ngunit siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan niyon. 13 Puno ng dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay "Salita ng Diyos." 14 Sumusunod sa kanya ang mga hukbo ng langit, na nakadamit ng malinis at puting lino at nakasakay rin sa mga kabayong puti. 15 May matalim na tabak na lumabas sa kanyang bibig upang gamitin niyang panlupig sa mga bansa. Mamamahala siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. 16 Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: "Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon."
               17 Nakita ko naman ang isang anghel na nakatayo sa araw. Tinawag niya ang mga ibon sa himpapawid, "Halikayo, at magkatipon sa malaking handaan ng Diyos! 18 Kainin ninyo ang laman ng mga hari, ng mga kapitan, ng mga kawal, ng mga kabayo at ng kanilang mga sakay. Kainin din ninyo ang laman ng lahat ng tao, alipin at malaya, hamak at dakila!"
               19 At nakita kong nagkatipon ang halimaw at ang mga hari sa lupa, kasama ang kanilang mga hukbo upang kalabanin ang nakasakay sa kabayo at ang hukbo nito. 20 Nabihag ang halimaw, gayundin ang huwad na propeta na gumawa ng mga kababalaghan sa harap ng halimaw upang dayain ang mga taong may tanda ng halimaw at sumamba sa larawan nito. Ang halimaw at ang huwad na propeta ay inihagis nang buhay sa lawa ng apoy na nagliliyab sa asupre. 21 Ang kanilang mga hukbo ay pinatay sa pamamagitan ng tabak na lumabas sa bibig ng nakasakay sa kabayo. Nabusog nang husto ang mga ibon sa pagkain ng kanilang mga bangkay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento