Ang aming banal na pilosopiya ay nagtuturo sa mga tao
Ang
aming banal na pilosopiya ay nagtuturo sa mga tao kung paano nila
kokontrolin ang sarili nilang buhay, kung paano irespeto at alagaan ang
kanilang katawan at kung paano mararating at mapapanatili ang kumpletong
estado ng kalusugan at balanse, nang sa gayon gaya ng ating mga ninuno,
magagawa nating magsaya sa mas mataas na antas ng ating pagkatao.
Isa itong banal na pilosopiya na pangkalahatan, kung saan ang
sansinukob, ang mundo at ang sangkatauhan ay magkakaugnay at dumedepende
sa isa’t isa, kung saan ang ating kalusugan ay dumedepende sa iba at
gayon din kung paano ang iba ay dumedepende sa atin.
Ang mga
sinaunang tao ay nagturo sa atin kung paano tayo mamumuhay na
magkakatugma sa pamamagitan ng magkakaibang level ng ating di matukoy na
enerhiya, kasama na ang kapangyarihan at pwersa ng mundo, sansinukob at
ibang tao.
Sa pamamagitan ng pag-eensayo ng mga banal na
pilosopiya, matutuklasan natin na ang malakas na kapangyarihan ay nasa
loob ng bawat nilalang, at ang ating isip at katawan ay nagtataglay ng
sariling natural na kapangyarihan, isang kapangyarihang kayang lumagpas
at humamon, gumamot ng karamdaman at rumesolba sa mga sitwasyong
kinalalagyan ng mga tao.
Matutuklasan natin ang daan patungo sa
kabang-yaman kung saan ang lahat ng solusyon sa ating problema ay
naka-imbak, kung saan ang pinakamalalim na tanong ay mabibigyang
kasagutan.
Ito ay isang pinagmumulan ng impormasyon na
nangagaling sa atin mismong kaloob looban, isang boses na galing sa mas
mataas na antas ng ating sarili na nakikipag-usap sa atin.
Madidiskubre din natin na habang ineensayo natin ang mga sining na ito
at nilalakbay ang ating daan, ay mararating ang isang tiyak na punto
kung saan wala nang iba pang posibleng pag-unlad kundi ang gamitin natin
ang ating karanasan upang makinabang ang ibang tao at ibahagi ang
sikretong kaalaman sa kanila para sa ikabubuti ng kanilang pamumuhay.
Kung kaya’t dapat nating ilaan ang ating sarili upang turuan ang iba
na mayroong matinding pagnanais na marating ang banal na daan.
Ang aming mga estudyante ay tinuturuan din na ipamahagi ang karunungan, upang ang buong sangkatauhan ay makinabang.
Sinasabing ang ilang nangungunang matandang kaluluwa ay pinukaw upang
mag-bahagi at magturo ng mga nakatagong aral at kaalaman na
kinakailangan ng kanilang kapwa lalake at babae sa isang partikular na
oras sa kanilang kasaysayan. Ito ang pumukaw sa mga indibidwal kung
saan ang kanilang kaluluwa ay bumalik sa matataas na antas ng pag-unlad
mula sa mataas na antas ng kakayahan, upang magdala ng mensahe at
magbigay ng serbisyo doon sa mga may mas mababang antas ng pag-unlad.
Sila ay namuhay para sa mga taong nasa paligid nila at sila ay nasa
katauhan ng mga propeta, pari, clairvoyants at guro.
Ang ating mga
sagradong aklat ay nagtataglay ng kaalamang subok na, natatago at
natagpuang tunay sa loob ng libo libong taon. Hindi nga lang lahat ay
pinapayagang magkaroon ng kopya nito upang maingatan ang lihim na
kaalaman at karunungan.
Upang marating ang pinakamainam na
kalusugan, ang mga sinaunang “Divine Masters” ay gumagamit ng iba’t
ibang uri ng malalim na relaxation, paghinga, visualization at
meditasyon, kasabay ang sagradong orasyon; ehersisyo sa kaisipan at
galaw ng katawan, kasama na ang pagpapatibay ng espesyal na katangian ng
kaisipan at isang kakaibang paraan ng pagpopokus.
Ang mga
pamamaraang ito ang magdadala sa atin upang makamtan ang tila
“superhuman powers.” Sa mga hindi nakakaalam ng “Divine Techniques” mali
nilang tinatawag ang kapangyarihang ito na “supernatural,” bagama’t ang
tanging supernatural na bagay tungkol dito ay ang pagkakaiba ng
pag-intindi sa realidad at kung ano ang maaring makamit, ito ay natural
na paraan ng buhay at mas mataas na antas ng kamalayan na pinagsama sa
napakataas na pag-unawa sa kabanalan at ang pagamit ng ating isipan, mga
sikretong orasyon, ritwals at katawang laman.
Dito ay malalaman mo
kung ano ang dapat mong maging negosyo, ano ang nararapat na trabaho,
ano ang dapat na kurso sa kolehiyo, sino ang back stabber o naninira sa
iyo ng patalikod, kung magkakahiwalay kayo ng iyung asawa o kasintahan,
kung ang dahilan ba ng pagkakahiwalay ay dahil ginamitan siya ng gayuma,
kung nag sisinungaling ang isang tao, kung nararapat mong kunin ang
serbisyo ng isang tao, kung ang partner mo sa negosyo ay hindi magbabago
kapag lumaki na ang inyong negosyo at marami pang iba na nakasulat sa
sagradong aklat 1.
Natuklasan ng ating mga Divine Masters na ang
buhay ay maaring pahabain, maiwasan, mapigilan ang mga sakit at
malagpasan ang mga pagsubok. Ang ating teknik ay naging paraan na ng
pamumuhay, naging isa sa bumubuo ng basehan upang magkaroon ng isang
buong pormula para maging matagumpay. Ang ating kaalaman para
magtagumpay sa iyung ninanais sa buhay ay ipapalaalam at ibubunyag sa
iyo sa pamamagitan ng mga sagradong aklat.
Ang ating mga teknik ay
subok at napatunayan na. Ang tuloy tuloy na pagamit ng mga paraang ito
ay sagisag ng aming pagiging mabisa. Ang mga solusyon sa iba’t ibang
problema na hinaharap natin ngayon ay nakahimlay sa ating mga sarili.
Ating muling diskubrehin ang karunungan ng ating mga divine masters at matuto mula sa kanila.
Ibinunyag nila na posible para sa ating lahat na makamit ang mas
maraming bagay sa mas mataas na antas na pamantayan, sa mas maikling
oras at hindi kinakailangang magdulot pa ng stress, sapagkat tayong
lahat ay isang makapangyarihang nilalang na nagtataglay ng natural na
kapangyarihan na walang hangganan kung saan magagawa nating matagpuan
ang mundong ating hinahanap.
Ang tunay na “Divino Member” ay isang
nilalang na natututo ng sikreto kung paano paikutin ang araw-araw na may
maganda man o pangit na sitwasyon, para sa kanilang benepisyo.
Ang sikretong ito ay ang kapangyarihang magpokus sa iyong intensyon o tinatawag na “power of intentional divine focus.”
Habang binabasa mo ang mga pahina ng mga sagradong aklat , umaasa
akong gagamitin mo ang katalinuhang ito sa pang-araw araw na buhay.
Para sa iyong pangmatagalang tagumpay, ang susi ay ang araw-araw na
pagamit nito. Ang magiging pangkalahatang resulta ay ang kasiyahan sa
pagawa ng mas maraming bagay sa mas maikling oras, mas kaunting
pagsisikap at ang pagkakamit ng mas magandang resulta.
Nagkaroon
ka nang malinaw na desisyon at pagsisikap upang umpisahang basahin ang
mga sagradong aklat , ako ay nasasabik at binigyan mo ako ng pribilehiyo
upang ituro sa iyo ang pinakamahusay mula sa aking mga natutunan.
Walang anumang bagay ang nagkataon lamang; ito ay itinadhana, kung
kaya’t sundan mo ang agos nito.
bahagi ng sagradong aklat 26
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento