Miyerkules, Hunyo 12, 2013

SAGRADONG AKLAT 36

SAGRADONG AKLAT 36
Bahagi ng sagradong aklat 36 brod nest

Ang landas ng pantas ispiritwal.

Ang pantas ay umiiral sa ating lahat. Ang pantas na ito ang nakakakita at nakakaalam ng lahat ng mga bagay. Ang pantas ay lampas sa magkasalungat na liwanag at kadiliman, sa mabuti at masama, sa kasiyahan at kalungkutan, sa kasaganahan at kahirapan. Lahat ng nakikita ng isang pantas ay naka ugat sa mundong hindi nakikita.

Ang sagradong aklat na ito ay tungkol sa landas ng isang pantas.

Ang kalikasan ay nagpapakinang sa kalooban ng isang pantas.
Ang katawan at ang isip ay maaaring matulog, ngunit ang isang pantas ay laging gising. Ang isang pantas ay nagtataglay ng sikretong ng imortalidad.

Sino ba ako?

"Ako ba ay ang damdamin, ang kaisipan, ang kamalayan, ang pang-unawa, ang pagkaintindi, ang katalinuhan, ang karunungan,ang pananaw, ang kapasyahan, ang pag-iisip, ang kabaitan, ang masigasig,ang pagkakilala,ang memorya, ang kalakasan, ang buhay, ang pagnanais,at ang kalooban.
-
Lahat ng mga ito ay mga pangalan ng mga intelihensiya o ng pantas.

Ito ang susunod na hakbang na kailangan natin bilang isang uri ng nilikha upang makilala na lahat tayo ay isang pantas.
Na may malalim na pagkatao sa bawat isa sa atin na may likas na kakayahan bilang isang pantas, isang salamangkero, isang manggagamot, isang henyo, isang matalinong taga-payo at isang engkantador.
Ito ay maaaring lumikha ng isang kahima-himalang buhay para sa atin na magdadala sa atin sa milagrosong mundo ng mga mapag-himala, at mahiwaga. At ang buhay natin ay maaari muling maging nababatubalani at kahali-halina.

Daniel 4:

4 "Akong si Nebucadnezar ay panatag at masaganang namumuhay sa aking palasyo. 5 Minsan, nagkaroon ako ng isang nakakatakot na panaginip at mga nakakasindak na pangitain habang natutulog. 6 Kaya, ipinatawag ko ang mga tagapayo ng Babilonia upang ipaliwanag sa akin ang panaginip na iyon. 7 Dumating naman ang mga salamangkero, mga enkantador, mga astrologo at mga manghuhula. Sinabi ko sa kanila ang aking panaginip ngunit hindi nila ito maipaliwanag. 8 Ang kahuli-hulihang nagpunta sa akin ay si Daniel na pinangalanan kong Beltesazar, ayon sa pangalan ng aking Diyos sapagkat sumasakanya ang espiritu ng mga banal na Diyos. At inilahad ko sa kanya ang aking panaginip. Ang sabi ko: 9 Beltesazar, pinuno ng mga salamangkero, alam kong sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na Diyos at alam mo ang lahat ng hiwaga. Ngayo'y sasabihin ko sa iyo ang aking panaginip at ipaliwanag mo ito sa akin.

Ano ba ang pantas?
Paano natin makikita ang pantas na nasa loob ng pagkatao natin?
Ang ruta ng pantas ay sa pamamagitan ng ebolusyon ng ating sariling kamalayan.

Tayo ay nasa bagong yugto ng ebolusyon
at ang sumusunod na baitang ng ebolusyon ay ang ebolusyon ng kamalayan at ang hantungan ay ang ebolusyon ng kamalayan sa kamalayan.

Sa nakalipas na daang daang taon tayo ay isang biktima na tumutugon sa mga pagkakataon para mabuhay. Tayo ay nakatira pa noon sa isang delikadong kapaligiran puno ng mababangis na hayop na ang tingin sa atin ay masarap na pagkain kaya natuto tayong tumakbo at tumakas.
Hanggang natuto na tayong lumaban at manghuli naging mangangaso ng mga mababangis na hayop upang maging pagkain.

Ngayon sa makabagong panahon tayo ay biktima pa rin na tumutugon din ng pagtakbo, pagtakas at pag-iwas sa takot na nalilikha ng mga balita ng terrorismo, ng malakas na bagyo, ng malakas na lindol at sa mga balita sa pahayagan na hindi naman nagkakatotoo.

Na ang ginagawa ngayon sa atin ay ang pagkakaroon ng pagkataranta, depresyon. Stress, ng isang epidemya ng sakit sa puso, pagkasira sa sistema ng ating katawan, epidemya ng kanser at iba pang nakakasirang karamdaman.

pero ang higit na tumataas ay ang pagpapamana sa susunod na henerasyon ng mga digmaan, ng galit, ng pag sakop, ng kagahaman, ng pagsupil sa kapwa tao at ang pagsira ng kapaligiran.

Kaunting dahilan lang nagpapatayan na ang mga tao. Umuupa ng mga bayarang mamamatay tao dahil lang sa maliliit na problema. Magkaroon lang ng inggit umuupa na ng mga mangkukulam upang magbaon ng mga sakit ispiritual na nagiging pisikal na karamdaman sa kanilang bibiktimahin. Dito nakakatulong ang mga sagradong aklat para magising ang pagiging pantas, ang pagiging manggagamot, ang pagiging engkantador, ang pagiging salamangkero, ang pagiging taga payo at ang pagiging mandirigmang ispiritual.Maibalik ang pagmamahalan, pagmamalasakit at pag-ibig sa kapwa tao sapagkat tayong lahat ay konektado sa sandaigdigan at sa ispiritwal.

Tayong mga tao na ngayon ang mangangaso sa sarili nating planeta tulad noong sinaunang panahon tayo tayo din ang nag aaway away para makuha ang kanilang mga lupain at kanilang mga pagkain at ari-arian. Na nagiging sanhi upang tayo tayo ay magkaubusan ng lahi. Tayo pa rin ang naninira ng inang kalikasan, ng ating sariling planeta, ng ating sariling tirahan at ng kahanga-hangang sandaigdigan.

Na kung saan tayo ay isang nilikhang may pribileyo. Malilipol tayo kapag wala ang pantas. Kaya mahalagang mapabalik natin ang pantas ng may nagmamadaling pangangailangan ibalik ang pagiging pantas upang magising ang nasa loob ng ating pagkatao.

Ang pantas ay naglalayon at naghahangad sa kaloob-looban ng ating pagkatao, ang ating hinahanap bilang tao ay ang kalayaan.

At mayroong mga antas ang kalayaan. kapag nagtanong ka sa isang tao kung ano ang kalayaan marahil ang pinaka-mababaw na antas at paliwanag ng kalayaan ay magawa ang mga bagay na ninanais at gawin kung ano ang gustong gawin.

Ang pangalawang antas ng kalayaan
ay ang kakayahan upang matupad ang ating mga ninanais at kung ano ang mga paraan upang matupad ang ating mga kagustuhan materyal na bagay espirituwal na bagay at iba pa.
Subalit mayroong ikatlong antas ng kalayaan at ang ikatlong antas ng kalayaan ay ang kakayahang upang makatakas sa bilangguan ng mga nakaraang pag kokondisyon ng tao sa pamamagitan ng telebisyon o internet ng mga pangyayari na nakaka impluensiya ating paniniwala at pag-uugali. Tayo ay nagagawang ma hipnotismo at nagagawang mapaniwala sa iba’t ibang propaganda at kasinungalingan.

Ang pang-apat na antas ng kalayaan ay ang kakayahan na gumawa ng likas at tamang aksyon na magdadala sa atin sa ebolusyon at katuparan ng ating mga ninanais.

Ang ebolusyon ng isang tao ay apektado ng kanilang naging desisyon at pagkatapos ay maaari na tayong pumunta lampas sa iba pang mga antas ng kalayaan na ating gagalugarin na kung saan pumapasok tayo sa kaharian ng kamalayan.

Ito ay lampas sa ating pag-gising,
lampas sa ating panaginip at lampas sa ating pagtulog. Tayo ay patuloy na nagpapalipat-lipat sa pagitan ng paglilikha, ng panaginip at ng pag-tulog.



Mayroon pa bang mundo na dapat nating galugarin sa ating sariling kamalayan? Ang walang hangganang mundo ay dumarating at umaalis sa napakalawak at lumalago nating kaisipan at kamalayan.
Ito ang lebel ng kalayaan na kung saan ginagalugad natin ang mundo lagpas sa ating pag-gising, sa ating mga panaginip at sa ating pag-tulog. Ito ang kalayaang nakakalabas sa hangganan ng kalawakan at oras.

upang maranasan ng ating sarili
ang isang dalisay na kakayahan, ito ang espiritu.
ikaw ay isang hindi na kundisyong espiritu na nabitag at naikulong sa kundisyon itinuro ng kapaligiran, edukasyon at impluwensiya.

Bahagi ng sagradong aklat 36 brod nest

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento