Ang Hatol ni Solomon
Ang Hatol ni Solomon
16 Isang araw, nagpunta sa hari ang dalawang babaing
nagbebenta ng panandaliang-aliw. 17 Ang sabi ng isa, "Mahal na hari,
kami po ng babaing ito ay nakatira sa iisang bahay. Nanganak po ako
habang siya'y naroon. 18 Pagkalipas ng tatlong araw nanganak din ang
babaing ito. Wala po kaming ibang kasama roon. 19 Isang gabi ay
nadaganan po niya ang kanyang anak at ito'y namatay. 20 Malalim na ang
gabi nang siya'y bumangon at habang ako nama'y natutulog. Kinuha niya sa
tabi ko ang aking anak at dinala sa kanyang higaan, at inilagay naman
sa tabi ko ang kanyang patay na anak. 21 Kinaumagahan, bumangon po ako
upang pasusuhin ang aking anak, ngunit natagpuan ko na lang na ito'y
patay na. Subalit nang pagmasdan ko pong mabuti, nakilala kong hindi
iyon ang aking anak."
22 Tumutol naman ang pangalawa at ang sabi, "Hindi totoo 'yan! Anak ko ang buhay at ang sa iyo'y patay."
Lalo namang iginiit ng una, "Hindi totoo 'yan! Anak mo ang patay at akin ang buhay!"
At ganito ang kanilang pagtatalo sa harapan ng hari.
23 Kaya't sinabi ni Solomon sa isa, "Sinasabi mong iyo
ang buhay na bata at kanya ang patay;" at sa ikalawa, "Ang sabi mo
nama'y iyo ang buhay at kanya ang patay." 24 Kaya nagpakuha ang hari ng
isang tabak. At dinala nga sa kanya ang isang tabak. 25 Sinabi ng hari,
"Hatiin ang batang buhay at ibigay ang kalahati sa bawat isa."
26 Nabagbag ang puso ng tunay na ina ng batang buhay at
napasigaw: "Huwag po, Kamahalan! Ibigay na po ninyo sa kanya ang bata,
huwag lamang ninyong patayin."
Sabi naman noong isa, "Sige, hatiin ninyo ang bata upang walang makinabang kahit sino sa amin!"
27 Kaya't sinabi ni Solomon, "Huwag ninyong patayin ang bata. Ibigay ninyo sa una; siya ang tunay niyang ina."
28 Napabalita sa buong Israel ang hatol na iginawad ng
hari at ang lahat ay nagkaroon ng paggalang at takot sa kanya. Nabatid
nilang taglay niya ang karunungan ng Diyos upang humatol nang
makatarungan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento