Part of Sagradong Aklat 27 brod nest Ang katawang astral
Part of Sagradong Aklat 27 brod nest
Ang katawang astral ay isang kasangkapan ng ating sarili upang
maunawaan ang iba pang mga prikwensiya ng katotohanan. Ang katawang
astral ay isang uri o anyo ng ating kamalayan katulad lang ng ating
pisikal na katawan. Sa normal na kondisyon, ang ating kamalayan o diwa
ay kumakalat sa ating buong pisikal na katawan. Kapag tayo ay
nakakatanggap ng sapat na halaga ng enerhiya at kung nararamdaman na
natin at nauunawaan ang iba pang mga prikwensiya ng katotohanan, ang
ating kamalayan ay kumikilos at nagiging pormang katawang astral.
Nauunawaan natin na ang katawang astral ay nararanasan natin ng hindi
namamalayan kapag tayo ay natutulog na kung tawagin natin ay panaginip.
Alam natin na madarama ang karanasan ng katawang astral ng may kamalayan
kapag tayo ay nag memeditasyon.
Ang katawang astral ay naglalakbay
lampas sa espasyo at oras. Pagkatapos magsagawa ng may malay na
karanasang astral unti-unting nauunawaan na natin at kakikita ang mga
bagong dimensyons. Sa meditasyon pagkatapos matanggap ang masaganang
enerhiyang kosmiko ang ating kamalayan ay kumakalat sa lahat ng dako ng
ating katawan nag-uumpisang gumalaw papunta sa isang dako ng katawan
habang gumagalaw ang ating kamalayan, nakakaranas tayo ng kislot sa
ating pisikal na katawan. Nararamdaman natin na parang ang ating buong
katawan ay lumulutang, hindi natin maramdaman ang ating mga kamay at
paa. Nararamdaman natin ang gaan ng ating katawan tulad ng isang
balahibo. Ang pag-galaw ay maaaring maranasan na parang umiikot ang
buong katawan. Ito ay kilala bilang astral na pag-galaw.
Sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mas marami pang meditasyon, nakakakuha
tayo ng mas marami pang kosmikong enerhiya.Ang ating kamalayan ay
nagiging pormang tulad ng isang katawang nagsisimula umiikot ng
napakabilis na nagiging sanhi ng mga mabibigat na paggalaw. Pagkatapos
ng paggalaw ang astral na katawan ay nag-uumpisang lumabas mula sa
pisikal na katawan na may isang koneksyon na tinatawag na pilak na
kuwerdas. Ang pilak ng kuwerdas ay walang iba kundi isang mataas na
makulay at tumataginting na kamalayan na naglilipat ng mga mensahe mula
sa pisikal na katawan papunta sa astral katawan at baligtaran. Dahil
dito, nagagawa natin ang astral na paglalakbay. Ang astral na
paglalakbay ay isang paglalakbay ng ating kamalayan sa mga alam na natin
at sa hindi pa natin alam na mga prikwensiya.
Sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng astral na paglalakbay nakukuha natin ang pinakamataas na
kaalaman at pinakamataas na pag-unawa sa ating sarili, ang ating astral
na Katawan ay tumatagos pumasa sa lahat ng mga pisikal na materyales at
sa lahat ng mga elemento tulad ng lupa, tubig, apoy, hangin at sa
umaapoy na kimiko. Ang Astral na katawan ay maaaring pumunta sa iba’t
ibang prikwensiya nang walang anumang limitasyon.
Pagkatapos
lumabas sa sarili nating katawan, makikita ng isang taong nagmeditasyon
ang kanyang sariling pisikal na katawan. Sa pamamagitan nito, siya ay
nakakakuha ng dakila, kahanga hanga at mahusay na pag-unawa. Nauunawaan
niya na siya ay hindi lamang katawan ngunit siya ay nananatili lamang sa
kanyang katawan. Ito ay isang dakilang pag-unawa. Ang bawat tao'y
dapat makaranas ng astral na paglalakbay. Sa pamamagitan ng pagkaranas
ng astral na paglalakbay ang ating limitasyon ay naglalaho at maunawaan
natin na tayo’y walang limitasyon. Sa pamamagitan ng karanasang ito
lamang, naiintindihan natin na tayo mismo ang diwa o ang kamalayan.
Nauunawaan na natin na tayo ay walang limitasyong. Nauunawaan na natin
ang mga bagong dimensyon ng buhay. Sa pamamagitan ng pagsasanay at
pagsasagawa pa ng mas maraming meditasyon, tayo ay makatatanggap ng mas
marami pang kosmikong enerhiya. Ang enerhiyang kosmiko ay nagpapabuti sa
ating paglahok Sa kung ano ang ating kinalalagyan. Sa pamamagitan ng
mas marami pang kabuuang paglahok sa ating katawan-isip-sarili.
Nauunawaan natin ang kabuuan tungkol sa ating mga sitwasyon.
Ang
pang-unawang ito ay walang iba kundi ang kaalaman. Ang karaniwang tao ay
makakakuha lamang ng karanasan sa buhay ngunit nabibigong malasahan o
maintindihan ang kaalaman sa ganoong sitwasyon. Ito ay dahil siya ay
nakararanas ng sitwasyon sa pisikal na pag-unawa lamang. Ngunit ang
isang nagmemeditate ay makakaunawa ng sitwasyon sa kabuuan. Ito ay
sapagkat alam niya na siya ay hindi lamang katawan, alam niya na siya ay
nakikitira lamang sa isang katawan. Nauunawaan niya na ang sitwasyon ay
para sa mas malalim na kaalaman.
Josue 1:
8 Huwag mong
kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon
araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon,
magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay. 9 Tandaan mo ang
bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang
matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong
Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta."
Pagkatapos makaranas ng
lahat ng mga karanasang meditational at pagpapatupad nito sa nito sa
ating praktikal na pamumuhay. Tayo ay makakuha ng mahusay at malalim na
pag-unawa.
Ang pang-unawang ito ay nagbubukas ng ilang libong mga
pinto na nagbibigay ng mga bagong dimensyon ng pagkaunawa sa ating
buhay. Ang ating pang-unawa, ang ating pangdama at ang ating kaalaman ay
lumalawak ng napakalawak. Ito ay humahantong sa pagpapalawak ng ating
kamalayan na walang iba kung hindi ang pagkakaroon ng malalim na
karunungan. Nararanasan natin ang estado ng karunungan sa pagmeditasyon,
katulad ng isang bulaklak na nagiging bunga ng isang puno ng prutas.
Ang bawat isang bulaklak ay isang bagong dimensyon ng pag-unawa. Sa
pamamagitan ng pang-unawa sa iba’t ibang mga dimensyon, naiintindihan
natin ang higit pang karagdagang kaalaman sa iba pang mga kaalaman. Sa
ganitong pang-unawa dumarating sa natin ang pang-unawa na walang
kamatayan at tayo’y walang kamatayang nilikha. Nauunawaan na natin kung
ano ang kapanganakan at kung ano ang kamatayan?
Galacia 1:
15 Ngunit sa kagandahang-loob ng Diyos, minabuti niyang ako'y piliin
bago pa ako ipanganak, at tinawag niya ako upang maging isang lingkod
niya.
Dumating tayo sa mundong ito tulad ng maliit na tuldok ng
kamalayang kosmiko. Matapos nating manggaling mula sa pinagmulan,
dumating tayo sa daigdig na ito upang mabuhay at upang magkaroon ng
ating mga natatanging karanasan. Para sa ating mga karanasan pinili tayo
ng Lumikha para makapasok sa isang sinapupunan. Pinili ang ating
magulang, paliwanag at mga sitwasyon Ang buong disenyo ng buhay ay
kilala ng ating sarili. Pagkatapos na piliin ang ina ang maliit na butil
ng malay ay pumasok sa matris ng ina.
Pagkatapos pumasok ang
kamalayan sa matris ng ina ang similiya ay magkakaroon ng buhay ang
pisikal na katawan ay nagkakaroon ng hugis ayon sa kosmikomg enerhiya sa
loob ng eterikong katawan at ang dahilan ng pagkakalikha sa kanya.
Ang kamalayan ay naglalakbay madalas sa pinagmulan hanggang sa ito ay
magsagawa ng kanyang unang paghinga. Pagkatapos nyang lumabas galing sa
loob ng matris ng kanyang ina, siya ay magsasagawa ng unang panlabas na
paghinga ito ay kilala rin sa tawag burf at saka siya dapat na umiyak.
Mula sa edad na isa hanggang mag-pitong taon meron pa tayong kamalayan
tungkol sa totoo nating pinagmulan. Ang ating kaisipan ay mag-uumpisang
magkaroon ng hugis simula sa edad na pitong taon. Ito ay ganap na
magkaka-porma sa edad na labing-apat. Ang aktibasyon ng katalinuhan ay
nagsisimula mula sa edad na labing-apat at ganap na mabubuo sa edad na
dalawangpu’t isa. Mula sa edad na dalawangpu’t isa hanggang sa edad na
dalawangpu’t walo mararanasan na natin ang kumbinasyon ng katawan, isip
at talino. Mula sa edad na dalawangpu’t walo ang buhay natin ay
naka-depende na sa pagkaalam sa ating sarili. Kung ang isang tao ay
walang kamalayan sa kaniyang sarili ang kanyang pagkaalam ay namamalagi
sa pagitan ng kanyang katawan at kaisipan.
At dahil sa ganitong
karanasan ang paghihirap ay nagsisimula, hindi niya maaaring maunawaan
ang mga sitwasyon. Ang mga bagay-bagay ay magiging mas kritikal para sa
kanya. Kikilos siyang nalilito at magtatago sa mas mataas na pang-unawa.
Ang pagkalito at ang pagtatago ay nakakaharang sa daloy ng kosmiko. At
Dahil dito siya ay makakaranas ng pisikal na sakit, pagkapagod at
tensyon. Lilipas ang araw niya ng walang pang-unawa at kamalayan. Hindi
niya maunawaan ang pinakadulong layunin ng kanyang buhay. Siya ay
nagpapasa ng kanyang mga araw na walang kamalayan. Hindi niya maunawaan
ang pinakadulong layunin ng kanyang buhay. Lilipas siya mula sa araw ng
pagkabata sa araw ng kabataan at sa pagtanda at sa wakas, mamamatay mula
sa katawang pandaigdig o katawang lupa nang hindi nakukumpleto ang
tunay niyang layunin ng pagdating niya sa lupa, sa mundo ng tao.
Ito ang tinatawag nating Kamatayan. Kahit pagkatapos ng kamatayan ang
matibay na suson ng kaisipan na may maling pang-unawa ay hindi
mapapayagan na ang mga kamalayan ay makaabot sa pinagmulan. Dahil sa
maling pang-unawa, siya ay lumilikha ng kanyang sariling impiyerno at
langit at nananatili bilang isang mas mababang pagkataong astral. Kung
ang isang tao ay nagsimula sa buhay ng may sariling pang-unawa sa
kaniyang pinanggalingan, siya ay palaging magiging napakaligaya sa lahat
ng ibinigay sa kanyang mga sitwasyon. Kahit pagkatapos ng kamatayan,
ang isang tao ay mananatili sa mas mababang prikwensiya siya ay babalik
sa kanyang pinagmulan.
Sa pamamagitan ng pagkuha ng mas mataas na
kaalaman sa pamamagitan ng ikatlong mata, astral na paglalakbay,
kaalaman ng kapanganakan at kamatayan ang isang tao ay magkakaroon ng
perpektong pang-unawa ng katawan, kaisipan, diwa, sarili at puwersa ng
buhay; Mauunawaan natin na ang kamalayan ay isang kumbinasyon ng
enerhiya at kaalaman. Ang ating kamalayan ay pumupunta sa kalagayang ito
upang makakuha ng mas maraming enerhiya at kaalaman at upang malalikha
sa pamamagitan ng pamumuhay sa lahat ng oras na ito ng may pang-unawa
nagsisimula tayo sa pagkuha ng mas mataas na-unawa tungkol sa
pagkakaroon ng buong paglikha. Sa ganitong pang-unawa ang isang taong at
magiging nilikhang may himala. Samakatwid, anumang ang salitain ng
taong ito ay natutupad. Anuman ang kanyang isipin ito’y nangyayari
anuman ang kanyang gawin ito ay nalilikha. Ito ang malalim na kaalaman
at nakatagong karunungan.
Part of Sagradong Aklat 27 brod nest
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento