SAGRADONG AKLAT 41
SAGRADONG AKLAT 41
Ang sagradong aklat na ito ay ibinahagi upang marating natin ang ating
mga pangarap at gisingin ang higante sa loob sa ating pagkatao.
Bago tayo magpatuloy sa malalim na paglalakbay sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga nakatagong kaalaman.
Alamin muna natin ang istorya ng sto niƱo sa hardin ng madamot at
masungit na higante. Tungkol ito sa pagmamahalan, pagbibigayan, at sa
diwa ng pagpapasalamat sa mga biyaya at pagpapala.
Tuwing hapon, pagkatapos ng eskwela, ang mga bata ay laging pumupunta at naglalaro sa hardin ng isang higanteng nilalang.
Iyon ay isang malaki at napaka gandang hardin, may malalambot na
berdeng damo. Na napapaligiran ng magagandang mga bulaklak na katulad ng
mga bituin sa langit, at mayroong malalaking-puno at masasarap na
prutas. Ang mga ibon ay naglalaro sa mga sanga at sila ay tumutunog ng
may kasiyahan na parang kumakanta kaya ang mga bata ay humihinto sa
kanilang paglalaro upang makinig sa kanila. ‘Anong saya natin dito! '
sigaw nila sa isa't isa.
Isang araw umuwi na ang higanteng nilalang. At ng dumating siya, nakita niya ang mga batang naglalaro sa kanyang hardin.
'Anong ang ginagawa nyo dito?' Ang magaspang na pasigaw na boses ng
higante, at ang lahat ng mga bata ay nagtakbuhan. 'Ang aking sariling
hardin ay para sa akin lamang,' ang sabi ng higante. Kaya nagtayo siya
ng napakataas na bakod sa paligid ng hardin at naglagay ng karatula na
nag sasabing, ang pumasok ay paparusahan.
Siya ay isang maramot na higante.
Ang kawawang mga bata ay wala ng mapaglalaruan. Sinubukan nilang
maglaro sa kalsada, ngunit ang kalsada ay napaka alikabok at puno ng
matitigas na bato, at hindi nila ito gusto. Sila ay naglibot-libot sa
paligid ng mataas na pader kapag ang kanilang mga aralin ay tapos na, at
nag-uusap tungkol sa magandang halaman at puno sa loob ng hardin.
Napakasaya nating maglaro doon sa loob ng hardin,' sinabi nila sa isa't isa.
Pagkatapos ang tagsibol ay dumating, at sa lahat ng dako ng bansa ay
mayroong mga puno at halaman na may maliit na bulaklak at maliliit na
ibon. Tanging sa hardin ng makasariling higante nananatili ang tag-ulan.
Ayaw ng mga ibong maglaro at umawit sa harding maulan at wala ring mga
batang nagliliwaliw sa hardin. Maging ang mga puno at halaman ay ayaw
mamulaklak.
Ang tanging nalulugod ay ang mga patak ng ulan.
Nakalimutan na ng tag-araw ang harding ito. Ang tubig ay tumatabon na sa
mga damuhan at ang dahon ng mga puno ay sinisira na ng sobrang pag
ulan.
Pagkatapos ay inimbitahan pa ng ulan ang bagyo na sumama
sa kanila at sila’y dumating ng may malalakas at umaatungal na hangin
at maraming tubig ang bumuhos sa hardin ng higante. 'Ito ay isang
kasiya-siyang lugar,' sabi nila, 'dapat nating hilingin bumisita ang
ipo-ipo. Kaya dumating ang ipo-ipo at naninira ng bubungan sa tirahan ng
higante.
'Hindi ko maintindihan kung bakit ang tag-araw ay hindi pa
dumarating, ang sabi ng makasariling higante, habang siya ay nakaupo sa
bintana at tumingin sa kanyang putikang hardin; 'Umaasa ako na
magkakaroon ng pagbabago sa lagay ng panahon.'
Ngunit ang tag-araw
ay hindi dumating. Ang tagsibol na nagbibigay ng mga bulaklak at bunga
ng prutas sa bawat hardin ay nasa dako ng lahat ng bahagi ng bansa,
ngunit sa hardin ng higanteng sakim hindi siya nagbigay at dumalaw.
'Siya ay masyadong makasarili,' ang kanyang sinabi. Kaya sa hardin nya
ay palaging tag-ulan, at may malalakas na hangin, maging ang ipo-ipo
ang siya lamang sumasayaw sa paligid ng kanyang halamanan at sa mga
puno.
Isang umaga habang gising na nakahiga ang higante sa kanyang
kama nakarinig siya ng mga kaibig-ibig na musika. Ito ay tunog na
matamis sa kanyang tainga. Ito ay ang pagkanta ng isang maliit na ibong
pipit sa kanyang hardin at para sa kanya ito ang pinaka-magagandang
musika sa mundo. Pagkatapos ay tumigil na ang pag-ulan, nawala na ang
malalakas na hangin, at isang mabangong simoy ng hangin ang kanyang
naamoy. 'Naniniwala ako na ang tag-araw ay dumating na sa wakas,' sabi
ng higante; at siya ay lumukso mula sa kama at tumingin sa labas.
Ano ang kanyang nakita?
Nakita niya ang isang kahanga-hangang tanawin. Sa pamamagitan ng
isang maliit na butas sa pader ang mga bata ay pumasok, at sila ay naupo
sa sanga ng puno. Sa bawat puno na kanyang nakikita ay may naglalarong
isang maliit na bata. At ang mga puno ay natutuwa ng magkaroon ng mga
batang naglalaro sa ilalim ng kanilang mga sanga kaya kumapal ang mga
dahon at sila ay namumulaklak.Ang mga ibon ay nagliliparan sa mga sanga
at nagsisiawitan, at ang mga bulaklak ay namumukadkad sa kanilang
kagandahan
na kasama ang mga damong nagtatawanan. Iyon ay
isang magandang tanawin, kaya lang, sa isang sulok ng hardin ay tag-ulan
pa rin. Iyon ang pinakamalayong sulok ng hardin, at may nakatayong
isang maliit na batang lalaki. Siya ay sobrang liit na hindi niya maabot
ang mga sanga ng puno, at siya ay lumilibot ng pa-ikot-ikot rito,
habang umiiyak. Ang kawawang puno na halos wala ng mga dahon at maraming
putol putol na sanga dahil sa matagal na pag-ulan at sa malalakas na
hangin. 'Umakyat ka! maliit na bata, 'ang sabi ng puno, at binaluktot
nito ang kanyang mga sanga pababa hanggang sa makakaya niya ; ngunit ang
maliit na batang lalaki ay masyadong maliit kaya hindi niya ito maabot.
At halos matunaw ang puso ng higante habang natatanaw ito. Anong lupit
ko pala sa aking pagiging sakim! Sabi ng higante; ngayon alam ko na
kung bakit ayaw dumalaw ng tag-araw sa hardin ko. Ilalagay ko ang
kawawang maliit na batang lalaki sa itaas ng puno, at pagkatapos ay
gigibain ko na ang mga pader, at ang aking hardin ay magiging palaruan
ng mga bata magpa- kailanman kailanman. 'At siya ay talagang nagsisisi
sa kanyang nagawa.
Bahagi ng sagradong aklat 41 Brod nest
Kaya siya ay bumaba ng hagdan at binuksan ang harapang pintuan ng dahan
dahan, at nagpunta sa hardin. Ngunit ng makita siya ng mga bata sila ay
natakot lahat at tumakbong palayo, at ang hardin ay inulan na naman.
Tanging ang maliit na batang lalaki ang hindi tumakbo, dahil ang kanyang
mga mata ay puno ng luha hindi niya nakita ang pagdating ng higante. At
ang higante ay dumaan sa likuran ng batang lalaki at malumanay niya
itong binuhat ng kanyang kamay, at inilagay sa itaas ng puno. At ang
puno ay biglang sumigla at namulaklak, ang mga ibon ay dumating at
kumanta rito, at ang maliit na batang lalaki ay nag inat ng kanyang
dalawang braso at iniyakap ito sa leeg ng higante at saka niya ito
hinalikan. At ng nakita ito ng iba pang mga bata na ang higante ay hindi
na madamot, sila ay tumakbong pabalik at kasama nila ang tag-araw sa
kanilang pagbalik. 'Ito ay hardin nyo na ngayon, maliit na mga bata,'
ang sabi ng higante, at kinuha niya ang isang malaking palakol at ginaba
ang mga pader. At kapag ang mga tao ay nagpupunta sa palengke nakikita
nila ang higanteng nakikipaglaro sa mga bata sa pinaka- magandang
harding kanilang nakita.
Buong araw silang naglaro, at sa gabi ay
pumupunta sila sa higante upang magpaalam. 'Ngunit nasaan ang inyong
maliit na kasamahan?' tanong ng higante: 'iyong batang lalaki na
inilagay ko sa puno.' Pinakamahal ng higante ang batang iyun dahil
humalik ito sa kanya.
'Hindi po namin alam,' ang sagot ng mga bata; 'siya ay mula sa malayo.'
'Dapat nyong sabihin sa kanya na siguraduring pumarito siya
bukas, sabi ng higante. Ngunit sinabi ng mga bata na hindi nila alam
kung saan siya nakatira, at hindi pa nila ito nakikita
Tuwing
hapon, pagkatapos ng aralin sa paaralan, ang mga bata ay dumarating at
nakikipaglaro sa higante. Ngunit ang maliit na batang lalaki na minahal
ng higante ay hindi na muling nakita. Ang higante ay naging mabait sa
lahat ng mga bata ngunit hinahanap hanap pa rin niya ang maliit na
kaibigang batang lalaki, at madalas na nagsasabing. ' Gusto ko siyang
makita!'
Dumaan ang maraming taon, at ang higante ay tumanda
na. Naging mahina na rin siya kaya hindi na siya maaaring makipaglaro
kaya lagi na lang siyang naka upo at pinanunuod ang mga bata sa kanilang
paglalaro at hinahangaan ang kanyang magandang hardin. 'Mayroon akong
maraming mga magagandang bulaklak,' ang sabi niya; 'ngunit ang mga bata
ang pinaka magandang mga bulaklak sa lahat.'
Minsan pag-gising nya
habang siya ay nagbibihis, dumungaw siya sa bintana nakita niyang muling
umuulan. Hindi na siya napopoot sa ulan, sapagkat alam na niyang
nagpapahinga ang mga bulaklak para sa susunod na pamumulaklak sa tag
araw.
Kapag daka ay bigla na lang nyang kinuskos ang kaniyang
mga mata at namanghang tumingin at tumitig. Ito ay kahanga-hanga sa
kaniyang paningin. Sa pinakamalayong sulok ng hardin ay may isang punong
may kaibig-ibig na puting mga bulaklak. Ang mga sangay nagkukulay
ginto, at kulay pilak ang kaniyang mga bunga, at sa ilalim nito ay may
nakatayong maliit na batang lalaki na kanyang minamahal.
Pababang
tumakbo ang higante ng may dakilang kagalakan, at siya ay pumunta sa
hardin. Siya ay nagmamadaling dumaan sa mga damuhan at lumapit sa bata.
At ng siya ay nakalapit na, ang kanyang mukha ay namula dahil sa galit,
nakita niya ang sugat sa dalawang palad ng kamay ng bata at sugat sa
dalawa nyang maliliit na paa, at sinabi niya, 'Sino ang naglakas ng loob
sugatan ka?
‘umiiyak na sigaw ng higante; 'sabihin mo sa akin, ng makuha ko ang aking malaking tabak at makitlan ko sila ng buhay!
Huwag!' ang sagot ng bata; 'ang mga ito ay mga sugat ng Pag-ibig.'
'Sino po ba kayo?' tanong ng higante, at isang kakaibang paghanga
at kapangyarihan ang dumating sa kanya, at siya ay lumuhod sa maliit na
bata.
At ang bata ay ngumiti sa higante, at sinabi sa kanya,
'hinayaan mo akong minsang makapag-laro sa iyong hardin, ngayon ikaw
naman ang isasama ko sa aking hardin, ito ang paraiso.
Kinabukasan, ng nagtatakbuhang pumunta ang mga bata sa hardin upang
maglaro natagpuan nila ang higanteng nakahiga at patay na sa ilalim ng
puno, na natatakpan ng maraming mapuputing bulaklak.
Ako ay
naniniwala na lahat tayo ay mayroon pangarap naniniwala tayo na sa
kailaliman ng ating kaluluwa mayroon tayong isang espesyal na regalo na
makakapagpabago sa ating sarili at sa ating kapwa tao.
Maihahatid
natin at mahihipo sa isang especial na paraan ang emosyon at damdamin ng
isang tao upang mapuno ang mundo ng pagmamahalan, pagmamalasakit at
pagpapala. Ito ang nilalaman ng sagradong aklat 41. Gisingin ang higante
Sa loob ng iyong pagkatao.
Bahagi ng sagradong aklat 41 Brod nest
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento