Miyerkules, Hunyo 12, 2013

Bahagi ng sagradong aklat 27

Bahagi ng sagradong aklat 27 –brod nest Ang Ilaw ng Katawan
(Lucas 11:34-36)
22 "Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong paningin, maliliwanagan ang iyong buong katawan. 23 Ngunit kung malabo ang iyong paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At kung ang liwanag mo'y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman."
Ang Ilaw ng Katawan
(Mateo 5:15)(Mateo 6:22-23)
33 "Walang nagsisindi ng ilaw upang itago lamang iyon, o kaya'y ilagay sa ilalim ng malaking takalan. b Inilalagay ang ilaw sa talagang patungan upang matanglawan ang mga pumapasok sa bahay. 34 Ang iyong mata ang ilawan ng iyong katawan. Kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, ang buo mong katawan ay mapupuno ng kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala. 36 Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo."

Sa pamamagitan ng karanasan sa third eye o ikatlong mata alam natin na maaari tayong makakuha ng mga kasagutan para sa lahat ng ating mga problema sa pamamagitan ng mga mensahe mula sa Masters, o sa pamamagitan ng pagtingin sa iba pang prikwensiya ng realidad ng katotohanan o pamamagitan ng pakiramdam. Sa pamamagitan nito, ang ating mga pagkilos ay magbabago. Ang ating mga paniniwala ay magbabago, ang ating pang-unawa ay magbabago. Pagkatapos ng ating karanasan tungkol sa ikatlong mata makikita natin ang mga pagbabago sa ating pagkaunawa ng mga pisikal na kalagayan.
Ang meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili. Dahil dito dapat nating malampasan ang ating katawan at kaisipan. Sa pamamagitan ng kumportableng pustura. Ang ating katawan ay lubos na nakakapag-relaks at ito ay nakakatulong para makalakbay tayo sa kamalayan ng ating katawan. Sa pamamagitan ng pag-obserbahan sa ating normal na paghinga ating malalampasan ang ating katawan at kaisipan doon na dadaloy ang enerhiyang kosmiko. Ang enerhiyang kosmiko ay nag-aalis at naglilinis ng lahat ng mga sakit sa ating katawan. At dahil doon tayo ay magiging malusog nang walang anumang gamot.
Kapag mas maraming enerhiyang kosmiko ang nakukuha lahat ng mga tensiyon at pagkapagod ng isip ay nababawasan. Habang laging nagsasagawa ng meditasyon, ang isip ay nagiging kalmado at nagkakaroon ng mas maraming espasyo. Ito ay humahantong sa mas mataas na kapangyarihan ng memorya. Ang patuloy ng pagsasagawa ng meditasyon ay humahantong sa mas mataas na mga kakayahan sa pang-unawa at ito ay humahantong sa magandang personal na relasyon. Pinahuhusay ng meditasyon ang kaligayahan ng buhay ng pamilya. Ang kaisipan ay magiging panatag. Ang meditasyon ay tumutulong sa atin upang maging malusog at maligaya. Ang meditasyon ay makakatulong sa atin na makakuha ng mas maraming mga sagot sa lahat ng ating mga katanungan. Upang makamit ito ang pagsasagawa ng meditasyon ay dapat maisagawa ng araw-araw. Ang meditasyon ay maaaring gawin sa alin mang lugar. Ang meditasyon ay maaaring gawin sa anumang oras, kahit na sa panahon ng isang paglalakbay. Sa pagsasagawa ng meditasyon, dapat itong gawin sa tagal ng oras na katumbas sa iyung edad.

Halimbawa, ang isang 30 taon gulang na tao ay dapat gumawa ng meditasyon ng hindi bababa sa sa 30 minuto sa isang sesyon. Hindi mo kinakailangang iwan ang pamilya mo para makapag meditasyon sapagkat dapat din nilang gawin ito na magkakasama kayo. Ang mga bata ay magandang matutong mag meditasyon. Maaari silang magsimula ng meditasyon sa edad na 5. Para sa meditasyon hindi mo kinakailangang maghanap ng pisikal na guru / master. Ang Guru ang master ay nasa iyong loob. Ang iyung hininga ay ang iyung guru. Ang iyong hininga ay ang iyong maestro. Ito ay para sa lahat.

BAHAGI 2
Ang meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili. Para magawa ang meditasyon dapat tayong lumampas sa ating katawan at kaisipan. Kapag nalagpasan natin ang ating katawan at kaisipan maaabot natin ang ating sarili. Saka natin matatangap ang masaganang enerhiyang kosmiko. Kapag mas marami ang ginagawang meditasyon ang ating kaalamang sa sarili ay mas lumalawak. Ngayon, subukan natin at unawain kung ano ang kaalaman? Ang meditasyon ay magdadala sa iyo sa daigdig ng mas mataas na kaalaman. Ang Kaalaman ay walang iba kung hindi ang karanasan. Ang Karanasan ay walang iba kung hindi ang kinasasangkutan at nararanasan ng iyong sarili. Sa pamamagitan ng madalas na pagsasanay at pagsasagawa ng meditasyon tumatanggap tayo ng mas mataas na enerhiya.Kapag tayo ay merong mas mataas na enerhiya ang mas mataas na paglahok ay ating nakakamit sa bawat aspeto ng ating buhay na humahantong sa mas mataas na kaalaman. Sa pamamagitan ng kaalaman makakakuha tayo ng mas mataas na-pang-unawa at karunungan. Sa ganitong pag-unawa mauunawaan natin na hindi lamang tayo nabubuo ng katawan at kaisipan.
Nauunawaan natin na tayo ay isang mahimalang nilalang. Nauunawaan natin na ang lahat ng mga sitwasyon na dumating sa atin at ang lahat ng ating mga problema na ating nalalagpasan ay dahil sa mas mataas na pang-unawa. Ang mas mataas na enerhiya at ang mas mataas na kaalaman ay nagpapalawak ng ating kamalayan. Ang pagpapalawak ng ating kamalayan ay ang pinaka-layunin ng ating sarili. Ang mas mataas na kaalaman ay nakukuha lamang sa pamamagitan ng mas mataas na mga pandama tulad ng Third Eye at katawang astral. Ang ikatlong mata ay isang napakalakas na kasangkapan ng kaluluwa upang makakita, makadama at makarinig ng mas mataas na prikwensiya ng mga realidad at katotohanan. Ang tatlong kasangkapan ng kaluluwa ay kilala bilang "ikatlong mata".
Sa pamamagitan ng pagsasanay at pagsasagawa pa ng higit pang meditasyon mas maraming enerhiya ang dumadaloy kapag mas maraming enerhiya ang dumadaloy nagiging aktibo ang ikatlong mata. Ito ay isang napaka-gandang karanasan sa panahon ng meditasyon sa oras ng aktibasyon ng ikatlong mata makakaramdam tayo ng sensasyon ng pangangati o o sensasyon ng panlalamig sa rehiyon ng noo. Unti-unti tayong makakakita ng iba't ibang mga kulay na umiikot sa ating paligid. Makakarinig tayo ng tumutunog na mga bulong, maririnig natin ang tunog ng paglalakad. Nararamdaman natin na parang naglalakbay tayo sa isang madilim na lagusan. Kapag ang ating katawang eteriko ay nakakatanggap ng sapat na energhiyang kosmiko sa pamamagitan ng mas madalas na meditasyon ang third eye natin ay nagiging perpekto. Rito ay makikita natin ng mas malinaw ang mga pangitain. Kapag perpekto na ang thirdeye makikita natin ang mas maraming bagay ng mas malinaw pa sa pisikal na mga pangitain. Makikita natin ang realidad ng ibang tao, makikita natin ang mga bagay na hindi makikita sa mundo ng limang pakiramdam.
Bahagi ng sagradong aklat 27 –brod nest

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento