Biyernes, Hunyo 14, 2013

SAGRADONG AKLAT 41

SAGRADONG AKLAT 41
Ang sagradong aklat na ito ay ibinahagi upang marating natin ang ating mga pangarap at gisingin ang higante sa loob sa ating pagkatao.
Bago tayo magpatuloy sa malalim na paglalakbay sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga nakatagong kaalaman.
Alamin muna natin ang istorya ng sto niƱo sa hardin ng madamot at masungit na higante. Tungkol ito sa pagmamahalan, pagbibigayan, at sa diwa ng pagpapasalamat sa mga biyaya at pagpapala.
Tuwing hapon, pagkatapos ng eskwela, ang mga bata ay laging pumupunta at naglalaro sa hardin ng isang higanteng nilalang.
Iyon ay isang malaki at napaka gandang hardin, may malalambot na berdeng damo. Na napapaligiran ng magagandang mga bulaklak na katulad ng mga bituin sa langit, at mayroong malalaking-puno at masasarap na prutas. Ang mga ibon ay naglalaro sa mga sanga at sila ay tumutunog ng may kasiyahan na parang kumakanta kaya ang mga bata ay humihinto sa kanilang paglalaro upang makinig sa kanila. ‘Anong saya natin dito! ' sigaw nila sa isa't isa.
Isang araw umuwi na ang higanteng nilalang. At ng dumating siya, nakita niya ang mga batang naglalaro sa kanyang hardin.
'Anong ang ginagawa nyo dito?' Ang magaspang na pasigaw na boses ng higante, at ang lahat ng mga bata ay nagtakbuhan. 'Ang aking sariling hardin ay para sa akin lamang,' ang sabi ng higante. Kaya nagtayo siya ng napakataas na bakod sa paligid ng hardin at naglagay ng karatula na nag sasabing, ang pumasok ay paparusahan.

Siya ay isang maramot na higante.
Ang kawawang mga bata ay wala ng mapaglalaruan. Sinubukan nilang maglaro sa kalsada, ngunit ang kalsada ay napaka alikabok at puno ng matitigas na bato, at hindi nila ito gusto. Sila ay naglibot-libot sa paligid ng mataas na pader kapag ang kanilang mga aralin ay tapos na, at nag-uusap tungkol sa magandang halaman at puno sa loob ng hardin.
Napakasaya nating maglaro doon sa loob ng hardin,' sinabi nila sa isa't isa.
Pagkatapos ang tagsibol ay dumating, at sa lahat ng dako ng bansa ay mayroong mga puno at halaman na may maliit na bulaklak at maliliit na ibon. Tanging sa hardin ng makasariling higante nananatili ang tag-ulan. Ayaw ng mga ibong maglaro at umawit sa harding maulan at wala ring mga batang nagliliwaliw sa hardin. Maging ang mga puno at halaman ay ayaw mamulaklak.
Ang tanging nalulugod ay ang mga patak ng ulan. Nakalimutan na ng tag-araw ang harding ito. Ang tubig ay tumatabon na sa mga damuhan at ang dahon ng mga puno ay sinisira na ng sobrang pag ulan.

Pagkatapos ay inimbitahan pa ng ulan ang bagyo na sumama sa kanila at sila’y dumating ng may malalakas at umaatungal na hangin at maraming tubig ang bumuhos sa hardin ng higante. 'Ito ay isang kasiya-siyang lugar,' sabi nila, 'dapat nating hilingin bumisita ang ipo-ipo. Kaya dumating ang ipo-ipo at naninira ng bubungan sa tirahan ng higante.
'Hindi ko maintindihan kung bakit ang tag-araw ay hindi pa dumarating, ang sabi ng makasariling higante, habang siya ay nakaupo sa bintana at tumingin sa kanyang putikang hardin; 'Umaasa ako na magkakaroon ng pagbabago sa lagay ng panahon.'
Ngunit ang tag-araw ay hindi dumating. Ang tagsibol na nagbibigay ng mga bulaklak at bunga ng prutas sa bawat hardin ay nasa dako ng lahat ng bahagi ng bansa, ngunit sa hardin ng higanteng sakim hindi siya nagbigay at dumalaw.
'Siya ay masyadong makasarili,' ang kanyang sinabi. Kaya sa hardin nya ay palaging tag-ulan, at may malalakas na hangin, maging ang ipo-ipo ang siya lamang sumasayaw sa paligid ng kanyang halamanan at sa mga puno.
Isang umaga habang gising na nakahiga ang higante sa kanyang kama nakarinig siya ng mga kaibig-ibig na musika. Ito ay tunog na matamis sa kanyang tainga. Ito ay ang pagkanta ng isang maliit na ibong pipit sa kanyang hardin at para sa kanya ito ang pinaka-magagandang musika sa mundo. Pagkatapos ay tumigil na ang pag-ulan, nawala na ang malalakas na hangin, at isang mabangong simoy ng hangin ang kanyang naamoy. 'Naniniwala ako na ang tag-araw ay dumating na sa wakas,' sabi ng higante; at siya ay lumukso mula sa kama at tumingin sa labas.
Ano ang kanyang nakita?

Nakita niya ang isang kahanga-hangang tanawin. Sa pamamagitan ng isang maliit na butas sa pader ang mga bata ay pumasok, at sila ay naupo sa sanga ng puno. Sa bawat puno na kanyang nakikita ay may naglalarong isang maliit na bata. At ang mga puno ay natutuwa ng magkaroon ng mga batang naglalaro sa ilalim ng kanilang mga sanga kaya kumapal ang mga dahon at sila ay namumulaklak.Ang mga ibon ay nagliliparan sa mga sanga at nagsisiawitan, at ang mga bulaklak ay namumukadkad sa kanilang kagandahan

na kasama ang mga damong nagtatawanan. Iyon ay isang magandang tanawin, kaya lang, sa isang sulok ng hardin ay tag-ulan pa rin. Iyon ang pinakamalayong sulok ng hardin, at may nakatayong isang maliit na batang lalaki. Siya ay sobrang liit na hindi niya maabot ang mga sanga ng puno, at siya ay lumilibot ng pa-ikot-ikot rito, habang umiiyak. Ang kawawang puno na halos wala ng mga dahon at maraming putol putol na sanga dahil sa matagal na pag-ulan at sa malalakas na hangin. 'Umakyat ka! maliit na bata, 'ang sabi ng puno, at binaluktot nito ang kanyang mga sanga pababa hanggang sa makakaya niya ; ngunit ang maliit na batang lalaki ay masyadong maliit kaya hindi niya ito maabot.
At halos matunaw ang puso ng higante habang natatanaw ito. Anong lupit ko pala sa aking pagiging sakim! Sabi ng higante; ngayon alam ko na kung bakit ayaw dumalaw ng tag-araw sa hardin ko. Ilalagay ko ang kawawang maliit na batang lalaki sa itaas ng puno, at pagkatapos ay gigibain ko na ang mga pader, at ang aking hardin ay magiging palaruan ng mga bata magpa- kailanman kailanman. 'At siya ay talagang nagsisisi sa kanyang nagawa.
Bahagi ng sagradong aklat 41 Brod nest

Kaya siya ay bumaba ng hagdan at binuksan ang harapang pintuan ng dahan dahan, at nagpunta sa hardin. Ngunit ng makita siya ng mga bata sila ay natakot lahat at tumakbong palayo, at ang hardin ay inulan na naman. Tanging ang maliit na batang lalaki ang hindi tumakbo, dahil ang kanyang mga mata ay puno ng luha hindi niya nakita ang pagdating ng higante. At ang higante ay dumaan sa likuran ng batang lalaki at malumanay niya itong binuhat ng kanyang kamay, at inilagay sa itaas ng puno. At ang puno ay biglang sumigla at namulaklak, ang mga ibon ay dumating at kumanta rito, at ang maliit na batang lalaki ay nag inat ng kanyang dalawang braso at iniyakap ito sa leeg ng higante at saka niya ito hinalikan. At ng nakita ito ng iba pang mga bata na ang higante ay hindi na madamot, sila ay tumakbong pabalik at kasama nila ang tag-araw sa kanilang pagbalik. 'Ito ay hardin nyo na ngayon, maliit na mga bata,' ang sabi ng higante, at kinuha niya ang isang malaking palakol at ginaba ang mga pader. At kapag ang mga tao ay nagpupunta sa palengke nakikita nila ang higanteng nakikipaglaro sa mga bata sa pinaka- magandang harding kanilang nakita.
Buong araw silang naglaro, at sa gabi ay pumupunta sila sa higante upang magpaalam. 'Ngunit nasaan ang inyong maliit na kasamahan?' tanong ng higante: 'iyong batang lalaki na inilagay ko sa puno.' Pinakamahal ng higante ang batang iyun dahil humalik ito sa kanya.
'Hindi po namin alam,' ang sagot ng mga bata; 'siya ay mula sa malayo.'
'Dapat nyong sabihin sa kanya na siguraduring pumarito siya bukas, sabi ng higante. Ngunit sinabi ng mga bata na hindi nila alam kung saan siya nakatira, at hindi pa nila ito nakikita
Tuwing hapon, pagkatapos ng aralin sa paaralan, ang mga bata ay dumarating at nakikipaglaro sa higante. Ngunit ang maliit na batang lalaki na minahal ng higante ay hindi na muling nakita. Ang higante ay naging mabait sa lahat ng mga bata ngunit hinahanap hanap pa rin niya ang maliit na kaibigang batang lalaki, at madalas na nagsasabing. ' Gusto ko siyang makita!'
Dumaan ang maraming taon, at ang higante ay tumanda na. Naging mahina na rin siya kaya hindi na siya maaaring makipaglaro kaya lagi na lang siyang naka upo at pinanunuod ang mga bata sa kanilang paglalaro at hinahangaan ang kanyang magandang hardin. 'Mayroon akong maraming mga magagandang bulaklak,' ang sabi niya; 'ngunit ang mga bata ang pinaka magandang mga bulaklak sa lahat.'
Minsan pag-gising nya habang siya ay nagbibihis, dumungaw siya sa bintana nakita niyang muling umuulan. Hindi na siya napopoot sa ulan, sapagkat alam na niyang nagpapahinga ang mga bulaklak para sa susunod na pamumulaklak sa tag araw.

Kapag daka ay bigla na lang nyang kinuskos ang kaniyang mga mata at namanghang tumingin at tumitig. Ito ay kahanga-hanga sa kaniyang paningin. Sa pinakamalayong sulok ng hardin ay may isang punong may kaibig-ibig na puting mga bulaklak. Ang mga sangay nagkukulay ginto, at kulay pilak ang kaniyang mga bunga, at sa ilalim nito ay may nakatayong maliit na batang lalaki na kanyang minamahal.
Pababang tumakbo ang higante ng may dakilang kagalakan, at siya ay pumunta sa hardin. Siya ay nagmamadaling dumaan sa mga damuhan at lumapit sa bata. At ng siya ay nakalapit na, ang kanyang mukha ay namula dahil sa galit, nakita niya ang sugat sa dalawang palad ng kamay ng bata at sugat sa dalawa nyang maliliit na paa, at sinabi niya, 'Sino ang naglakas ng loob sugatan ka?
‘umiiyak na sigaw ng higante; 'sabihin mo sa akin, ng makuha ko ang aking malaking tabak at makitlan ko sila ng buhay!
Huwag!' ang sagot ng bata; 'ang mga ito ay mga sugat ng Pag-ibig.'
'Sino po ba kayo?' tanong ng higante, at isang kakaibang paghanga at kapangyarihan ang dumating sa kanya, at siya ay lumuhod sa maliit na bata.
At ang bata ay ngumiti sa higante, at sinabi sa kanya, 'hinayaan mo akong minsang makapag-laro sa iyong hardin, ngayon ikaw naman ang isasama ko sa aking hardin, ito ang paraiso.
Kinabukasan, ng nagtatakbuhang pumunta ang mga bata sa hardin upang maglaro natagpuan nila ang higanteng nakahiga at patay na sa ilalim ng puno, na natatakpan ng maraming mapuputing bulaklak.

Ako ay naniniwala na lahat tayo ay mayroon pangarap naniniwala tayo na sa kailaliman ng ating kaluluwa mayroon tayong isang espesyal na regalo na makakapagpabago sa ating sarili at sa ating kapwa tao.
Maihahatid natin at mahihipo sa isang especial na paraan ang emosyon at damdamin ng isang tao upang mapuno ang mundo ng pagmamahalan, pagmamalasakit at pagpapala. Ito ang nilalaman ng sagradong aklat 41. Gisingin ang higante Sa loob ng iyong pagkatao.

Bahagi ng sagradong aklat 41 Brod nest

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento