Sagradong Aklat 27 Ang ispirituwal na katotohanan ng DTEF
Sagradong Aklat 27
Ang ispirituwal na katotohanan ng DTEF ay magdadala sa iyo sa isang
natatanging paglalakbay. Isang paglalakbay na magbabago ng iyong
ispirituwal na katotohanan ay isang programa sa pagninilay at malalim na
karanasan sa pagninilay. Habang isinasagawa mo ang programang ito ay
lubos kang magkakaroon ng malalim na kaalaman, saksihan lamang ito,
magpadaloy at sumakay ka lang rito. At huwag subukang pag-aralan ito sa
pamamagitan ng sobrang pag-iisip, lubusang magpalutang dito. Kung may
anumang gumugulo sa pag-iisip ay alisin mo ito huminga ng malalim at
basta bumalik sa programa. Ito ay para lamang sa iyo. Sa buong paglikha
ng sangkatauhan tayo ay isa na maliit na batik o tuldok lamang, ang
bawat isa sa atin ay naghahanap ng mabuting kalusugan, kapayapaan,
kaalaman, kasaganaan, masarap na pagsasamahan at higit sa lahat ng isang
masaya at napakaligaya buhay sa lahat ng ibinigay na oras at sitwasyon.
Sinusubukan ng bawat tao makamit itong estado o kalagayang ito. Ngunit,
maaari ba ito talagang makamit? Oo, ito ay maaaring nakamit.
Ang
lahat ng ito ay posible lamang sa pamamagitan ng pag-unawa sa enerhiyang
kosmico. Ang enerhiyang kosmico ay umiiral sa lahat ng dako sa kosmos.
Ito ang nagbibigkis sa pagitan ng mga kalawakan, ng mga planeta, ng mga
tao at lahat ng molecules. Ito ay ang puwang sa pagitan ng bawat isa at
ng lahat. Ito ang bigkis na nagtatali sa buong kosmos sa kanyang
pag-ikot ikot.
Ang enerhiyang kosmico ay may pwersang buhay. Ang
enerhiyang kosmico ay mahalaga upang mapanatili ang pagkakasunod-sunod
ng ating mga taong pinapanahanan ng Espiritu ang lahat ng bagay, ngunit
walang sinumang makakasiyasat sa kanya. 16 "Sino ang nakakaalam ng
pag-iisip ng Panginoon? Sino ang makapagpapayo sa kanya?
"Ngunit
nasa atin ang pag-iisip ni Cristo. Ang ating buhay ay isang paglalakbay
na magpapayaman at magpupuno sa iyo ng hindi pangkaraniwang kaalaman,
kapayapaan at kaligayan.
Ang enerhiyang kosmico ay naka- base sa
lahat ng ating mga pagkilos at tungkulin. Natatanggap natin ang ilang
enerhiyang kosmico sa malalim na pagtulog at sa malalim na katahimikan.
Gumagamit tayo ng enerhiyang ito para sa ating araw-araw na gawain ng
ating pag-iisip Tulad ng nakikita, pagsasalita, pagdinig, iniisip at ang
lahat ng mga pagkilos ng ating mga katawan. Itong limitadong enerhiya
na nakakamit sa pamamagitan ng pagtulog ay hindi sapat para sa mga
aktibidad na ito. Iyon ang dahilan kung bakit sa tingin natin tayo ay
pagod, nauupos at nasisikipan. Ito ay humahantong sa mental at pisikal
na pagkapagod at sa lahat ng mga uri ng sakit. Ang tanging paraan upang
mapagtagumpayan ito ay ang pag kuha pa ng higit pang mas maraming
enegiyang kosmico. Ang enerhiyang kosmico ay mahalaga upang mapanatili
ang pagkakasunod-sunod ng pagkaka-ayos ng ating buhay upang mabuhay ng
malusog at magkaroon ng masayang buhay. Upang lubos na makasali sa lahat
ng mga sitwasyon na ating kinalalagyan, upang makakuha ng kaalaman at
sa wakas para sa pagpapalawak ng ating kamalayan at kaalaman. Ang
masaganang enerhiyang kosmico ay nakukuha lamang sa pamamagitan ng
pagninilay o meditasyon.
Ang pagtulog is isang walang malay na
pagninilay o meditasyon. Ang pagninilay o meditasyon ay may malay-tao na
pagtulog. Sa pagtulog tayo ay nakakakuha ng limitadong enerhiya. Sa
pagninilay tayo ay nakakakuha ng masaganang enerhiya; Ang enerhiyang ito
ay nagpapahusay sa kapangyarihan ng ating isip, katawan, at talino. Ito
ang bumubukas sa pintuan para sa ating ikaanim na pandama at lampas
pa sa kaya nating abutin.Dahil sa pinataas at pinalakas na enerhiya na
nakukuha sa pamamagitan ng meditasyon tayo ay magiging relaks, malusog
at masiyahin. Ito ay tumutulong din upang maabot ang mas malawak at mas
mataas sa pisikal na lupain. Ang meditasyon ay isang paglalakbay ng
ating kamalayan patungo sa ating sarili. Sa meditasyon lagi tayong
naglalakbay mula sa katawang lupa patungo sa isip o diwa, pag-iisip
patungo sa malalim na katalinuhan, mula sa katalinuhan papunta sa ating
sarili at lampas pa sa kaya nating maabot. Upang magawa ng meditasyon,
una, dapat nating ihinto ang lahat ng ginagawa ng ating katawan at isip
iyun ang paggalaw, pagtingin, pagsasalita at pag-iisip.
Ngayon,
pag-aralan naman natin kung paano gawin ang meditasyon. Sa meditasyon
ang unang bagay na mahalaga ay ang ayos ng buong katawan o ng
pagkaka-upo.Maaari kang umupo sa anumang pustura. Ang iyung pustura ay
dapat kumportable. Umupo ng kumportable, i-krus ang iyong mga binti,
pagyakaping magkasalungatan ang iyong mga daliri, ngayon, ipikit ang
iyong mga mata, itigil ang pag-iisip palutangin lamang ang kaisipan.
Tuwing may mga maiisip, maaari tayong makakuha ng maraming mga
katanungan. Kilala o hindi kilalang katanungang umiibabaw sa ating isip
at sa ating talino dapat nating observahan ang ating pag-hinga. Ang
obserbasyon at pagmamasid ay likas na katangian ng ating sarili. Kaya,
dapat nating obserbahan ang ating pag-hinga. Huwag nating gawin ang
sinasadyang paghinga, huwag lumanghap o huminga nang palabas na
sinasadya. Hayaan na ang paglanghap o pagbuga na mangyari ng kusa.
Obserbahan ang normal o natural na paghinga. Ito ay ang pangunahing susi
o sikreto, ito ang tamang paraan. Huwag pumunta sa likod ng mga
pag-iisip, huwag kumapit sa anumang mga katanungan o mga saloobin hayaan
ang mga saloobin ang bumalik sa pag-hinga, obserbahan ang normal na
paghinga.
PAGKASUSPINDE
Sumama palipad sa iyung paghinga.
Pagkatapos, ang kakapalan ng mga iniisip ay unti unting mababawasan at
magiging manipis at maikli. Sa Panghuli, ang hininga ay magiging
maliliit at titigil tulad ng patak na nasa pagitan ng iyung ng mga
kilay. Sa ganitong estado, ang isang nag memeditasyon ay walang hininga
at walang mga naiisip. Siya ay lubos na walang maiisip. Ang estado na
ito ay tinatawag na estado ng walang-pag-iisip. Ito ang estado ng
meditasyon. Sa ganitong estado nasa ilalim tayo sa paliguan ng energiya
ng kosmiko. Habang nagsasagawa pa ng maraming meditasyon mas maraming
enerhiyang kosmiko ang matatanggap. Itong enerhiyang kosmiko ay dadaloy
sa enerhiya ng katawan. Ito ay tinatawag na katawang etheriko. Ang
enerhiya ng katawan ay nabubuo ng may mahigit sa 72,000 mga tubo ng
enerhiya na tumatakbo ang lahat sa buong bahagi ng katawan. Lahat ng mga
tubo ng enerhiya ay pumapasok simula sa tuktok ng rehiyon ng ulo. Ang
rehiyon na ito ay tinatawag na tirahang bahay ng kaluluwa ng tao. Itong
mga tubo ng enerhiya ay kumakalat sa buong katawan na katulad ng mga
usbong o mga ugat ng isang halaman. Ang enerhiya ng katawan ay ang
pangunahing pundasyon para sa disenyo ng ating mga buhay. Itong mga
enerhiya ng katawan ay ang pangunahing pinangagalingan para sa lahat ng
ating mga pagkilos at pati sa pagkakaroon ng ating buhay. Ang enerhiya
ng katawan ay tumatanggap enerhiyang kosmiko sa panahon ng ating
pagtulog at panahon ng megitasyon o pagninilay. Ginagamit natin ang
enerhiyang ito para sa mga gawain ng ating katawan at isip tulad ng
pagtingin, pagsasalita, pagdinig, pag-iisip at ang lahat ng mga pisikal
na pagkilos. Lahat ng mga gawaing ito ay lubos na nakabatay sa papasok
na enerhiyang kosmiko. Ang pagdagsa ng enerhiyang kosmiko ay nakabatay
sa ating pag-iisip at pananaw.
Kapag mayroon tayong mga
pananaw o iniisip, ang pagdagsa ng enerhiyang kosmiko ay nababaradohan.
Sa ibang salita, ang ating mga pag-iisip ay ang hadlang para sa malakas
na pag-agos ng enerhiyang kosmiko. Kapag ang pag-agos ng enerhiyang
kosmiko ay mas mababa, ang tubo ng enerhiya ay nauubos. Ang pag-kaubos
na ito ay nagiging sanhi ng mga etherikong pagkahiwalay hiwalay ng
enerhiya sa katawan. Itong etherikong pagkahiwalay hiwalay ay
dahan-dahang humantong sa mga sakit ng pisikal na katawan. Sa
meditasyon, makukuha natin ang masaganang enerhiyang kosmiko.
Dumadaloy ito sa lahat ng ating mga tubo ng enerhiya kapag ang
enerhiyang kosmiko ay dumadaloy patungo sa tubo ng enerhiya dahil sa
mabigat na daloy nito, nililinis nito ang lahat ng mga etherikong
pagkahiwalay hiwalay. Kapag nalilinis ang etheriko nating katawan
gumagaling tayo sa lahat ng karamdaman.
Kapag nagsimula na ang
mabigat na pagdaloy ng enerhiya sa pamamagitan ng bahay ng kaluluwa,
makakaramdam tayo ng bigat upang magsalita. Huwag magsalita o bumigkas
ng anumang mga orasyon magpahinga lamang lubos na pagpapahinga,
mapahinga i-krus ang iyong mga binti, pagyakaping ang iyong mga daliri,
ibabaw ang enerhiya at magbigay ng higit pang katatagan. Ang mga mata ay
pintuan ng isip kaya dapat itong nakapikit. Ang anumang pagsasalita ay
mga gawain ng isip, kaya dapat itong itigil.
Kapag ang
katawan ay nakakapag-relaxs, ang ating kamalayan ay maglalakbay sa
susunod na lugar ng ating isip at talino. Ang kaisipan ay walang iba
kundi isang bugkus ng mga iniisip, at maraming kaisipan ang laging
dumarating sa rehiyon ng ulo o sa bigat ng buong katawan. Kapag ang
enerhiya ay naglilinis ng mga tubo ng enerhiya sa isang partikular na
rehiyon. Maaari tayong makaramdam ng pangangati o sakit sa isang
rehiyon, minsan maaari nating maranasan ang sakit sa iba't-ibang mga
lugar ng ating pisikal na katawan. Para sa ganoong sakit hindi natin
kailangan uminom ng kahit anong gamot. Lahat ng sakit na ito ay mawawala
sa pamamagitan ng karagdagang meditasyon. Sa pamamagitan ng paggamit ng
higit pa at mas maraming enerhiyang kosmiko sa pamamagitan ng
meditasyon mawawala ang lahat ng pisikal at mental na sakit. Kung tayo’y
magmemeditasyon sa loob ng pyramid ang estado ng meditasyon ay maaaring
makamit ng tatlong beses pang mas mabilis kaysa sa normal.
Upang mahanap ang permanenteng liwanag sa ating buhay ang bawat na
panloob na pag-iisip ay dapat na malinis na may magandang saloobin at
pag-uugali. Ang mga saloobin at pag-uugaling ito ay hindi dapat
naiimpluwensyahan sa pamamagitan ng anumang iba pang mga panlabas na mga
kadahilanan. Ang ating isip at katawan ay dapat na nasa ilalim ng
kontrol lamang kapag ang pananaw natin ay positive, manabik nang labis
para sa mahusay na mga bagay at malaman ang dahilan ng ating
kapanganakan ang pagka-alam tungkol sa ating sarili at ang kahulugan
kung bakit nandito tayo sa daigdig. Ang araw ay nagbibigay ng liwanag sa
lahat ng nilalang para makagawa ng kabutihan para sa kanilang sarili at
para sa mga nilalang sa kaniyang paligid. At dahil tayo ay bahagi ng
kalikasan, dapat nating maunawaan ang bawat isa at ang lahat ng tungkol
sa Kalikasan. Ang liwanag ay isang paraan ng Pag-ibig kung saan
kinakailangan ito ng bawat isa upang mabuhay ng maligaya hanggang sa
ating huling hininga.
Pag-aralan naman natin ang tungkol sa pyramid
at ang kapangyarihan ng pyramid. Ang pyramid ay ang pinaka-matatag na
istraktura na nakatanggap ng pinakamataas na enerhiyang kosmiko sa
mundong ito. Ang pyramid ay naka-porma sa isang anggulong 52 degrado 51
minuto at dahil sa anggulong ito, na natatanggap nito ang pinakamataas
na energhiyang kosmiko. Ang pyramid ay maaaring itinayo sa anumang
materyal. Ang materyales na gagamitin ay walang pagkakaiba sa pagtanggap
ng enerhiyang kosmiko. Ang pyramid ay dapat nakahanay sa perpektong
direksyong kardinal - hilaga, timog, silangan at kanluran. Ang
enerhiyang kosmiko kukuha at maiipon sa 1/3 taas mula sa base ng
pyramid. Ang lugar na ito ay kilala bilang silid ng hari. Ang enerhiyang
kosmiko ay pinaka-mataas at pinaka-malakas sa silid ng hari. At
kumakalat ito sa buong pyramid.
Ang paglalagay ng kristal sa
tuktok ng pyramid, ay nagpapalakas at namamahagi ng enerhiyang kosmiko
sa buong pyramid. Ang walang iniisip na estado ay tatlong beses mas
mabilis mararating ng isang tao kung ginagawa niya ang meditasyon sa
loob ng pyramid. Ang pyramid ay maaaring gamitin para sa komunikasyon na
may mas mataas na frequencies. Ang Meditasyon sa pyramid ay
nakakatulong sa pagpapagaling at para sa lahat ng mga karanasan sa
meditasyon.
Ang meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili.
Dahil dito dapat nating malampasan ang ating katawan at kaisipan. Sa
pamamagitan ng kumportableng pustura. Ang ating katawan ay lubos na
nakakapag-relaks at ito ay nakakatulong para makalakbay tayo sa
kamalayan ng ating katawan. Sa pamamagitan ng pag-obserbahan sa ating
normal na paghinga ating malalampasan ang ating katawan at kaisipan doon
na dadaloy ang enerhiyang kosmiko. Ang enerhiyang kosmiko ay nag-aalis
at naglilinis ng lahat ng mga sakit sa ating katawan. At dahil doon
tayo ay magiging malusog nang walang anumang gamot.
Kapag mas
maraming enerhiyang kosmiko ang nakukuha lahat ng mga tensiyon at
pagkapagod ng isip ay nababawasan. Habang laging nagsasagawa ng
meditasyon, ang isip ay nagiging kalmado at nagkakaroon ng mas maraming
espasyo. Ito ay humahantong sa mas mataas na kapangyarihan ng memorya.
Ang patuloy ng pagsasagawa ng meditasyon ay humahantong sa mas mataas na
mga kakayahan sa pang-unawa at ito ay humahantong sa magandang personal
na relasyon. Pinahuhusay ng meditasyon ang kaligayahan ng buhay ng
pamilya. Ang kaisipan ay magiging panatag. Ang meditasyon ay tumutulong
sa atin upang maging malusog at maligaya. Ang meditasyon ay makakatulong
sa atin na makakuha ng mas maraming mga sagot sa lahat ng ating mga
katanungan. Upang makamit ito ang pagsasagawa ng meditasyon ay dapat
maisagawa ng araw-araw. Ang meditasyon ay maaaring gawin sa alin mang
lugar. Ang meditasyon ay maaaring gawin sa anumang oras, kahit na sa
panahon ng isang paglalakbay. Sa pagsasagawa ng meditasyon, dapat itong
gawin sa tagal ng oras na katumbas sa iyung edad.
Halimbawa,
ang isang 30 taon gulang na tao ay dapat gumawa ng meditasyon ng hindi
bababa sa sa 30 minuto sa isang sesyon. Hindi mo kinakailangang iwan ang
pamilya mo para makapag meditasyon sapagkat dapat din nilang gawin ito
na magkakasama kayo. Ang mga bata ay magandang matutong mag meditasyon.
Maaari silang magsimula ng meditasyon sa edad na 5. Para sa meditasyon
hindi mo kinakailangang maghanap ng pisikal na guru / master. Ang Guru
ang master ay nasa iyong loob. Ang iyung hininga ay ang iyung guru. Ang
iyong hininga ay ang iyong maestro. Ito ay para sa lahat.
BAHAGI 2
Ang meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili. Para magawa ang
meditasyon dapat tayong lumampas sa ating katawan at kaisipan. Kapag
nalagpasan natin ang ating katawan at kaisipan maaabot natin ang ating
sarili. Saka natin matatangap ang masaganang enerhiyang
kosmiko. Kapag mas marami ang ginagawang meditasyon ang ating kaalamang
sa sarili ay mas lumalawak. Ngayon, subukan natin at unawain kung ano
ang kaalaman? Ang meditasyon ay magdadala sa iyo sa daigdig ng mas
mataas na kaalaman. Ang Kaalaman ay walang iba kung hindi ang
karanasan. Ang Karanasan ay walang iba kung hindi ang kinasasangkutan at
nararanasan ng iyong sarili. Sa pamamagitan ng madalas na pagsasanay
at pagsasagawa ng meditasyon tumatanggap tayo ng mas mataas na
enerhiya.Kapag tayo ay merong mas mataas na enerhiya ang mas mataas na
paglahok ay ating nakakamit sa bawat aspeto ng ating buhay na
humahantong sa mas mataas na kaalaman. Sa pamamagitan ng kaalaman
makakakuha tayo ng mas mataas na-pang-unawa at karunungan. Sa ganitong
pag-unawa mauunawaan natin na hindi lamang tayo nabubuo ng katawan at
kaisipan.
Nauunawaan natin na tayo ay isang mahimalang nilalang.
Nauunawaan natin na ang lahat ng mga sitwasyon na dumating sa atin at
ang lahat ng ating mga problema na ating nalalagpasan ay dahil sa mas
mataas na pang-unawa. Ang mas mataas na enerhiya at ang mas mataas na
kaalaman ay nagpapalawak ng ating kamalayan. Ang pagpapalawak ng ating
kamalayan ay ang pinaka-layunin ng ating sarili. Ang mas mataas na
kaalaman ay nakukuha lamang sa pamamagitan ng mas mataas na mga pandama
tulad ng Third Eye at katawang astral. Ang ikatlong mata ay isang
napakalakas na kasangkapan ng kaluluwa upang makakita, makadama at
makarinig ng mas mataas na prikwensiya ng mga realidad at katotohanan.
Ang tatlong kasangkapan ng kaluluwa ay kilala bilang "ikatlong mata".
Sa pamamagitan ng pagsasanay at pagsasagawa pa ng higit pang
meditasyon mas maraming enerhiya ang dumadaloy kapag mas maraming
enerhiya ang dumadaloy nagiging aktibo ang ikatlong mata. Ito ay isang
napaka-gandang karanasan sa panahon ng meditasyon sa oras ng aktibasyon
ng ikatlong mata makakaramdam tayo ng sensasyon ng pangangati o o
sensasyon ng panlalamig sa rehiyon ng noo. Unti-unti tayong makakakita
ng iba't ibang mga kulay na umiikot sa ating paligid. Makakarinig tayo
ng tumutunog na mga bulong, maririnig natin ang tunog ng paglalakad.
Nararamdaman natin na parang naglalakbay tayo sa isang madilim na
lagusan. Kapag ang ating katawang eteriko ay nakakatanggap ng sapat na
energhiyang kosmiko sa pamamagitan ng mas madalas na meditasyon ang
third eye natin ay nagiging perpekto. Rito ay makikita natin ng mas
malinaw ang mga pangitain. Kapag perpekto na ang thirdeye makikita natin
ang mas maraming bagay ng mas malinaw pa sa pisikal na mga pangitain.
Makikita natin ang realidad ng ibang tao, makikita natin ang mga bagay
na hindi makikita sa mundo ng limang pakiramdam.
Orasyon upang makatanggap ng malalim na meditasyon:
Nakakaramdaman tayo ng maraming mga bagay na hindi natin maaaring
ipahayag sa mga salita. Nakakarinig tayo ng mga panloob na boses, tunog o
tunog ng mga instrumento mula sa iba pang mga prikwensiya. Nakikita
natin ang mga Masters kahit wala ang kanilang pisikal na katawan.
Nakikita natin ang mga Masters sa isang pisikal na kaanyuang ayon sa
ating pagkakaalam. Pagkatapos ng mas maraming meditasyon, unti-unti
nating makikita ang mga masters na tulad ng "Maliwanag na ilaw", kahit
na sa pamamagitan ng nakikita nating maliwanag na ilaw alam nating ito
ang pagkakakilanlan ng ating mga masters. Maririnig natin ang mga
mensahe mula sa mga Masters. Nararamdaman natin ang pagpunta natin sa
isang lagusan at sa wakas ay sumasama na tayo sa liwanag.
Ang Ilaw ng Katawan
(Lucas 11:34-36)
22 "Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong
paningin, maliliwanagan ang iyong buong katawan. 23 Ngunit kung malabo
ang iyong paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At
kung ang liwanag mo'y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman."
Ang Ilaw ng Katawan
(Mateo 5:15)(Mateo 6:22-23)
33 "Walang nagsisindi ng ilaw upang itago lamang iyon, o
kaya'y ilagay sa ilalim ng malaking takalan. b Inilalagay ang ilaw sa
talagang patungan upang matanglawan ang mga pumapasok sa bahay. 34 Ang
iyong mata ang ilawan ng iyong katawan. Kung malinaw ang iyong mata,
maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata,
ang buo mong katawan ay mapupuno ng kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka,
baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala. 36 Kung
nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim,
magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo."
Sa pamamagitan ng karanasan sa third eye o ikatlong mata alam natin
na maaari tayong makakuha ng mga kasagutan para sa lahat ng ating mga
problema sa pamamagitan ng mga mensahe mula sa Masters, o sa pamamagitan
ng pagtingin sa iba pang prikwensiya ng realidad ng katotohanan o
pamamagitan ng pakiramdam. Sa pamamagitan nito, ang ating mga pagkilos
ay magbabago. Ang ating mga paniniwala ay magbabago, ang ating
pang-unawa ay magbabago. Pagkatapos ng ating karanasan tungkol sa
ikatlong mata makikita natin ang mga pagbabago sa ating pagkaunawa ng
mga pisikal na kalagayan. Ngayon, atin naming alamin ang iba pang
kasangkapan ng ating sarili iyan ang katawang astral.
Hebreo 2: 1-4
Ang Dakilang Kaligtasan
1 Kaya nga, dapat nating panghawakang mabuti ang mga
katotohanang narinig natin upang hindi tayo maligaw. 2 Ang mensaheng
ipinahayag ng mga anghel ay napatunayang totoo, at sinumang lumabag o
hindi sumunod dito ay tumanggap ng kaukulang parusa. 3 Gayundin naman,
paano tayo makakaiwas sa parusa kung hindi natin pahahalagahan ang
napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon ang unang nagpahayag ng
kaligtasang ito, at ang mga nakarinig sa kanya ang nagpatunay sa atin na
ito'y totoo. 4 Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda
at ng iba't ibang himala, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu
Santo na ipinamahagi niya ayon sa kanyang sariling kalooban.
to awaken the sixth sense (intuition, instinct, etc)
Orasyon
Bahagi ng sagradong aklat 27
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento