Galacia 6: 1-18 Magtulungan sa Pagdadala ng Pasanin
Galacia 6: 1-18
Magtulungan sa Pagdadala ng Pasanin
1 Mga kapatid, kung may makagawa ng kasalanan, kayong
pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo iyon nang
mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. 2 Magtulungan
kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay
matutupad a ninyo ang utos ni Cristo. 3 Dahil inaakala ninyong kayo'y
nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong
sarili. 4 Suriin ng bawat isa ang kanyang sarili. Magalak siya kung
mabuti ang kanyang ginagawa, huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng
iba, 5 sapagkat ang pananagutan ng bawat isa ay ang kanyang sariling
gawain.
6 Dapat bahaginan ng lahat ng mga pagpapalang tinatamasa ng mga tinuturuan ang mga nagtuturo ng salita ng Diyos.
7 Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung
ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 8 Ang sumusunod
sa nasa ng kanyang laman ay mag-aani ng kapahamakan. Ngunit ang
sumusunod naman sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan. 9
Kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang
panahon tayo ay aani kung hindi tayo magsasawa. 10 Kaya nga, sa lahat ng
pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga
kapatid natin sa pananampalataya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento