Nakatagong kaalaman at sikretong karunungang
Narito
ang pag-aaral tungkol sa mga nakatagong kaalaman at sikretong
karunungang itinago sa maraming panahon, maging sa mga ordinaryong
sangkatauhan. Matutunan ang makapangyarihang pang-gagamot, ang pinansyal
na kaginhawahan, ang matibay na pag-mamahal sa pamilya man at mga
kaibigan.
Matutunan ang paggamit ng “Kapangyarihan ng mas mataas na
antas ng sarili, at ang mas mataas na antas ng kamalayan, na mayroon sa
bawat nabubuhay na nilalang kung saan binibigyang daan sila upang
mamuhay ng perpekto.”
Sa pamamagitan ng patuloy na pananalangin at
pagsasagawa ng mga disiplinang ito, makakabuo tayo ng isang kapansin
pansing walang hanggang kapangyarihan.
Isang kapangyarihang higit
pa sa ating kamalayan at katawan, maging ang kakayahang at
kapangyarihan mas mataas upang mapasunod ang ibang tao para sa kanyang
ikabubuti. Gamit ang kapangyarihang ito mailalagay natin ang ating
sarili at ang ibang tao sa estado kung saan magkakaroon tayo ng
perpektong husay, kalusugan, pagkakasunduan, kaligayahan at kapayapaan
sa ibang at alagaan ang mga katangiang ito na sa panahon ngayon ay
tinatawag nating “tagumpay.”
Ang sikreto ay ang tumingin sa kaloob
looban. Dapat nating isaisip na ang ating katawan ay isang templo kung
saan naninirahan an ating Panginoong Diyos. Naniniwala kami na ang
kabanalan ay nasa bawat isa sa atin, at ang Diyos ay nasa ating mga
sarili, kung kaya’t kahit saan man tayo pumunta dapat kasama natin ang
Diyos sa kaibuturan ng ating buong pagkatao.
Mayroon tayong
pilosopiya na nagpapahalaga sa buhay at nagtuturo sa mga tao kung paano
nila mapapalakas ang kanilang potensyal upang pigilan ang karamdaman,
sakit, pighati, kalungkutan, at ang hindi mabilang na kundisyon na hindi
naman kinakailangan sa ating buhay, kung susundin lamang natin ang
Divinong daan patungo sa kabanalan.
Ang aming banal na pilosopiya
ay nagtuturo sa mga tao kung paano nila kokontrolin ang sarili nilang
buhay, kung paano irespeto at alagaan ang kanilang katawan at kung paano
mararating at mapapanatili ang kumpletong estado ng kalusugan at
balanse, nang sa gayon gaya ng ating mga ninuno, magagawa nating magsaya
sa mas mataas na antas ng ating pagkatao.
Isa itong banal na
pilosopiya na pangkalahatan, kung saan ang sansinukob, ang mundo at ang
sangkatauhan ay magkakaugnay at dumedepende sa isa’t isa, kung saan ang
ating kalusugan ay dumedepende sa iba at gayon din kung paano ang iba ay
dumedepende sa atin.
Ang mga sinaunang tao ay nagturo sa atin kung
paano tayo mamumuhay na magkakatugma sa pamamagitan ng magkakaibang
level ng ating di matukoy na enerhiya, kasama na ang kapangyarihan at
pwersa ng mundo, sansinukob at ibang tao.
Sa pamamagitan ng
pag-eensayo ng mga banal na pilosopiya, matutuklasan natin na ang
malakas na kapangyarihan ay nasa loob ng bawat nilalang, at ang ating
isip at katawan ay nagtataglay ng sariling natural na kapangyarihan,
isang kapangyarihang kayang lumagpas at humamon, gumamot ng karamdaman
at rumesolba sa mga sitwasyong kinalalagyan ng mga tao.
Matutuklasan natin ang daan patungo sa kabang-yaman kung saan ang lahat
ng solusyon sa ating problema ay naka-imbak, kung saan ang pinakamalalim
na tanong ay mabibigyang kasagutan.
Ito ay isang pinagmumulan ng
impormasyon na nangagaling sa atin mismong kaloob looban, isang boses
na galing sa mas mataas na antas ng ating sarili na nakikipag-usap sa
atin.
Madidiskubre din natin na habang ineensayo natin ang mga
sining na ito at nilalakbay ang ating daan, ay mararating ang isang
tiyak na punto kung saan wala nang iba pang posibleng pag-unlad kundi
ang gamitin natin ang ating karanasan upang makinabang ang ibang tao at
ibahagi ang sikretong kaalaman sa kanila para sa ikabubuti ng kanilang
pamumuhay.
Kung kaya’t dapat nating ilaan ang ating sarili upang
turuan ang iba na mayroong matinding pagnanais na marating ang banal na
daan.
Ang aming mga estudyante ay tinuturuan din na ipamahagi ang karunungan, upang ang buong sangkatauhan ay makinabang.
Sinasabing ang ilang nangungunang matandang kaluluwa ay pinukaw upang
mag-bahagi at magturo ng mga nakatagong aral at kaalaman na
kinakailangan ng kanilang kapwa lalake at babae sa isang partikular na
oras sa kanilang kasaysayan. Ito ang pumukaw sa mga indibidwal kung
saan ang kanilang kaluluwa ay bumalik sa matataas na antas ng pag-unlad
mula sa mataas na antas ng kakayahan, upang magdala ng mensahe at
magbigay ng serbisyo doon sa mga may mas mababang antas ng pag-unlad.
Sila ay namuhay para sa mga taong nasa paligid nila at sila ay nasa
katauhan ng mga propeta, pari, clairvoyants at guro.
Ang ating mga
sagradong aklat ay nagtataglay ng kaalamang subok na, natatago at
natagpuang tunay sa loob ng libo libong taon. Hindi nga lang lahat ay
pinapayagang magkaroon ng kopya nito upang maingatan ang lihim na
kaalaman at karunungan.
Upang marating ang pinakamainam na
kalusugan, ang mga sinaunang “Divine Masters” ay gumagamit ng iba’t
ibang uri ng malalim na relaxation, paghinga, visualization at
meditasyon, kasabay ang sagradong orasyon; ehersisyo sa kaisipan at
galaw ng katawan, kasama na ang pagpapatibay ng espesyal na katangian ng
kaisipan at isang kakaibang paraan ng pagpopokus.
Ang mga
pamamaraang ito ang magdadala sa atin upang makamtan ang tila
“superhuman powers.” Sa mga hindi nakakaalam ng “Divine Techniques” mali
nilang tinatawag ang kapangyarihang ito na “supernatural,” bagama’t ang
tanging supernatural na bagay tungkol dito ay ang pagkakaiba ng
pag-intindi sa realidad at kung ano ang maaring makamit, ito ay natural
na paraan ng buhay at mas mataas na antas ng kamalayan na pinagsama sa
napakataas na pag-unawa sa kabanalan at ang pagamit ng ating isipan, mga
sikretong orasyon, ritwals at katawang laman.
Dito ay malalaman mo
kung ano ang dapat mong maging negosyo, ano ang nararapat na trabaho,
ano ang dapat na kurso sa kolehiyo, sino ang back stabber o naninira sa
iyo ng patalikod, kung magkakahiwalay kayo ng iyung asawa o kasintahan,
kung ang dahilan ba ng pagkakahiwalay ay dahil ginamitan siya ng gayuma,
kung nag sisinungaling ang isang tao, kung nararapat mong kunin ang
serbisyo ng isang tao, kung ang partner mo sa negosyo ay hindi magbabago
kapag lumaki na ang inyong negosyo at marami pang iba na nakasulat sa
sagradong aklat 1.
Natuklasan ng ating mga Divine Masters na ang
buhay ay maaring pahabain, maiwasan, mapigilan ang mga sakit at
malagpasan ang mga pagsubok. Ang ating teknik ay naging paraan na ng
pamumuhay, naging isa sa bumubuo ng basehan upang magkaroon ng isang
buong pormula para maging matagumpay. Ang ating kaalaman para
magtagumpay sa iyung ninanais sa buhay ay ipapalaalam at ibubunyag sa
iyo sa pamamagitan ng mga sagradong aklat.
Ang ating mga teknik ay
subok at napatunayan na. Ang tuloy tuloy na pagamit ng mga paraang ito
ay sagisag ng aming pagiging mabisa. Ang mga solusyon sa iba’t ibang
problema na hinaharap natin ngayon ay nakahimlay sa ating mga sarili.
Ating muling diskubrehin ang karunungan ng ating mga divine masters at matuto mula sa kanila.
Ibinunyag nila na posible para sa ating lahat na makamit ang mas
maraming bagay sa mas mataas na antas na pamantayan, sa mas maikling
oras at hindi kinakailangang magdulot pa ng stress, sapagkat tayong
lahat ay isang makapangyarihang nilalang na nagtataglay ng natural na
kapangyarihan na walang hangganan kung saan magagawa nating matagpuan
ang mundong ating hinahanap.
Ang tunay na “Divino Member” ay isang
nilalang na natututo ng sikreto kung paano paikutin ang araw-araw na may
maganda man o pangit na sitwasyon, para sa kanilang benepisyo.
Ang sikretong ito ay ang kapangyarihang magpokus sa iyong intensyon o tinatawag na “power of intentional divine focus.”
Habang binabasa mo ang mga pahina ng mga sagradong aklat , umaasa
akong gagamitin mo ang katalinuhang ito sa pang-araw araw na buhay.
Para sa iyong pangmatagalang tagumpay, ang susi ay ang araw-araw na
pagamit nito. Ang magiging pangkalahatang resulta ay ang kasiyahan sa
pagawa ng mas maraming bagay sa mas maikling oras, mas kaunting
pagsisikap at ang pagkakamit ng mas magandang resulta.
Nagkaroon
ka nang malinaw na desisyon at pagsisikap upang umpisahang basahin ang
mga sagradong aklat , ako ay nasasabik at binigyan mo ako ng pribilehiyo
upang ituro sa iyo ang pinakamahusay mula sa aking mga natutunan.
Walang anumang bagay ang nagkataon lamang; ito ay itinadhana, kung
kaya’t sundan mo ang agos nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento