Lunes, Hunyo 17, 2013

Bahagi ng sagradong aklat 41



Bahagi ng sagradong aklat 41
Naniniwala tayo na ang lahat ay mayroon pangarap.  Naniniwala tayo na sa kailaliman ng ating kaluluwa ay mayroon tayong isang espesyal na regalo na makakapagpabago sa ating sarili at sa ating kapwa tao.
Maihahatid natin at mahihipo sa isang especial na paraan ang emosyon at damdamin ng isang tao upang mapuno ang mundo ng pagmamahalan, pagmamalasakit at pagpapala. Ito ang nilalaman ng sagradong aklat 41.
Gisingin ang higante Sa loob ng iyong pagkatao.
Ang buhay ay alinman sa isang walang takot na pakikipagsapalaran o takot makipagsapalaran. . Ang bawat maling pagtatangka na iniwaksi ay isang hakbang pasulong. Sa loob ng ating pagkatao nanahan ang mga nakahimlay na kapangyarihan, mga kapangyarihan na magpapamangha sa atin na hindi kailanman natin pinangarap ang pagkakaroon. Mapapalakas pa ito sa pamamagitan ng mga panalangin, ritwals at orasyon.

Mga Lakas at pwersa na magpapabago ng lubusan sa ating buhay kung ito ay ginising at ilagay sa aksyon. Iibahagi natin ang banal na mga estratehiya at mga diskarte na positibong  huhugis sa ating mga buhay kaya  dapat natin mai-tuon na makagawa ng isang bagay na pinakamahusay para sa ating mga buhay.

Pangarap na kapalaran

Ang taong matatag ay naniniwala sa tadhana, ang taong salawahan ay naniniwala sa baka sakali. Lahat tayo ay may pangarap ... lahat tayo  ay naniniwala na sa kailaliman ng  ating  kaluluwa ay mayroong isang espesyal na regalo, na maaaring makatulong upang makagawa ng pagkakaiba, na maaari nating mahawakan ang ibang tao  sa isang espesyal na paraan, at  maaari nating magawang magandang lugar ang mundo.

Minsan sa ating buhay, lahat tayo ay nagkaroon ng isang pangitain para sa kalidad ng buhay na gusto natin at karapat-dapat. Ngunit, para sa marami sa atin, ang mga pangarap ay nababalutan ng kabiguan at Kinabihasnang gawain sa araw-araw ng ating buhay na hindi na kailangang gumawa ng pagsisikap upang matapos ang mga ito. At dahil sa karamihan, ang pangarap ay napaparam at kasama niya, ang kalooban sa paghubog ng ating kapalaran.

Marami ang nanawalan ng pakiramdam ng kasiguruhan na lumilikha ng kalamangan sa pagkapanalo.  Ang ating mga layunin sa buhay ay maibalik ang pangarap at matupad ang mga ito, upang makakuha ang bawat isa sa atin na tandaan at gamitin ang walang limitasyong kapangyarihan na namamalaging natutulog sa loob ng ating pagkatao.

Lahat ng ating mga nakalipas na kabiguan at pagkabagsak ay ang aktwal na paglalatag ng mga pundasyon para sa pang-unawa na nalikha natin ang bagong antas ng pamumuhay.

Alam natin na lampas sa anino ng pagdududa, mayroon tayong mga banal na impormasyon, mga diskarte, pilosopiya, at mga kasanayan na maaaring tumulong sa atin upang mabigyan ng kapangyarihan ang ating sarili para magawa ang mga pagbabago na ating ninanais.

Gumawa na tayo ng mga desisyon upang baguhin ang ating mga buhay magpakailanman. Dapat nating baguhin ang bawat maling aspeto ng ating buhay. Hindi na tayo kailanman dapat manatili sa mas mababang kalagayan kaysa sa maaari nating maabot. Dapat nating matutunan at mapakinabangan ang prinsipyo na tinatawag na kapangyarihan ng konsentrasyon at mga makapangyarihang orasyon.

Karamihan sa mga tao ay walang mga ideya sa higanteng kapasidad nila na maaaring atasan agad. Kapag ating itinuon ang lahat ng ating mga mapagkukunan sa pagdadalubhasa sa isang solong katalinuhan ng ating buhay gamit ang banal na kaalaman sa aklat na ito.

Ang kontroladong pokus ay katulad ng isang sinag ng laser na maaaring humiwa sa anumang bagay na mukhang pumipigil sa atin. Kapag tayo ay nakatuon sa pagpapabuti ng anumang bagay, nabubuo natin ang natatanging mga pagkakaiba sa kung paano gumawa ng bagay na mas mahusay.

Ang isang dahilan kaya kakaunti sa atin ang kumakamit ng kung ano ang talaga nating pinapangarap  ay dahil hindi  kailanman puro at idirekta ang ating pagtuon; hindi natin naitutuong mabuti ang ating kapangyarihan.
Karamihan sa mga tao ay nagkakawkaw ng kanilang daan sa buhay, hindi kailanman magpasyang maging experto sa isang particular na bagay.  

Sa katunayan, karamihan sa mga taong nabibigo sa buhay ay inuuna ang mga bagay na hindi dapat unahin. Isa sa pangunahing aral sa ating buhay ay ang pag-aaral upang maunawaan kung bakit natin ginagawa ang ating ginagawa. Ano ang humuhugis sa pag-uugali ng isang tao?
Ang mga sagot sa tanong na ito ang magbibigay ng mga kritikal na susi sa paghubog ng ating sariling kapalaran.

Ang ating buong buhay ay patuloy na tumutungo sa isang, napupuwersang pokus: Ano ang lumilikha ng pagkakaiba sa kalidad ng buhay ng isang tao? Paanong madalas na mangyaring ang isang taong mula sa dukhang simula at sirang karanasan ay nakakaraos at gumiginhawa. At kahit ganoon ang pinangalingan ay nakakalikha ng buhay na ating hinahangaan at pumupukaw sa ating pagkatao.



Sa kabaligtaran, bakit marami sa mga ipinanganak sa pribelihiyong lugar, may kayamanan para mag-tagumpay sa kanilang mga kamay ay nagiging matataba, masakitin, bigo at madalas gumon sa kalayawan tulad ng alak at droga?
Ano ang ginagawa ng ilang tao upang ang buhay nila ay maging halimbawa at iba ay maging babala? Ano ang lihim upang makalikha ng magiliw, masaya, at nagpapasalamat na buhay sa marami, habang para sa iba ay iwasan ang maaaring mangyari?"

"Paano natin maisagawa ang agarang kontrol sa ating buhay? Ano ang maaaring gawin ngayon na maaaring makagawa ng isang pagkakaiba-na maaaring makatulong sa atin at sa iba para mai-hugis ang ating kapalaran? Paano natin palalawakin, matutunan, mapalago, at mai-bahagi ang mga kaalaman na sa ibang tao sa isang makabuluhan at kasiya-siya paraan? "

Kailangan nating bumuo ng isang paniniwala. Tayong lahat ay dapat mag-ambag ng isang bagay na natatangi,
ang bawat isa sa atin ay may malalim at nakatagong espesyal na regalo. Lahat tayo ay may higanteng natutulog sa loob ng ating pagkatao.
Ang bawat isa sa atin ay may talento, isang regalo, ang ating sariling likas na talino na naghihintay na ma-tapik. Maaaring isang talento para sa sining o musika. Maaaring isang espesyal na paraang may kaugnayan sa mahal mo sa buhay. Maaaring isang likas na kakayahan para sa pagbebenta
o pagtuklas ng bagong produkto o pakikipag-ugnayan sa iyong negosyo o sa iyong karera.

Ang ating Diyos ay hindi lumikha ng paborito, lahat tayo ay nilikhang walang katulad, ngunit may katumbas na mga oportunidad para makaranas ng buhay na sagana.

Ang pinakamahalagang paraan para magpalipas ng ating buhay ay mamuhunan sa isang bagay na nagtatagal. Kailangan nating mag-ambag ng ilang mga paraan at karunungan na magtatagal makalipas ang mahabang panahon.

Mayroon tayong hindi kapani-paniwalang pribilehiyo ng pagbabahagi ng ating lihim na kaalaman, mga ideya at mga damdamin sa mas maraming tao hangga't makakaya natin. Ngayon ay mayroon tayong mga natatangi at mabuting kapalaran ng pagbabahagi ng pinakamahusay na kaalaman galing sa sagradong aklat na ito.

Sa pamamagitan ng lahat ng ito, tayo ay magpatuloy upang makilala ang indibidwal na kapangyarihan na kailangang baguhin ang halos anumang bagay at lahat ng bagay sa ating mga buhay. Matutunan natin na may mapagkukunan tayo ng ating kailangan upang matupad ang ating mga pangarap na nasa loob ng ating pagkatao, at wala na ang paghihintay para sa mga araw ng pagpapasya upang gisingin at kunin ang nararapat para sa atin.  

Isinulat  ang sagradong aklat na ito para sa isang kadahilanan: upang maging instrumento ng pag-gising na hahamon sa mga taong nagpasiyang mamuhay ng masagana at maayos , lalong gumagamit sa kapangyarihang ibinigay sa kanila ng Dios. May mga ideya at mga diskarte sa sagradong aklat na ito na tutulong sa iyo upang makabuo ng espesipiko, nasusukat, pang-pangmatagalang pagbabago sa iyong sarili at sa iba.

Ang iyong pagnanais na palawakin ang iyong kaalaman at kapangyarihan ay nagdala sa iyo upang basahin ang sagradong aklat na ito. Ito ang hindi nakikitang kamay na gumagabay sa iyo. Anuman ang kasalukuyang kalagayan mo sa buhay gusto mo pang mapaunlad at mapalawak ito.

Hindi mahalaga kung gaano ka ka-asenso o kahusay, sa loob ng iyong pagkatao nakahimlay ang isang paniniwala na mapapalawak mo pa ang iyong karanasan sa buhay at magiging mas mataas pa ito higit sa kasalukuyang kalagayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento