Bahagi ng sagradong aklat 26 brod nest
Bahagi ng sagradong aklat 26 brod nest
Ang mga pamamaraang ito ang magdadala sa atin upang makamtan ang tila
“superhuman powers.” Sa mga hindi nakakaalam ng “Divine Techniques” mali
nilang tinatawag ang kapangyarihang ito na “supernatural,” bagama’t ang
tanging supernatural na bagay tungkol dito ay ang pagkakaiba ng
pag-intindi sa realidad at kung ano ang maaring makamit, ito ay natural
na paraan ng buhay at mas mataas na antas ng kamalayan na pinagsama sa
napakataas na pag-unawa sa kabanalan at ang pagamit ng ating isipan, mga
sikretong orasyon, ritwals at katawang laman.
Dito ay malalaman mo
kung ano ang dapat mong maging negosyo, ano ang nararapat na trabaho,
ano ang dapat na kurso sa kolehiyo, sino ang back stabber o naninira sa
iyo ng patalikod, kung magkakahiwalay kayo ng iyung asawa o kasintahan,
kung ang dahilan ba ng pagkakahiwalay ay dahil ginamitan siya ng gayuma,
kung nag sisinungaling ang isang tao, kung nararapat mong kunin ang
serbisyo ng isang tao, kung ang partner mo sa negosyo ay hindi magbabago
kapag lumaki na ang inyong negosyo at marami pang iba na nakasulat sa
sagradong aklat 1.
Natuklasan ng ating mga Divine Masters na ang
buhay ay maaring pahabain, maiwasan, mapigilan ang mga sakit at
malagpasan ang mga pagsubok. Ang ating teknik ay naging paraan na ng
pamumuhay, naging isa sa bumubuo ng basehan upang magkaroon ng isang
buong pormula para maging matagumpay. Ang ating kaalaman para
magtagumpay sa iyung ninanais sa buhay ay ipapalaalam at ibubunyag sa
iyo sa pamamagitan ng mga sagradong aklat.
Ang ating mga teknik ay
subok at napatunayan na. Ang tuloy tuloy na pagamit ng mga paraang ito
ay sagisag ng aming pagiging mabisa. Ang mga solusyon sa iba’t ibang
problema na hinaharap natin ngayon ay nakahimlay sa ating mga sarili.
Ating muling diskubrehin ang karunungan ng ating mga divine masters at matuto mula sa kanila.
Ibinunyag nila na posible para sa ating lahat na makamit ang mas
maraming bagay sa mas mataas na antas na pamantayan, sa mas maikling
oras at hindi kinakailangang magdulot pa ng stress, sapagkat tayong
lahat ay isang makapangyarihang nilalang na nagtataglay ng natural na
kapangyarihan na walang hangganan kung saan magagawa nating matagpuan
ang mundong ating hinahanap.
Ang tunay na “Divino Member” ay isang
nilalang na natututo ng sikreto kung paano paikutin ang araw-araw na may
maganda man o pangit na sitwasyon, para sa kanilang benepisyo.
Ang sikretong ito ay ang kapangyarihang magpokus sa iyong intensyon o tinatawag na “power of intentional divine focus.”
Habang binabasa mo ang mga pahina ng mga sagradong aklat , umaasa
akong gagamitin mo ang katalinuhang ito sa pang-araw araw na buhay.
Bahagi ng sagradong aklat 26 brod nest
Para sa iyong pangmatagalang tagumpay, ang susi ay ang araw-araw na
pagamit nito. Ang magiging pangkalahatang resulta ay ang kasiyahan sa
pagawa ng mas maraming bagay sa mas maikling oras, mas kaunting
pagsisikap at ang pagkakamit ng mas magandang resulta.
Nagkaroon
ka nang malinaw na desisyon at pagsisikap upang umpisahang basahin ang
mga sagradong aklat , ako ay nasasabik at binigyan mo ako ng pribilehiyo
upang ituro sa iyo ang pinakamahusay mula sa aking mga natutunan.
Walang anumang bagay ang nagkataon lamang; ito ay itinadhana, kung
kaya’t sundan mo ang agos nito.
Ang Pangkalahatang Pangangailangan Sa “Divine Focusing”
Ang lahat ng tao ay nangangailangan ng pokus, ang nanay, tatay at mga
anak, ang mga estudyante, ehekutibo, mga may bahay, ang mga nagretiro
na, ang lahat ng mga nilalang na ito ay kailangan mag pokus. Habang ang
karamihan sa pagpopokus ay hindi sinasadyang napupunta sa isang
negatibong pagpopokus.
Kakaunting tao lamang ang nakakayang
magpokus ng may intensyon. Kahit na ang mga taong may karanasan na sa
pagpopokus sa isa o iba pang paraan, sa kabuuan ay wala silang magandang
pag-intindi sa konsepto. Ang ilan ay hindi kayang kopyahin ang
kanilang pagpopokus upang maisagawa ang kanilang nais, at inaasa na
lamang sa kanilang kapangyarihan. Sapagkat ang personal na tagumpay ay
isang paraan para makamit ang pandaigdigang tagumpay, kung ang isang
nilalang ay maraming personal na tagumpay, sa negosyo man o sa iba pang
organisasyon magkakaroon siya ng kakayahang ipamahagi sa iba ang
tagumpay na iyon. Ang lahat na ito nararapat magsimula sa isang
nilalang na nagtataglay ng magandang lebel ng kapangyarihang dalhin ang
sarili, kalusugan at pagkatao. Ito rin ay kusang aagos upang ang mga
negosyo at organisasyon ay mapabuti. At ang resulta nito ay ang
benepisyo sa buong daigdig, ngunit ang lahat ng ito ay nakasalalay sa
kakayahan ng isang tao na mag pokus sa kaniyang intensyon ng mabilis at
sa paraang kanilang nais. Ang tagumpay ng komunidad ay dumedepende sa
abilidad nang pagpopokus.
Ang Pinanggalingan Ng Mga Inpormasyon
Ang nilalaman ng aklat na ito ay nagmula sa malawak na uri ng personal
at propesyonal na karanasan. Ginamit ko rin ang kaalamang ipinasa sa
akin ng napakaraming divine teachers. Dahil sa ang Divine teachings ay
nauna pa sa pagsusulat ng mga kasaysayan, karamihan sa mga pagtuturong
ito ay ipinasa sa akin mula sa salita ng mga guro patungo sa mga
estudyante, sa napakahaba nang panahon. At dahil bukas ang aking
ikatlong mata ay na veverify ko ang tamang orasyon at kapangyarihan na
eksakto para sa isang problema at situwasyon.
Sa tradisyong ito,
kakaunti lamang sa mga estudyante ang napili bilang nararapat na
maturuan ng katalinuhan at kasanayang ito. Ang karunungang natanggap ko
ay pinatibay pa nang aking malawak na panaliksik sa paksang ito.
Nagsagawa rin ako ng maraming pakikipanayam, pagtalakay at personal na
obserbasyon kasama ang mga taong may iba’t iba ring karanasan at
pinangalingan, propesyon at lebel ng kasanayan. Ang personal na
karanasan ng mga tao ay inihabi sa mga sagradong aklat na ito.
Ang
nilalaman ng aklat na ito ay personal ko nang nasubukan at nagamit
maging ang mga teknik at konsepto na itinuturo dito. Ang lahat ng ito ay
nag-ambag sa aking personal na kapakanan. Nakaya kong lampasan nang
matagumpay ang maraming pagsubok sa pamamagitan ng pagamit ng Divine
focusing techniques. At ang naging resulta nito, ang aking pagiging
mapagpakumbaba at mapagpasalamat ay tuloy-tuloy na nagpatibay sa akin at
habang buhay na itong magpapatuloy.
At ang mga karunungan nakatago
rito ay nagamit at nasubukan na epektibo ng mga miembro na doctors,
attorneys, mga malalaking negosyante, mga mag asawa, estudyante,
inhinyero, mga politico, mga nag oopisina at maging ng mga ordinaryong
tao.
Ang malalim na karunungan at malawak na karanasan na nakamit
ko gamit ang natural na panggamot ay naging direktang resulta nang
pagamit ng kapangyarihang magpokus. Gamitin mo ang mga teknik na nasa
aklat na ito at ikaw din mismo ay makikinabang.
Ang Super lihim na
kaalaman ay hango sa karunungan ng mga taga silangan at kanluran,
maging ng sinaunang divinong manggagamot.
Bahagi ng sagradong aklat 26 brod nest
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento