SAGRADONG AKLAT 30 AT ANG KAPANGYARIHAN NG PAG-DIDIVINO Part 2 (GREAT WHITE DIVINO FELLOWSHIP)
SAGRADONG AKLAT 30
AT ANG KAPANGYARIHAN
NG PAG-DIDIVINO Part 2
(GREAT WHITE DIVINO FELLOWSHIP)
By Brod Nest in Divino Third Eye Fellowship/Sagradong Aklat
Ang daan ng buhay Divino:
Narito ang pag-aaral tungkol sa mga nakatagong kaalaman at
sikretong karunungang itinago sa maraming panahon, maging sa mga
ordinaryong sangkatauhan. Matutunan ang makapangyarihang pang-gagamot,
ang pinansyal na kaginhawahan, ang matibay na pag-mamahal sa pamilya man
at mga kaibigan.
Matutunan ang paggamit ng “Kapangyarihan ng mas
mataas na antas ng sarili, at ang mas mataas na antas ng kamalayan, na
mayroon sa bawat nabubuhay na nilalang kung saan binibigyang daan sila
upang mamuhay ng perpekto.”
Sa pamamagitan ng patuloy na
pananalangin at pagsasagawa ng mga disiplinang ito, makakabuo tayo ng
isang kapansin pansing walang hanggang kapangyarihan.
Isang
kapangyarihang higit pa sa ating kamalayan at katawan, maging ang
kakayahang at kapangyarihan mas mataas upang mapasunod ang ibang tao
para sa kanyang ikabubuti. Gamit ang kapangyarihang ito mailalagay natin
ang ating sarili at ang ibang tao sa estado kung saan magkakaroon tayo
ng perpektong husay, kalusugan, pagkakasunduan, kaligayahan at
kapayapaan sa ibang at alagaan ang mga katangiang ito na sa panahon
ngayon ay tinatawag nating “tagumpay.”
Bahagi ng sagradong aklat 30 Brod nest
Layunin, Plano, Prayoridad
Sinabi ng mga DTEF Masters na ang layunin ay katulad ng isang
mangingingisda na nagpaplano sa pamamagitan ng pag-aaral sa kundisyon ng
mga isda at tubig, at nagbibigay prayoridad sa pagkukumpuni ng kanyang
bangka at lambat.
Layunin
Ang ating layunin ay ang dahilan natin
kung bakit tayo nabubuhay. Ito ay ang ating Dharma(enlightenment) o ang
batas ng kalikasan, isang salitang patuloy pa ring ginagamit sa panahon
ngayon na nakapaloob sa sinaunang salita ng mga Indiano, ang Sanskrit.
Ang ibig sabihin nito ay “kalinisang-puri”, responsibilidad, o “ang
tamang aksyon” na kung saan ito ay ang tamang pagsisikap sa tamang
direksyon. Ito ay ang pag-gawa nang alinsunod sa ating tungkulin. Ito ay
sumusunod sa ating paghatol o pagpapasya kung sa paanong paraan nating
pipiliing mabuhay, ang ating paghahayag, konsensya at ang tuntunin ng
ating pag-uugali. Ang tatlong poste na sumusuporta sa Dharma ay ang
nararapat na pinakamataas na pamamaraan na ating gawin habang sinusunod
natin ang kagyat na pangangailangan ng ating kaluluwa, at isaalang-alang
ang pangangailangan nito upang pahusayin pa ito sa susunod na
pinakamataas nitong pagbabago.
Hanapin at sundan ang iyong layunin.
Sundin kung saan ka tunay na tinatawag ng iyong buhay, ito ay isang uri
ng espirituwal na pagpupunyagi. Ito ang iyong kapalaran, ang iyong
Dharma – ang pundasyon na sumusuporta, nagpapatibay, at nagbibigay
sustansya sa buhay.
Ang bawat isa sa atin, ano man ang ating
posisyon o trabaho sa buhay, ay mayroong Dharma. Ang atin ay maaring
iba o kabaliktaran kumpara sa iba. Ang isang manggagamot na nagbabalik
ng buhay ay kabaliktaran sa isang sundalong pinagkakatiwalaang idepensa
ang kanyang bansa sa pamamagitan ng pagbubuwis ng kanyang sariling
buhay.
Sa pamamagitan ng pagtukoy sa ating Dharma, ang ating
kapangyarihan ay mas lumalakas. Tayo ay nagtatagumpay kapag tayo ay
nakatuon, may dedikasyon, totoo, may sinseridad at tapat sa ating
tungkulin kung saan tayo tinawag upang gumanap, kahit na ang tungkuling
iyon ay hindi kaaya-aya, importante o makahulugan sa isang partikular na
bahagi ng ating buhay. Ang mismong pagtanggap o pag-ganap dito sa
pinakamahusay nating abilidad, sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng
lahat ng ating makakaya para sa isang tungkulin, ay isang mabuting
Dharma.
Gaya ng isang mangingisda, na sumusuko sa natural na pwersa
na nakapaligid sa atin at tinuturuan tayo mula sa maraming aral ng
buhay. Ang pinakamagandang kaluguran at kasiyahan na matatanggap natin
mula sa ating pagiging masikap at hindi makasariling pagpapagod ang
magpapaunlad sa ating buong buhay, at kapalit nito ay ang paghahanda sa
atin na tanggapin ang higit na tagumpay at pagkamit ng mga hangarin.
Ang natural na kapaligiran ng Dharma, ay ang espirituwal na ebolusyon
na gumagamit ng buong pwersa. Ang bawat kaluluwa ay nabubuo sa
pamamagitan ng mga karanasan mula sa kahapon habang naglalatag ng isang
pundasyon para sa kinabukasan. At kung ikaw ay maniniwala sa muling
pagkabuhay, maari kang sumang-ayon kay Yogi Ramacharaka na ang buhay ay
hindi lamang ang pananatili nang ilang taon sa pisikal na katawan, kundi
ang kaluluwa ay mayroong hindi mabilang na kahapon ng pamumuhay at
kasama nito ang kabuuan ng walang hanggan, ang kaluluwa ay nasa patuloy
na paglalakbay sa walang katapusang pataas at paikot-ikot na daan.
Ang ating Dharma ang tumutukoy kung nasaang bahagi na tayo ng ating
ebolusyon. Binibigyan tayo nito ng bagay na ating magagamit para sa
isang ulirang paraan ng pag-uugali habang tayo ay dumaraan sa landas ng
ating buhay, upang tulungan tayo makapunta sa daan patungo sa
pinakamataas na bahagi ng ating pag-unlad at pagsulong.
Ang ating
layunin, ang ating Dharma, ay ang ilaw ng ating landas. Ito ang nagiging
lakas upang tulungan tayong manatili sa ating dinaraanan at matamo ang
ating nilalayon.
Pagpaplano
Kung sa gayon ang mangingisda ay nagpaplano sa pamamagitan ng pag-aaral sa kundisyon ng tubig at isda.
Makikita natin sa ating paligid ang kakulangan sa direksyon. Ang isang
indibiduwal, matanda man at bata, ay nakakaranas nito, gayon din ang
ilang mga negosyo, gobyerno at iba pang organisasyon. Sa masusing
pagsisiyasat, nadiskubre naming na ang pagpaplano ay laging nawawala.
Isiping mabuti na ang pag-unlad ay hindi magagawa, maging ang tagumpay
ay hindi matatamo, kung hindi ka maglalaan ng oras sa pagdidisenyo ng
iyong landas. Upang magkaroon ng mataas na pagtalon, magtakda ng
mahihirap na layunin at aksyonan ito kaagad; ang pagtatakda ng mahihirap
na layunin ay hahatak sa iyo sa mga makabagong paraan ng pag-iisip at
pagawa, at hihikayat patungo sa tugatog nang mahusay na paganap.
Mag-isip ng malalim tungkol sa iyong plano, idokumento ang mga hakbang
na dapat gawin, sa pinaka-tamang pagkakasunod-sunod. Siyasating mabuti
at muling suriin ang iyong plano hanapin ang mga kamalian, asahan na ang
mga problemang maaring lumitaw, at isama na rin ang mga bagong ideya na
makakatulong upang pagandahin pa ang plano. Ang mga sumusunod ay ang
labing tatlong hakbang na dapat isaalang-alang kapag nagsusulat ng
plano:
1. Magtakda at tukuyin ang isang malinaw na layunin.
2. Hatiin ito sa sunod-sunod at maliliit na hakbangin na maaring makamit.
3. Idokumento at inbestigahan ang mga pamamaraan o aksyon na kailangan upang makuha ang bawat hakbang.
4. Alamin na ang mga maaring maging kalalabasan nito.
5. Piliin ang pinakamagandang ruta.
6. Magpokus lamang sa mga positibo; baliwalain o pigilin ang mga negatibong aksyon.
7. Maglaan ng dapat magawa sa bawat petsa ng buwan, oras at hangganan, sa bawat hakbang.
8. Tulugan ito. Importanteng itabi muna ang iyong plano, upang bigyan
ang iyong sarili ng oras para pag-aralan itong mabuti at maisaisip ang
plano bago ito isagawa.
9. Sa pagsasagawa nito hayaang maghari ang iyong mga enerhiya.
10. Bantayan ang pagsulong nito. Busisiin ang bawat metodohiya o aksyon at gumawa pa ng kinakailangang pagpapa-igi rito.
11. Manindigan. Upang makuha mo ang pinili mong pupuntahan, ikaw ay
dapat ang mismong maging plano, upang ang buong pokus mo ay nakalaan
upang maging matagumpay ang iyong plano.
12. Tanggapin ang maaring kahinatnan. Ang pagsisisi ay para lamang sa mangmang.
13. Pag-aralang muli ang kinahinatnan.
Bahagi ng sagradong aklat 30 Brod nest
Upang makuha ang pinakamagandang benepisyo sa paggamit ng kapangyarihan
ng intensyonal na pagpopokus sa pagpaplano, maging ang pakay mo man ay
ang pataasin ang iyong kasanayan sa araw-araw na pamumuhay o ang
pagkakamit ng iyong mga pang-matagalang layunin, kailangan mong gawing
parte ng iyong buhay ang pagpaplano. Kailangan mong isabuhay ito sa
bawat sandali.
Maglaan ng tahimik na oras sa pagpaplano nang maaga
para maihanda ang iyong sarili ng buong-buo. Idetalye maigi ang iyong
plano at programa sa pamamagitan ng pag-gamit ng enerhiya gaya ng
pag-iisip, imahinasyon, pakiramdam at kakayahang malaman ang mga maaring
mangyari. Pagsamahin ang iyong mga layunin doon sa mga taong
maapektuhan ng maaring kalabasan nito. Itugma ang iyong mga plano sa
mga plano nila. Minsang sinabi ni Abraham Lincoln na kung mayroon siyang
anim na oras upang putulin ang isang puno, gagamitin niya ang unang
apat na oras upang patalimin ang palakol. Ang mga sinaunang Intsik na
mga maestro ng martial arts ay alam na kapag sila ay nasa matandang edad
na, ang mas pinahusay na paghatol at matalim na isipan ay kinakailangan
upang mapanatili ang lebel ng kanilang kasanayan.
Alam din nila na
ang emosyonal na kakalmahan kaysa sa husay pangpisikal at lakas, ang
kanilang magiging tagapagligtas sa situwasyon ng buhay o kamatayan.
Magkaroon ng malinaw na mapa ng daang tatahakin. Suriin ang iyong
kasalukuyang posisyon kasunod ng iyong mga layunin. Tingnan ang mga
magiging pagsubok na maaring nasa iyong daraanan at intindihin ang
pagsisikap at sakripisyo na kakailanganin gawin upang makuha ang bawat
ambisyon o layunin. Panatilihing maikli at risonable ang oras na
ilalaan rito, sapagkat ang pangmatagalang ambisyon o layunin ay maaring
hind imaging makatotohanan at nakakababa ng inspirasyon o motibasyon.
Ang pag-alam sa mga maaring mangyari sa plano ay tumutulong sa isang
tao na mas makapagplano ng mas maaga sa kanyang pinopokus. Kung alam mo
na ang iyong gagawin at kung bakit, kailan at paano at mayroon kang
magagandang ideya kung ano ang dapat asahan sa iyo, sa gayon
masisigurado mo na magagawa mo ito sa paraang makakapag bigay
inspirasyon ka sa tamang reaksyon at inaasahan ng ibang tao mula sa iyo.
Kung ang reaksyon at ang inaasahan sa iyo ng iba ay hindi malinaw, ang
isang taong pokus ay inaalam na kung ano ang maaring reaksyon at aasahan
sa kanya kapag dumating ang oras at siya ay handang handa para rito.
Ang pagiging pokus ay ang pag-alam rin kung ano ang reaksyon na
inaasahan mo mula sa iyong sarili.
Prayoridad
Gaya ng isang
mangingisda na nagbibigay prayoridad sa pagkukumpuni ng kanilang bangka
at lambat, dapat mong gawin at unahin ang pinakamahalagang bagay.
Hatiin ang iyong mga layunin sa maliliit na bahagi, sa pirasong
mapapangasiwaan at matatamo. Magbigay prayoridad dito sa pamamagitan ng
pag-aayos sa kanila nang may lohikal na pagkakasunod-sunod. Magbigay ng
tamang ayos o pagkakasunod-sunod sa bawat yugto ng iyong plano at ito
ang iyong magiging struktura. Kalkulahin ang iyong kakailanganin upang
magawa ang bawat yugto, at alamin kung paano mo gagawin ang bawat
tungkulin. Ang isang hakbang sa bawat isa ang iyong tuntunin, at ipokus
ang bawat isang hakbang.
Gamitin ang iyong mga enerhiya upang ito
ay gumalaw. Hayaang ang aksyon ng iyong pisikal na organo ang maghari.
Magsimula sa pinakaunang tungkulin. Sa buong hakbang na ito,
panatilihin ang mga mata sa buong larawan ng plano at sa dulo nito.
Gamitin ang anumang magagamit hakbang isinasagawa ang iyong plano.
Magtiwala sa iyong mga madaraanan, ang karunungan ng silanganan ay
nagtuturo na ang lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan. Ihanay ang
iyong sarili sa natural na batas.
Pangasiwaan ang bawat bahagi ng
pagsasagawa nito. Suriin ang bawat hakbang kung ito ay nagawa at
nakumpleto na at ikalugod ang iyong pagsisikap. Magpasalamat sa iyong
sarili at sa iyong mas mataas na antas ng sarili sa pagbibigay sa iyo ng
kapangyarihang papangyarihin ang mga bagay. Ito ay magpapataas sa iyong
pagtitiwala, gigisingin nito ang iyong motibasyon at palalakasin ang
iyong loob upang makuha ang ninanais. Ang pananatiling tapat sa iyong
sarili sa positibong paraan ay tutulong sa iyo upang matuto mula sa
iyong pagkakamali at pipigilan ka nitong lumihis sa tamang daan.
Pag-aralang muli ang bawat hakbang upang palakasin pa nito ang iyong
pokus, at ang kapangyarihan ng iyong kalooban ay manatili.
Ang buong larawan
Tingnan ang buong larawan kapag ikaw ay nag-iisip ng isang layuning
inaasahan mong makamit. Sundan ang daang iyon. Suriin ang iyong sarili,
ilipat ang iyong enerhiya kung kinakailangan at ikunsidera ang lahat ng
posibilidad at pagpipilian na makikita mo habang tinatahak ang daan.
Magpanukala ng malinaw at tumpak sa layuning nais makamit. Ito ay dapat
mapanatili ng tapat sa iyong isip sa lahat daraanang bahagi ng
pagsasagawa mo nito, na kadalasan ay mahaba at pasikut-sikot na proseso.
Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagdedesisyon kung ano ba talaga ang
iyong nilalayon, ito ay ang pagpili ng isang kagustuhan para sa iyong
layunin na sa tingin mo ay ang pinaka kapaki-pakinabang, at magdesisyon
upang itaguyod ito. Iwasan ang mapusok na aksyon na kadalasan ay
nagkakamali at ikunsidera ang lahat ng anggulo bago ang iyong pinal na
desisyon. Pagkatapos ay itabi ito at tulugan ng ilang araw. Kapag buo na
ang loob mo sa iyong desisyon, magkaroon ng lakas ng loob na talikuran o
ipagpaliban ang ibang posibilidad.
Inererekomenda naming ang
araw-araw na manatiling totoo sa iyong sarili, gaya lamang ng araw-araw
ninyong pagdarasal, sa pamamagitan ng pagtanggap sa iyong sarili ng mga
opinion, idea o paniniwala, ito ay magsisilbing paalala upang gawing
aktibo at siguruhin ang patuloy na pagbabago o pag-unlad ng malikhaing
enerhiyang kinakailangan upang masiguro ang pagkakamit ng layunin.
Ang pagiging tunay sa sarili sa araw-araw ay tutulong sa iyo upang
magkaroon ng malinaw na pagtingin sa iyong layunin. Ang pagdedeklara ng
mga idea o suhestiyon ay dapat nasa anyo ng pagiging tiwala sa iyong
mga sinasabi, at ang mga salitang gagamitin ay dapat personal at dapat
nasa anyong pangkasalukuyan, gaya ng, “Ako ay mahusay sa aking
trabaho”.ang pinaka epektibong mga resulta ay makukuha kapag ang layunin
mo ay inuulit mo sa paraang ikaw ay may intensyong makamit ito, gaya ng
tiwalang pagpapahayag natin tungkol sa ibang tao, gaya rin ng
pagdarasal ng ibang tao.
Ang pagdedesisyon ay may kasamang
pagpapakawala ng ating mga kagustuhan o target. Ang isang pagsasantabi
ay dapat gawin, ito ay ang pagtanggal ng ibang bagay sa ating daraanan.
Upang makakuha ng isang bagay, kailangang handa tayong pakawalan ang
ibang bagay. Gaya ng kung gusto mong magkaroon ng balingkinitang
katawan, kailangan mong pakawalan ang mga pagkaing matataba o tigilan
ang pagkain ng sobra. Kung gusto mo ng magandang pigura ng katawan
kailangan mong bitawan ang komportableng pag-upo mo sa iyong magandang
upuan.
Ang taga-pulot ng basahan
Mahalagang iwasan ang
pagtatakda ng layuning hindi kayang abutin ng ating abilidad. Sa ibang
salita, magtakda ng layuning makatotohanan at maaring makamit. Ito ay
tinatawag na teknik ng limitasyon at ginagamit mo ito sa pamamagitan ng
pagtatakda ng tiyak na limitasyon.
Ang istorya ng taga-pulot ng basahan, ay minsang kinewento sa akin ng isang dating kaibigan.
Sa Makati, may isang taga-pulot ng basahan, isang batang lalaki, na
nagpupulot ng tumpok ng basura upang mabuhay. Ang layunin nya ay
makakuha ng maliit na piraso ng tela upang ilagay sa kanyang paa sa
kanyang higaan upang hindi ito lamigin sa batong sahig. Dahil sa sobrang
kagustuhang magkaroon nito, isinalarawan niya sa kanyang isipan at
humiling siya nang tatlong beses sa isang araw, sa araw-araw. Gaya ng
isang himala, nakakuha siya ng piraso ng tela bago pa man ang tag-ulan.
Sa kabilang bahagi ng Makati, isa pang batang lalaki, na baguhan sa
kanyang trabaho sa isang malaking department store. Sa pamamagitan ng
risonableng edukasyon at suporta ng pamilya, ginagamit nya ang parehong
teknik na ginamit ng taga-pulot ng basahan at humiling siya na makuha
ang posisyong mataas sa kaniyang kumpanya. Makalipas ang tatlumpung taon
siya na ang naging managing director ng department store.
Ang
istoria ay nagtuturo na ang parehong kalalakihan na handa para sa mga
bagay na gusto nila. Importanteng tandaan na ang kapangyarihang ng
pagsasalarawan sa isipan ng isang bagay na ninanais ay maaring
nakapagbigay sa isang taga-pulot ng basahan ng mataas na posisyon sa
isang department store ngunit malamang na hindi nya magampanan ng maayos
ang kanyang trabaho, at malamang na mawala sa kanya ang lahat. Gayon
din, ang baguhang empleyado na may magandang edukasyon ay hindi
magtatagal bilang isang taga-pulot ng basahan. Kung kaya’t karapat dapat
lamang na tanggapin ang ilang bagay na gusto mong makuha ay hindi mo pa
nakakamit sa ngayon, maging sa hinaharap o maging sa buong buhay mo.
Huwag kang humingi ng sobra-sobra para sa iyong sarili. Ang matalinong
pagsusuri sa iyong kasalukuyang situwasyon ay mahalaga. Magsikap para sa
susunod na bagay na posibleng maabot mo na iyong nais o inaasam-asam.
Ang iyong kagyat na pagnanais ay ang pag-abot sa unang hakbang papunta
sa solusyon na hinahanap o para sa iyong pangarap, sa huli, ang hagdan
upang mas umunlad ay akyatin ng dahan dahan, isang hakbang sa isang
pagkakataon.
Makikita mo na ang pagtatakda ng tiyak na limitasyon,
ginagamit natin ang ating pangloob na pwersa, ang pangloob nating
kapangyarihan. Bagamat, kapag kaya na natin gamitin ang kapangyarihang
ito, maaring magkaroon ng tukso upang ikonsidera ang hindi
makatotohanang mga posibilidad, kung kaya tayo ay dapat maging listo sa
pagamit ng mga teknik ng limitasyon. Ang teknik na ito ay napakahalaga.
Pinipigilan tayo nito upang sumobra at magkaroon ng hindi makatotohanang
mga layunin, ito ay magpapanatili sa atin sa tamang daan papunta sa
nararapat nating puntahan, at tutulong din ito upang maiwasan ang mga
negatibong resulta.
Emosyon
Habang patungo ka sa pagkakamit ng
iyong mga layunin, ikaw ay maiimpluwensyahan o maaepektohan ng iba’t
ibang klase ng emosyon. Ang matitinding emosyon ay maiaalis o masusugpo
sa pamamagitan ng pag-uugali, isipan o aksyon.
Sa umpisa, sa
pamamagitan ng iyong kagustuhan, mabubuo mo ang lakas ng iyong kalooban
sa pagkokontrol ng malumanay na pagkabagabag ng emosyon.
Mahalagang
kilalanin kung anong mga emosyon ang nakakaapekto sa iyo. Maglaan ng
ilang sandal upang making at makiramdam kung ano ang nangyayari sa loob
mo. Ang matutong huwag mag-alala sa mga walang halagang emosyon ay isang
magandang simula. Sa pamamagitan ng pagkontrol sa iyong sarili
matututunan mong buwagin ang pag-aalala, takot at galit. Napag-alaman
kong ang pag-gunita sa kadahilanan ng emosyon ay nakakatulong sa atin
upang harapin ang mismong emosyon.
Ang mga emosyon ay enerhiya na
gumagalaw, ito ay pagpapahayag ng mga enerhiya. Bagamat, tinatawag ito
ng mga sinaunang Intsik na “inner evils”, sila rin ay itinuturing na
“driving forces”. Sumasalamin ito sa pagpapalakad ng ating isipan at
katawan at kasama ng iba pang mahiwagang enerhiya na gumagawa para
mapanatili ang ating balanse. Dumadaloy sa atin at nagdadala sa atin
upang gawin ang kung anumang kinakailangan upang mapanatili ang balanse
sa pagitan ng ating isipan at ng pisikal na kalusugan, ang emosyon ay
pamamaraan upang ihayag ang ating mga sarili. Ang pagpigil sa ating
emoyson ay maaring magdulot ng pagbabara ng ating Chi ang mahalagang
enerhiya, at maaring magresulta ng pagkakaroon ng sakit.
Ang
salitang “emotion” ay nag-ugat sa salitang “motion”. Kung kaya’t ang
emosyon ay isang enerhiya na buhay na buhay na nagpapahayag, at
kasalukuyang nararamdaman ngayon, sa halip na sa kasalukuyan. Wala
tayong pangkasalukuyang emosyon. Bagaman, hindi natin ito alam, iniisip
na natin ang ating magiging emosyon bago pa man natin ito maranasan,
kung kaya’t mababago mo at makokontrol mo ang iyong emosyon sa
pamamagitan ng pag-sasaayos ng iyong isipan. Ang musika ay ginagamit rin
upang itama at ituon sa ibang bagay ang iyong emosyon. Ang dramatikong
tugtugin galing sa partikular na instrumento gaya ng trumpeta, ay
nakakaapekto sa ating pisikal, ang malakas na tunog nito ay
nakakapagpataas ng ating espirito. Ang malumanay na musika ay nakakapag
palambing sa mga taong nalulugod rito.
Kahit na ang emosyon ay ang
pwersang nagmamaneho sa atin, mahalagang walang emosyon ang ating isip
at katawan kapag tayo ay nagpopokus, upang masiguro na walang hahadlang
sa atin. Ito ay isang paraan upang maging posible ang pagtingen natin sa
lahat ng bagay, sa buong larawan, sa kung paano ito, at hindi
natatabunan ng ulap na madilim dahil sa ating mga emosyon.
Kapag pinapanatili mo ang iyon layunin sa iyong isipan, mahalagang pakawalan at alisin ang lahat ng emosyon.
Ang linaw ng isip at paghatol ay nasisira ng matitinding emosyon gaya
ng takot, galit, pagkasabik o kahit ang pagsabog at di makontrol na
emsoyon. Ang emosyon ay kailangan bilang parte ng ating pagkatao; ito
ang tunay na ikaw. Ngunit, ang ating pagiging klaro ay naaapektohan
kapag hinayaan nating masakop tayo ng ating emosyon. Sa gayon ang
pagiging maestro ng ating emosyon at ang pagkakaroon ng kontrol sa
sarili ang pinakamahalaga. Ang pagbaklas sa matitinding emosyon ay
importante dahil hindi tayo makakapag-isip ng malinaw, nang lohikal o
nang tama kung ang estado ng ating emosyon gaya ng galit at kalungkutan
ay naririyan. Ang sidhi ng ating emosyon ang pumipigil sa atin upang
makapag-isip ng mahinahon at napipigilan rin nito ang pagkontrol sa
ating pisikal na katawan, upang tayo ay makaganap sa ating
pinakamahusay. Maliban rito, makinig tayo sa ating puso at kaluluwa,
magpokus tayo sa katangiang ating nararamdaman kaysa sa aktuwal na gusto
mong makita. Hayaang ang mataas na antas ng iyong sarili ang gumawa ng
huling anyo. Maging malinaw, maging sigurado at huwag maging
pabago-bago. Huwag magpalit ng isipan ng madalas. Sa halip hayaang ang
mga enerhiya ang magpalit sa iba’t ibang anyong pinili nila.
Mayroong magagandang emosyon na nagbibigay sa atin ng gantimpala. Itong
emosyong ito ay nagbibigay ng pakiramdam ng kaligayahan, kaluguran at
nakakapag bigay ng pakiramdam na ikaw mismo ang may kontrol. Gayundin,
may mga emosyon na binabalaan tayo upang makinig sa ating isip at sa
ating katawan at magsagawa ng tamang aksyon, kung hindi, mawawala tayo
sa kontrol at hindi tayo magiging produktibo o tayo’y hindi magiging
mabisa. Ang sumusunod ay ilan sa mga halimbawa. Ang sakit ay tiyak na
mabubuo mula sa mga emosyon na hindi balanse o kinokontrol.
Ang
mabubuti at magagandang emosyon o damdamin na ginagantimpalaan ay ang
mga sumusunod: pag-ibig, pagmamalasakit, lubos na kaligayahan,
pakikiramay, kahabagan, pagkasabik, pagtitiwala, pag-uusisa, at
determinasyon.
Ang emosyon o damdamin na nagbababala sa atin ay ang:
pagkabalisa, takot, pagkabigo, kakulangan, tensyon, galit, pagkamuhi,
pagkakasala, inggit, at kalungkutan.
Ang Emosyon o damdamin ay
maaaring mag-ligtas ng ating buhay. Halimbawa ang emosyon ng pagkatakot,
lalo kung may banta sa ating buhay ay maaaring magpatakbo sa atin nang
mas mabilis at mas malakas kaysa sa normal na kaya nating gawin.
Ngunit, ang emosyon ay maaari ring magkaroon ng negatibong epekto, tulad
ng kapag nasa sports, ang iyong paglalaro at pakikipagtunggali ay
pumapangit at nagbabago kapag tayo ay galit at may pakiramdam ng
pagka-bigo.
Sa kanlurang medisina, ang proseso ng damdamin at
kaisipan ay iniuugnay sa utak. Sa tradisyonal na silangang medisina,
kinikilala ang damdamin at kaisipan bilang bahagi na bumubuo sa
operasyon o pagpapatakbong mekanismo ng lamang panloob na bahagi ng
katawan.
Ang mga sinaunang mangagamot ay nagsasabing ang mga
emosyon ay masasamang kalooban o masasamang damdamin, na
nangangahulugang kailangan nating kontrolin at balansehin ang mga ito.
Ito ay isang sanhi ng kawalan ng balanse kapag ito ay labis,
pangmatagal na o kulang at sobra. Ang Tradisyunal na pang-gagamot, ay
nakabatay sa mga batas ng kalikasan, na nagtuturo na ang enerhiya sa
iba't-ibang bahagi ng katawan ay apektado kung masyadong mahina o
masyadong malakas ang isang uri
ng damdamin. Ika nga ang masakit na
bahagi ng katawan ay sanhi ng nauugnay na damdamin nito na nahahayag sa
di pag-kontrol ng emosyon. Samakatuwid, ang estado o kalagayan ng isang
bahagi ng katawan ay makaka-apekto sa damdamin, at ang mga emosyon ay
makakaapekto sa estado ng mga bahagi ng katawan ng isang tao.
Ang
Puso ay kaugnay sa kagalakan at hilig sa mga kalugurang pangkatawan, ang
lapay ay sa pag-aalala, pakikiramay, pagugunita at depresyon. Ang baga
ay sa kalungkutan, ang mga bato ay konektado sa takot at sorpresa, at
ang atay ay sa galit, pagkabigo at pagkamayamutin. Kapag ginamit nang
tama, ang emosyonal na sistema ay isang napaka-kapaki-pakinabang na
kasangkapan. Nasa ibaba ang maikling mga halimbawa ng epekto ng mga
emosyon sa ilang bahagi ng ating katawan.
Bahagi ng sagradong aklat 30 Brod nest
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento